Chapter: Chapter 148“H-How’s Zacharias, Tita N?” tanong ni Harry.Napamulagat si Nimfa. Hindi siya agad nakapagsalita habang nakatitig sa mga mata ng binata. Habang pinagmamasdan niya ito, biglang rumihistro sa isip niya ang nangyari noon—ang panahong malayo ang loob nila sa isa't-isa. Tandang-tanda pa niya kung paano ito gumawa ng kuwento para magalit si Marcus sa kaniya. Nagsinungaling itong kinurot niya raw ito kahit hindi naman totoo. Pero ngayon, sa hitsura ni Harry, para itong hindi makabasag-pinggan. Ibang-iba na rin ito. Guwapo at matipuno na, malayong-malayo sa batang dati niyang kilala.Mariing napalunok si Nimfa bago sunod-sunod na umiling. “Si Zacharias?”Tumango si Harry. “How is he? Is he okay?”“O-Oo, okay lang naman siya. Natutulog na siya. Teka—bakit mo natanong? Naparito ka ba para lang tanungin kung maayos ang anak ko? Naguguluhan ako, Ha—”“Just remember, Tita N... the day will come when you will know the truth.”Pagkasabi niyon ni Harry, tumalikod na ito at agad na tumakbo palayo.“
Huling Na-update: 2026-07-15
Chapter: Chapter 147“So you and Zachary aren't okay?” rinig niyang tanong ni Wesker habang nakatanaw siya malayo.Marahas na nagpakawala ng hangin sa bibig si Nimfa bago binalingan ang kaibigan. Kasama nito ang asawa nitong si Olivia, na karga ang bunso nilang anak. Kasalukuyan silang nasa pool area ng bahay nila, at naibahagi na niya sa mag-asawa ang nangyari sa pagitan nila ni Zachary.“Mali ba ako na mas pinili kong maging maayos ang lahat kaysa habang-buhay kong ibaon sa sarili ko ang galit na matagal ko nang kinikimkim?” seryoso niyang tanong.“Look, Ningning, ‘wag mo sanang masamain ang sasabihin ko. Masisisi mo ba ako kung mas kakampihan ko si Zachary kaysa sa iyo? Your husband only wants what's best for you. He's just protecting you from your bástard ex-husband. Kaya naiintindihan ko kung bakit siya galit sa ginawa mo,” wika ni Wesker.“Past is past, babe. Why does Zachary need to react that way? Nimfa just wanted peace, and peace starts by letting go of the past,” sambit naman ni Olivia.“Nandoo
Huling Na-update: 2026-07-14
Chapter: Chapter 146“Can I help you?” kalmadong tanong ni Marcus kay Zachary.Ngunit imbes na sumagot, ibinato lang nito sa malayo ang hawak na helmet bago sumugod palapit sa kaniya. Pagkalapit, agad siyang inundayan nito ng suntok. Ngunit dahil alerto si Marcus, mabilis siyang nakaiwas.“What’s wrong with you, Zachary?” asik niya rito.“What’s wrong with me? Baka ako dapat ang magtanong niyan sa iyo, hináyupak ka! What’s wrong with you, Marcus?”Mapaklang tumawa si Zachary, dahilan upang mapakunot-noo si Marcus.“What the hell are you talking about? Look, Zachary, nagbago na ako, kaya ‘wag mo nang ibalik kung sino ako noon. Sumugod ka rito, tapos ganiyan ang ibubungad mo sa akin? Have some respect. You’re in front of my fûcking house!”Nagpatuloy lang sa pagtawa si Zachary.“Ikaw? Rerespetuhin ko? Sa tingin mo ba, Marcus, karapat-dapat kang respetuhin? Hindi porke nagbago ka na, magiging maayos na kayo ng asawa ko. Sino ang nagsabi sa iyo na may karapatan kang kausapin at yakapin ang asawa ko? ‘Wag mong
Huling Na-update: 2026-07-07
Chapter: Chapter 145Bahagyang natawa si Nimfa bago umiling.“A-Ano ba'ng sinasabi mo, hubby?”“'Wag mo nang i-deny pa, Nimfa!” seryoso at malamig na sambit ni Zachary. “Magkayakap kayo ni Marcus. Nakita ko mismo sa litrato. Ano'ng ibig sabihin noon? Sinabi ko na sa iyo na 'wag ka nang lalapit o makikipag-usap sa lalaking 'yon! Pero ano'ng ginawa mo? Binigo mo ako, Nimfa!” nakatiim ang bagang nitong sambit bago siya nilampasan.Hindi agad nakapagsalita si Nimfa sa narinig. Ilang segundo siyang natuliro bago hinabol ang asawa. Hinawakan niya ang kamay nito, ngunit mas lalo niyang naramdaman ang galit nito nang mariin nitong bawiin ang kamay mula sa kaniya.Napailing siya bago muling hinarangan ang daraanan ni Zachary at tinitigan ito nang diretso sa mga mata.“Hindi ko ide-deny 'yon, hubby. Oo, magkayakap kami ni Marcus dahil... dahil okay na kami. Alam kong nabigo kita. H-Hindi ko nasunod ang napagkasunduan nating dalawa, at kasalanan ko 'yon. Pero... mukhang nagbago na naman siya, hubby, simula nang maku
Huling Na-update: 2026-07-07
Chapter: Chapter 144Hindi makakibo si Nimfa. Hinayaan niya lang na nakayakap sa kaniya ang dating asawa hanggang sa ito na rin mismo ang humiwalay sa kaniya.Mariin siyang napalunok bago bahagyang inayos ang nagulo niyang buhok. Hindi niya alam ang sasabihin, halos hindi siya mapakali sa harap ng asawa.“Is there a problem, Nimfa?” mayamaya pa'y tanong nito sa kaniya.Mapakla siyang ngumiti bago umiling. “W-Wala naman, Marcus. Siguro, hindi lang ako makapaniwala na pagkatapos nang nangyari sa atin noon, heto't maayos na tayong nagkakausap.”“Hindi ba maganda ‘yon, na maayos na tayo after what happened? Now that Claire’s gone, I think it's time to reconcile. I mean, alam kong hindi ko na maibabalik ang relasyon natin noon because I cheated on you with my sister-in-law. Ang gusto ko, sana maging magkaibigan ta—”“Hindi pa ako sigurado sa ngayon, Marcus. Binaon ko sa hukay ang nangyari noon, hindi ko na ‘yon tangan sa akin, pero kasi, hindi biro ‘yong ginawa mo. Mahirap nang magtiwala, sapagkat sinira mo na
Huling Na-update: 2026-06-29
Chapter: Chapter 143Mabilis na pumutok ang balita sa buong Pilipinas. Naging laman ng social media ang ginawa ni Claire sa anak. Dahil dito, isinailalim sa masusing imbestigasyon ang kaso, at kalaunan ay natuklasang si Claire ay may severe psychotic depression. Dahil sa mga medical records, psychiatric evaluation, at testimonya ng kaisa-isang psychiatrist na tumingin dito, mabilis na umusad ang imbestigasyon. Sa halip na ikulong si Claire sa presinto, dinala ito sa isang mental hospital upang doon sumailalim sa gamutan. Samantala, si Marcus naman ay nagsampa ng Petition for Sole Custody of the Child. Nag-file rin ito ng Petition for Declaration of Nullity of Marriage Based on Psychological Incapacity upang tuluyan nang mapawalang-bisa ang kasal nila ni Claire. Sa pagdinig sa korte, napatunayan ni Marcus ang kondisyon ng asawa batay sa mga ebidensya at ulat ng mga eksperto, kaya agad na pinagbigyan ang mga petisyon nito. Hindi naglaon, tuluyan nang napunta dito ang sole custody ng bata, at idineklara r
Huling Na-update: 2026-06-21
Chapter: Chapter 51“Huwag mong sabihing—”“Baka importante ’yon, Preston,” putol ni Jade sa nobyo.“Nandoon si Charlotte, Jade. Ayokong magkita kayong dalawa at mag-away na naman kayo.”“Iiwas ako. Ayoko na ring makipag-away sa kaniya. Ako na ang iiwas. Ako na ang lalayo.”“Jade, look—”“Please, Preston. Just this time,” pakiusap ni Jade habang sinasapo ang braso ng nobyo.Wala nang nagawa si Preston kundi ang bumuntong-hininga. Sa huli, itinuon na lamang niya ang atensyon kay Drax, na nasa kabilang linya pa rin.“Pupunta ako, Drax.”“Okay, Jade. Hinihintay ka na niya.”Sa halip na sumagot pa, pinatay na ni Jade ang tawag bago binalingan si Preston.“Sa Hacienda Ashbourne tayo, Preston.”Napailing ang lalaki. “Sa tingin mo ba, magandang ideya ito kaysa harapin muna ang kasong isinampa sa iyo ni Charlotte?”Ramdam ni Jade ang pag-aalala ni Preston. Naiintindihan naman niya ang nobyo, pero marami pa silang oras para harapin ang kaso. Hindi niya alam kung bakit, ngunit nang sabihin ni Drax na gusto siyang
Huling Na-update: 2026-10-20
Chapter: Chapter 50Hindi pa man sumisikat ang araw, nagising na agad si Jade. Ngayong araw, nakaplano ang pagharap niya sa kasong isinampa ni Charlotte laban sa kaniya. Hindi siya natatakot, sapagkat alam niya sa sarili niyang si Charlotte ang nauna.Lumabas siya sa balkonaheng nakakonekta sa silid ni Preston, kung saan agad siyang sinalubong ng malamig na simoy ng hangin. Malapit nang mag-Pasko, ngunit heto’t sunod-sunod na problema ang kinakaharap niya. Umaasa siyang sana, bago mag-Pasko, maging masaya na siya sa piling ng lalaking mahal niya.“Baby, pangako, hindi ko hahayaang maranasan mo ang kaguluhang nararanasan ko. I will make sure na bubuhayin kita nang maayos at malayo sa mga taong unti-unting sumisira ng buhay ko,” emosyonal niyang sambit habang sapo ang kaniyang tiyan.“Baby, are you okay?”Napapitlag si Jade nang marinig ang tinig mula sa kaniyang likuran. Nang lumingon siya, bumungad sa kaniya si Preston—na kahit bagong gising ay sobrang guwapo pa rin.“Okay lang ako, Preston.”“You’re not
Huling Na-update: 2026-10-08
Chapter: Chapter 49“Ayos ka lang ba, Jade?” may pag-aalalang tanong ng ina ni Preston nang humiwalay ito sa kaniya.Bagama’t gulat pa rin, tumango si Jade. “A-Ayos lang po.”“Are you sure? Mabuti na lang at dito ka naisipang dalhin ni Preston. You're safe here, Jade.”Hindi alam ni Jade ang isasagot sa babae. Sapagkat sa kabila ng kasinungalingang pinili nilang dalawa ni Preston na sabihin sa mag-asawa, heto’t mabait pa rin ang mga ito sa kaniya. Ni hindi niya nakita sa mukha ng mag-asawa ang anumang sama ng loob. Bagkus, pag-aalala ang nangingibabaw sa kanilang mga mukha.“Dito ka muna manatili hangga’t hindi pa naaayos ang sitwasyon. Hindi ligtas para sa iyo ang lumabas, lalo na’t buntis ka, Jade,” mayamaya’y wika ni Francis.Kagat ang ibabang labi, tumango si Jade. “Maraming salamat po sa tulong niyo. Hindi ko po alam kung paano ako makakabawi—”“No need, Jade.” Sinapo ng ina ni Preston ang pisngi niya at mataman siyang tiningnan. “Wala kang utang na loob sa amin para bumawi. I'm actually happy becau
Huling Na-update: 2026-09-15
Chapter: Chapter 48Mas gugustuhin na lang ni Jade na umiwas sa gulo kaysa makipag-away kay Charlotte. Kaya nang matapos siya, tumalikod na siya. Subalit isang hakbang pa lamang ang nagagawa niya nang bigla siyang pigilan ni Charlotte sa pamamagitan ng paghawak sa braso niya.“Iniiwasan mo ba ako, Jade?!” mariing tanong ni Charlotte.Saglit na hindi kumibo si Jade bago marahas na binawi ang braso mula sa babae. Sa halip na sagutin ito, nagpatuloy lamang siya sa paglalakad.“Hey, Jade! I am talking to you!” bulyaw pa ni Charlotte.Huminto siya. Sunod-sunod siyang nagpakawala ng hangin sa bibig bago walang emosyong hinarap ang babaeng tila uhaw sa atensyon.“Ano ba, Charlotte? Ayoko ng gulo, okay? Kung gusto mong makipag-away, maghanap ka ng iba. Huwag mo akong idamay sa pagiging war freak mo!” bulalas ni Jade sa babae.Humalakhak si Charlotte bago dinukot ang cellphone sa bag. Walang ideya si Jade kung ano ang gagawin nito. Ngunit hindi nagtagal, bigla na lamang nitong itinutok sa kaniya ang cellphone.“OM
Huling Na-update: 2026-09-13
Chapter: Chapter 47Malalim na ang gabi, pero dilat na dilat pa rin ang mga mata ni Jade habang nakatitig sa kisame. Hindi pa rin nawawala sa isip niya ang katotohanang may taong gustong sumira sa kaniya at sa mga taong pinagkakatiwalaan niya.“Bakit hindi ka pa natutulog, Jade?” rinig niyang tanong ni Preston.Bumuntong-hininga siya bago ito nilingon. Gising na pala ito, at bakas sa mukha nito ang matinding pag-aalala.“Hindi ako makatulog, Preston,” tugon niya. “Parang hindi ako mapapakali hangga’t hindi ko nalalaman kung sino ang nasa likod noon. Malinaw na gusto niya akong sirain. At damay ka rin doon, Preston. Kahit mga kaibigan ko, hindi niya pinalampas.”“Jade,” mahinahong sambit ni Preston at mas lumapit sa kaniya. Kinuha nito ang kamay niya at masuyong pinisil iyon. “Sa rami ng pinagdaanan mo, ngayon ka pa ba susuko? And look, you don't need to worry about me. Kaya ko ang sarili ko, Jade. Ayoko lang na mag-isip ka nang sobra dahil buntis ka. Baka kung ano ang mangyari sa iyo kapag—”“Mapapanatag
Huling Na-update: 2026-09-09
Chapter: Chapter 46“Where are you going?”Pagkalabas pa lamang ni Jade sa banyo, sinalubong na agad siya ni Preston. Nasa sala ito at tila kanina pa naghihintay, kaya bahagya siyang napahinto. Hindi niya naman planong lumabas nang matagal. Gusto lamang niyang makipagkita kina Ysa, Florence, at Maxwell dahil kailangan niyang makausap ang mga ito. Matapos ang mga nangyari nitong mga nakaraang araw, kailangan niya ng mga taong matagal na niyang pinagkakatiwalaan.“Makikipagkita ako sa mga kaibigan ko.”Agad na napabuntong-hininga si Preston at lumapit sa kaniya. Kita sa mukha nito ang pag-aalala, bagay na ilang beses na niyang napansin mula nang makatanggap siya ng mga hindi kilalang mensahe.“Jade, this isn't the right time, okay? It's not safe to go outside. Mas maiging dito ka na lang muna sa condo ko hanggang sa maging maayos ang sitwasyon.”“Preston, hindi naman puwedeng dito lang ako. Besides, hindi natin sigurado kung malaking threat ba ‘yon.”“Nakatanggap ka pa ba ng mga mensahe? Tinatakot ka pa ri
Huling Na-update: 2026-08-30