Share

Kabanata 3

Auteur: Docky
last update Dernière mise à jour: 2026-01-12 14:56:53

Zia’S POV 

Malakas akong napabuntong hininga pagkapasok ko ng kotse ni Ace. Hindi ko akalaing ganoon kabilis kong muling makikita ang lalaking ‘yon at ang malala pa ay uncle siya ni Ace!

“Do you find him too much?” natatawang tanong ni Ace nang marinig niya ang buntong hininga ko. Mabilis akong tumango at hindi man lang itinanggi ‘yon.

“W-Well, hindi ko akalaing totoo ang mga nababalitaan ko sa kaniya. Ang aura niya ay masyadong mabigat para sa katulad ko. Parang isang maling sagot ko lang ay ikakagalit niya agad.” 

Muli siyang natawa at tumango. “I fully understand you. Hindi magkakaroon ng rumors kung hindi totoo. Ikaw na lang ang lumayo hangga’t maari,” bilin niya.

Kahit hindi niya sabihin iyon ay gagawin ko. Pagkatapos ng nangyari sa pagitan namin ni Zayn ay hindi ko gugustuhing mapalapit muli sa kaniya.

Zayn Evans, he has a reputation of being a ruthless business man. Gagawin niya ang lahat makuha lang ang gusto niya at ang detalyeng ‘yon ay sapat na para layuan ko siya. Natatakot ako sa maaari niyang gawin once na malaman niyang ako ang babaeng nakaniig niya noong gabing iyon and to think he’s my husband’s uncle?

“We’re here,” sabi ni Ace na nakapagpabalik sa akin sa realidad. Agad akong napatingin sa labas ng bintana at ang mataas na gate ang unang bumungad sa akin. Kusa iyong bumukas at nagsimula muling magmaneho si Ace papasok.

Hindi pa nakakahinto ang kotse ay tanaw ko na agad ang mama ni Ace na naghihintay sa pinto ng mansyon. Ngayon pa lang ay ramdam ko na agad na hindi magiging maganda ang araw na ‘to.

“Ace!” Malapad ang ngiti ni Tita Matilda nang sinalubong niya ng yakap si Ace. Hindi man lang niya ako tinapunan kahit kaunting atensyon. “Let’s go inside. I already miss you.”

Tumingin lang sa akin si Ace na parang sinasabing pagpasensyahan ko na lang si Tita Matilda at ano pa nga ba ang magagawa ko? Ayaw kong palakihin ang hindi niya pagpansin sa presensya ko sa harap ng buong pamilya ni Ace. Hindi ko ipapahiya ang sarili ko sa maliit na bagay.

“Ace, bakit hindi mo man lang pinagsuot ng pormal na damit ang asawa mo?” Sa wakas ay napansin na niya ako ngunit sa bagay na ikakaagaw pansin din ng lahat.

Luminga ako sa paligid at hindi lang naman ako ang hindi nakapormal na damit, but she’s making it a big deal once again.

“Tita, hindi lang naman po ako ang hindi nakapormal na damit—”

“But this gathering is for the two of you,” sarkastiko niyang wika. “Ano na lang ang sasabihin ng iba? Na ang napangasawa ng anak ko ay hindi marunong magdamit ng maayos? Ano na lang ang p’wede niyang ipagmalaki sa’yo bukod sa pagiging asawa niya? Wala kang trabaho. Unti-unti na ring bumabagsak ang kumpanya ng mga Ramirez. Sana bumawi ka man lang sa ibang bagay.”

Nagsimula ang mahihinang ingay sa paligid at ang mapangmatang mga tingin na ibinabato sa akin.

“So, walang trabaho ang asawa ni Ace?” Halata ang gulat ng isa sa mga pinsan niya kung hindi ako nagkakamali.

“Anong mapapala ni Ace sa isang babaeng tulad niya? Kung walang trabaho ay malamang si Ace ang gumagastos sa mga gamit niya.”

“Tita, pakilinaw mo ang mga salitang binibitiwan n’yo. Kahit wala akong trabaho ay may share pa rin ako---”

“Share sa kumpanya ng Evans? Iyon ang ipinagmamalaki mo? Ano ba ang alam namin na baka hiningi mo lang din iyon kay Ace para masabing may pinagkakakitaan ka, pero ang totoo ay nakaasa ka lang sa anak ko.” Hinaplos niya ang braso ni Ace na tahimik lang sa gilid at nakatingin sa akin.

Wala man lang ba siyang sasabihin para ipagtanggol ako? Hindi ba niya sasabihing sarili kong pera ang inilagay ko sa kumpanya niya para tulungan siya? At hindi ba niya babanggitin na ako halos ang naging dahilan ng pag-angat ng kumpanyang itinayo naming dalawa?

“Tita, I have my own mone---”

“Ma’, pasensya na. Sa susunod ay sisiguraduhin na lang naming maayos ang suot naming damit.” Tumingin sa akin si Ace at umiling.

Anong gusto niya? Tumahimik na lang ako habang ipinapahiya ako ng mama niya sa harapan ng lahat? Kung hindi niya ako kayang ipagtanggol ay ako ang gagawa noon para sa sarili ko.

“Mabuti naman kung ganoon. Siguraduhin mong maayos ang asawa mo bago kayo pumunta rito. Kahit mga Evans lang ang nandito, dapat matuto siyang mahiya, makisama, at bumagay.” Tinapunan ako ng mapanglait na tingin bago umismid.

“Kung hindi ako nababagay rito, bakit hindi na lang ako umalis?” malakas kong sabi na nakapagpasinghap sa lahat. 

Mabilis akong nilapitan ni Ace at hinawakan sa braso. “Zia, ano sa tingin mo ang ginagawa mo? Bakit hindi ka na lang tumahimik at tanggapin ang pangaral ni mama? Gusto lang naman niya ang ikakabuti mo, pero bakit minamasama mo? Huwag mong sirain ang araw na ‘to dahil lang hindi mo nagugustuhang itinatama ka,” bulong niyang sabi sa akin habang pinipigilan ako.

Sarkastiko akong natawa ng mahina sa narinig mula sa kaniya. 

“Tinatama? Naririnig mo ba ang sinasabi mo, Ace? Pagpapahiya na ang ginagawa sa akin ng mama mo sa harap ng buo mong angkan, at ikaw, wala ka man lang ginagawa para itama ang mga mali niyang sinasabi.”

“Ano bang mali sa sinasabi niya?” 

Dismayado ko siyang tiningnan dahil sa tanong niya. Talagang tinatanong niya ako kung anong mali sa mga sinabi ni Tita Matilda?

“Lahat, Ace. Lahat ng sinasabi niya tungkol sa akin ay mali---”

“Zia, tama naman lahat ng sinabi ni mama. Hindi formal ang suot mo at… wala kang trabaho sa ngayon, pero bibigyan naman na kita ng trabaho.”

“What? Ikaw ba talaga ang maghahanap ng trabaho para sa kaniya?” tanong ni Tita Matilda at umiling. Lalo lang nadagdagan ang pagkadismaya sa mukha niya.

Bumuka ang bibig ko pero muli ko iyong itinikom. Hinayaan ko si Ace na ipaliwanag na ako ang may gustong magtrabaho kahit ang gusto niya ay manatili akong devoted housewife para sa kaniya.

“Yes, ma’,” maikli niyang sagot na ikinabagsak ng balikat ko.

Ano pa ba ang aasahan ko kay Ace pagdating sa harapan ng pamilya niya?

“I will leave now. I don’t care about this gathering anymore.” Malakas kong hinila ang braso ko para makawala kay Ace at tuloy-tuloy akong naglakad palabas sa room kung nasaan kami.

“Wala talagang modo! Kaya bumabagsak ang kumpanya nila ay dahil para silang walang pinag-aralan!” Narinig ko pang asik ni Tita Matilda bago ako tuluyang makalabas sa mansyon.

Walang pinag-aralan? Sila ang umaaktong parang mga walang pinag-aralan! Paano niya naaatim na mamahiya ng isang tao sa harapan ng iba? Bakit hindi nila makitang kasama ako ni Ace sa pagiging successful niya?

Ayaw kong isumbat ang mga ginawa ko para kay Ace, pero pagkatapos ng ginawa niya at ginagawa ng pamilya niya sa akin, hindi ko magawang hindi balikan lahat ng mga sakripisyong ginawa ko para sa kaniya  at sa business na dapat ay parte ako.

“Zia!” Hinablot ako ni Ace paharap sa kaniya nang tuluyan niya akong maabutan sa labas ng gate. “Ano sa tingin mo ang ginagawa mo? Bumalik ka sa loob at humingi ng tawad sa pamilya ko lalo na kay mama. Hindi mo sila dapat binabastos.”

“What?” pasinghap kong tanong sa kaniya at pagak na natawa. “Ako pa ang nambastos sa kanila pagkatapos ng mga sinabi ng mama mo sa akin? Sa mga ginawa niya ay ako pa ang masama? Umalis na nga ako para hindi gumawa ng gulo sa loob, Ace!”

“Pero hindi maayos ang pag-alis mo! You turn your back on them in a rude way! Come on, Zia. Bumalik tayo sa loob at humingi ka ng tawad.” Akmang hahawakan niya ako nang hampasin ko ang kamay niya.

“T-That’s not going to happen, Ace. Hindi ako babalik sa loob para humingi ng tawad sa mga taong unang bumastos sa akin.”

“Zia,” tawag niya sa akin nang biglang tumunog ang cellphone niya sa bulsa. Agad niya iyong kinuha at hindi nakawala sa tingin ko ang pangalan ng caller sa screen.

Katrina…

“Hello?” puno ng pag-aalala niyang sagot. “I will come to pick you up immediately. Stay there. Stop crying,” malambing niyang sabi. Pagkapatay niya ng tawag ay agad nagtama ang tingin naming dalawa. Saglit siyang natigilan pero huminga nang malalim. “Kailangan niya ako. Sinaktan na naman siya ng asawa niya.”

“Kailangan ka niya?” sarkastiko kong tanong. “Iiwan mo ako rito para sa kaniya?”

“Hindi maayos ang lagay ni Katrina. Kailangan niya ng kasama ngayon, Zia. Bilang babae sana maintindihan mo ang ibig kong sabihin. Isa pa, nandito ka naman. Walang mananakit sa’yo.”

Walang mananakit? Bulag ba talaga si Ace o wala talaga siyang pakialam kung paano ako tratuhin ng pamilya niya?

“Go! Kung gusto mong umalis ay umalis ka,” hamon ko sa kaniya pero wala man lang pagdadalawang-isip akong nakita sa mata niya nang talikuran niya ako at tuluyang sumakay ng kotse. Pinaharurot niya iyon ng mabilis palayo.

Tiningnan ko ang daan papunta sa main road at ang suot kong heels. Talagang iniwan niya ako rito. Pagak muli akong natawa at sinimulang lakarin ang daan papunta sa main road. Alam ko namang may mangyayaring hindi maganda ay sumama pa rin ako.

Wala pang ilang minuto akong naglalakad ay ramdam ko na ang init ng araw at pananakit ng paa ko. Ramdam ko ang pag gasgas ng sandals sa aking balat na naging dahilan ng maliit na sugat sa gilid ng aking mga paa.

Akmang aalisin ko na ang sandals ko nang isang itim na land cruiser ang huminto sa aking tabi. Agad nagsalubong ang kilay ko at tumayo ng tuwid. Hinintay kong ibaba ang salamin ng kotse kung sinuman ang may-ari noon.

“Miss, pumasok na po kayo sa loob.” Isang lalaki mula sa driver seat ang dali-daling umikot sa gawi ko at binuksan ang backseat. Tumambad sa akin ang mukha ng lalaking pinakahuli kong gustong makita. “Sabi ni Sir Zayn ay sumabay ka na sa amin.”

“Ah… ano…” Parang naputol ang dila ko at hindi ko mahanap ang salitang nararapat kong isagot.

“Hindi naman kita kakagatin. Huwag kang matakot.” Seryoso ang mukha ni Zayn gamit ang malalim na boses. Diretso rin ang tingin niya sa akin habang sinasabi ang mga salitang iyon.

Pasimple akong napahaplos sa gitna ng aking leeg at balikat kung saan nandoon pa rin ang marka ng ngipin niya. Paano ako maniniwala kung naranasan ko nang makagat niya?

Agad akong tumikhim para alisin ang barang nagsisimulang mamuo sa aking lalamunan at dali-daling pumasok. Alangan akong naupo sa tabi niya.

“S-Salamat.”

 Binasa ko ang ibabang labi at paulit-ulit na napalunok nang agad na humalik ang amoy ng kaniyang pabango sa aking ilong. Napakapamilyar ng amoy niya at nakakapagpaalala iyon sa mga bagay na nangyari sa amin noong gabing iyon na pilit kong kinakalimutan!

Pasimple kong inihilig ang ulo ko at humigit ng lakas ng loob para tumingin sa kaniya ngunit agad din akong napaiwas ng tingin nang mapagtanto kong titig na titig siya sa akin. “H-Hindi ka tutuloy sa loob para makipagkwentuhan?”

“No, I went here to check something at okay na. Nasaan pala si Ace? Bakit hinahayaan ka niyang maglakad sa ilalim ng tirik na araw?”

“O-Oh, may kailangan siyang puntahang tao. Kaya ko namang mag-isa. Hinayaan ko na siyang maunang umalis.” 

Pilit akong ngumiti kahit hindi ako makatingin sa kaniya at sa halip ay mas itinuon ko ang atensyon sa labas ng bintana.

“Is that person more important to his own wife?” Simpleng tanong para sa kaniya pero parang kutsilyong sumaksak sa akin.

“Maybe. Who knows?” kibit-balikat kong sagot at akmang iaayos sana ang sandal ko nang biglang magpreno ang kotse at nawalan ako ng balanse.

Ramdam ko ang dalawa niyang kamay na nakahawak sa magkabila kong bewang habang ang puwetan ko ay nakaupo na sa kaniyang hita. Shít!

 “I-I’m sorry. N-Nawalan ako ng balanse.” Nahihiya akong mabilis na umalis sa kandungan niya.

Ramdam ko ang pagwawala ng puso ko na parang gusto nang tumalon palabas sa aking dibdib. Maging ang mga kamay ko ay nagsimula na ring manginig at hindi alam kung saan hahawak.

“It’s fine, no worries,” simpleng tugon niya na parang wala lang sa kaniya ang nangyari, kabaliktaran sa nararamdaman ko.

“By the way, can I ask you something?” bigla niyang tanong dahilan para mapatingin ako sa kaniya. Tinapunan na naman niya ako ng malalim na tingin.

“W-What is it?” Para akong masusuka anumang oras dahil sa sobrang kaba. Ramdam na ramdam ko ang tila mga paro-parong naglalaro sa aking tiyan. Why am I being so nervous around him?

“Nagkita na ba tayo bukod sa elevator? You look very familiar to me, pero hindi ko alam kung bakit.” Mas yumuko siya palapit sa akin. Nanliliit ang kaniyang mga mata. Unti-unti naman akong napaatras habang pigil ang hiningang nakatingin sa kaniya.

“I-I don’t think so. I-Iyon ang unang beses na nakita kita… kaya imposibleng nagkita na tayo noon. Maybe sa balita o magazine mo ako nakita noon,” palusot ko at mas umusog pa ako sa tabi ng bintana. He's unexplainably magnetic and dangerously addictive.  I need to put so much distance between us. The wider, the better!

Continuez à lire ce livre gratuitement
Scanner le code pour télécharger l'application

Latest chapter

  • Divorced My Cheating Husband, Married His Possessive Uncle    Kabanata 9

    Zayn’s POV “Take her in, I want to talk to her,” I said as I kept my attention focused on the woman in front of me. I scanned her from head to foot and only realized what she’s wearing. Kumpara sa mga madalas niyang mga suot, she looks like a highschooler now.Mabilis kong iniwas ang tingin sa kaniya nang sa wakas ay tumayo na siya at ibinalik ang atensyon sa akin. Bitbit ang box ng herbal tea ay muli siyang naupo ng maayos sa sofa, sa gilid.“Para sa’yo nga pala, Uncle Zayn,” mahina niyang bulong kasabay nang pagkagat niya sa ibabang labi na hindi nagawang palampasin ng mga mata ko.She has small, pinkish lips… even her cheeks are getting red, right now. She effortlessly made herself adorable, but clumsy in the bad way.Muling bumalik sa ala-ala ko ang gabing iyon and even someone spiked my drink… I still vividly remember some of the scenes. Ang maliit na bewang na saktong-sakto sa mga bisig ko, ang mga impit na ung0l na pilit pinipigilan, at ang malambot na labing halos maging dahi

  • Divorced My Cheating Husband, Married His Possessive Uncle    Kabanata 8

    Zia’s POV“I want to own you tonight, wifey. Can I? Hmmm?”Kung hindi ko lang alam kung ano ang ginagawa nila ni Katrina kapag nakatalikod ako, baka bumigay na ako sa pag-aaya niya. Nakakasulasok ang amoy ng pinaghalong alak at pabango ni Katrina. To think that my husband devoured someone in bed before coming to me, disgust me.“I’m sorry. Wala ako sa mood ngayon. Ang mabuti pa ay maglinis ka na muna ng katawan mo. May naaamoy kasi akong hindi kanais-nais.” Marahan kong hinawi ang mga bisig niyang nakapulupot sa akin. Pilit pa rin niya akong hinahalikan pero dumistansya pa rin ako. Napalunok ako nang makita kong inihilamos niya sa kaniyang mukha ang kaniyang mga kamay. Bahagya rin siyang lumayo sa akin. Mabuti naman.“Zia, may problema ba tayo? Ilang araw mo na akong iniiwasan. Asawa kita pero bakit hindi mo ako mapagbigyan? Bakit parang ang layo-layo mo kahit magkalapit lang naman tayo? As my wife, it is your duty to make me happy…in bed or not.”I could sense how disappointed he was

  • Divorced My Cheating Husband, Married His Possessive Uncle    Kabanata 7

    Zia’s POV“Avery!” Mabilis ko siyang sinalubong at niyakap ng mahigpit bago pa siya tuluyang bumagsak sa sahig. Puno ng luha ang mga mata at pisngi niya. Kita ko rin ang panginginig ng buong katawan niya.“Miss Zia,” hikbi niyang bulong sa pangalan ko na animo’y isang batang nagsusumbong.“Ayos na, Avery. Ligtas na tayo mula sa matandang ‘yon. Wala ka nang dapat ikatakot.” Paulit-ulit kong hinaplos ang likod niya para pakalmahin siya.“P-Pero paano ang…ang kontrata, Miss Zia?” aniya na puno ng pag-aalala. “Malaking pera ang nakasalalay sa project na ‘to. Anong gagawin natin? Tiyak na magagalit sa atin si Miss Claire. Malaki ang posibilidad na mawalan tayo pareho ng trabaho. I can't lose my job, Miss Zia. Mahirap humanap ng trabahong tulad nito,” humihikbi niyang sambit.Hindi agad ako nakakibo. Gusto ko mang pagaanin ang loob niya at sabihing magiging maayos din ang lahat, alam ko kung gaano kabigat ang kontratang pinakawalan namin.“Avery, ang mahalaga ay ligtas tayo. Susubukan kong

  • Divorced My Cheating Husband, Married His Possessive Uncle    Kabanata 6

    Zia’s POV “M-Miss, Z-Zia…” Nanginginig ang boses ni Avery. Ramdam ko rin ang kamay niyang hawak ko na nanlalamig habang tumatakbo kami sa hallway. “It’s okay, Avery. Makakaalis tayo ng ligtas sa lugar na ‘to–” Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko nang harangan kami ng isang grupo ng bodyguards. Pareho kaming napatigil ni Avery sa pagtakbo at unti-unting napaatras. Isang ngising nakakaloko ang kumawala sa labi ng isang lalaki. “Saan kayo pupunta? Sa tingin n’yo ba ay makakaalis kayo ng gano’n-gano’n na lang?” Humakbang siya palapit sa amin at ganoon din ang ginawa ng mga kasamahan niya. Napaigtad ako nang bigla niyang nahagip ang aking braso. Pinisil niya iyon at sinaman ako ng tingin. “Bumalik kayo sa loob. Hindi pa tapos sa inyo si Mr. Collins– Ack!” Isang impit na ungol ang kumawala sa kaniya nang kagatin at pisilin ni Avery ang kaniyang braso, dahilan para mabitiwan niya ako. “Putang.ina mong babae ka! Bitiwan mo ang braso ko!” sigaw niya at walang pag-iingat na hinila ang

  • Divorced My Cheating Husband, Married His Possessive Uncle    Kabanata 5

    Zia’S POV“Miss Claire, good evening. Anong problema at napatawag ka nang ganitong oras?”“Oh, I’m sorry, Zia. Nakauwi ka na ba?” Halata ang urgency sa boses niya at halatang problemado.“Oh, well yes. Pero kung may kailangan kang ipagawa ay p’wede ko namang tingnan kung magagawa ko rito sa bahay,” hindi ko mapigilang alok. Kababalik ko palang sa trabaho at masyado ko nang tinatambakan ang sarili ko ng mga tasks.“W-Well, mayroong urgent meeting ngayon para makipag-deal ng contract kay Mister Collins. Malaking project ito at hindi p’wedeng hayaan na lang. Malaki ang magiging damage sa kumpanya kapag hindi na close ang deal. Ako dapat ang kasama ni Avery na makikipag-usap kay Mr. Collins pero nagkaroon ako ng emergency rito sa bahay. Tatanungin ko sana kung p’wede bang ikaw ang pumalit sa akin?”Hindi agad ako nakakibo. Masyadong mabigat ang trabahong gusto niyang ipasa sa akin.“Please, Zia. Hindi kakayanin ni Avery mag-isa ang makipag contract deal kay Mr. Collins. Kailangan niya ng

  • Divorced My Cheating Husband, Married His Possessive Uncle    Kabanata 4

    Zia’S POV“Thank you sa pagsakay sa akin.”Natigilan siya at napangisi dahil sa sinabi ko. Is there something wrong? Oh fúck! Gano'n ba siya ka green minded at iba ang dating no’n sa kaniya? “Ah…I mean…” Magkahalong takot at hiya ang pilit kong itinatago habang dahan-dahang lumalabas sa land cruiser niya. Simpleng tango at pilyong ngiti lang ang sinagot ni Zayn.Magiliw namang ngumiti sa akin si Marcus, assistant ni Zayn na kabaliktaran ng ugali niya. “Walang anuman, Miss Zia,” aniya.Kumaway pa si Zayn bago ako tuluyang tumakbo papasok sa kumpanya ni Ace.Hindi ko pinansin ang tinginan ng ibang empleyado sa lobby at tuloy-tuloy lang akong dumiretso sa office kung nasaan ang managerial department.“Mr. Thompson?” mahina kong tawag sa lalaking abala sa pagtipa sa computer na kaharap at halos magsalubong na ang kilay, pero nang makita siya ay agad na lumiwanag ang mukha niya.“Zia?” Napatayo pa ito na parang hindi makapaniwala. “Anong ginagawa mo rito? Bukas pa ang start mo sa work mo.

Plus de chapitres
Découvrez et lisez de bons romans gratuitement
Accédez gratuitement à un grand nombre de bons romans sur GoodNovel. Téléchargez les livres que vous aimez et lisez où et quand vous voulez.
Lisez des livres gratuitement sur l'APP
Scanner le code pour lire sur l'application
DMCA.com Protection Status