Share

Chapter 2

Penulis: Thrinine
last update Terakhir Diperbarui: 2021-08-05 19:09:26

IKATLONG

TAUHAN

“Selene”

ISANG linggo na ang nagdaan.

Isang linggong walang tumatawag na ‘anak’ sa kanya.

Isang linggo na rin ang nakararaan magmula noong masalpok ang kanyang ama ng ambulansya.

Walang saysay.

Walang kabuluhan.

Mistulang walang hanging sumisirkulo sa kanyang katawan. Nagmistula siyang bangkay.

Nakahiga ang kanyang katawan sa malamig na sahig sa gawing kanan ng kanyang higaan: walang imik, walang isinasambit.

Nagdaan ang isang linggong iyon na nagmumukmok lamang siya sa puwestong iyon: tanging lugar na siyang kanyang naapakan.

Parang tinakasan ng lakas ang kanyang mga paa’t namamaga ang kanyang mga talampakan.

Nanatiling ’di nagagalaw ang kama niyang nasa maayos pang lagay. Tanging gilid lamang na bahagi nito ang basang-basa na ng pinagsamang luha’t laway niya.

Maging ang pinagkainan niya kagabi’y ’di niya pa naililigpit: natitira ang buto ng manok at ilang butil ng kaning nanigas na.

Tila’y tumatakbo ang oras ngunit napag-iiwanan siya ng mga lumilipas na segundo.

Inilibot niya ang kanyang paningin: dumako iyon sa minyaturang basag at kinukulang na ng kamay, nakalapag iyon sa nakikitang parte sa ibaba ng kabinet.

Walang gana niyang inabot iyon at marahang inilakbay ang kanyang mga daliri roon. Tahimik na dinama ang ilang alikabok na yumakap doon.

Nilinis niya ang luhang lumandas sa kanyang kaliwang mata.

’Gaya ng huling tanaw niya sa kanyang kuya ang tagal ng huling pagdampi ng kanyang daliri sa minyaturang iyon.

Ni hindi na niya mabilang kung ilang taon na ang nakalilipas.

Basta’t ang alam niya—napakatagal na niyon.

Napahigpit ang kapit niya roon. Iyon ang una’t huling regalong natanggap niya sa kanyang ama . . . maging sa sinuman sa kanilang pamilya.

Patay na ang taong natira na naging sandigan niya sa loob ng labingtatlong taon.

Wala na, patay na ito.

Bagaman buhay pa naman ang kanyang ina, kahit kailan ay hindi niya naramdaman ang pagiging isang magulang nito sa kanya.

Ni hindi man lang siya nito nagawang bisitahin sa kanyang silid o ’di kaya’y kinamusta man lang sa lumipas na mga araw.

Ni hindi niya nga alam kung nagluksa ba ito sa pagkamatay ng kanilang haligi.

Hindi niya alam kung may paki pa ba ito.

Parang wala lang, para bang hindi kagitla-gitla: isang normal na pangyayari lamang ang lahat.

Marahan ngunit may bahid ng inis siyang napatawa.

Sabagay, wala naman itong puso.

Pinahiran niya ang luha na muling lumandas mula sa kanyang mga mata’t napasinghot na lamang.

Muli niyang inilublob ang kanyang mukha sa kanyang mga tuhod.

Mugto na ang kanyang dalawang mata sa kaiiyak at malalalim na rin ang ilalim nito. Wala sa ayos ang kanyang nakalugay na buhok at hindi iyon nakatali kagaya ng nakagawian niya.

Wala na siyang alintana sa kanyang ayos: ang tanging inaalala niya na lamang ay ang aksidenteng nangyari.

Lubos-lubusan ang pagsisising pumapaligid sa kanyang dibdib. Ayaw niya mang maniwala na siya ang may gawa no’n, hindi magbabago ang katotohanang kanyang mga palad ang tumulak sa walang kamalay-malay niyang ama.

Siya ang tumulak dito . . . wala nang iba.

Ilang sandali pa’y tatlong magkakasunod na katok ang kanyang narinig. Kaagad niyang binitiwan ang hawak na minyatura.

Inangat niya nang kaunti ang kanyang ulo bago nagbigkas. “Pasok.”

Bumukas ang pinto at tumambad sa kanya ang walang reaksyong pagmumukha ng kanyang ina.

“Mag-ayos ka. May pupuntahan tayo,” utos nito.

Isang tango lamang ang kanyang isinukli bago nito nilisan ang silid.

Hindi na siya nagsayang pa ng oras at tumayo bago tinungo ang banyo. Hinubad niya ang lahat ng kanyang saplot at saka na dinama ang lamig ng tubig na nagsimulang umakap sa kanyang balat.

Kasabay ng pagtulo ng mga butil ng tubig sa kanyang katawanay ang unti-unting pagbalik ng mga alaala sa nangyari sa kanyang ama.

Gusto niyang umiyak muli ngunit tila’y wala nang luha ang nais pang lumabas mula sa kanyang mga mata.

Pagod na siyang umiyak.

Pagod na pagod na.

Nais niyang masilayan muli ang mga ngiti nito—ang mga ngiti nitong laging pinagagaan ang kanyang damdamin.

Ang mga ngiti nitong tila’y naniniguro sa kanyang hindi siya nag-iisa. Na may aagapay sa kanya.

Labis siyang nalulungkot ngayon na hinding-hindi na niya iyon muli pang masisilayan.

Nais niyang ibalik ang pagkakataong hindi sana siya nagpadala sa kanyang nabasa sa aklat. Piksiyonal iyon: malayo sa katotohanan, subalit naging totoo nang dahil sa kanyang kapabayaan.

Pula . . . kung hindi nang dahil sa pulang ilaw na iyon, hindi sana sumakabilang-buhay ang kanyang ama.

Kung hindi sana nang dahil sa kanya, buhay—at humihinga pa rin ang kanyang ama.

Ilang beses siyang napailing. Kagat-kagat ang ibabang labing kahit mabigat sa kalooban ay tinanggap na hindi na ito muli pang hihinga.

Wala nang magbabago.

Tapos na, e.

Wala na ito.

Lumabas siya ng banyo habang nakatapis nang matapos at kaagad na nilakad ang daan papunta sa kanyang aparador.

Naghalungkat siya rito at nang may matipuhan, sinarado niya ang dalawang magkahalang na pinto niyon.

Tuluyan niyang sinuot ang napili: isang payak na puting damit na abot hanggang tuhod. Pinaresan niya na rin ito ng puting sapatos at upang magmukhang presentable, itinirintas niya ang hanggang baywang niyang itim na buhok.

Pinagmasdan niya ang kanyang sarili sa salamin: sinusubukang hanapin ang saya sa kanyang mga mata’t ngiti na ang tanging dahilan ay ang kanyang ama, subalit wala siyang ibang makitang badya roon bukod sa pagsisisi . . . at galit.

Bumukas ang pinto sa kanyang kanan at iniluwa nito ang kanyang ina. Nakasuot ito ng kulay bughaw na blusa at kupas na kulay bughaw rin na pantalon. May nakasukbit na hand-carry bag sa kanang braso nito at sa kinaugalian ay walang ekspresyon ang mukha nito.

“Tara na.” Kaagad siyang tumayo mula sa pagkakaupo, at sumunod sa kanyang ina na dire-diretsong lumabas ng kanyang silid bago tinahak ang hagdan pababa.

Sumakay ito sa kulay puti nitong kotse at pinaandar iyon. Sumunod naman siya’t naupo na sa passenger’s seat.

Tahimik at hindi sila nag-imikan sa buong biyahe. Walang nagbalak na ibuka ang kanilang mga bibig at maghayag ng kahit isang salita: bagay na inasahan na niya.

Ilang sandali pa’y nakatagpo na ng kanyang mga mata ang klinika ng tanyag na saykayatrista sa kanilang lungsod.

Kahit na nagtataka ay pinilit niya na itikom ang kanyang bibig.

Nauunawaan niya ang nais ng kanyang ina, ibig niya ring malaman kung ano ang mali sa kanya . . . o kung may mali nga ba talaga.

Ipinarada ng kanyang ina ang kotse sa pandalawahang parada sa gilid ng establisimiyento. Nang tuluyang naiparada ang kanilang sasakyan, hinarap siya ng kanyang ina. “Deianira, sumunod ka.”

Deianira—iyon ang pangalawa niyang pangalan. Tanging ang ina niya ang tumatawag sa kanya ng ganoon.

Lumabas ito mula sa kotse at sa kinaugalian ay sumunod naman siya. Naglakad sila patungo sa loob ng gusali.

Natanaw niya ang isang mahabang pasilyo at sa dulo niyon ay may nag-aabang na pinto. Kulay puti ang disenyo ng pader at may ilang gintong dibuho ang nakapaligid dito.

Nang makarating sa dulo ay kumatok muna ang kanyang ina bago may sumagot at pinapasok sila. Binuksan ng kanyang ina ang pinto at bumungad sa kanila ang maaliwalas na silid ng doktorang nakaupo sa sulok.

Tumayo ito. “Good morning, Ms. and Mrs. Wright,” nakangiting turan ng doktora sa kanila.

Pasimple niyang tiningnan ito. Masasabi niyang nasa edad na ito na singkuwenta o higit pa—halos kasing-edad lang ng kanyang ina.

Pinilit niyang suklian ito ng ngiti habang ang ina niya naman ay tumango lamang at umupo sa mahabang sofa. Nanatili naman siyang nakatayo sa tapat ng pintuan.

“Diagnosis,” bigkas nito sa salitang nais niya ring makamit.

Ramdam niya ang malakas na tibok ng kanyang puso. Parehong kagalakan at kaba ang kanyang natatagpuan sa kanyang sarili sa mga pagkakataong iyon.

Estudyante rin siya sa kursong sikolohiya at alam niyang nakatutulong ang mga ekspertong ’gaya ng doktorang nasa harap nila.

Alam niyang matutulungan siya nito.

Sana . . . matulungan siya nito.

Tumayo ito at lumapit sa kanya. “Sure, Mallory,” sagot nito.

Muli nitong ibinalik ang tingin sa kanya bago ulit siya ngitian. Isinukbit nito ang braso nito sa braso niya at hinigit siya patungo sa pintuang nasa kaliwang gawi ng lamesa ng doktora.

Kahit papaano’y nagawa siyang mapakalma ng malumanay nitong hawak. Bumungad sa kanya ang makulay na silid na taliwas sa purong puting tema ng nagdaan.

Napangiti na lamang siya at binalingan ang doktora. Tuluyan nang nawala ang agam-agam sa kanyang damdamin nang makitang nakangiti pa rin ito.

[ agam-agam - doubts ]

“Sit.” Ikinumpas nito ang mga daliri’t inanyayahan siyang maupo sa isang mataas na silya. Kaagad naman siyang sumunod dito.

Ipinaglandas niya ang kanyang palad sa malambot na kutsong nakapalibot sa armrest ng upuan; kulay abo iyon—paboritong kulay niya.

Hinayaan niyang namnamin ng kanyang pandama ang pagkakomportable roon.

Naupo na rin ang doktora sa upuan na kaharap ng kanya’t ipinagkrus ang mga braso. Lalo lamang lumawak ang ngiti sa mga labi nito.

Hindi pangkaraniwan ang ngiti nito, subalit hindi iyon peke . . . mistulang ginawa ang mga labing iyon upang pakalmahin siya.

“Kumusta ka?” panimula nito. Tanging mayuming pagtango ang kanyang isinagot dito. Tiningnan niya ang doktora.

Suot nito ang puting mahabang damit na siyang madalas gamitin ng mga kasapi ng taga-ospital. Naka-pantalon din itong kulay abo na kupas at mataas na sapatos. Higit na nakapagdagdag sa dating nito ang kulay gintong nametag sa bandang dibdib nito na may nakaukit na, 'Alma Suarez, M.D.'

Pangarap niyang makasuot ng ganoong kasuotan.

Pangarap niyang maging ganoon din balang-araw.

Marahan itong napatawa bago bahagyang iniyuko ang ulo at titigan siya sa mga mata. “By the way, what is your name nga pala, ’langga?"

Napalunok siya. “S-Selene po,” nauutal niyang tugon dito.

Kahit siya’y natigilan nang makitang umangat ang kaliwang kilay nito. Ngunit kaagad nitong binawi iyon at muli lamang siyang nginitian.

“Okay, Selene, just answer everything truthfully and I’ll help you, okay?” tanong nito.

Banayad siyang napatango bilang pagtugon.

Sa mga pagkakataong iyon, ramdam niya ang maaliwalas na hanging nalalanghap niya.

Alam niyang matutulungan siya nito, kaya’t hinding-hindi siya mag-aalangang ibigay ang buong tiwala niya rito.

Batid niya.

Naniniwala siya.

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi
Komen (1)
goodnovel comment avatar
Rick Javines
magulo ang kwento...
LIHAT SEMUA KOMENTAR

Bab terbaru

  • Disorder (Tagalog)   Chapter 15.4

    IKATLONG TAUHAN“Dra. Suarez”“SO.” Marahan siyang napatalon sa pagkakagulantang nang dumilat ito at muli siyang sinalubungan ng ngisi.“You dropped a question earlier. And I dropped mine.” Marahas siyang napalanghap ng hangin nang tumayo ito.“Will you answer mine once I answer yours?”Hindi niya binabawi ang kanyang tingin mula sa mga mata nitong mapaglaro, sa labi nitong nakaukit ang isang ngising ginagawa siyang tuliro.Wala siyang balak sagutin ito.Nanatili siyang kalmado kahit na taliwas sa kanyang ipinapakita ang damdaming sumisiklab sa kanyang looban.Nanunuya itong tumawa bago siya irapan. “Okay, I’ll tell you why I’m here.”Humakbang ito palapit.“The answer is simple. You maybe even know the reason why, Doctora.” Hindi siya nagpapatinag sa mga tingin nitong hinuhukay ang kanyang ikinukubling takot.May inilabas itong papel.Kaagad na lumipat ang kanyang tingin doon. Napansin niya ang muling pag-angat ng dulo ng labi nito.“I want this medical record to be clear.”Nanlaki a

  • Disorder (Tagalog)   Chapter 15.3

    IKATLONG TAUHAN“Dra. Suarez”NANGANGALIGKIG niyang mga daliri ang mahigpit na lumamukot sa hawak.Napaangat siya ng tingin. Maliliit na ingay ang paulit-ulit na kumakalansing sa bakuran ng kanyang mga tainga.Hindi tumitigil.At mukhang . . . nakikilala niya ang tunog na iyon.Nagsimula siyang maglakad palapit sa pinanggagalingan ng tunog—palakas iyon nang palakas. Nang nasa paanan na siya ng kanyang mesa, doon siya napahinto nang pamilyar na papel ang lumipad at nakuha ang kanyang atensiyon.Muli niyang tiningnan ang papel.Nasundan ng kanyang mga mata ang pagkawala niyon mula sa kanyang hawak kasabay nang sunod-sunod na paglantad ng kaparehong mga papel sa kanyang harapan.Records.Madalian niyang dinalo ang likuran ng lamesa kung saan nagmumula ang mga papel.Marahas niyang itinulak ang mesa pagilid, at doon natagpuan ang kanyang printer na paulit-ulit na ginagawan ng kopya ang records na pinakaiingatan niya.Ang medical records ni Selene.“Shit!”Hindi niya naiwasan ang magpakawa

  • Disorder (Tagalog)   Chapter 15.2

    IKATLONG TAUHAN“Dra. Suarez”NOONG tiyak na saglit na iyon, mistulang nakikipagkarerahan ang lakas at bilis ng pagtibok ng kanyang puso sa pagbaha ng mga isipin sa kanyang ulo.Napabitiw siya mula sa pagkakahawak doon nang maramdamang unti-unti nang nagsisimulang mangatal ang kanyang mga daliri.Agaran niyang ibinalik ang kumpol ng susi sa bag na nakakabit sa kanyang balikat.Hindi na maaaring nagkataon lamang ang lahat ng iyon.Ang bukas na kandado sa harapan.Bukas na ilaw sa loob ng kanyang mismong opisina.Maging hanggang sa mga gasgas na kanyang natagpuan sa hawakan.Hindi na—hindi na maaaring nagkataon lamang ang mga iyon.Hindi maaari. Marami siyang mahahalagang mga dokumento.Ano . . .Ano ba’ng nangyayari?Bagsak.Kanyang dinako ang parihabang bintana sa kanan. Lilinga-linga; pilit na hinahagilap ang lugar ng pinanggalingan ng kanyang narinig.Nanlalaking mga mata.Malakas na tibok ng puso.Hindi pa man niya tuluyang naiproseso sa kanyang utak ang lahat, nagkukumahog na siya

  • Disorder (Tagalog)   Chapter 15.1

    IKATLONG TAUHAN“Dra. Suarez”MULA pa lamang sa malayo, tanaw na niya ang establisimiyentong tanging nakatayo sa parte ng mahabang kalsadang kanyang tinatahak.Ang kanyang klinika.Sa kabila ng makapal na hamog na bumabalot sa paligid—lalong pinagiginaw ang kanyang pagod na utak—hindi nakatakas ang gusaling iyon mula sa kanyang mga mata.Humikab siya’t pasimpleng pinasadahan ng tingin ang orasang nasa ibabaw ng kanyang dashboard.Alas singko y medya.Nagpatuloy siya sa pagmamaneho, hanggang sa tuluyan niyang maabot ang paanan ng paradahan. Naramdaman niya ang marahang pag-angat ng kanyang dinaraanan saka niya tuluyang hininto ang kotse.Kanyang ipinihit ang susi’t tinanggal iyon mula sa pagkakasaksak. Isinilid niya iyon sa kanyang dala-dalang bayong saka marahang napasandal sa malambot na sandalan sa kanyang likuran.Ilang pagbuga ng hangin ang kanyang ginawa, kalakip ng pag-aayos niya sa suot na chaketa.Ginawaran niya ng tanaw ang labasan.Nasa paradahan na siya: sa gilid ng kanyang

  • Disorder (Tagalog)   Chapter 14.2

    IKATLONG TAUHAN“Selene”INABOT niya ang silya sa kanyang harapan at mahinahong naupo roon.Nang maramdaman ang lamig na dulot ng metal sa bangko, lalo lamang na humigpit ang pagkakayakap niya sa sarili.Ilang beses siyang napabuga ng hangin. Pinipilit panatilihin ang natitirang init sa kanyang sistema sa pamamagitan ng pagkukuskos sa dalawa niyang mga palad.Kaagad siyang tumigil nang maramdaman ang maliit na kirot doon. Binalingan niya iyon ng tingin, at muli na lamang na nag-iwas nang matagpuan doon ang mga pasang kanyang natamo.Mga pasang kanyang natamo mula sa pagkakatulak nito sa kanya.Pasimple niyang tinapunan ng tingin ang kumot na nakalatag sa ibabaw.Tila ba’y nais niyang agawin iyon; saka ibalot sa buo niyang katawan at damhin ang init

  • Disorder (Tagalog)   Chapter 14.1

    IKATLONG TAUHAN“Selene”TUNOG ng makina.Alatiit niyon.Kanyang paulit-ulit na nauulinigan.Marahan siyang napahimas sa kanyang mga braso’t binalingan ng tingin ang maliit na monitor sa kanyang harapan.Paiba-ibang guhit ang kanyang nakikita roon: maliliit na mga linya, sunod-sunod, saka lalaki.Halos pare-pareho ang kanyang nakikita, tila’y may sinusundang muwestra iyon.[ muwestra - pattern ]Subalit hindi iyon problema: ang mahalaga nama’y hindi iyon maging diretso.Nagpakawala siya ng malalim na buntonghininga.Ilang beses niyang pinilit itago ang kanyang sarili sa loob ng suot niyang chaketa sa labis na nadaramang lamig.Lamig na tila’y umaabot hanggang sa k

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status