Mag-log in“Don't touch me!” bulyaw sa kaniya ni Harry nang makasakay sila ng sasakyan.
Hindi na nagulat si Nimfa—alam niya na ang ipinakita nito sa kaniya sa loob ng ospital kanina ay pagpapanggap lamang, sapagkat pinalaki ni Claire si Harry bilang isang spoiled brat. “Salbahe kang bata ka!” asik niya rito bago binalingan si Manong Viktor. “Tara na po, manong, umalis na po tayo.” “Saan tayo, Ma'am Nimfa? Sa mansyon ba ng mga Delacroix o sa bahay niyo ni Sir. Marcus?” “Sa bahay po namin.” Tumango ang matanda bago tuluyang pinaandar ang kotse. Tahimik lang si Nimfa habang nakatingin sa labas ng bintana. Pero naramdaman niyang may nakatingin sa kaniya nang sandaling iyon. Nang balingan niya si Harry, hindi na siya nagulat nang makitang matalim ang tingin nito sa kaniya, nakanguso pa habang magkakrus ang mga braso sa dibdib. “Bakit gan'yan ka makatingin sa ‘kin?” walang emosyong tanong niya rito. “Hindi ka na dapat pinakasalan ni Tito Marcus. You're bad!” Napa-amang si Nimfa sa sinabi ng bata. “Ako pa ngayon ang bad? Ang galing mo rin, ‘no, Harry? Matapos akong pumayag sa pabor ni Marcus sa ‘kin, ‘yan ang isusukli mo?” Ngumisi ito. “I don't owe you anything. Sabi ni mommy, you're a witch.” “Baka ang mommy mo ang witch. Puwede bang tumigil ka na, Harry? Ang bata-bata mo pa, gan'yan ka na. Palibhasa anak ka ng kabit.” “Kabit? What is that?” “Wala.” “Loser.” Napairap na lang si Nimfa sa inis kay Harry. Mas minabuti na lang niyang ituon ang atensyon sa labas buong byahe kaysa makita ang batang akala mo naman kung sino. Matagal na silang ganito ni Harry. Mag-iisang taon na rin yata simula ng maging ganito ang relasyon nilang dalawa, at malakas ang kutob niya na inuutusan ito ng magaling nitong ina. Lumipas ang ilang araw, nailibing na rin si Harrison. Ngunit bago iyon, nagkaroon pa ng gulo sa mismong burol nito. Nagwala ang ina nito, hindi matanggap ang sinapit ng anak, at ibinuhos ang galit kay Claire na itinuring nitong may kasalanan sa sinapit ni Harrison. Hindi na rin ito pinabisita sa lamay, pero dahil kay Marcus, nagkaroon ng pagkakataong si Claire na makita ang sariling asawa. Palagi na lang si Marcus. Sabagay, mahal naman niya ang babaeng iyon, samantalang siya ay pawang palamuti lamang. “Ano? Seryoso ka ba, Marcus?” bulalas ni Nimfa sa asawa nang ibalita nito na pansamantalang titira ang mag-inang Claire at Harry sa bahay nila. “Yes. Pinalayas na kasi sila ni mommy sa bahay. Wala silang pupuntahan kaya—” “Kaya dito sila titira? Gano'n ba?” “May bakante pang isang kuwarto sa taas, puwede nilang ga—” “Tito Marcus, we're here!” Naantala bigla ang ibang sasabihin ni Marcus nang dumagundong sa living area nila ang isang tinig. Nang sabay nilang balingan iyon, nagulantang na lang si Nimfa nang makita si Claire kasama ang anak sa may pinto habang may dalang mga bag. Nagtatakbo si Harry palapit sa kanila at agad nakipagbeso sa asawa niya. Napangiwi siya sa inis. Imbes na salubungin sila, tumalikod siya bago tinungo ang kuwarto nila sa ikalawang palapag. Napakakapal naman talaga ng mukha ni Claire. Namatay lang ang asawa, dito na gustong tumira. Para ano? Para mas madali silang makapaglampungan ng asawa niya? Nasusuka na lang si Nimfa. Gusto na niyang kalimutan ang mga nasa utak niya, ngunit hindi niya magawa sa hindi niya malamang dahilan. Nang papasok na siya sa silid nilang mag-asawa, natigilan na lang siya nang may humawak ng braso niya. Nang balingan niya ito, nakita niya si Marcus, bahagyang matalim ang tingin sa kaniya. “Ano ba'ng ginagawa mo, Marcus?” Sabay bawi niya sa braso niya. “Hindi ka gan'yan, Nimfa. Hindi ko alam ang nangyayari sa ‘yo ngayon. Umalis ka, may bisita ta—” “Bisita? O bwisita? Alam mo, Marcus, nakakainis ka. Pinatira mo sila rito na hindi nagsasabi sa ‘kin. Ni hindi mo man lang ako kinonsulta.” “Why are you mad? I bought this house, nakakalimutan mo na ba? This house is mine… only mine!” wika ni Marcus, galit na galit. Napatitig na lamang si Nimfa sa mga mata ng asawa. Hindi na niya ito makilala pa. Hindi ito ang Marcus na pinakasalan niya noon. Oo, aminado pa rin siya sa sarili niya na mahal niya pa rin si Marcus sa kabila nang nalaman niya. Pero base sa mga pananalita nito at kung paano siya nito tratuhin, hindi na nga siya nito mahal. Wala na nga siyang saysay sa lalaking bumihag ng puso niya. Imbes na magsalita pa, umiling na lang siya bago pumasok sa loob. Nang masiguro niyang hindi sumunod ang asawa, dumiretso siya sa kama bago roon tahimik na umiyak—iniisip kung ano ang naging pagkukulang niya rito. Dahil sa matinding pag-iyak, nakatulog si Nimfa. Nang magising siya, gabi na. Bumaba siya sa kama bago lumabas ng silid. Bababa sana siya para uminom dahil nakaramdam siya ng pagkauhaw nang mapansin niyang naka-awang ang pinto ng opisina ni Marcus. Napuno ng kuryosidad ang buong pagkatao niya kaya lumapit siya roon bago sumilip sa pinto. At ganoon na lamang ang gulat niya nang makitang nagma-mástúrbâte ito habang nakatitig sa isang picture frame. Kita niya sa ekspresyon ng mukha ng asawa kung gaano ito nasasarapan habang titig na titig sa hawak nitong larawan. Nang matapos ito, itinago nito ang picture frame sa drawer bago dumiretso sa kama upang matulog. Isang ideya ang biglang nabuo sa utak ni Nimfa nang sandaling iyon. Sinigurado niya munang mahimbing ang tulog ni Marcus bago siya tahimik na pumasok sa loob ng opisina nito. Lumapit siya sa drawer kung saan nito inilagay ang picture frame. Binuksan niya iyon at nakita niyang nakataob iyon. Mariin muna siyang lumunok bago itinihaya iyon. At nagngalit agad siya nang makita niya kung sino ang nasa larawan—si Claire. Mangiyak-ngiyak na ibinalik ni Nimfa ang picture frame sa drawer bago bumalik sa silid nilang mag-asawa. Kinuha niya ang kaniyang cellphone bago tinawagan ang isang numero. “Atty. Mendoza, kailangan ko po ng tulong ninyo. Gusto ko pong mag-file ng annulment...” diretsahan at walang pangingiming sambit ni Nimfa sa nasa kabilang linya. Desperada na siya ngayon dahil hindi na niya makaya ang panloloko ng asawa niya. Hindi niya matanggap na habang nagma-mástúrbâte ito, tinitingnan nito ang larawan ng sarili nitong hipag.“Of course not,” mabilis na depensa ni Marcus sa asawa. “Hindi? Binanggit mo ang pangalan niya, Marcus. ‘Wag mo nga akong gawing—”“Baka imahinasyon mo lang ‘yon,” aniya bago nagsimulang magbihis kahit bahagyang kumikirot ang katawan niya dahil sa pagbagsak niya kanina.Pero tila hindi nakampante ang asawa. Bumaba ito sa lamesa bago siya sinampal ng ilang beses sa mukha at sunod-sunod na pinaghahampas sa kaniyang dibdib.Hindi kumibo si Marcus, hinayaan niya lang ang asawang saktan siya habang wala pa rin itong humpay sa pag-iyak. Nang mapagod, nanghihina itong bumagsak sa lapag.“Niloloko mo ako, Marcus. Paano mo nagawa ito sa akin? Pinagkatiwalaan kita tapos ito ang gagawin mo?”Umiling siya bago lumuhod sa harap nito. “I didn't cheat on you, baby. Wala akong binabanggit na pangalan ni Everly. It… it could be your imagination. I was shouting your name, not Everly’s.”“Hindi ako bingi, Marcus.” Iling ng asawa. “Sa bibig mo na mismo nanggaling, Marcus. Umamin ka na lang sa akin, nilo
Natatawang umiling si Marcus bago inihinto ang sasakyan sa gilid ng kalsada.“What… what did you say?” tanong niya sa asawa, natatawa pa rin.“Mahirap bang intindihin ang sinabi ko, Marcus? Naamoy ko sa inyo ni Marco ang bruhildang Nimfa na ‘yon. Ano'ng ginawa mo, Marcus? Nakikipaglandian ka ba sa dati mong asawa, ha?!” Natawa na naman si Marcus. “A-Ako, nakikipaglandian sa kaniya? Are you out of your mind, Claire? Pinakasalan pa kita kung—”“Sabihin mo na lang ang totoo!” hiyaw ng asawa.Halos dumagundong ang boses nito sa loob ng sasakyan na ikinatigil ni Marcus. Halos isang minuto siyang walang kibo bago marahas na bumuntong-hininga.“Nakasabay ko sina Nimfa at Zachary sa ospital. Si Dr. Salazar din ang pediatrician ng anak nila.” Huminto siya, sandaling tinitigan ang asawa sa mga mata nito bago ikinuwento ang lahat-lahat ng nangyari.“Ano'ng pakiramdam na muli mong nakausap at nakatabi ang dati mong asawa?” nakangising tanong ni Claire sa kaniya.Napa-amang siya. “Ano? Anong klas
“Zachary! Nasaan ka na? Hubby?” patuloy sa paghiyaw ni Nimfa.Pero hindi pa rin ito lumulutang kaya humahagulgol siyang bumalik sa loob ng bahay. At saktong nakita niyang masayang nakikipag-usap si Benjie sa nanay-nanayan niya.“Benjie, tulungan mo si Zachary!” sigaw niya rito.“Bakit, Ma'am Nimfa? Ano'ng—”“Nasa ilalim siya ng tubig,” tugon niya habang nanginginig ang boses.Dali-dali namang tumalima si Benjie. Sumunod siya rito, at nakita niyang tumalon na ito sa swimming pool. Hindi na niya alam ang gagawin nang sandaling, malakas ang pagkabog ng puso niya, pakiramdam niya'y kakawala na iyon sa kaniyang dibdib.“Oh my God, Nimfa. What happened?” mayamaya pa'y tanong ng nanay-nanayan niya.Kinagat niya ang ibabang labi bago umiling. “K-Kasalanan ko po ang nangyari, ‘nay. Inutusan ko po siyang tumalon, h-hindi ko naman po inaasahan na susundin niya ako,” sagot niya.“He'll be alright, I know it.” At sinapo nito ang magkabila niyang balikat.Hindi na siya umimik, patuloy pa rin siya s
Nang makabalik si Marcus, agad ibinalik ni Nimfa ang anak nito. Pero hindi pa man ito nahahawakan ng dating asawa, muli na namang umiyak ang bata. “He liked you,” natatawang sambit ni Marcus.“Mukha nga,” tugon niya bago inayos ang pagkakahawaak sa anak nito. “Akin na ‘yang gatas niya, ako na magpapadėde sa kaniya.”Tumango naman ang lalaki. Nang iabot nito sa kaniya ang bote, isinubo niya agad iyon sa bata. Tinanggap nito iyon kaya wala sa sariling siyang napangiti habang pinagmamasdan ito.“Okay lang ba ‘yan sa iyo, Nimfa? If you're uncomfortable, just tell me. Hayaan mong ako na lang ang mag-alaga kay Marco.”Bumuntong-hininga siya bago ito binalingan na kasalukuyang nang nakaupo sa tabi niya.“Sa tingin mo ba lalapit ako sa iyo kung hindi kumportable sa akin? Bata ang pinag-uusapan natin dito, Marcus. Pareho nating alam na may nakaraan tayo, pero ‘wag mo na ‘yong isipin. Si Marco ang dahilan kaya lumapit ako, h-hindi i—”“I know. I know he's the reason because you're also a mothe
“Kaya ko naman to, eh, wifey. Hindi ka na sana sumama sa akin. Nagpahinga ka na lang sana sa bahay,” sambit ni Zachary nang huminto sila sa harap ng ospital kung saan nila ipapa-check up si Zacharias sa pediatrician nito.“Ayokong manatili sa bahay na hindi nakikita si Zacharias. Kung nag-aalala ka pa rin sa akin, ‘wag na, hubby. Okay na okay ako, oh,” saad ni Nimfa sa asawa bago inalis ang seatbelt sa katawan.Walang gawa ang asawa kundi umiling bago bumuntong-hininga. Nauna na siyang lumabas ng sasakyan, habang si Zachary naman ay kinuha ang anak nila sa backseat. Pagkatapos, naglakad na sila patungo sa ospital habang bitbit ng asawa ang anak nilang nasa carrier. Subalit nakakailang hakbang pa lang sila, bigla na lang huminto si Zachary.“Oh, ano'ng nangyari, hubby?” naguguluhan niyang tanong sa asawa.“Tāngina,” mura nito habang nakatingin sa isang direksyon.Sinundan niya iyon, at bahagya siyang nagulat nang makita ang dating asawa, si Marcus, habang bitbit din nito ang anak papa
“Appointment? Ano'ng sinasabi mo, Marcus?” naguguluhang tanong ni Claire nang ipaalam niya rito na magkakaroon ito ng appointment bukas kay Dr. Devanadera, ang kilalang psychiatrist ni Bryes.Bumuntong-hininga si Marcus bago umupo sa kama kahit nakatapis lamang ng tuwalya ang katawan. Mataman niyang tiningnan sa mga mata ang asawa bago mariing lumunok.“Dr. Devanadera is a psychiatrist. She will help you, baby,” kalmado niyang sambit upang hindi ito mabigla.Pero nanlaki agad ang mga nito, tila hindi makapaniwala sa sinaad niya. Inalis nito ang suot na headphones bago tumitig sa kaniya.“Psychiatrist? Ano'ng tingin mo sa akin, baliw? Marcus naman, bakit sa daming klase ng doktor sa mundo, bakit sa doktor pa ng utak? Hindi ako baliw, Marcus! Hindi ako ba—”“I'm not saying you're crazy, baby. Iniisip lang kita, lalo na si Marco. You almost kīlled him, remember? Kung hindi ako dumating, b-baka pinaglalamayan na natin siya. You need Dr. Devanadera, baby. Please, baby, para rin naman sa ka







