SIMULA ng araw na iyon, pinatunayan ni Archie ang nararamdaman para sa asawa. Araw-araw, tuwing tanghali na nagigising si Jewel ay may nakahandang bulaklak sa side table, kasama ang isang maliit na note para sa kanya.Paraan ito ni Archie ng panliligaw na hindi nito nagawa noon dahil hindi naman sila dumaan sa isang normal na relasyon.Pero kapag naaabutan ni Jewel nasa kwarto pa ang asawa ay tinatawag niya ito madalas, “Archie…” mahina niyang bulong sa pangalan nito saka tumingin sa table, naroon na ang bulaklak na lagi niyang natatanggap.Bumangon siya at kinuha ang maliit na note saka binasa sa isip ang nakasulat, “Good morning, Hon. Maaga na ‘kong umalis kasi natutulog ka pa, as always. I love you.” Napangiti siya saka ito tiningnan na nakatalikod, nag-aayos ng kurbata. “Hon~” malambing niyang tawag na ikinalingon nito.Awtomatikong ngumiti si Archie saka lumapit upang yakapin ito na nakaabang na sa kanya. “Ang aga mo naman nagising, matulog ka pa.”Umiling-iling si Jewel, ayaw it
MATAPOS iyong marinig ay sunod-sunod ang pagtulo ng luha sa pisngi ni Jewel. Sobrang saya ng puso niya kulang na lang ay lumundag sa tuwa pero ibang-iba naman ang sinasabi ng isip.“You’re lying!” iyak niya, parang bata na ngumangawa.“Totoo, kaya ‘wag ka ng umiyak, okay?”“Hindi ako naniniwala!” na lalo pang lumakas ang pag-iyak.Gusto sana ni Archie na yakapin at aluhin ang asawa pero nasa gitna pa sila ng daan saka nagmamaneho siya. Kaya naghanap pa muna siya ng mahihintuan na lugar bago ito muling kausapin.Pagkahinto sa kotse ay inalis niya ang seatbelt upang makalapit nang husto sa asawa. “Tahan na, ‘wag ka ng umiyak. May mali ba sa sinabi ko?”Hindi matigil sa pagpupunas ng luha si Jewel, sa puntong naiinis na rin siya sa sarili dahil hindi naman siya iyakin. Kahit na nasasaktan ay madali niyang naitatago ang nararamdaman. Pero ngayon, hindi na niya kilala ang sarili na para bang ibang tao na siya.“Lahat, mali. Si Chantal ang mahal mo tapos sasabihin mo ngayon na ako na?”Kumu
NAPASINGHAP si Chantal sabay takip sa bibig. Tiningnan niya si Archie na natulala na habang nakatitig kay Jewel. “Hindi mo alam na buntis siya?” Nang hindi ito mag-react ay hinampas na niya sa braso. “Ano ba, ba’t ka tumutulala riyan! Sundan mo na ang asawa mo!”Napakurap-kurap si Archie, tila natauhan saka humakbang ngunit agad rin tumigil at nilingon ito. “Pa’no ka?”Natawa si Chantal. “Ba’t ako ang iniisip mo? Unahin mo ‘yung asawa mo ‘wag ako.” Saka ito tinulak-tulak pero hindi na umusad.“Babalikan ko na lang siya mamaya.”“Ano?!” react ni Chantal, hindi makapaniwala. “Asawa mo ‘yun, dapat siya–”“Pero mas komplikado ang pagbubuntis mo. Plus, tandaan mong ikaw lang ang mag-isa sa bahay kasama ng mga bata.”“May kasama naman akong katulong,” ani Chantal.Naglakad si Archie saka ito marahang iginigiya palayo sa lugar. “Parang hindi ko alam na pinapalipat kayo ni Mama sa bahay.”“Exactly! Lilipat kami mamaya kaya ayos lang ako. Hindi mo na ‘to kailangan gawin… baka, sumama pa ang lo
SUMAMA ang loob ni Jewel matapos ang gabing iyon. Nasaktan siya ng sobra sa puntong umiiwas na sa asawa. Ngunit si Archie, hindi man lang napapansin ang pagbabagong nangyayari.Hanggang isang gabi, habang nasa kama na sila at gusto niyang makipagtal*k ay umusog lang palayo si Jewel. Akala niya ay wala lang kaya hinawakan niya ito sa balikat sabay haplos pero inilayo nito ang sarili.“‘Wag ngayon, pagod ako.”“Ano bang ginawa mo ngayon sa school?” ani Archie.“Marami,” walang kabuhay-buhay nitong sabi.Kaya napabuga na lamang ng hangin si Archie, patihayang nahiga at tumitig ng ilang sandali sa kisame. Ilang sandali pa ay muli siyang gumalaw, umusog palapit sa asawa at niyakap ito mula sa likod.“Archie,” mahihimigan ang pagtutol sa boses ni Jewel saka nagpumiglas.Binitawan naman siya ni Archie sabay bangon sa kama. Sa isip-isip niya ay galit ito kaya lumingon siya ngunit hindi na nakita kung anong reaksyon ang nasa mukha nito hanggang sa makalabas ng kwarto.Naghintay siya ng ilang s
DAHAN-DAHAN pa ang pag-awang ng labi ni Jewel matapos ng sinabi ng Ginang. Makailang ulit siyang kumurap, naroon ang tuwa ngunit agad rin nagduda.“P-Pa’no niyo naman nasabi, Ale? Doctor ba kayo?”“Hindi, Hija pero dati akong kumadrona kaya alam ko kung buntis ba ang isang babae.”“Gano’n ho ba?” may pagdududa niyang komento. Dahil sa sinabi nito ay mas lalo siyang hindi naniwala. Magkaganoon man ay hindi niya inalis ang posibilidad na baka nga nagdadalang-tao siya. “Sige ho, magpapa-check up ako para makasigurado.”Hindi niya makukumpirma kung buntis nga ba siyang talaga sa pamamagitan ng menstruation period dahil irregular siya. May pagkakataon na inaabot ng ilang buwan bago siya magkaroon, minsan naman ay dalawang beses sa isang buwan.Lumipas ang ilang minuto ay nakarating na ang bus sa destinasyon, marami ang nagsibabaan kabilang na siya roon. Dahil malayo-layo pa ang condominuim building ay nilakad na lamang niya kaysa maghintay ng masasakyan.Madilim na ang langit at pagtingin
NAGMULAT ng mata si Jewel sabay unat. Sobrang gaan ng pakiramdam kaya nakangiti niyang nilingon ang kabilang bahagi ng kama pero wala sa tabi niya si Archie.Nagtaka siya sabay tingin sa bintana, nakatabing pa rin ang kurtina at bukas ang ilaw kaya hindi niya sigurado kung madilim pa rin ba o maliwanag na. Saka, ang naaalala niya ay buhat siya ng asawa at isinakay sa kotse, ngayon ay nasa kwarto na siya at natutulog.Kaya bumangon siya at tiningnan ang digital clock sa side-table. Pasado alas-singko na ng umaga kaya inakala niyang nasa condo pa ang asawa, nag-aalmusal.Matapos maghilamos at sipilyo ay lumabas siya ng kwarto ngunit maliban kay Claire ay wala na siyang ibang nakikita sa kitchen area.“Good morning, Ate.”Lumingon si Claire sabay ngiti. “Good morning din, Ma’am. Gusto niyo na bang kumain? Hindi pa ‘to tapos pero malapit na.”Lumapit si Jewel upang tiningnan kung anong niluluto nito.Sinangag, saka may nakaready na itlog at talong.“Magto-tortang talong kayo, Ate?”“Oo, s