MasukNagulat si Atty. Mendoza sa biglaang desisyon ni Nimfa. “Ano'ng sabi mo, Nimfa? Annulment? Are you sure about that?” paninigurado nito.
Bumuntong-hininga si Nimfa bago pabagsak na umupo sa kama. “Desidido na po ako, Atty. Mendoza. Niloloko lang ako ni Marcus. May relasyon siya kay Claire, sa asawa ng kapatid niya…” “Puwede kitang tulungang mag-file ng annulment, Nimfa. Pero sigurado ka ba talaga?” Lumunok siya bago sinapo ang noo. “Sigura—” “Sino'ng kausap mo?” putol sa kaniya ng isang tinig. Nang bumaling siya sa pinto, nakita niya si Marcus na hubo't-hubad. Dali-dali niyang pinatay ang tawag bago tinuyo ang magkabilang pisnging balot na ng luha. “W-Wala.” Umiling ang asawa bago naglakad palapit sa kaniya. “Ginagawa mo ba ‘kong tanga, Nimfa? Hindi ako bingi. Nakita at narinig kitang may kausap ka.” “Wala ‘yon, Marcus…” pagpupumilit niya. “Give me your phone, now!” maawtaridad nitong sambit bago inilahad ang kamay sa harap niya. Nagsimulang manginig si Nimfa nang sandaling iyon dahil sa matalim na tingin ng asawa niya sa kaniya. Gustuhin man niyang hindi sundin ang nais nito, pero sa takot, wala na siyang nagawa kundi ang ipatong ang cellphone niya sa palad nito. Sandali iyong kinalikot ni Marcus bago ibinalik ang tingin sa kaniya. “Si Atty. Mendoza ang kausap mo? Your lawyer? Bakit mo siya kausap?” “May tinanong lang ako sa kan—” Napasinghap na lang si Nimfa nang biglang hawakan ni Marcus ang braso niya. Bahagya pa siyang napadaing dahil sa higpit nang pagkakahawak nito sa kaniya. “Nakikipaglandian ka ba sa kaniya, ha?” tiim na tanong ni Marcus sa kaniya. “Hindi, Marcus, hindi,” agad niyang sagot bago sinubukang bawiin ang braso niya, ngunit hindi iyon binitiwan ng asawa kaya muli siyang nagsalita, “Bitiwan mo ‘ko, Marcus, nasasak—” “Dapat lang na masaktan ka dahil hindi tama ‘tong ginagawa mo. ‘Wag na ‘wag mo nang kakausapin ang lalaking ‘yon dahil kung hindi, ikukulong kita rito.” At pabagsak siya nitong binitiwan bago inihagis ang cellphone niya sa pader dahilan para mawasak iyon. “Marcus, ano'ng ginawa mo? Regalo ‘yan sa ‘kin ni tatay.” At nilapitan niya ang cellphone niya. Subalit nang makita niya ang estado noon, napaiyak na lang siya. “Regalo ‘to sa ‘kin ni tatay bago siya mawala. Ano'ng ginawa mo, Mar—” “Parusa mo ‘yan sa pakikipag-usap mo sa lawyer mo!” walang emosyong anas ni Marcus bago ito tuluyang lumabas ng silid. Napayukom na lamang si Nimfa. Nagngalit siya. Ito pa talaga ang may lakas ng loob na pagbintangan siya, eh sa kanilang dalawa, ito naman ang tunay na manloloko. Sariling hipag, ginagapang. Sariling hipag, pinagnanasahan. Nakakasuka. Dahil sa ginawa ni Marcus, magdamag nang gising si Nimfa. Wala na ang kaisa-isang alaala ng tatay niya sa kaniya bago ito mamaalam sa mundo. Ang totoo, mag-isa na lang sa buhay si Nimfa dahil ang nanay niya ay namatay habang ipinapanganak siya. Kaya ngayong may kinakaharap siyang matinding sitwasyon, wala siyang ibang mapaglapitan kundi ang sarili lang niya. Kinabukasan, nang magising siya, bumaba agad siya sa unang palapag, subalit tila mapapatid siya sa kinatatayuan nang makitang magulo ang bahay. Nagkalat ang mga unan sa sahig, may mga basag na vase, at mga indoor plants na tila pilit na binungkal, dahilan upang kumalat ang lupa sa marmol na sahig. Idagdag pa rito ang mga dekorasyon sa dingding—mga painting na pinaghirapan pa niyang ayusin—na ngayon ay sira at nagkalat na rin. Dahan-dahang naglakad si Nimfa upang hanapin ang may sala, at sa isang sulok, nakita niya si Harry, ginuguhitan ang isang pamilyar na painting—ang painting na binili niya sa malaking halaga. “Harry, ano'ng ginagawa mo? Akin ‘yan, bakit mo ginuguhitan?” Sabay bawi niya noon, subalit huli na dahil halos mapuno na ng marker iyon. “Bakit mo ‘to ginuhitan, Harry? Bakit?” tanong niya pa, bahagya nang mataas ang boses niya dahil sa galit. “So?” Nguso sa kaniya ng bata na ikinanlaki ng mga mata niya. “Sabi ni mommy, bahay na namin ‘to, and I can do whatever I want.” Pikang-pika na si Nimfa kay Harry, kulang na lang ay saktan na niya ito dahil sa ugali nito. Pero pinipigilan lang niya ang sarili dahil hindi siya nabuhay upang manakit ng bata. Pero sobra na talaga ito kaya hindi na niya napigilan na hawakan ang braso nito. “Hindi niyo ‘to bahay, Harry. Wala kayong lugar sa bahay na ‘to dahil kay sa asawa ko ‘to, kay Marcus. Hindi porke nakatira kayo rito ng ina mo, ibig-sabihin ay may karapatan ka nang manira. Wala, Harry, wala—” “Ouch!” daing nito. Napaatras si Nimfa sa gulat. Wala naman siyang ginawa para dumaing ito. Pero ang mga sumunod na nangyari, hindi na niya kinaya pa. Kinurot ni Harry ang sariling braso hanggang sa magsugat at magdugo iyon, na agad nitong ikinaatungal. “Mommy! Mommy! Mommy! She hurt me, mommy, she hurt me…” Patuloy nito sa pag-atungal. “‘Wag kang gumawa ng kuwento, Harry, hindi—” “Ano'ng nagyayari rito? Oh my God, Harry, what happened?” gulat na saad ni Claire na bigla na lang sumulpot kung saan. “Kinurot ako ni Tita N, mommy. Look, it's bleeding,” sumbong ni Harry sa ina na lalong ikinagulat ni Nimfa. Nang humarap si Claire sa kaniya, nakita niya agad ang matinding galit nito sa mukha. “Sinaktan mo si Harry? Sinaktan mo ang anak ko?!” hiyaw nito. Sa lakas, umalingawngaw iyon sa buong bahay. “Walang katotohanan ‘yan, Claire. Hindi ko kinurot si Harry, at lalong hindi ko siya sinaktan. Kinakausap ko lang siya kasi ginulo niya ang bahay, lalo na ‘tong painting na ‘to tapos bigla na lang niyang kinurot ang sarili—” “Hindi nagsisinungaling ang bata!” palahaw ni Claire bago siya sinampal nang malakas. Dahil mabilis ang nangyari, hindi naiwasan ni Nimfa ang palad nito. Natumba siya sa lakas nang pagtama noon sa pisngi niya. “Hindi ko sinasaktan ang anak ko, Nimfa. Kahit kailan, hindi ko inilapat ang kamay ko sa kaniya. ‘Wag ka nang magmalinis, sinaktan mo ang anak ko.” Susugurin na sana siya ni Claire nang biglang dumating si Marcus mula sa pagjo-jogging. Pawisan ito, pero mas kapansin-pansin ang reaksyon nito sa mukha. “Anong nangyayari rito? Bakit magulo? Bakit ka naiyak, Harry? Ano'ng nangyayari sa inyong dalawa?” sunod-sunod na tanong ng asawa. “Tito Marcus!” At humahagulgol na lumapit si Harry kay Marcus. “Kinurot ako ni Tita N. Look, my arm is bleeding…” At ipinakita pa nito ang balat nito. Tiningnan iyon ni Marcus bago gulat na bumaling sa kaniya. “Sinaktan mo si Harry? Sinaktan mo ang bata?” tanong nito na ikinalaglag ng panga ni Nimfa.“How's Harry?” tanong ni Marcus kay Claire nang pumasok ito sa banyo.Nakangiting lumapit sa kaniya ang babae bago hinubad sa mismong harap niya ang mga suot nito. “Napatulog ko na,” tugon nito bago sumampa sa bathtub, sa mismong harap niya.Bahagyang ibinuka ni Marcus ang kaniyang mga hita upang bigyan ng espasyo si Claire sa harap niya. Kinuha pa nito ang mga braso niya at iniyakap sa hubad nitong katawan.“Good to know, baby. I've been here for an hour, akala ko matatapos ang gabi na hindi tayo nagkakasama,” sambit niya bago siniil ng halik si Claire sa batok patungo sa leeg nito.“‘Wag ka ngang nega, Marcus. Medyo nahirapan lang akong patulugin si Harry, iniisip na naman niya kasi si Harrison.”“Intindihin mo na lang muna siya, baby. Kamamatay lang ni Kuya Harrison, of course, Harry is still grieving.”Ipinagsalikop ni Claire ang mga kamay nila bago hinalik-halikan ang braso niya. “Palagi ko namang iniintindi si Harry, syempre, anak ko siya. Nga pala, naibigay mo na ba kay Nimfa ‘
“Ano? Magbubulag-bulagan ka na lang, Nimfa? Mali naman yata ‘yon.”Agad napailing si Nimfa sa tinuran ni Janice—isa sa mga kaibigan niya—nang ikuwento niya ang kasalukuyang sitwasyon ng buhay niya.Bumuntong-hininga siya kapagkuwa'y ipinatong sa harap ng kaibigan ang kapeng tinimpla niya bago umupo sa tabi nito.“Mahal ko si Marcus, Janice.”“Kaya handa kang magbubulag-bulagan? Mali naman yata ‘yon, bes. Niloloko ka na nga ni Marcus, mahal mo pa rin siya?” tila dismayadong saad ng kaibigan bago sumimsim sa kape nito.“Hindi ko alam, bes. Oo, niloloko niya ‘ko, p-pero mahal ko pa rin siya. Pero kahapon, naupos na ‘ko, gusto ko nang makipaghiwalay sa kaniya pero hindi siya pumayag. Ayaw niyang makipaghiwalay sa ‘kin. Tapos kanina, ang bait-bait nila sa ‘kin, lalo na ‘yong kabit niya. Pero malakas ang kutob ko na nagpapanggap lang sila.”“Hindi ko maintindihan, bes. Hindi ikaw ang nakilala kong Nimfa. Simula't sapol, magkasama na tayo kaya kilalang-kilala na kita. Hindi mo hinahayaang lo
Pagkatapos ng simpleng almusal sa dining area, nagkaniya-kaniya na sila. Si Nimfa na ang nagpresintang maghugas ng mga pinagkainan nila, habang si Marcus naman ay pumanhik sa ikalawang palapag upang maghanda para sa pagpasok nito sa trabaho, at ang mag-ina namang Claire at Harry ay sumunod din sa asawa niya para rin maghanda sa pagpasok ng bata sa eskuwelahan.Habang naghuhugas, hindi niya maiwasang mapaisip. Habang kumakain kasi sila kanina, walang ibang ipinakita sa kaniya ang mga ito kundi kabutihan. Hindi niya iyon inaasahan kahit sa loob-loob niya ay pagpapanggap lang iyon. Halata naman sapagkat nakikita niya ang simpleng pagtitinginan nina Marcus at Claire.Gustuhin man niyang magpadala sa mga ito, pero bigla niyang naalala ang sinabi ng ama niya. Maghiganti. Iyan ang kasalukuyang pumupuno sa utak niya. Nais ba nitong maghiganti siya sa kapahangasang ginawa ni Marcus sa kaniya? Ngunit paano? Paano siya magsisimula? At sino ang makakapitan niya?Pero kung bibigyan lang talaga si
Sa kabilang dako, luhaang bumagsak si Nimfa sa kama dahil sa sinaad ni Marcus sa kaniya. May ibang babae na ito, ngunit bakit tila ayaw pa siya nitong pakawalan? Ano'ng gagawin niya sa pamamahay na ito? Habang-buhay magbulag-bulagan habang nakikita kung gaano kasaya ang asawa niya sa ibang babae?Parang mawawala na si Nimfa sa sarili nang mga oras na iyon. Kahit luhaan, ipinikit na lamang niya ang mga mata hanggang sa lamunin siya ng kadiliman.Nang sumapit ang kinaumagahan, agad siyang bumaba sa kusina nang maramdaman niyang kumukulo ang tiyan niya. Kahapon pa siya walang kain kaya naman halos magwala ang mga bulate niya sa tiyan. Ngunit malayo pa lang sa kusina, nakaamoy agad siya ng mabango na lalong nagpagutom sa kaniya. Amoy bacon, na isa sa mga paborito niyang umagahan. Dali-dali niyang dinako ang kusina subalit mabilis na naglaho ang saya niya nang makita si Claire na nagluluto. Pakanta-kanta at pasayaw-sayaw pa ito habang suot ang nightgown nito, waring kakagising lang.Lum
Mayamaya pa, nang maramdaman ni Nimfa na bahagyang gumalaw ang asawa, humiwalay na siya rito. Napansin niya agad ang pamamasa ng mga mata nito habang matamang nakatingin sa kaniya.“Umiiyak ka ba, Marcus?” tanong niya sa asawa.Marahang umiling si Marcus bago ngumiti. “N-No…” tanggi nito bago hinawakan ang mga palad niya bago masuyong pinisil ang mga iyon. “Naaawa ako sa ‘yo, Nimfa. Tatlong taon na tayong magkasama sa bahay na ‘to, pero hindi mo man lang sinabi sa ‘kin ang ginawa sa ‘yo ni mom. Kung… kung alam ko lang, pipigilan ko siya. You don't deserve something like that…” lintaya pa nito.Nang sandaling iyon, walang ibang maramdaman si Nimfa kundi ang matinding awa ni Marcus para sa kaniya. Basag ang boses nito, tila nakikisimpatiya.Kahit papaano, natuwa siya. Hindi niya inaasahan na ganito ang magiging reaksyon ng asawa niya. Buong akala niya'y babaliwalain lang nito ang rebelasyon niya, ngunit heto't sinundan siya sa silid nila upang humingi ng tawad sa nagawa ng ina nito sa k
“A-Ako, Marcus? Kinukuwestyon mo ang pagiging asawa ko? B-Bakit?” naguguluhang wika ni Nimfa habang gulat pa ring nakatingin sa asawa.Umiling si Marcus bago hinilot ang magkabilang sentido. “Arturo, dalhin mo si Harry sa kuwarto nila sa itaas,” utos nito sa mayordomo na kakatayo lang.Tumango ito bago sinunod ang utos ng asawa.“Hindi kita kinukuwestyon, Nimfa. Ang akin lang, nandito ka naman sa bahay, kasama mo si Claire, bakit hindi mo man lang siya tinulungan—”“Oh, eh, bakit parang kasalanan ko? B-Bakit parang isinisisi mo sa ‘kin ang nangyari, ha? Kakababa ko lang, Marcus. Maghapon ako sa kuwarto, kaya wala akong alam.”“Really? Alam mo, Nimfa, ang babaw mo. Bisita natin si Claire, tinulungan mo sana siya imbes na ikulong mo ‘yong sarili mo sa kuwarto. Tingnan mo siya, she's soaking wet. Malaki ang posibilidad na magkasakit siya.”Ngumisi si Nimfa. Hindi na niya maintindihan ang asawa. Masyado na nitong ipinapahalata sa kaniya na mas gusto nito si Claire kaysa sa kaniya na mismo







