Share

Kabanata 2

Auteur: Docky
last update Dernière mise à jour: 2026-01-12 14:56:39

Zia’s POV

“Aray…” mahina kong sambit habang pinupulot ko ang mga kasuotan ko sa sahig. Pakiramdam ko ay binugbog ang buo kong katawan. Kahit ang gitnang bahagi ng hita ko ay halos hindi maipaliwanag ang sakit na nararamdaman ko at gusto kong sabunutan ang sarili ko dahil doon.

Paano ko nagawang makipagsiping sa isang lalaking hindi ko kilala? Masyado akong nagpadala sa emosyong naradaman ko ng mga oras na ‘yon. Hindi na ako nakapag-isip ng maayos.

Muli akong napatingin sa lalaking mahimbing pa ring natutulog sa kama at napailing. I shouldn’t stay here any longer. Kung magigising pa siya at maabutan niya ako rito, hindi ko kakayanin ang hiya at hindi ko magagawang harapin ang kagàgahan ko.

Maliliit na hakbang ang ginawa ko hanggang sa makabalik ako sa hotel room namin ni Ace at parang pinagpapasalamat ko pang wala pa rin si Ace sa kuwarto namin kaysa magalit dahil alam ko kung nasaan siya ngayon.

Agad kong hinubad ang suot kong mga damit at inilagay sa laundry tray. Natigilan ako nang makita ko ang kabuuan ng aking katawan sa full body mirror.

“N-No… Paano ko itatago ang mga ‘to?”

Isa-isa kong hinaplos ang mga marka sa aking leeg pababa sa aking dibdib. Unti-unting bumalik sa ala-ala ko ang bawat dampi ng mainit na labi ni Zayn sa aking balat, ang malalalim na ung0l niya at ang malilikot niyang mga kamay na humaplos sa bawat parte ng aking katawan.

Muli kong naramdaman ang pag-init ng aking katawan. Mabilis akong napailing ng aking ulo at agad kong inilubog ang aking katawan sa bathtub para patayin ang apoy na nagsisimula na namang kumalat sa buo kong sistema.

Everything that happened last night was wrong.

Mariin kong ipinikit ang aking mga mata at mas inilubog ko pa ang aking sarili sa tubig. Kailangan kong kalimutan ang lahat ng nangyari noong gabing iyon. That man, those kisses, his touch, and his husky voice…I need to ensure that it will be our first and last meeting.

~~~

“Zia…” Napahinto ako sa paglalagay ng lipstick ng marahang tawagin ni Ace ang pangalan ko. Kita ko pa ang saglit na pagkagulat na gumuhit sa mukha niya bago iyon napalitan ng maliit na ngiti. “Kanina ka pa gising?”

Lumakad siya palapit sa akin at hinalikan ako sa pisngi.

“Ah, yes.” Pilit kong ibinalik ang ngiti sa kaniya at inilapag ang hawak kong lipstick sa ibabaw ng drawer. “Saan ka nagpunta? Kanina pa kitang hinihintay.” 

Pinilit kong pakalmahin ang boses ko at magpanggap na wala akong alam tungkol sa kataksilan niya.

“O-Oh, sorry.” Naging malikot ang mga mata niya. Mas humigpit din ang hawak niya sa balikat ko. “May inasikaso lang ako sa kumpanya. Urgent kasi eh. M-May problema ba?” 

Naupo siya sa dulo ng kama at tinitigan ako. Sinalubong ko ang tingin niya. Gusto ko siyang palakpakan. Hindi ko akalaing ganito pala siya kagaling magtago ng mga bagay. 

Huminga ako ng malalim at umiling. Umayos ako ng pagkakaupo at umikot paharap sa kaniya. “Naisip ko lang, gusto ko ng magtrabaho ulit.”

“What?” Halata ang pagkabigla niya sa narinig. “I mean, hindi ba’t napag-usapan na natin ‘to? Ako na ang bahala sa lahat ng gastusin at mga nais mong bilhin. Just be my wife,” pilit niya at hinawakan pa ang dalawang kamay ko pero nanatili akong matatag sa desisyon ko.

Pagkatapos ng nakita ko kagabi, kailangan ko nang magkaroon ulit ng career. Kailangan kong kumita ng sarili kong pera para makapagpundar ako ng para sa aking sarili. I can't depend on him anymore. I can't stay with this man for too long.

“I… want to join the company again, Ace. I have a degree and I want to use it for good. I want to earn my own money. Masyadong nakakainip kung sa bahay lang ako palagi. Isa pa, gusto ko ring makatulong sa'yo.” 

I have a good career before I devoted my life to you. I sacrificed everything but you wasted it, Ace.

“I-I know, Zia, pero kung ngayon ka papasok sa kumpanya, magsisimula ka ulit sa mababang departamento. Hindi kita p’wedeng ilagay sa mataas agad na posisyon.”

“Why? Kasama mo ako six years ago nang sinimulan mo ang kumpanya mo. Bakit kailangan kong magsimula sa pinakamababa? How about being your personal assistant, Ace?” suhestiyon ko pa.

Umiling-iling siya. “Mayroon na akong personal assistant, Zia. Magugulo lang ang lahat kapag bigla tayong nagbago ng mga posisyon sa kumpanya. Kung gusto mo talagang bumalik sa trabaho ay mas mainam kung sa mababang posisyon ka muna magsisimula,” plit niya.

Gusto kong matawa pero pinanatili kong kalmado ang aking sarili at saka tumango. “Fine! Any position is fine with me, Ace.”

“Sigurado ka ba?” Halatang hindi siya makapaniwalang handa kong tanggapin ang mababang posisyon sa kumpanya. “Hindi mo naman talaga kailangang magtrabaho, Zia. You have me.”

No, Ace. Katrina had you and you're just toying with me!

“Pagbigyan mo na ako, h-hubby. For six years, I stayed at home to serve you and now that we're married, I think, kailangan ko ring bumawi sa sarili ko. Afford naman nating magbayad ng maids. I also have a life, Ace. I need to breathe…again.”

“Then breathe, wifey. Hindi naman kita pipiliting maging full time housewife. We will hire our maids and you will have all your time for yourself—”

“And I want to use my time well, Ace. I don't want to be called Mrs. Evans just because I married you. I want to earn it by having my own name. You know what I mean.”

Pagkatapos ng nakita ko kagabi, nasampal ako ng katotohanan. Kailangan ko ng sarili kong pera at kailangan ko ring bantayan ang shares ko sa kumpanya. If divorce suddenly happened… at least I build myself once again and I protect what's mine.

Ilang minutong nanatiling nakatitig sa akin si Ace bago siya unti-unting tumango. “Okay, fine. Kung ‘yan ang gusto mo, but for now… kailangan muna nating pumunta sa mansyon. Gusto nina mama na roon tayo mag stay ngayong araw.”

“You’re mother?” may paninigurado kong tanong. “Sigurado ka bang tayong dalawa ang gusto niyang makita o ikaw lang?”

“Oh, come on, Zia. Kasal na tayo. Hanggang ngayon ba ay iniisip mo pa ring hindi ka gusto ni mama? Masyado lang siyang mapili at istrikto pero kung ayaw ka niya ay hindi niya hahayaang matuloy ang kasal, so please.”

“Ace, hindi mo naiintindihan.”

“Zia, saglit lang tayo roon. Nandoon lahat ng pamilya ko para i-congratulate tayo. I need you to be there.” Pinatakan niya ako ng halik sa pisngi at marahang pinisil ang kaliwang bahagi ng bewang ko. “Kasama mo naman ako kaya hindi ka mag-iisa roon. A-Attend lang tayo para magbigay ng respeto kina mama.”

Wala akong nagawa kung hindi ang sumang-ayon sa gusto niyang pagbisita sa mansyon ng mga Evans. Kapalit noon ay hahayaan niya akong maging parte muli ng kumpanya.

“Let’s go,” nakangiti niyang pag-aya sa akin. Inalalayan niya ako hanggang makarating kami sa harap ng elevator kung saan isang pamilyar na lalaki ang nakatayo roon at naghihintay.

Paulit-ulit akong napalunok ng laway ng mapagtanto ko kung sino ‘yon. 

“M-May nakalimutan yata ako sa kuwarto, Ace. B-Babalikan ko lang saglit.”

“Anong nakalimutan mo? Ako na ang kukuha,” alok niya at mabilis akong pinigilang tumalikod sa elevator.

“A-Ako na. Saglit lang naman ako---”

“Ace?” tawag ng lalaking nakatayo sa harap ng elevator. Malalim ang boses niya tulad ng gabing iyon at kahit malayo siya, pakiramdam ko ay humalik sa tainga ko ang salita niya.

Pareho niyang nakuha ang atensyon naming dalawa.

W-Wait. Kilala niya si Ace?

Napatingin ako kay Ace na halatang natigilan. Para siyang isang batang hindi mapakali.

“Uncle Zayn,” sagot niya at pinulupot ang kamay sa bewang ko ng mahigpit. “It’s nice to see you here. How are you?”

Uncle?!

Nagpabalik-balik ang tingin ko sa kanilang dalawa. Doon ko lang napagtanto ang pagiging magkahawig nila ng kaunti. Jusko! Anong kalokohan ang napasok ko?!

Halos hindi ko magawang salubungin ang tingin ng uncle ni Ace–ang lalaking nakaniig ko kagabi. Of all people, why him?

“I’m good,” tugon ni Zayn kay Ace. Lumingon siya sa akin. Mabilis akong nag-iwas ng tingin sa ngunit ramdam ko pa rin ang malalim niyang titig sa akin. “Congratulations on your wedding.”

Humigpit ang hawak sa akin ni Ace na halatang hindi rin komportable sa presensya niya.

Well, naiintindihan ko si Ace. Zayn is too intimidating.

“Salamat. Ah, ito nga pala ang asawa ko si Zia,” pakilala niya sa akin at mas hinapit pa ako palapit sa tabi niya. “And Zia, this is my uncle, Zayn.”

Sinubukan kong tingnan si Zayn ngunit agad ko ring binawi ang tingin ko nang makita kong titig na titig pa rin siya sa akin. Nakilala kaya niya ako? Naaalala rin ba niya ang mainit na gabing pinagsaluhan namin?

Mas lalong nagwala ang puso ko nang makita ko ang sapatos niyang unti-unting humakbang palapit kung nasaan ako. “It’s nice to meet you, Zia.” 

Halos mabilaukan ako nang bigkasin niya ang pangalan ko gamit ang malalim niyang boses.

“I-It’s nice to meet you too, U-Uncle Z-Zayn.” Nanlalamig ang kamay kong tinanggap ang nakalahad niyang palad at nakipag shake hands. “H-Hindi kita nakita sa kasal,” pagkukunwari ko. Sinusubukan ko kung naaalala ba niya ang pagmumukha at boses ko.

“Late akong nakarating. May business meeting akong dinaluhan. After that, something confidential happened.”

Mas lalong lumakas ang kabog ng dibdib ko nang yumuko siya para mas matitigan ang mukha ko. Agad akong napahakbang paatras. Hindi p’wedeng makilala niya ako.

“May problema sa kumpanya mo?” pagkuha ni Ace ng atensyon ni Zayn na pinagpasalamat ko.

Umiling si Zayn at huminga ng malalim. “No, it’s about something. May hinahanap lang ako. May isang taong naglakas loob na pumasok sa loob ng kuwarto ko.”

“What? May ginawa ba siyang masama sa’yo o ninakaw na mahalagang papeles?” gulat na tanong ni Ace habang ako ay parang maninigas na sa kinatatayuan.

Why is he boldly telling the details about us? Did he recognize me?

“No. Wala siyang kinuhang mahalagang papeles. But I don’t like the way she left. She vanished into thin air without a trace, without any single word. That woman is a bit rude.” Muling lumapat ang tingin niya sa akin at pasimpleng itinuro ang tinatago kong mga marka. “I think you had a very nice honeymoon last night, Ace.”

“H-Huh?” sabay naming bigkas ni Ace.

Si Ace ay parang binuhusan ng malamig na tubig habang ako ay biglang naguluhan. Huwag niyang sabihing iniisip niyang si Ace ang nag-iwan ng mga bakas sa dibdib ko?

Agad kong inayos ang turtle neck top ko at tumawa ng mahina. Hindi ko alam kung ipagpapasalamat ko ‘yon o ikakabahala.

“O-Oh, yeah. We had a good time last night, right?” Hinaplos ni Ace ang braso ko at tumawa rin para itago ang awkwardness sa sagot niya. “S-So, uhm… I wish you found the person sooner, Uncle Zayn. Right, Zia?”

I hope not!

“Y-Yeah.” Muli akong tumawa ng mahina at umiwas ng tingin. Bakit ba ang tagal magbukas ng elevator?!

“So, are you coming to the mansion too?” muling tanong ni Ace na ikinatango ni Zayn.

No way!

“That’s good! Matagal na rin simula nang huli kang umattend ng family reunion,” ani Ace habang sabay-sabay kaming pumasok sa kabubukas lang na elevator.

Bago pa tuluyang sumara ang elevator ay isang lalaki ang nagmamadaling humabol sa amin.

“Sir Zayn! May impormasyon na po kami tungkol sa taong ipinapahanap mo,” anunsyo nito na nakapagpatigil sa akin.

“Really?” Naging seryoso ang mukha niya.

“Yes sir,” mabilis na sagot ng lalaki at yumuko.

Napalunok ako nang sunod-sunod nang bigla akong sinulyapan ni Zayn. Fúck! I'm doomed!

Continuez à lire ce livre gratuitement
Scanner le code pour télécharger l'application

Latest chapter

  • Divorced My Cheating Husband, Married His Possessive Uncle    Kabanata 9

    Zayn’s POV “Take her in, I want to talk to her,” I said as I kept my attention focused on the woman in front of me. I scanned her from head to foot and only realized what she’s wearing. Kumpara sa mga madalas niyang mga suot, she looks like a highschooler now.Mabilis kong iniwas ang tingin sa kaniya nang sa wakas ay tumayo na siya at ibinalik ang atensyon sa akin. Bitbit ang box ng herbal tea ay muli siyang naupo ng maayos sa sofa, sa gilid.“Para sa’yo nga pala, Uncle Zayn,” mahina niyang bulong kasabay nang pagkagat niya sa ibabang labi na hindi nagawang palampasin ng mga mata ko.She has small, pinkish lips… even her cheeks are getting red, right now. She effortlessly made herself adorable, but clumsy in the bad way.Muling bumalik sa ala-ala ko ang gabing iyon and even someone spiked my drink… I still vividly remember some of the scenes. Ang maliit na bewang na saktong-sakto sa mga bisig ko, ang mga impit na ung0l na pilit pinipigilan, at ang malambot na labing halos maging dahi

  • Divorced My Cheating Husband, Married His Possessive Uncle    Kabanata 8

    Zia’s POV“I want to own you tonight, wifey. Can I? Hmmm?”Kung hindi ko lang alam kung ano ang ginagawa nila ni Katrina kapag nakatalikod ako, baka bumigay na ako sa pag-aaya niya. Nakakasulasok ang amoy ng pinaghalong alak at pabango ni Katrina. To think that my husband devoured someone in bed before coming to me, disgust me.“I’m sorry. Wala ako sa mood ngayon. Ang mabuti pa ay maglinis ka na muna ng katawan mo. May naaamoy kasi akong hindi kanais-nais.” Marahan kong hinawi ang mga bisig niyang nakapulupot sa akin. Pilit pa rin niya akong hinahalikan pero dumistansya pa rin ako. Napalunok ako nang makita kong inihilamos niya sa kaniyang mukha ang kaniyang mga kamay. Bahagya rin siyang lumayo sa akin. Mabuti naman.“Zia, may problema ba tayo? Ilang araw mo na akong iniiwasan. Asawa kita pero bakit hindi mo ako mapagbigyan? Bakit parang ang layo-layo mo kahit magkalapit lang naman tayo? As my wife, it is your duty to make me happy…in bed or not.”I could sense how disappointed he was

  • Divorced My Cheating Husband, Married His Possessive Uncle    Kabanata 7

    Zia’s POV“Avery!” Mabilis ko siyang sinalubong at niyakap ng mahigpit bago pa siya tuluyang bumagsak sa sahig. Puno ng luha ang mga mata at pisngi niya. Kita ko rin ang panginginig ng buong katawan niya.“Miss Zia,” hikbi niyang bulong sa pangalan ko na animo’y isang batang nagsusumbong.“Ayos na, Avery. Ligtas na tayo mula sa matandang ‘yon. Wala ka nang dapat ikatakot.” Paulit-ulit kong hinaplos ang likod niya para pakalmahin siya.“P-Pero paano ang…ang kontrata, Miss Zia?” aniya na puno ng pag-aalala. “Malaking pera ang nakasalalay sa project na ‘to. Anong gagawin natin? Tiyak na magagalit sa atin si Miss Claire. Malaki ang posibilidad na mawalan tayo pareho ng trabaho. I can't lose my job, Miss Zia. Mahirap humanap ng trabahong tulad nito,” humihikbi niyang sambit.Hindi agad ako nakakibo. Gusto ko mang pagaanin ang loob niya at sabihing magiging maayos din ang lahat, alam ko kung gaano kabigat ang kontratang pinakawalan namin.“Avery, ang mahalaga ay ligtas tayo. Susubukan kong

  • Divorced My Cheating Husband, Married His Possessive Uncle    Kabanata 6

    Zia’s POV “M-Miss, Z-Zia…” Nanginginig ang boses ni Avery. Ramdam ko rin ang kamay niyang hawak ko na nanlalamig habang tumatakbo kami sa hallway. “It’s okay, Avery. Makakaalis tayo ng ligtas sa lugar na ‘to–” Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko nang harangan kami ng isang grupo ng bodyguards. Pareho kaming napatigil ni Avery sa pagtakbo at unti-unting napaatras. Isang ngising nakakaloko ang kumawala sa labi ng isang lalaki. “Saan kayo pupunta? Sa tingin n’yo ba ay makakaalis kayo ng gano’n-gano’n na lang?” Humakbang siya palapit sa amin at ganoon din ang ginawa ng mga kasamahan niya. Napaigtad ako nang bigla niyang nahagip ang aking braso. Pinisil niya iyon at sinaman ako ng tingin. “Bumalik kayo sa loob. Hindi pa tapos sa inyo si Mr. Collins– Ack!” Isang impit na ungol ang kumawala sa kaniya nang kagatin at pisilin ni Avery ang kaniyang braso, dahilan para mabitiwan niya ako. “Putang.ina mong babae ka! Bitiwan mo ang braso ko!” sigaw niya at walang pag-iingat na hinila ang

  • Divorced My Cheating Husband, Married His Possessive Uncle    Kabanata 5

    Zia’S POV“Miss Claire, good evening. Anong problema at napatawag ka nang ganitong oras?”“Oh, I’m sorry, Zia. Nakauwi ka na ba?” Halata ang urgency sa boses niya at halatang problemado.“Oh, well yes. Pero kung may kailangan kang ipagawa ay p’wede ko namang tingnan kung magagawa ko rito sa bahay,” hindi ko mapigilang alok. Kababalik ko palang sa trabaho at masyado ko nang tinatambakan ang sarili ko ng mga tasks.“W-Well, mayroong urgent meeting ngayon para makipag-deal ng contract kay Mister Collins. Malaking project ito at hindi p’wedeng hayaan na lang. Malaki ang magiging damage sa kumpanya kapag hindi na close ang deal. Ako dapat ang kasama ni Avery na makikipag-usap kay Mr. Collins pero nagkaroon ako ng emergency rito sa bahay. Tatanungin ko sana kung p’wede bang ikaw ang pumalit sa akin?”Hindi agad ako nakakibo. Masyadong mabigat ang trabahong gusto niyang ipasa sa akin.“Please, Zia. Hindi kakayanin ni Avery mag-isa ang makipag contract deal kay Mr. Collins. Kailangan niya ng

  • Divorced My Cheating Husband, Married His Possessive Uncle    Kabanata 4

    Zia’S POV“Thank you sa pagsakay sa akin.”Natigilan siya at napangisi dahil sa sinabi ko. Is there something wrong? Oh fúck! Gano'n ba siya ka green minded at iba ang dating no’n sa kaniya? “Ah…I mean…” Magkahalong takot at hiya ang pilit kong itinatago habang dahan-dahang lumalabas sa land cruiser niya. Simpleng tango at pilyong ngiti lang ang sinagot ni Zayn.Magiliw namang ngumiti sa akin si Marcus, assistant ni Zayn na kabaliktaran ng ugali niya. “Walang anuman, Miss Zia,” aniya.Kumaway pa si Zayn bago ako tuluyang tumakbo papasok sa kumpanya ni Ace.Hindi ko pinansin ang tinginan ng ibang empleyado sa lobby at tuloy-tuloy lang akong dumiretso sa office kung nasaan ang managerial department.“Mr. Thompson?” mahina kong tawag sa lalaking abala sa pagtipa sa computer na kaharap at halos magsalubong na ang kilay, pero nang makita siya ay agad na lumiwanag ang mukha niya.“Zia?” Napatayo pa ito na parang hindi makapaniwala. “Anong ginagawa mo rito? Bukas pa ang start mo sa work mo.

Plus de chapitres
Découvrez et lisez de bons romans gratuitement
Accédez gratuitement à un grand nombre de bons romans sur GoodNovel. Téléchargez les livres que vous aimez et lisez où et quand vous voulez.
Lisez des livres gratuitement sur l'APP
Scanner le code pour lire sur l'application
DMCA.com Protection Status