Share

Chapter 4

Author: PILOSOPOTASYO
last update publish date: 2026-04-22 23:36:37

Bagamat mahapdi pa rin ang sampal ni Claire, tumayo pa rin si Nimfa upang depensahan ang kaniyang sarili.

“Nagsisinungaling si Harry, Marcus. Hindi ko siya kinurot. Siya ang kumurot sa sarili niya. Oo, hinawakan ko siya kasi pinagsabihan ko siya, pero hindi ko siya sinaktan. Hindi ko magagawang saktan ang isang bata,” paliwanag niya habang namamasa ang mga mata.

“No, Tito Marcus, nagsisinungaling siya. Sinaktan niya ‘ko kasi sinira ko ‘yong mga painting.”

“‘Wag kang sinungaling, Harry. Bata ka pa. Pinagsabihan lang kita dahil bukod sa mga painting, sinira mo rin ‘yong ibang gamit dito sa bahay. ‘Yong mga base, mga halaman, sinira—”

“Oh my God, Marcus. Ganito ba talaga si Nimfa? Masyado namang papansin, eh bata lang naman si Harry,” wika ni Claire bago lumapit sa asawa niya. “Pagsabihan mo nga ang asawa mo,” anito pa.

Sandaling walang kibo ang asawa niya bago ito nakatagis pangang lumapit sa kaniya. Hinawakan nito ang braso niya at puwersahan siyang hinila patungo sa kuwarto nilang mag-asawa.

“Nasasaktan ako, Marcus.” Sabay bawi niya sa braso niya. “‘Wag mong sabihin sa ‘kin na kakampihan mo ‘yong mag-inang ‘yon? Please, Marcus, maniwala ka naman sa ‘kin. Asawa mo ‘ko. Tatlong taon na tayong magkasama, sa ‘kin ka pumanig.”

“Gusto mo ‘kong pumanig sa ‘yo? Really? Pagkatapos mong saktan ang pitong taong gulang na bata? My God, Nimfa. 20 years ang agwat ng edad niya sa ‘yo. Bata ‘yon, walang muwang.”

“Bata man pero sinungaling naman. Ako, hindi. Alam ko ang ginagawa ko, ‘yong batang ‘yon, hin—”

“Bakit ka ba nagkakaganito, Nimfa? Dumating lang sina Claire at Harry rito sa bahay, naging gan'yan ka na. You're acting like—”

“Sige na, ako na ang masama. Ako na ang mali. Ako na ang tanga. Kailan ba ‘ko naging importante sa ‘yo, Marcus? May halaga pa ba ako sa ‘yo? Kasi kung wala na, sabihin mo lang.”

Umiling si Marcus, pinipigilang magalit. “‘Yan, ‘yan ka na naman. You're acting like a kid. Sa inyo ni Harry, mas ikaw pa ‘yong bata.”

“Bakit mo ‘ko inihahambing sa kaniya? Bakit ba palaging sila na lang? Pa'no ako, Marcus? Asawa—”

“Asawa lang kita.” Pagkatapos, tumalikod na si Marcus bago lumisan.

Naiwang tigalgal si Nimfa sa narinig. Lang? Ganoon ba kababa ang tingin nito sa kaniya para tawagin siyang asawa lang?

Mangiyak-ngiyak siyang lumapit sa kama bago umupo. Paulit-ulit na rumirihistro sa kaniyang utak ang sinabi ni Marcus. Parang nanliit tuloy siya sa sarili niya. Pakiramdam niya'y pinagsakluban siya ng langit at lupa.

Akala niya masuwerte siya kay Marcus—hindi dahil sa pera nito—kundi dahil sa kabaitan nito sa kaniya noong mga panahong maayos at masaya pa sila.

Ngayon, tatlong taon na silang kasal, ngunit kahit isang beses ay hindi man lang nito ibinigay ang pangangailangan niya bilang asawa. Mas ginugusto nitong magsarili o kaya naman ay tumikim ng ibang babae.

Kaya naman hanggang ngayon, vîrgin pa rin siya kahit ilang taon na silang magkasama sa iisang bubong bilang mag-asawa.

Lumipas ang buong araw, hindi lumabas si Nimfa sa kuwarto nilang mag-asawa. Kung tutuusin, kuwarto lang niya dahil bilang lang sa daliri niya ang mga gabing nakasama niya ang asawa sa silid sa ilang taong pagsasama nila. Palagi lang itong nasa opisina nito, at doon na rin natutulog.

Nang sumapit ang kinagabihan, bumaba na siya upang maggabihan. Sakto namang malakas ang ulan kaya malamig. Patungo na sana siya sa kusina nang marinig niya niya ang malakas na pag-iyak ni Harry. Hinanap niya ang bata, at nakita niyang nasa living area ito.

Kahit galit dito, lumapit pa rin si Nimfa.

“Harry? Bakit ka umiiyak?” tanong niya rito.

Nag-angat ito ng mukha sa kaniya bago halos patalon nang bumaba mula sa sofa. “Tita N, help mo si mommy, please…” pakiusap nito.

Napakunot-noo siya. “Help? Nasa'n ba siya?”

Imbes na sumagot, hinawakan lang ni Harry ang kamay niya at hinila siya. Walang nagawa si Nimfa kundi ang magpaubaya.

Dinala siya ng bata sa harap ng garden ng bahay nila. At dahil gawa sa salamin ang pader, kita niya ang nasa labas. Napamulagat na lang siya nang makita si Claire sa labas habang nakaluhod sa damuhan. Babad na ito sa ulan habang umiiyak.

“Ano’ng ginagawa ng mommy mo sa labas?” tanong niya kay Harry.

“Dahil sa kaniya!” sigaw ni Harry bago may kung sinong itinuro.

Sinundan ng mga mata niya ang direksyon ng daliri nito, at agad siyang natigilan nang makita si Arturo—ang mayordomo ng pamilya Delacroix. Suot nito ang uniporme nitong itim mula ulo hanggang paa habang nakatago sa likod nito ang mga kamay.

Lumunok si Nimfa bago lumapit dito. “Ano'ng ginagawa ni Claire sa labas? Bakit ikaw ang itinuro ni Harry?” tanong niya.

“Utos sa ‘kin ni Madame Isadora,” malamig na sagot ni Arturo sa kaniya.

Si Madame Isadora ay ang ina ng asawa niya.

“Dahil ba sa nangyari kay Harrison?” Pagtataka niya.

Umiling ang mayordomo. “Sa pagiging iresponsable niyang ina. Nakarating sa amo ko ang ginawa ng anak niya, kaya pinarusahan niya.”

Nawalan na ng sasabihin si Nimfa nang malaman ang totoo. Dapat lang na parusahan ang babaeng iyon. Sa katunayan, kulang na kulang pa iyon.

Subalit mayamaya pa, natanaw na lang niya ang biglang pagdating ni Marcus. Nagulat ito nang makita si Claire sa ganoong estado. Hinawakan pa nito ang kamay ng babae bago inayang pumasok sa loob.

Pagkapasok ng dalawa, tumuon agad ang tingin ni Marcus sa kanilang dalawa ni Arturo. Lumapit ito na bakas ang galit sa mukha.

“Sino'ng gumawa no'n kay Claire? Kaninong plano ‘yon?” asik ni Marcus habang nakatagis ang panga.

“Ni Madame Isadora, Sir. Marcus. Inutusan—”

“Fûck you!” bulyaw ni Marcus kay Arturo bago ito sinuntok na nagpatumba rito sa lapag. “Inutusan ka ni mom? For what? Hindi pa rin ba siya nakaka-move on sa nangyari kay Kuya Harrison? Sabihin mo kay mom na namatay si kuya dahil naaksidente siya. Walang kasalanan si Claire!”

“Hindi ‘yan ang rason, Sir. Marcus. Nakarating sa amo ko ang ginawa ni Sir. Harry sa bahay mo, kaya pinupunta niya ‘ko rito para parusahan si Ma'am Claire.”

“At nakinig sa ‘yo si Claire? How? At sinong hangal ang nagsabi kay mom sa nangyari?” At pumameywang si Marcus.

“Pinasabi sa ‘kin ni Madame Isadora na kapag hindi gagawin ni Ma'am Claire ang parusa, kukunin niya si Sir. Harry. At si Dona ang nagsabi sa kaniya ng nangyari…” pahayag ni Arturo na ikinatigalgal ni Nimfa.

Si Dona? Ang kasambahay nila?

Sakto namang biglang lumabas ito sa kusina kaya tinawag ito ni Marcus. Diretsahan at walang pagdadalawang-isip, tinanggal nito si Dona sa trabaho nito.

“Mag-impake ka na, hindi na kita kailangan!”

Hindi na mabilang ni Nimfa kung ilan na ang naging kasambahay nila dahil sa ugali ni Marcus. Kung susumahin, mga nasa bente na.

Masakit man, walang nagawa si Dona kundi ang sundin ang nais ni Marcus. Habang si Nimfa naman ay tumalikod na sa asawa. Pero nakakatatlong hakbang pa lang siya, bigla siya nitong hinawakan sa kaniyang braso. Hinila siya nito at puwersahang hinarap.

“At ikaw, Nimfa. Nandito ka na, bakit hindi mo man lang tinulungan si Claire? Anong klase kang asawa?” sambit nito.

Natigalgal si Nimfa sa narinig, gulat na gulat sa sinabi ng asawa.

Continue to read this book for free
Scan code to download App
Comments (1)
goodnovel comment avatar
Mia Lorenzo
cnic mo pa si Ninfa Marcus galing mo rin
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • Divorced Overnight, Claimed by a Billionaire the Next Day   Chapter 124

    “Of course not,” mabilis na depensa ni Marcus sa asawa. “Hindi? Binanggit mo ang pangalan niya, Marcus. ‘Wag mo nga akong gawing—”“Baka imahinasyon mo lang ‘yon,” aniya bago nagsimulang magbihis kahit bahagyang kumikirot ang katawan niya dahil sa pagbagsak niya kanina.Pero tila hindi nakampante ang asawa. Bumaba ito sa lamesa bago siya sinampal ng ilang beses sa mukha at sunod-sunod na pinaghahampas sa kaniyang dibdib.Hindi kumibo si Marcus, hinayaan niya lang ang asawang saktan siya habang wala pa rin itong humpay sa pag-iyak. Nang mapagod, nanghihina itong bumagsak sa lapag.“Niloloko mo ako, Marcus. Paano mo nagawa ito sa akin? Pinagkatiwalaan kita tapos ito ang gagawin mo?”Umiling siya bago lumuhod sa harap nito. “I didn't cheat on you, baby. Wala akong binabanggit na pangalan ni Everly. It… it could be your imagination. I was shouting your name, not Everly’s.”“Hindi ako bingi, Marcus.” Iling ng asawa. “Sa bibig mo na mismo nanggaling, Marcus. Umamin ka na lang sa akin, nilo

  • Divorced Overnight, Claimed by a Billionaire the Next Day   Chapter 123

    Natatawang umiling si Marcus bago inihinto ang sasakyan sa gilid ng kalsada.“What… what did you say?” tanong niya sa asawa, natatawa pa rin.“Mahirap bang intindihin ang sinabi ko, Marcus? Naamoy ko sa inyo ni Marco ang bruhildang Nimfa na ‘yon. Ano'ng ginawa mo, Marcus? Nakikipaglandian ka ba sa dati mong asawa, ha?!” Natawa na naman si Marcus. “A-Ako, nakikipaglandian sa kaniya? Are you out of your mind, Claire? Pinakasalan pa kita kung—”“Sabihin mo na lang ang totoo!” hiyaw ng asawa.Halos dumagundong ang boses nito sa loob ng sasakyan na ikinatigil ni Marcus. Halos isang minuto siyang walang kibo bago marahas na bumuntong-hininga.“Nakasabay ko sina Nimfa at Zachary sa ospital. Si Dr. Salazar din ang pediatrician ng anak nila.” Huminto siya, sandaling tinitigan ang asawa sa mga mata nito bago ikinuwento ang lahat-lahat ng nangyari.“Ano'ng pakiramdam na muli mong nakausap at nakatabi ang dati mong asawa?” nakangising tanong ni Claire sa kaniya.Napa-amang siya. “Ano? Anong klas

  • Divorced Overnight, Claimed by a Billionaire the Next Day   Chapter 122

    “Zachary! Nasaan ka na? Hubby?” patuloy sa paghiyaw ni Nimfa.Pero hindi pa rin ito lumulutang kaya humahagulgol siyang bumalik sa loob ng bahay. At saktong nakita niyang masayang nakikipag-usap si Benjie sa nanay-nanayan niya.“Benjie, tulungan mo si Zachary!” sigaw niya rito.“Bakit, Ma'am Nimfa? Ano'ng—”“Nasa ilalim siya ng tubig,” tugon niya habang nanginginig ang boses.Dali-dali namang tumalima si Benjie. Sumunod siya rito, at nakita niyang tumalon na ito sa swimming pool. Hindi na niya alam ang gagawin nang sandaling, malakas ang pagkabog ng puso niya, pakiramdam niya'y kakawala na iyon sa kaniyang dibdib.“Oh my God, Nimfa. What happened?” mayamaya pa'y tanong ng nanay-nanayan niya.Kinagat niya ang ibabang labi bago umiling. “K-Kasalanan ko po ang nangyari, ‘nay. Inutusan ko po siyang tumalon, h-hindi ko naman po inaasahan na susundin niya ako,” sagot niya.“He'll be alright, I know it.” At sinapo nito ang magkabila niyang balikat.Hindi na siya umimik, patuloy pa rin siya s

  • Divorced Overnight, Claimed by a Billionaire the Next Day   Chapter 121

    Nang makabalik si Marcus, agad ibinalik ni Nimfa ang anak nito. Pero hindi pa man ito nahahawakan ng dating asawa, muli na namang umiyak ang bata. “He liked you,” natatawang sambit ni Marcus.“Mukha nga,” tugon niya bago inayos ang pagkakahawaak sa anak nito. “Akin na ‘yang gatas niya, ako na magpapadėde sa kaniya.”Tumango naman ang lalaki. Nang iabot nito sa kaniya ang bote, isinubo niya agad iyon sa bata. Tinanggap nito iyon kaya wala sa sariling siyang napangiti habang pinagmamasdan ito.“Okay lang ba ‘yan sa iyo, Nimfa? If you're uncomfortable, just tell me. Hayaan mong ako na lang ang mag-alaga kay Marco.”Bumuntong-hininga siya bago ito binalingan na kasalukuyang nang nakaupo sa tabi niya.“Sa tingin mo ba lalapit ako sa iyo kung hindi kumportable sa akin? Bata ang pinag-uusapan natin dito, Marcus. Pareho nating alam na may nakaraan tayo, pero ‘wag mo na ‘yong isipin. Si Marco ang dahilan kaya lumapit ako, h-hindi i—”“I know. I know he's the reason because you're also a mothe

  • Divorced Overnight, Claimed by a Billionaire the Next Day   Chapter 120

    “Kaya ko naman to, eh, wifey. Hindi ka na sana sumama sa akin. Nagpahinga ka na lang sana sa bahay,” sambit ni Zachary nang huminto sila sa harap ng ospital kung saan nila ipapa-check up si Zacharias sa pediatrician nito.“Ayokong manatili sa bahay na hindi nakikita si Zacharias. Kung nag-aalala ka pa rin sa akin, ‘wag na, hubby. Okay na okay ako, oh,” saad ni Nimfa sa asawa bago inalis ang seatbelt sa katawan.Walang gawa ang asawa kundi umiling bago bumuntong-hininga. Nauna na siyang lumabas ng sasakyan, habang si Zachary naman ay kinuha ang anak nila sa backseat. Pagkatapos, naglakad na sila patungo sa ospital habang bitbit ng asawa ang anak nilang nasa carrier. Subalit nakakailang hakbang pa lang sila, bigla na lang huminto si Zachary.“Oh, ano'ng nangyari, hubby?” naguguluhan niyang tanong sa asawa.“Tāngina,” mura nito habang nakatingin sa isang direksyon.Sinundan niya iyon, at bahagya siyang nagulat nang makita ang dating asawa, si Marcus, habang bitbit din nito ang anak papa

  • Divorced Overnight, Claimed by a Billionaire the Next Day   Chapter 119

    “Appointment? Ano'ng sinasabi mo, Marcus?” naguguluhang tanong ni Claire nang ipaalam niya rito na magkakaroon ito ng appointment bukas kay Dr. Devanadera, ang kilalang psychiatrist ni Bryes.Bumuntong-hininga si Marcus bago umupo sa kama kahit nakatapis lamang ng tuwalya ang katawan. Mataman niyang tiningnan sa mga mata ang asawa bago mariing lumunok.“Dr. Devanadera is a psychiatrist. She will help you, baby,” kalmado niyang sambit upang hindi ito mabigla.Pero nanlaki agad ang mga nito, tila hindi makapaniwala sa sinaad niya. Inalis nito ang suot na headphones bago tumitig sa kaniya.“Psychiatrist? Ano'ng tingin mo sa akin, baliw? Marcus naman, bakit sa daming klase ng doktor sa mundo, bakit sa doktor pa ng utak? Hindi ako baliw, Marcus! Hindi ako ba—”“I'm not saying you're crazy, baby. Iniisip lang kita, lalo na si Marco. You almost kīlled him, remember? Kung hindi ako dumating, b-baka pinaglalamayan na natin siya. You need Dr. Devanadera, baby. Please, baby, para rin naman sa ka

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status