NAMULA ang tenga ni Zia na tila may gustong itago. “W-Wala lang! Bumili ako ng bagong perfume,” pagsisinungaling pa niya. Mabuti at mayroon talaga sa drawer.
“Really?” Saka hinanap ni Louie ang tinutukoy nitong pabango. “Subukan mo nga’t aamuyin ko kung bagay ba sa’yo.”Agad ini-spray ni Zia ang perfume sa sarili lalo na sa likod ng tenga.Yumuko si Louie para maamoy nang maigi ang pabango. “Hmm, smells good,” aniyang marahang kinagat ang tenga nito.“Louie!” saway ni Zia.“My bad… nakakagigil ka kasi. Muntik na ‘kong makalimot.” Matapos ay napansin ang diary.Naalalang muli ang nabasa kaya kinuha niya ito. Gusto pa ngang bawiin ni Zia ngunit hindi niya hinayaang maagaw.Nang hindi na ito nagtangka ay muli siyang yumuko at niyakap ito sa balikat.“Nahihiya kang basahin ko?” ani Louie. “Pero nagawa ko na kaya ‘wag ka ng mahiya pa.”Mula sa repleksyon ng salamin ay napansin niya ang pamumula ng pisngi niMULI pa sanang magsasalita si Louie nang lumabas sa operating room ang doctor na umasikaso kay Bea. Mayamaya pa ay lumapit ito at huminga nang malalim bago ipinaliwanag na matapos maisagawa ang ‘gastric lavage’— Isang paraan ng pag-pump sa stomach para malinis ang loob at maialis ang anumang content sa tiyan sa pamamagitan ng pagpasok ng maliit na tube sa bibig o hindi kaya sa ilong.“Ligtas na ang pasiyente sa ngayon. Asahan niyo ring makikipagtulungan ang ospital sa kinauukulan tungkol sa nangyaring insidente ngayon,” patuloy pa ng doctor.Tumango naman si Louie at saka inutusan si Alice na asikasuhin kaagad ang paglilipat ni Bea sa Rodriguez hospital. Nang paalis na siya ay agad humarang si Linda. “A-Alis ka na kaagad? Pa’no ang anak ko, hindi mo ba siya hihintaying magising?"“Tumigil kayo, hindi pa ba sapat sa inyong nagpunta siya rito sa kalagitnaan ng gabi?” saway ni Alice.Bahagyang hinawi ni Louie ang secretary para mag-iwan ng
PAGKAGISING ng umagang iyon ay wala na sa tabi ni Louie ang asawa. Kaya bumangon siya at nagtungo sa cloakroom sa pag-aakalang naroon lang si Zia.Ngunit wala, bagkus ay ang mga damit lang niyang susuotin ngayong araw ang naabutang nakasampay sa isang tabi.Matapos maligo at magbihis ay bumaba siya at nagtungo sa kusina sa pag-aakalang nagluluto ng agahan si Zia ngunit wala rin sa kusina maging sa dining area.Ang mga katulong lang ang nandoon na inaayos ang lamesa para sa kanya.“Si Zia?” tuluyan na niyang naitanong.“Si Ma’am Zia, Sir? Hindi po ba nagpaalam sa inyong aalis?” tugon ng katulong habang inilalagay sa lamesa ang almusal. “Ang sabi niya lang po sa’min ay uuwi siya sa kanila,” dugtong nito.Naupo si Louie saka nagsimulang kumain. Habang sumisimsim ng kape ay napangisi siya habang iniisip na baka iniiwasan talaga siya ni Zia na makaharap?Matapos ang mga nangyari kagabi… well, wala naman talagang nangyari mali
NAGKIKINANGANG mga bituin ang makikita sa kalangitan habang paauwi si Zia ng araw na iyon.Pagbukas ng pinto ay maririnig kaagad ang boses ni Louie, “When I was studying aboard ay ako po mismo ang nag-aayos ng sirang water pipe sa tinutuluyan ko.” Kaya bahagyang natigilan si Zia dahil hindi niya inaasahang nasa apartment ang asawa.“Gano’n ba? Pero nakakahiya pa rin sa’yo at nadumihan na ang damit mo,” boses naman ni Maricar.Ilang hakbang lang ay tuluyan niyang nakita ang dalawa. Si Louie na nagpupunas ng kamay habang si Maricar na may hawak na tools.Pagkakita sa kanya ng Ina ay dali-dali itong lumapit at bumulong, “Biglang nasira ang tubo ng lababo. Nagkataong dumating si Louie at nagpresentang siya na lamang ang mag-aayos. Sinusundo ka na ba niya?”“Hindi, ‘Ma, magsi-stay ako rito,” tugon ni Zia.“Gano’n ba? O, sige at magluluto muna ako—” saka muling bumulong, “Mukhang hindi maganda ang mood ni Arturo sa pagdating
BIGLANG naupo si Louie sabay bukas ng lampshade. “What do you think?” aniya. “I never really loved anyone. But this is the first time I cared for someone, it’s you Zia. Kaya kahit nakakadiri ay nag-volunteer akong ayusin ang water pipe.”Tuluyang lumingon si Zia. Pinakatitigan ang gwapo nitong mukha sa dilim.Mayamaya pa ay lumapit ito para haplusin ang kanyang pisngi. Napasinghap siya dahil sa ngiti nitong sadyang makasalanan."Gusto kong magkaroon ng pamilya, Zia. Bumuo tayo, hindi na mahalaga kung anong gender. Ang gusto ko lang ay maging masaya tayo… mahalin mo ‘ko gaya ng dati.”Sa sinabing iyon ay parang pinapahiwatig na rin nitong magsimula silang muli. Pinakatitigan niya ang mata nito, naghahanap ng mali.Ngunit napagtanto niyang totoo at walang bahid ng pagsisinungaling ang binitawan nitong salita.Na siyang tunay dahil ng mga oras na iyon ay nais talaga ni Louie na mahalin ang asawa. Kaya siya naglalambing at nagiging m
NAGKATITIGAN sila nang matagal hanggang sa unti-unting inilapit ni Louie ang mukha para siilin siya ng halik sa labi. Marahan at sadyang puno ng emosyon.Kaya kahit hesistant si Zia ay kusa siyang bumigay dahil sa malambing nitong paraan.Ang mainit na halik ni Louie ay unti-unting bumababa patungo sa leeg. Nakikiliti si Zia maging sa hininga nitong mas lalong nagbibigay init sa kanya. Hindi nagtagal ay tuluyan siyang napayakap sa batok ng asawa.Ang isang kamay ni Louie ay nagsimulang humaplos sa likod patungo sa bewang hanggang sa mapangahas na itong humawak sa pu*etan niya.Sa ilang taon nilang pagsasama at pagtatal*k ay lagi siyang nagpipigil na lumikha ng ingay kaya lagi niyang kinakagat ang ibabang labi. Ngunit ngayon ay natural at kusang lumabas mula sa bibig niya ang ung*l.Ang tunog ng halik ni Louie ay mas lalong nagbibigay sa kanya ng kakaibang sensasyon. Ang kamay nitong minamasahe ang likod niya ay lumipat na sa malulusog niy
PAGKASAGOT sa tawag ay agad na nagsalita si Louie sa malamig na tono, “Iyong nangyari kay Bea… ikaw ba ang may kagagawan?”“Ano?”“Ilang beses ko bang sasabihin na wala kaming relasyon!” sigaw pa niya.“What are you talking about?! Wala akong alam sa ibinibintang mo!”Sa iritasyon ay biglang binaba ni Louie ang tawag. Matapos ay muling nanigarilyo. Nanggagalaiti siya sa galit at kailangan niyang kumalma.Matapos ay mariin siyang napapikit nang muling sumagi sa isip ang alaala ng kanyang kabataan…Ang pag-alis ng kanyang ama’ng si Wilbert at pagsunod ng ina’ng si Lucia na naghi-hysterical habang siya ay nasa likod ng hagdan nakatagong pinapanuod ang pagtatalo ng mga magulang.“Once you leave that door ay ‘wag na ‘wag ka ng babalik!” sigaw ni Lucia. “Magsama kayong dalawa ng babae!” patuloy pa nito.Ngunit nang humakbang patungo sa pinto si Wilbert ay nagmamadali namang humabol si Lucia at humarang sa pinto. “H-Hi
MAKAHULUGAN at may ngiti sa labing tiningnan ni Louie ang asawa sa pag-aakalang nagtatampo ito. Kaya bumulong siya ng mga salitang magugustuhan at paniguradong mag-aalis ng tampo nito.Kahit ang totoo ay palihim na nandidiri si Zia sa kasinungalingang sinasabi ng asawa.Mabuti na lamang at may dumating na katulong para ipaalam na handa na ang hapunan.Hinawakan ni Louie ang kamay nito at sabay silang nagtungo sa dining area. Sa halip na magkaharap ay tumabi siya para malagyan ng pagkain ang pinggan ni Zia. “Kumain ka lang nang kumain at sigurado akong pagod ka,” aniya.Habang kumakain ay nakangiti si Zia para ipakitang masaya siya sa ginagawang pag-aasikaso ni Louie. Para hindi naman nakakahiyang nage-effort ito kahit nasusuka na siya sa sa ginagawa nitong pagkukunwari.At nang nasa kwarto na silang dalawa ay humirit si Louie na pinagbigyan naman niya. Dahil kapag tumanggi siya ay baka makahalata itong alam na niya ang lahat. Ngunit kahit
DAHIL sa madalas na pagpunta ni Louie sa ospital ay nakarating ang balita kay Maricar sa tuwing nagpupunta silang mag-asawa para sa rehabilitation ni Arturo.Kaya inaya niya minsan si Zia sa isang coffee shop para makausap. Malinaw pa sa kanya ang huling pagpunta ng manugang sa apartment at inakalang nagbago na nang tuluyan si Louie ngunit hindi pala. Ngayon ay hindi niya maiwasang mabahala sa kaawa-awang anak.“Iyon na nga ang nasagap kong balita na may malubhang sakit ang babaeng ‘yun,” aniya saka tinanong si Zia. “Ayos ka lang ba anak, anong plano mo ngayon?” patuloy niya pa kahit nangangati na siyang magpayo na kung hindi nito makuha ang puso ng asawa ay mas mabuti pang ang bulsa na lamang nito.Ngunit sa huli ay pinayuhan na lamang itong magbuntis para kahit anong mangyari sa hinaharap ay ito pa rin ang kikilalaning legal.Walang reaksyon si Zia at napatungo na lamang habang hinahalo-halo ang inumin sa harapan. Walang balak sabihin na gusto r
HINDI mapaniwalaan ni Archie ang narinig habang umiiling-iling. "H-Hindi... Niloloko mo lang ako para maapektuhan ako!"Napakunot-noo si Chantal. "Ba't ko naman 'yun gagawin?""Dahil galit ka sa'kin."Muntik ng matawa si Chantal, mabuti na lang at tinakpan niya ang sariling bibig. "Nagkakamali ka, Archie. Kung gusto man kitang saktan... Edi sana, hindi na 'ko bumalik rito. Mas mainam para sa'kin ang gano'n."Natauhan naman si Archie at napaatras. Hindi mabitiwan ang tingin kay Chantal, kinukumbinsi ang sariling baka nagsisinungaling ito.Pero hindi dahil tunay ang kanyang nakikita.Hanggang sa mapansin niya ang pagbukas ng banyo. Hindi na siya nagdalawang-isip pa at mabilis na tumakbo palabas ng kwarto.Napabuntong-hininga si Chantal saka nilingon ang asawa."Tapos na kayong mag-usap?"Tumango si Chantal. "Narinig mo ba lahat?"Umiwas ng tingin si Felip saka naglakad palapit sa kama upang kunin ang damit. "Magagalit ka ba kung sabihin kong, oo?""Hindi," ani Chantal. "Alam mo naman an
NAPANGANGA sina Shiela at Asher habang kinilig naman si Amber na tinakpan pa ang bibig. Ngunit si Chris ang naging matindi ang reaksyon."Ano?! Pa'nong-- Bakit?!" nagugulahan niyang tanong. Dahil para sa kanya, mananatiling bata si Chantal. Hindi pa siya handang mag-settle down ito. Lalo na ngayon na limang taon itong nawala at bumalik na kasal na sa iba?!Napangiti naman si Chantal sa naging reaksyon ng Ama. Kaya nilapitan niya ito at nilingkis ang braso, tila naglalambing. "Sorry po. 'Pa."Napabuntong-hininga naman si Chris. "Hindi, pasensiya na rin. Nabigla lang ako sa sinabi mo." Pagkatapos ay binalingan si Felip. "Maaari ba kitang makausap?"Tumango naman ito saka sumunod patungo sa study room."Kinakabahan ako," ani Chantal habang nakatanaw sa dalawa."Don't worry. Kakausapin lang siya ng Papa mo," komento naman ni Shiela. "Gusto mo bang samahan muna ako sa kusina? Gusto kong lutuin ang paborito mo. Si Felip-- Ang asawa mo, anong gusto niyang pagkain para maihanda ko rin."Sinab
LIMANG TAON ang lumipas...Marami ang nangyari sa loob ng mga panahon na iyon. Naging presidente ng kompanya si Archie. Napagtagumpayan niyang i-expand ang negosyo sa iba't ibang bansa sa loob lang ng dalawang taon ng ganoon kabilis!At pormal na rin itong na-engaged kay Heather at ikakasal na ngayong taon, pina-finalized na lang ang magarbong kasal.Nakapagtapos na ng elementarya si Amber habang si Asher naman ay kasalukuyang nag-aaral sa kolehiyo. Ilang birthdays, okasiyon at holidays ang nagdaan pero...Wala pa rin silang naging balita kay Chantal.Dinamdam ng husto ni Shiela ang pag-alis ng anak. Si Chris naman ay nagalit nang malaman na nilihim ng dalawa ang relasyon.Nagalit rin siya sa sarili dahil pakiramdam niya, isa siya sa dahilan kaya nagkalabuan ang dalawa hanggang sa napagpasiyahan na nga ni Chantal na lumayo.Kung alam niya lang, hindi na sana niya ipinares si Archie kay Heather.Pero habang tumatagal, unti-unti na nilang tinanggap na hindi na ito babalik pa kahit anong
SA ISANG IGLAP ay tumulo ang luha sa mga mata ni Chantal. Halo-halo ang nararamdaman niya ng mga sandaling iyon pero mas nanaig ang galit at pagkabigo.Pakiramdam niya ay pinagtaksilan siya ni Archie. Oo, siya itong nakipaghiwalay pero ni minsan ay hindi niya kinalantari si Edward o ibang lalake. Ginamit niya man ang binata pero hindi siya humantong sa kahit na anong physical touch.Si Archie mismo ang paulit-ulit na nagsasabing walang namamagitan na relasyon kay Heather pero ano itong nakikita niya ngayon?Sa huli, sa halip na sugurin ang dalawa ay umalis na lamang siya at bumalik sa restaurant. "Excuse po, sa'n dito ang restroom niyo?""A-Ayos lang kayo, Ma'am?" tanong ng waitress sabay turo sa direksyon ng restroom. "Doon banda, Ma'am."Tumango lang si Chantal bilang pasasalamat saka nagmamadaling magtungo roon. Hindi siya pwedeng bumalik sa table na ganoon ang kanyang itsura, paniguradong tatanungin siya ng pamilya kung bakit siya umiiyak.Pumasok siya sa isa sa mga cubicle saka i
BAGO pa man makakilos si Chantal ay binuksan na agad ni Archie ang pinto ng kotse at hinila siya palabas. "S-Sandali, nasasaktan ako!" exaggerated niyang sabi kahit hindi naman ganoon kahigpit ang pagkakahawak nito."Lumabas ka riyan, kanina pa kita tinatawagan pero hindi ka sumasagot!" inis na sabi ni Archie.Nang walang ano-ano ay hinawakan ni Edward ang braso nito. "Pare, nasasaktan mo na ang kapatid mo.""Hindi ko siya kapatid!" sumabog na ng tuluyan si Archie saka tinabig ang kamay nitong nakahawak.Hindi naman nagustuhan ni Edward ang inasal nito kaya lumabas siya sa kotse upang harapin ang binata.Naalarma naman si Chantal, kinakabahan na baka magkagulo ang mga ito kaya lumabas na rin siya sa sasakyan at humarang sa pagitan ng dalawa. "Please, 'wag kayong mag-aaway." Saka hinarap si Archie. "Nanuod lang kami ng movie kaya sorry kung hindi ko napansin ang tawag mo."Para naman walang narinig si Archie at nakipagsukatan pa ng masamang tingin kay Edward. "Sugod," paghahamon pa niy
SA HALIP na sagutin ang tanong ay ngumisi lang si Archie at pagkatapos ay isinubsob ang mukha sa balikat ng dalaga.Hindi naman iyon nagustuhan ni Chantal dahil amoy na amoy niya ang alak sa katawan nito. "Ano ba, ang baho mo!" Saka ito tinulak-tulak.Ngunit hindi natinag si Archie at niyakap lang ito nang mahigpit. "Miss na miss na kita.""Lasing ka na!" reklamo ni Chantal saka pilit kumakawala. Nang matagumpay na maialis ang braso nitong nakapulupot sa kanyang bewang ay agad siyang umalis sa kama. "Umalis ka na bago pa may makapansin." Sabay turo sa pinto.Kumurap-kurap si Archie at sa isang iglap ay bigla na lang sumigaw, "Ba't ganyan ka sa'kin?!"Napasinghap at nataranta si Chantal sa ginawa nito. Natatakot siyang baka marinig ito ng kasama nila sa bahay. Kaya dali-dali siyang lumabas ng kwarto matapos kunin ang phone. Tumakbo siya hanggang sa makababa ng hagdan.Kapag lasing si Archie, kailangan niya lang hindi magpakita para hindi siya kulitin. Dahil kapag hindi siya lumayo ay p
SIMULA ng bumalik si Chantal sa Baguio ay lagi na niyang dinadahilan na busy siya sa tuwing pinapauwi kapag may okasyon. Kung hindi naman ay sinasadya niya talagang wala si Archie, nalalaman niya iyon kapag tinatawagan niya si Asher o hindi kaya si Amber.Sa loob ng limang buwan ay hindi siya umuuwi hanggang sa dumating ang Christmas holiday.Hapon ng araw na iyon ng dumating siya sa bahay. Mahigpit na yakap sa bewang ang sinalubong ng kapatid."Mabuti naman at nandito ka na, Ate! Kanina pa kita hinihintay," excited na sabi ni Amber.Hinaplos naman ni Chantal ang buhok nito. "Sina Mama at Papa?""Si Papa, wala pa pero si Mama ay nasa kitchen, nagluluto."May lumapit naman na katulong at nag-alok na ito na lamang ang mag-aakyat ng bagahe sa kwarto.Hinayaan naman ni Chantal at sumunod kasama ang kapatid. "Si Asher, nasa'n?""Nasa room... Si kuya Archie naman ay hindi pa umuuwi like Papa," tugon ni Amber.Medyo natigilan saglit si Chantal ng banggitin nito ang pangalan ni Archie. Hindi
NAPALUNOK si Chantal habang nakatitig sa Ina. Kulang na nga lang ay mabuwal siya sa labis na kabang nararamdaman."... 'Ma," sambit niya pa rito.Bumuntong-hininga si Shiela saka in-off ang ilaw. "Dis-oras na ng gabi pero nag-iingay kayong dalawa ni Archie. 'Wag niyong hintayin na si Chris ang magising." Pagkatapos ay tumalikod na siya upang lumabas."S-Sandali lang, 'Ma," pigil ni Chantal. "Hindi ba kayo magtatanong?"Lumupaypay ang balikat ni Shiela saka nagsalita ng hindi ito nililingon. "Hindi na kailangan ng tanong, halata naman." Saka sinara ang pinto.Akmang magsasalita at pipigilan pa ito Chantal pero sa huli ay pinili na lamang manahimik. Nanghihina siyang bumalik sa kama at naupo.Ilang minuto siyang natahimik, lumuluha habang iniisip kung anong sunod na gagawin ngayon natuklasan na ang lihim nilang relasyon ni Archie?Ang pag-iyak niyang iyon ay nakatulugan niya hanggang sa magising na halos hindi niya maibuka ang mga mata. Namamaga sa labis na pag-iyak.Nanunuyot din ang l
NANATILING tahimik ng ilang segundo sa kwarto kaya binuksan na ni Shiela ang pinto at tumambad sa kanya ang anak na nakatayo sa malapit. "Si Chantal?" tanong niya nang hindi ito makita, saka pumasok sa loob.Nilibot niya ang paningin sa buong kwarto at nilingon si Archie. "Ba't 'di ka sumasagot, nasaan ang kapatid mo?"Napalingon naman si Archie sa pinto ng banyo nang bumukas ito at lumabas si Chantal na nakatungo.Kumunot-noo naman si Shiela saka nagpalipat-lipat ang tingin sa dalawa. "Ano bang nangyayari sa inyo at ba't kayo nagsisigawan?""Wala lang po 'yun--""Nainis ako," putol ni Archie sa sasabihin ni Chantal. "Kasi naman, ilang beses ko ng sinasabi na kung hindi naman niya gusto ay 'wag siyang basta-bastang um-oo sa mga request niyo."Napasinghap si Shiela sabay baling ng tingin kay Chantal. "Totoo ba? Napilitan ka lang na um-oo na makipag-date kay Edward?""Kilala niyo naman si Chantal, 'Ma. Mahihiya 'yang humindi sa inyo," si Archie ang sumagot.Naikuyom naman ni Chantal ang