ANMELDENIsabelle POV
Maingay ang paligid, puno ng usok, at amoy ng mamahaling alak. Inayos ni Claire ang suot kong itim na lace mask bago niya ako tinulak papasok sa gitna ng dance floor. Suot ko ang isang backless emerald dress na matagal nang nakatago sa closet ko dahil sabi ni Justin, masyadong 'revealing' daw ito.
Ngayon, wala na akong pakialam.
"Isabelle, stop overthinking! Just drink and move. Look at those guys, lahat sila nakatingin sa'yo," bulong ni Claire habang iniikot ang baso ng espresso martini sa kamay niya.
"I feel naked, Claire. Hindi ako sanay na ganito," sagot ko habang pilit na ibinababa ang laylayan ng dress ko kahit alam kong tama lang naman ang haba nito.
"That's the point! You're free tonight. Walang asawang mananakal sa'yo, walang bahay na kailangang linisin. Tonight, you're just a beautiful woman looking for fun." Iniwan ako ni Claire para makipag-usap sa isang grupo ng mga lalaki sa bar area.
Napabuntong-hininga ako at lumapit sa counter para kumuha ng whiskey. Straight. Kailangan ko ng tapang para malunod ang alaala ng nakita ko kanina sa hotel. Isang shot, dalawa, tatlo. Unti-unti nang uminit ang pakiramdam ko, at ang malakas na beat ng music ay nagsimulang sumabay sa tibok ng puso ko.
Naglakad-lakad ako sa veranda ng venue para makakuha ng sariwang hangin. Medyo madilim dito at malayo sa ingay ng party. Doon ko namataan ang isang lalaki.
Nakasandal siya sa railings habang may hawak na baso at nakatingin sa malayo. Kahit may suot siyang silver na maskara, kapansin-pansin ang maayos niyang tindig at kung gaano kabagay sa kanya ang charcoal suit na suot niya. May kung anong aura sa kanya na mahirap balewalain."
Lumingon siya nang marinig ang heels ko.
"The party is inside," baritono ang boses niya, mababa pero may awtoridad.
"I know. Masyadong maingay," sagot ko. Ewan ko kung dahil ba sa alak, pero imbes na lumayo, mas lumapit pa ako sa kanya. "Bakit ikaw, anong ginagawa mo rito?"
"Observing," simpleng sagot niya habang nakatitig sa akin. Ramdam ko ang tingin niya mula sa likod ng maskara, na parang binabasa ang bawat ekspresyon ko. "You don't look like you're having fun."
"I am having fun," hamon ko sa kanya. Inilapag ko ang baso ko sa table sa tabi niya at humakbang palapit. "Unless... you can give me something better to do."
He let out a low, dark chuckle. "Dangerous words for someone who's tipsy."
"I'm not just tipsy. I'm awake. Ngayon lang ako nagising sa buong buhay ko," sabi ko habang tinititigan ang labi niya.
Hindi ko alam kung saan ko kinuha ang lakas ng loob, pero hinawakan ko ang necktie niya at hinila pababa para magpantay ang mga mukha namin. Sumalubong sa akin ang mabango niyang amoy, halo ng cologne at bahagyang amoy ng alak mula sa hininga niya.
"Is that so?" bulong niya. Inilagay niya ang isang kamay niya sa bewang ko, sapat na para maramdaman ko ang init ng palad niya sa balat ko.
"Prove it," hamon ko.
Hindi na siya nag-atubili, at mabilis niya akong hinalikan nang may diin, isang halik na hindi katulad ng mga halik ni Justin na laging nagmamadali o parang obligasyon lang. This man kissed like he wanted to own me. Napakapit ako sa balikat niya habang unti-unti kaming gumagalaw palayo sa liwanag ng veranda.
Dinala niya ako sa isang private suite sa itaas ng venue. Walang maraming salita. Ang tanging naririnig lang ay ang kalansing ng belt at ang mabigat na paghinga naming dalawa. Sa gitna ng dilim, sa ibabaw ng malambot na kama, hinayaan kong lamunin ako ng sensasyon na matagal ko nang hindi nararamdaman.
Sa bawat haplos niya, pakiramdam ko ay nabubura ang dumi na iniwan ni Justin sa pagkatao ko. He was intense, almost possessive, as if he knew exactly what I needed.
Habang nasa gitna kami ng matinding init, bahagyang sumabit ang kamay ko sa ribbon ng maskara ko. Hindi ko napansin na lumuwag na pala ito. Sa isang maling galaw, tuluyang nalaglag ang maskara ko.
Huminto siya sa paghalik sakin.
Umiwas ang tingin ko, pero hinawakan niya ang panga ko at iniharap ako sa kanya. Kinuha niya ang remote sa side table at binuksan ang dim light ng kwarto.
Nanigas ako nang matitigan ko ang familiar niyang mga mata, at parang nagulat din siya ng matitigan niya ang mukha ko.
"Isabelle?" gulat na sabi niya.
Kumunot ang noo ko. "Wait... how do you know my name?"
Dahan-dahan niyang hinubad ang kaniyang maskara. Parang gusto ko nalang lamunin ako ng kama nang makita ko ang mukha niya. Ang mukhang madalas kong makita sa mga family reunions at sa mga business magazines na binabasa ni Justin.
"Rajah..." halos pabulong na sabi ko. "Tito Rajah?"
Nagmadali siyang tumayo at kinuha ang kanyang suot at mabilis na nagbihis habang nakatalikod sa akin. Ang tensyon sa kwarto ay napalitan ng nakakabinging katahimikan at matinding kahihiyan.
"Does Justin know you're here?" tanong niya, ang boses niya ay wala nang bakas ng lambing kanina. Punong-puno na ito ng galit at panghuhusga.
"Tito Rajah, hindi ko alam na ikaw 'yan... I didn't mean to—"
Hinarap niya ako, ang mga mata niya ay parang naging yelo sa lamig. "I thought you were a devoted wife, Isabelle. I thought my nephew was lucky to have you. Pero ano 'to? You're out here, seducing strangers in a club?"
"It’s not like that! Justin is—"
"Save it," putol niya sa sasabihin ko. Kinuha niya ang coat niya at naglakad papunta sa pinto nang hindi na ako tinitingnan. "I thought you were different. Turns out, you’re just as cheap as the women Justin usually hangs out with."
Isabelle POV Alas-nuwebe pa lang ng umaga pero ramdam na ang init sa loob ng ginagawang Community Center. Walang masyadong hangin ngayon, kaya naman halos lahat ng mga trabahador ay nakatupi na ang mga manggas ng t-shirt. Kahit hindi pa sementado ang buong sahig, tuyo na ang foundation kung saan ipapatong ang mga mabibigat na kagamitan. "Dito po natin ilalagay ang unang hanay, Nanay Elena," turo ko sa bakanteng bahagi ng pader na gawa sa pinagsamang semento at eco-bricks. May hawak akong chalk at sinusukat ang distansya ng bawat rack mula sa pinto. "Para kapag pumasok ang mga guests, ang unang-una nilang makikita ay 'yung mga makukulay na sinulid." Lumapit si Nanay Elena, hila-hila ang isang lumang kahoy na rack na may gulong sa ilalim. Kasunod niya ang dalawa pang babae mula sa kooperatiba na may bitbit na mga basket ng mga habing tela. "Architect, kasya ba rito ang tatlong ganito kalaking habihan?" tanong ni Nanay Elena habang pinupunasan ang kanyang noo ng bimpo. "Medyo mal
Isabelle POV Alas-siyete na ng gabi pero maliwanag pa rin ang paligid ng Phase 4 dahil sa mga bagong kabit na floodlights. Ito ang unang gabi na sinubukan namin ang full layout ng outdoor lighting para sa Community Center habang sumasabay ang gabi-gabi nang second shift ng mga trabahador. Hawak ko ang aking clipboard habang nakatayo sa may gilid ng scaffolding, pinapanood ang bawat anggulo ng liwanag. “Architect, okay na po ba ‘yung bagsak ng spotlight sa may entrance ng gallery? Hindi ba masyadong nakakasilaw?” tanong ni Leo habang pababa mula sa isang stepladder. May hawak siyang screwdriver at medyo may dumi ng grasa ang pisngi. “Medyo i-paling mo pa nang limang degrees pakanan, Leo. Gusto ko kasi, ang tatamaan lang ay ‘yung magiging signage ng kooperatiba nina Nanay Elena, hindi ‘yung mismong daanan ng mga tao,” sagot ko habang sinesenyasan siya gamit ang kaliwang kamay. “Sige po, Architect. Ayusin ko muna sandali,” sabi ni Leo sabay akyat uli. Habang abala kami, narinig ko a
Isabelle POV Alas-singko na ng hapon pero nananatili pa rin ang init sa gilid ng Phase 4 construction site. Katatapos lang namin mag-inspect ni Leo sa mga bagong deliver na kawayan na gagamitin para sa ceiling framework ng Community Center. Mas mabilis ang naging takbo ng trabaho dahil sa second shift, pero mas dumoble rin ang kailangan kong i-monitor. "Architect, tumawag po ang front desk kanina," ulat ni Claire habang lumalapit sa akin, bitbit ang isang tray ng malamig na tubig. "Si Mrs. Alcantara raw po, nag-request na naman na i-extend ang stay niya sa Cabin 1 hanggang Sunday." Inabot ko ang isang baso ng tubig at uminom. "Pangatlong beses na niyang nag-extend, 'di ba? May booking ba tayo na susunod sa unit niya?" "Dapat po meron bukas, pero buti na lang sa kabilang beachfront villa na-re-route ni Sir Rajah. Gustong-gusto talaga ni Mrs. Alcantara doon, Architect. Sabi niya sa front desk, mas nakakatulog daw siya kapag naririnig niya 'yung hampas ng hangin sa mga puno sa paligi
Rajah POV "Rajah, we need to understand the financial implication of this delay. Ang ganda na ng momentum natin dahil sa magazine cover," boses ni Mr. Alcantara mula sa speaker ng laptop ko. Ang mukha niya sa Zoom ay mukhang seryoso, naka-kunot ang noo habang tinitignan ang financial slides na ipinadala ko. "I understand your concern, Tito," sagot ko, pilit na pinapanatiling kalmado at propesyonal ang tono ko. "Pero hindi ito delay. We are maintaining the original timeline for the cabins to ensure top-notch quality, habang ipapauna natin ang pagtapos sa Phase 4 Community Center. In terms of marketing, mas may story kung unahin natin ang livelihood project nina Nanay Elena. It builds a better brand image." Sa gilid ng opisina ko, nakita kong napatigil sa pag-type si Isabelle. Tumingin siya sa akin, hawak ang kanyang mechanical pencil, naghihintay kung kakailanganin niyang sumalo sa usapan. "But what about the target reservations for October?" tanong naman ng isa pang board member,
Rajah POV Maaga pa lang ay nakatitig na ako sa phone ko habang nagkakape sa veranda ng suite ko. Katatawag lang ni Atty. Guevarra. Sinasabi niya na ang Board of Directors ay humihingi ng isang urgent meeting mamayang hapon. Medyo nagkakagulo sila dahil sa biglang pagdami ng inquiries mula sa mga regional travel agencies pagkatapos lumabas ng cover draft ni Maya Cruz. Gusto nilang i-fast-track ang completion ng Phase 3 at 4. "Sir Rajah, nandito na po si Architect Isabelle sa lobby ng office. Pinatatawag niyo po?" boses ni Claire mula sa intercom. "Yes, Claire. Sige, paki-sabi papasukin mo na siya rito. Salubungin mo na rin si Leo para kasama siya sa update," utos ko bago ibaba ang telepono. Ilang minuto lang ang lumipas, pumasok na si Isabelle. Suot niya ang karaniwang white button-down shirt niya na nakatupi hanggang siko, denim pants, at ang boots na may bakas pa yata ng putik kagabi. Mukhang kulang siya sa tulog, pero may hawak siyang panibagong sketch pad. "Rajah, ano 'yung na
Isabelle POV Medyo malamig pa ang simoy ng hangin nang lumabas ako sa balcony ng villa ko. May bakas pa ng ambon sa mga dahon ng niyog sa paligid. Sabado ngayon, at kahit sinabihan ako ni Rajah na magpahinga muna dahil wala namang pasok ang karamihan sa mga trabahador, hindi ko pa rin mapigilang magising nang maaga. Nakasanayan na ng katawan ko ang schedule sa site. Bitbit ang kape ko, naupo ako sa outdoor chair at binuksan ang laptop. Isang notification mula sa Starry app ang lumabas—isang mensahe mula sa isa sa mga readers ko na nagtatanong kung kailan ang update ng sinusulat kong story. Napangiti ako. Minsan, nakakalimutan kong bukod sa pagiging Architect, isa rin pala akong manunulat sa mata ng ibang tao. “Ang aga naman ng trabaho niyan.” Napalingon ako sa gilid. Si Rajah, nakatayo sa pathway sa baba ng balcony ko. Naka-jogging pants siya at hoodie, mukhang kakatapos lang tumakbo. Pawis na pawis siya pero fresh pa rin tignan. “Hindi naman work ‘to. Chini-check ko lang ‘yung u
Isabelle POV Isang linggo na ang lumipas mula nung gabi ng engkwentro namin ni Justin sa kwarto, at isang linggo ko na ring hindi siya nakikita. Akala ko ay tuluyan na siyang nanahimik, pero nagkamali ako nang makatanggap ako ng text mula sa kanya. ‘Fine dining restaurant, 7 PM. Let’s talk ab
Isabelle POV Halos hindi ko na maramdaman ang mga paa ko habang naglalakad papasok sa mansyon. Sa bawat hakbang ko ay parang gusto ko nalang bumagsak. Ang sakit sa dibdib ko dahil sa nakita ko sa hotel room ni Justin ay nadagdagan pa ng matinding kahihiyan dahil sa nangyari sa pagitan namin ni Ti
Isabelle POV Bitbit ang isang paper bag ng paboritong pastries ni Justin, dahan-dahan kong binuksan ang pinto ng bahay namin. Maaga akong pinauwi ng boss ko sa event dahil sa sobrang sakit ng ulo ko. Akala ko, masusorpresa ko si Justin dahil out of town dapat siya para sa isang business meeting.
Isabelle POVNagising ako na masakit ang ulo, hindi dahil sa alak—dahil isang baso lang naman ng champagne ang nainom ko kagabi—kundi dahil sa dami ng nangyari. Pagdilat ng mga mata ko, bumungad sa akin ang mga puting bulaklak na ipinadala ni Rajah na nasa plorera pa rin sa tabi ng bintana.Sabado







