LOGINIsabelle POV
Isang linggo na ang lumipas mula nung gabi ng engkwentro namin ni Justin sa kwarto, at isang linggo ko na ring hindi siya nakikita. Akala ko ay tuluyan na siyang nanahimik, pero nagkamali ako nang makatanggap ako ng text mula sa kanya.
‘Fine dining restaurant, 7 PM. Let’s talk about the divorce papers. Bring yourself, and let’s end this peacefully.’
Kahit labag sa loob ko, pumunta ako. Kailangan kong mapa pirma siya. Nagsuot ako ng simpleng white midi dress at inayos ang sarili para magmukhang desidido. Pagpasok ko sa restaurant, nakita ko agad si Justin sa isang corner table. Mukha siyang kalmado, malayo sa halimaw na nakita ko noong nakaraang linggo.
"You came," bungad niya habang inaayos ang napkin sa lap niya. "Maupo ka, Isabelle. I ordered for you."
"Hindi ako narito para kumain, Justin," sabi ko habang inilalapag ang folder sa harap niya. "Narito ang papers. Pirmahan mo na para matapos na 'to."
Tiningnan lang niya ang folder nang hindi binubuksan. "Galit ka pa rin. I get it. Pero Isabelle, be realistic. Saan ka pupunta? Sinabihan ko na ang lahat ng connections ko sa industry. No one will hire an architect who’s been out of the game for three years and has a 'scandalous' reputation."
Napahigpit ang pagkahawak ko sa purse ko. "Anong ginawa mo?"
"I just told the truth. Na baka hindi ka na updated sa trends, o baka distracted ka dahil sa family issues natin," kumuha siya ng wine at uminom. "Stay with me, Isabelle. I'll give you a monthly allowance, you can stay in the house, just... don't push for this divorce."
"You’re blackmailing me," mariin kong sabi. "Gagamitin mo ang career ko para lang hindi ka mawalan ng mana? You’re pathetic."
"I'm practical!" biglang tumaas ang boses niya, sapat na para lumingon ang ilang guests. "Huwag kang magmalinis, Isabelle. Nalaman ko na nasa masked party ka rin nung gabing 'yun. Sino ang kasama mo? Isang gabi ka lang nawala, kung sino-sino na sigurong lalaki ang pumatol sa'yo dahil mukha kang desperada."
"Justin, stop it. Maraming tao," pakiusap ko dahil nagsisimula na akong mahiya.
"Bakit? Takot kang malaman nila na ang 'perfect wife' ko ay isa palang taksil?" Tumayo siya at hinawakan ang braso ko, hinila niya ako palapit sa kanya. "Pirmahan mo 'tong revocation ng divorce, o sisiguraduhin kong wala kang matutuluyan bukas."
"Bitawan mo ako, Justin! Nasasaktan ako!" pilit kong binabawi ang braso ko pero mas lalo niyang hinigpitan. Ramdam ko ang panginginig ng buong katawan ko.
"Sumagot ka! Sino ang kasama mo nung gabing 'yun?!" sigaw niya, at sa pagkakataong ito ay itinaas na niya ang kamay niya na tila ba sasampalin ako sa harap ng lahat.
Pumikit ako, naghihintay ng sakit. Pero hindi dumapo ang palad niya. Sa halip, narinig ko ang isang malakas na kalabog at ang daing ni Justin.
"That's enough, Justin."
Iminulat ko ang mga mata ko. Nakatayo sa harap namin si Tito Rajah. Hawak niya ang braso ni Justin na kanina lang ay nakataas, at sa isang mabilis na galaw ay itinulak niya ang pamangkin niya palayo sa akin.
"Tito Rajah?" gulat na sabi ni Justin habang inaayos ang suit niya. "What are you doing here? Family matter 'to, huwag kang makialam."
Rajah stepped forward, his presence alone making the space feel smaller. He was wearing a dark navy suit, looking every bit the powerful billionaire that everyone feared. "Family matter? When you’re harrassing a woman in a public place, it becomes my business. Especially when you’re using the family name to bully someone."
"She's my wife! She's trying to leave me!" giit ni Justin.
"And I can see exactly why," malamig na sabi ni Rajah. Tumingin siya sa akin saglit bago muling hinarap si Justin. "I heard you’ve been blocking her career opportunities, too. Very unprofessional, Justin. Very Madrigal of you."
"Tito, hindi mo naiintindihan—"
"I understand more than you think," putol ni Rajah. "Umalis ka na, Justin. Before I decide to call your father and tell him exactly how you’re spending your time instead of managing the branch I gave you."
Biglang namutla si Justin. Alam niyang kapag si Rajah ang nagsalita, tapos na ang usapan. Masama ang tingin na ipinukol niya sa akin bago niya kinuha ang folder at mabilis na lumabas ng restaurant.
Naiwan akong nakatayo, at nanginginig pa rin. Lumapit si Rajah sa akin. Akala ko ay susungitan niya rin ako gaya nung sa hotel, pero kumuha siya ng panyo at iniabot sa akin.
"Are you okay?" tanong niya. Medyo lumambot ang boses niya, pero nandoon pa rin ang distansya.
"I... I’m fine. Thank you, T-tito Rajah. I didn't expect you to be here," sabi ko habang pinapahid ang kaunting luha sa mata ko.
"I have a business meeting here. I didn't expect to see my nephew making a fool of himself either," sagot niya. Pinagmasdan niya ako sandali. "Is it true? Binablock niya ang mga job applications mo?"
Tumango ako nang mahina. "He wants to trap me. Sabi niya, wala raw tatanggap sa akin dahil sa kanya."
Tumingin si Rajah sa labas, kung saan humaharurot na ang sasakyan ni Justin. Pagkatapos ay muli siyang tumingin sa akin, mas seryoso na ngayon ang kanyang mga mata.
"Justin is wrong about a lot of things, Isabelle," sabi niya habang inaayos ang cuffs ng suit niya. "He thinks he owns the world because of his name. But he doesn't own me, and he certainly doesn't own the industry."
"Ano ang ibig mong sabihin?" tanong ko.
"Mag-ayos ka. Susunduin kita bukas ng alas-otso ng umaga," sabi niya bago tumalikod.
"Bakit? Saan tayo pupunta?"
Huminga siya nang malalim at lumingon sa akin nang may tipid na ngiti na hindi umabot sa mga mata niya.
"You need a job, right? Then come to my office tomorrow."
Isabelle POV Alas-nuwebe pa lang ng umaga pero ramdam na ang init sa loob ng ginagawang Community Center. Walang masyadong hangin ngayon, kaya naman halos lahat ng mga trabahador ay nakatupi na ang mga manggas ng t-shirt. Kahit hindi pa sementado ang buong sahig, tuyo na ang foundation kung saan ipapatong ang mga mabibigat na kagamitan. "Dito po natin ilalagay ang unang hanay, Nanay Elena," turo ko sa bakanteng bahagi ng pader na gawa sa pinagsamang semento at eco-bricks. May hawak akong chalk at sinusukat ang distansya ng bawat rack mula sa pinto. "Para kapag pumasok ang mga guests, ang unang-una nilang makikita ay 'yung mga makukulay na sinulid." Lumapit si Nanay Elena, hila-hila ang isang lumang kahoy na rack na may gulong sa ilalim. Kasunod niya ang dalawa pang babae mula sa kooperatiba na may bitbit na mga basket ng mga habing tela. "Architect, kasya ba rito ang tatlong ganito kalaking habihan?" tanong ni Nanay Elena habang pinupunasan ang kanyang noo ng bimpo. "Medyo mal
Isabelle POV Alas-siyete na ng gabi pero maliwanag pa rin ang paligid ng Phase 4 dahil sa mga bagong kabit na floodlights. Ito ang unang gabi na sinubukan namin ang full layout ng outdoor lighting para sa Community Center habang sumasabay ang gabi-gabi nang second shift ng mga trabahador. Hawak ko ang aking clipboard habang nakatayo sa may gilid ng scaffolding, pinapanood ang bawat anggulo ng liwanag. “Architect, okay na po ba ‘yung bagsak ng spotlight sa may entrance ng gallery? Hindi ba masyadong nakakasilaw?” tanong ni Leo habang pababa mula sa isang stepladder. May hawak siyang screwdriver at medyo may dumi ng grasa ang pisngi. “Medyo i-paling mo pa nang limang degrees pakanan, Leo. Gusto ko kasi, ang tatamaan lang ay ‘yung magiging signage ng kooperatiba nina Nanay Elena, hindi ‘yung mismong daanan ng mga tao,” sagot ko habang sinesenyasan siya gamit ang kaliwang kamay. “Sige po, Architect. Ayusin ko muna sandali,” sabi ni Leo sabay akyat uli. Habang abala kami, narinig ko a
Isabelle POV Alas-singko na ng hapon pero nananatili pa rin ang init sa gilid ng Phase 4 construction site. Katatapos lang namin mag-inspect ni Leo sa mga bagong deliver na kawayan na gagamitin para sa ceiling framework ng Community Center. Mas mabilis ang naging takbo ng trabaho dahil sa second shift, pero mas dumoble rin ang kailangan kong i-monitor. "Architect, tumawag po ang front desk kanina," ulat ni Claire habang lumalapit sa akin, bitbit ang isang tray ng malamig na tubig. "Si Mrs. Alcantara raw po, nag-request na naman na i-extend ang stay niya sa Cabin 1 hanggang Sunday." Inabot ko ang isang baso ng tubig at uminom. "Pangatlong beses na niyang nag-extend, 'di ba? May booking ba tayo na susunod sa unit niya?" "Dapat po meron bukas, pero buti na lang sa kabilang beachfront villa na-re-route ni Sir Rajah. Gustong-gusto talaga ni Mrs. Alcantara doon, Architect. Sabi niya sa front desk, mas nakakatulog daw siya kapag naririnig niya 'yung hampas ng hangin sa mga puno sa paligi
Rajah POV "Rajah, we need to understand the financial implication of this delay. Ang ganda na ng momentum natin dahil sa magazine cover," boses ni Mr. Alcantara mula sa speaker ng laptop ko. Ang mukha niya sa Zoom ay mukhang seryoso, naka-kunot ang noo habang tinitignan ang financial slides na ipinadala ko. "I understand your concern, Tito," sagot ko, pilit na pinapanatiling kalmado at propesyonal ang tono ko. "Pero hindi ito delay. We are maintaining the original timeline for the cabins to ensure top-notch quality, habang ipapauna natin ang pagtapos sa Phase 4 Community Center. In terms of marketing, mas may story kung unahin natin ang livelihood project nina Nanay Elena. It builds a better brand image." Sa gilid ng opisina ko, nakita kong napatigil sa pag-type si Isabelle. Tumingin siya sa akin, hawak ang kanyang mechanical pencil, naghihintay kung kakailanganin niyang sumalo sa usapan. "But what about the target reservations for October?" tanong naman ng isa pang board member,
Rajah POV Maaga pa lang ay nakatitig na ako sa phone ko habang nagkakape sa veranda ng suite ko. Katatawag lang ni Atty. Guevarra. Sinasabi niya na ang Board of Directors ay humihingi ng isang urgent meeting mamayang hapon. Medyo nagkakagulo sila dahil sa biglang pagdami ng inquiries mula sa mga regional travel agencies pagkatapos lumabas ng cover draft ni Maya Cruz. Gusto nilang i-fast-track ang completion ng Phase 3 at 4. "Sir Rajah, nandito na po si Architect Isabelle sa lobby ng office. Pinatatawag niyo po?" boses ni Claire mula sa intercom. "Yes, Claire. Sige, paki-sabi papasukin mo na siya rito. Salubungin mo na rin si Leo para kasama siya sa update," utos ko bago ibaba ang telepono. Ilang minuto lang ang lumipas, pumasok na si Isabelle. Suot niya ang karaniwang white button-down shirt niya na nakatupi hanggang siko, denim pants, at ang boots na may bakas pa yata ng putik kagabi. Mukhang kulang siya sa tulog, pero may hawak siyang panibagong sketch pad. "Rajah, ano 'yung na
Isabelle POV Medyo malamig pa ang simoy ng hangin nang lumabas ako sa balcony ng villa ko. May bakas pa ng ambon sa mga dahon ng niyog sa paligid. Sabado ngayon, at kahit sinabihan ako ni Rajah na magpahinga muna dahil wala namang pasok ang karamihan sa mga trabahador, hindi ko pa rin mapigilang magising nang maaga. Nakasanayan na ng katawan ko ang schedule sa site. Bitbit ang kape ko, naupo ako sa outdoor chair at binuksan ang laptop. Isang notification mula sa Starry app ang lumabas—isang mensahe mula sa isa sa mga readers ko na nagtatanong kung kailan ang update ng sinusulat kong story. Napangiti ako. Minsan, nakakalimutan kong bukod sa pagiging Architect, isa rin pala akong manunulat sa mata ng ibang tao. “Ang aga naman ng trabaho niyan.” Napalingon ako sa gilid. Si Rajah, nakatayo sa pathway sa baba ng balcony ko. Naka-jogging pants siya at hoodie, mukhang kakatapos lang tumakbo. Pawis na pawis siya pero fresh pa rin tignan. “Hindi naman work ‘to. Chini-check ko lang ‘yung u
Isabelle POVNagising ako na masakit ang ulo, hindi dahil sa alak—dahil isang baso lang naman ng champagne ang nainom ko kagabi—kundi dahil sa dami ng nangyari. Pagdilat ng mga mata ko, bumungad sa akin ang mga puting bulaklak na ipinadala ni Rajah na nasa plorera pa rin sa tabi ng bintana.Sabado
Isabelle POV Halos hindi ko na maramdaman ang mga paa ko habang naglalakad papasok sa mansyon. Sa bawat hakbang ko ay parang gusto ko nalang bumagsak. Ang sakit sa dibdib ko dahil sa nakita ko sa hotel room ni Justin ay nadagdagan pa ng matinding kahihiyan dahil sa nangyari sa pagitan namin ni Ti
Isabelle POV Maingay ang paligid, puno ng usok, at amoy ng mamahaling alak. Inayos ni Claire ang suot kong itim na lace mask bago niya ako tinulak papasok sa gitna ng dance floor. Suot ko ang isang backless emerald dress na matagal nang nakatago sa closet ko dahil sabi ni Justin, masyadong 'revea
Isabelle POV Bitbit ang isang paper bag ng paboritong pastries ni Justin, dahan-dahan kong binuksan ang pinto ng bahay namin. Maaga akong pinauwi ng boss ko sa event dahil sa sobrang sakit ng ulo ko. Akala ko, masusorpresa ko si Justin dahil out of town dapat siya para sa isang business meeting.







