Share

Chapter 101

Author: Lirp49
last update Huling Na-update: 2024-07-01 21:35:03

NAGING mabigat ang atmosphere sa loob ng apartment. Parehong mataas ang emosyon ng dalawa ngunit mas higit na naapekto si Louie sa binitawang salita ni Zia kaysa sa pinadapo nitong sampal sa kanya.

Napaatras siya at napasandal sa pader. Habang inaayos naman ni Zia ang butones sa suot na damit.

“Hindi ka na talaga magbabago pa kahit anong gawin mo, Louie… Ang mas mabuti pa’y umalis ka na’t napapabayaan mo na ang trabaho mo bilang CEO.” Sabay turo ni Zia sa pinto.

Nanliit ang mga mata ni Louie sa tinuran nito.

“Pagtuunan mo na lang ng pansin ang kompanya. May importante kayong proyekto, ‘di ba? Kung hindi ako nagkakamali ay dalawang taon niyo ng pinaplano ‘yun. Hindi hamak na mas higit ‘yung importante kaysa sa relasyon nating tapos na,” dagdag pa ni Zia.

Huminga nang malalim si Louie saka dinukot sa bulsa ang pakete para manigarilyo. Nabalutan kaagad ng usok ng sigarilyo ang paligid. “What do you mean?” ani Louie. “You’re still my wife, never magtatapos ang relasyon nating dalawa at hi
Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App
Locked Chapter
Mga Comments (13)
goodnovel comment avatar
Rowena Orbos Nicor
nakakaasar nmn nakakawalang wentang basahin
goodnovel comment avatar
Jerome's Rabor
Mahirap nga nman sa side ni louie ang nasaksihan niya sa magulang niya noong bata pa cxa...
goodnovel comment avatar
Jerome's Rabor
Grabi ang iyak ko dito......hindi ko ranas. Nasaktan pisikal or, emosyonal pero dito parang na durog ang puso ko... ...NAAAWA AKO KAY, Zia dito... c louie naman kahit mahal niya yong tao hinde kayang mag pakatotoo.... Seguro din dahil sa karanasan niya sa papa niya...
Tignan lahat ng Komento

Pinakabagong kabanata

  • Divorce by Mistake: Ex-husband CEO Started Chasing Her   Epilogue

    TAHIMIK ang hapon sa bagong tahanan ng mag-asawa. Ilang linggo pa lamang mula nang makalipat ay naging komportable na agad sila, ramdam na ramdam ang init ng isang tahanang puno ng pangarap.Kahit abala sa trabaho ay sinisigurado ni Archie na makakapaglaan siya ng oras para sa nalalapit nilang kasal, ngunit sa hapon na iyon ay si Jewel lang ang kausap ng wedding planner.Sa table ay may iba’t ibang nakalatag na mga sample ng decoration, mula sa bulaklak, telang gagamitin, at kulay. Habang sinusuri ni Jewel ang tela ay napalingon siya matapos makarinig ng yabag ng sapatos.Ilang sandali pa ay nakita na niya ang asawa kaya agad siyang tumayo at sinalubong ito ng yakap saka halik sa labi. Pagkatapos ay hinila niya ito at pinaupo sa kanyang tabi. “Ano sa tingin mo ang maganda?” aniya, pinapapili ito dahil nahihirapan siyang mag-decide.Pinagmasdan ni Archie ang mukha ng asawa, kahit halata sa mukha na pagod at puyat ito dahil sa pag-aalaga ng kanilang anak ay hindi niya maiwasang isipin n

  • Divorce by Mistake: Ex-husband CEO Started Chasing Her   Chapter 60

    SIMULA ng araw na iyon, pinatunayan ni Archie ang nararamdaman para sa asawa. Araw-araw, tuwing tanghali na nagigising si Jewel ay may nakahandang bulaklak sa side table, kasama ang isang maliit na note para sa kanya.Paraan ito ni Archie ng panliligaw na hindi nito nagawa noon dahil hindi naman sila dumaan sa isang normal na relasyon.Pero kapag naaabutan ni Jewel nasa kwarto pa ang asawa ay tinatawag niya ito madalas, “Archie…” mahina niyang bulong sa pangalan nito saka tumingin sa table, naroon na ang bulaklak na lagi niyang natatanggap.Bumangon siya at kinuha ang maliit na note saka binasa sa isip ang nakasulat, “Good morning, Hon. Maaga na ‘kong umalis kasi natutulog ka pa, as always. I love you.” Napangiti siya saka ito tiningnan na nakatalikod, nag-aayos ng kurbata. “Hon~” malambing niyang tawag na ikinalingon nito.Awtomatikong ngumiti si Archie saka lumapit upang yakapin ito na nakaabang na sa kanya. “Ang aga mo naman nagising, matulog ka pa.”Umiling-iling si Jewel, ayaw it

  • Divorce by Mistake: Ex-husband CEO Started Chasing Her   Chapter 59

    MATAPOS iyong marinig ay sunod-sunod ang pagtulo ng luha sa pisngi ni Jewel. Sobrang saya ng puso niya kulang na lang ay lumundag sa tuwa pero ibang-iba naman ang sinasabi ng isip.“You’re lying!” iyak niya, parang bata na ngumangawa.“Totoo, kaya ‘wag ka ng umiyak, okay?”“Hindi ako naniniwala!” na lalo pang lumakas ang pag-iyak.Gusto sana ni Archie na yakapin at aluhin ang asawa pero nasa gitna pa sila ng daan saka nagmamaneho siya. Kaya naghanap pa muna siya ng mahihintuan na lugar bago ito muling kausapin.Pagkahinto sa kotse ay inalis niya ang seatbelt upang makalapit nang husto sa asawa. “Tahan na, ‘wag ka ng umiyak. May mali ba sa sinabi ko?”Hindi matigil sa pagpupunas ng luha si Jewel, sa puntong naiinis na rin siya sa sarili dahil hindi naman siya iyakin. Kahit na nasasaktan ay madali niyang naitatago ang nararamdaman. Pero ngayon, hindi na niya kilala ang sarili na para bang ibang tao na siya.“Lahat, mali. Si Chantal ang mahal mo tapos sasabihin mo ngayon na ako na?”Kumu

  • Divorce by Mistake: Ex-husband CEO Started Chasing Her   Chapter 58

    NAPASINGHAP si Chantal sabay takip sa bibig. Tiningnan niya si Archie na natulala na habang nakatitig kay Jewel. “Hindi mo alam na buntis siya?” Nang hindi ito mag-react ay hinampas na niya sa braso. “Ano ba, ba’t ka tumutulala riyan! Sundan mo na ang asawa mo!”Napakurap-kurap si Archie, tila natauhan saka humakbang ngunit agad rin tumigil at nilingon ito. “Pa’no ka?”Natawa si Chantal. “Ba’t ako ang iniisip mo? Unahin mo ‘yung asawa mo ‘wag ako.” Saka ito tinulak-tulak pero hindi na umusad.“Babalikan ko na lang siya mamaya.”“Ano?!” react ni Chantal, hindi makapaniwala. “Asawa mo ‘yun, dapat siya–”“Pero mas komplikado ang pagbubuntis mo. Plus, tandaan mong ikaw lang ang mag-isa sa bahay kasama ng mga bata.”“May kasama naman akong katulong,” ani Chantal.Naglakad si Archie saka ito marahang iginigiya palayo sa lugar. “Parang hindi ko alam na pinapalipat kayo ni Mama sa bahay.”“Exactly! Lilipat kami mamaya kaya ayos lang ako. Hindi mo na ‘to kailangan gawin… baka, sumama pa ang lo

  • Divorce by Mistake: Ex-husband CEO Started Chasing Her   Chapter 57

    SUMAMA ang loob ni Jewel matapos ang gabing iyon. Nasaktan siya ng sobra sa puntong umiiwas na sa asawa. Ngunit si Archie, hindi man lang napapansin ang pagbabagong nangyayari.Hanggang isang gabi, habang nasa kama na sila at gusto niyang makipagtal*k ay umusog lang palayo si Jewel. Akala niya ay wala lang kaya hinawakan niya ito sa balikat sabay haplos pero inilayo nito ang sarili.“‘Wag ngayon, pagod ako.”“Ano bang ginawa mo ngayon sa school?” ani Archie.“Marami,” walang kabuhay-buhay nitong sabi.Kaya napabuga na lamang ng hangin si Archie, patihayang nahiga at tumitig ng ilang sandali sa kisame. Ilang sandali pa ay muli siyang gumalaw, umusog palapit sa asawa at niyakap ito mula sa likod.“Archie,” mahihimigan ang pagtutol sa boses ni Jewel saka nagpumiglas.Binitawan naman siya ni Archie sabay bangon sa kama. Sa isip-isip niya ay galit ito kaya lumingon siya ngunit hindi na nakita kung anong reaksyon ang nasa mukha nito hanggang sa makalabas ng kwarto.Naghintay siya ng ilang s

  • Divorce by Mistake: Ex-husband CEO Started Chasing Her   Chapter 56

    DAHAN-DAHAN pa ang pag-awang ng labi ni Jewel matapos ng sinabi ng Ginang. Makailang ulit siyang kumurap, naroon ang tuwa ngunit agad rin nagduda.“P-Pa’no niyo naman nasabi, Ale? Doctor ba kayo?”“Hindi, Hija pero dati akong kumadrona kaya alam ko kung buntis ba ang isang babae.”“Gano’n ho ba?” may pagdududa niyang komento. Dahil sa sinabi nito ay mas lalo siyang hindi naniwala. Magkaganoon man ay hindi niya inalis ang posibilidad na baka nga nagdadalang-tao siya. “Sige ho, magpapa-check up ako para makasigurado.”Hindi niya makukumpirma kung buntis nga ba siyang talaga sa pamamagitan ng menstruation period dahil irregular siya. May pagkakataon na inaabot ng ilang buwan bago siya magkaroon, minsan naman ay dalawang beses sa isang buwan.Lumipas ang ilang minuto ay nakarating na ang bus sa destinasyon, marami ang nagsibabaan kabilang na siya roon. Dahil malayo-layo pa ang condominuim building ay nilakad na lamang niya kaysa maghintay ng masasakyan.Madilim na ang langit at pagtingin

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status