Share

KABANATA 6

Napasimangot ako at parang batang tinuro ang nasa tabi ko.

"Itong tauhan mo is such a pervert. Ano bang trabaho niyan dito?" Tinignan ko siya mula ulo hanggang paa. "Is he-- I mean driver ba siya? Hindi naman siya mukhang magsasaka o kargador kasi malaki katawan niya? Pero anyway dapat tanggalin mo siya sa trabaho baka marami pa siyang mabiktima sa kalandian niya." Pagsusumbong ko. Wait is it a description to say that he's a argador by means of having malaking katawan? Well, just nevermind.

Nanlaki naman ang mata ng manyakis na kala mo'y gulat na gulat na tinuro ang sarili.

"Tauhan? Are you referring to me? Driver really?"

Tinaasan ko siya ng kilay. "May iba pa ba tayong kasama dito? Alangan naman na siya yung tinutukoy ko." Sabay nguso kay Zander.

I looked at Zander na nakatingin lang sa amin at mukhang wala talagang balak magsalita.

"Brother I can't believe this. Tama ba ako ng dinig? Mukha ba akong driver? kargador?" Nangunot ang noo ko ng tawagin niyang brother si Zander.

"Close kayo? Boss natin yan pero tinatawag mo siyang brother? Ano ka ba talaga dito?" Takang tanong ko.

Tumingin ako kay Zander para sana tanungin siya pero nagkibit balikat na siya bago pa man ako makapagtanong. Ano ba siya mind reader? Wala pa nga akong sinasabi.

Tumingin na lang ulit ako kay manyakis na madramang sapo ang d****b na kala mo'y nasasaktan.

"Drama mo naman. Makaalis na nga nawalan na ako ng ganang kumain." Iritang sabi ko sabay bangga pa sa balikat ng manyakis tsaka naiinis na bumalik sa kuwarto.

Itutulog ko na lang siguro ang gutom ko at mamayang tanghali na lang ako kakain. Inihiga ko ang aking sarili sa kama. Doon ko lang din naramdaman kung gaano kasakit ang likod ko marahil sa matagal na pagkakayuko. Hindi ko na nga namalayaan ay nakatulog na pala ako.

Nagising ako hapon na at mukhang papagabi na rin. Bumangon ako at handa na sanang lumabas nang may napansin ako sa side table.

Nangunot ang noo ko ng may makitang nakahandang pagkain doon. Kinuha ko ito at pinatong sa binti ko. Halatang kanina pa ito at malamig na pero kahit ganoon ay mukhang masarap pa rin.

Sino naman kaya ang naglagay nito dito?

Nagkibit balikat na lang ako at nagsimula ng kumain. Baka si Jenna ang naglagay. Maybe she knew na hindi ako kumain at nagmalasakit na magdala. Pasasalamatan ko na lang siya later.

Pagkatapos kumain ay nag-linis na ako ng katawan tsaka lumabas para hanapin si Jenna.

Akala ko ay maliligaw pa ako at mahihirapan sa paghahanap sa kanya pero naabutan ko siya sa may labas at may kausap na matandang lalaki.

"Jenna!" Tawag ko sa kanya.

Mabilis naman siyang lumingon at ngumiti sa akin bilang pagbati.

"Oh Zea gising ka na pala. Tamang-tama kausap siya si manong Ispe yung sinasabi kong magaayos ng gripo sa kuwarto mo." Pagpapakilala niya sa kausap niya si manong Ispe.

"Hello po. Zea Sancheco po." Pakilala ko din.

Ngumiti siya sa akin. "Kay gandang bata naman pala nitong si Zea. Halatang hindi ka mukhang taga dito sa puti mo."

Nahiya naman ako sa papuri niya. "Sus kayo talaga 'tay." Sanay na akong pinupuri ng mga kakilala ko pero iba pa rin pala kapag iba ang nagsabi.

Natawa naman siya sa reaksyon ko. "Totoo naman. Saan ka ba nakatira dati? Halata kasing bagong salta ka dito."

"Taga-Maynila po ako." Sagot ko.

"Ay bakit ka naman napunta dito? Hindi naman sa pangmamaliit. Mas maraming opurtunidad sa Maynila kaysa dito sa probinsiya kaya bakit ka napadpad dito." Kuryosidad niyang tanong.

Napaiwas ako ng tingin at napaisip ng rason.

"Alam niyo rin naman po na hindi lahat pinapalad doon kaya swerte na rin na mabilis akong nakahanap ng trabaho dito kaysa naman po sa wala."

Napatango-tango sila. "Sabagay naalala ko kahit yung kumpare ko hindi rin pinalad sa Maynila kaya bumalik dito."

Napahaba pa ang usapan namin hanggang umabot ng isang oras.

"Oh siya't anong oras na rin. Ako na ang bahala bukas, aayusin ko ang sira sa banyo mo ng sa ganon ay magamit mo na."

Napangiti naman ako at nakahinga ng maluwag. Finally I can have my own. "Naku maraming salamat po."

Nang makapagpaalam na sa isa't isa ay sabay na kaming pumasok sa loob.

"Kumain ka na ba? Tinignan kita sa kuwarto mo, naabutan kitang tulog."

"Oo naman. Di ba nagdala ka pa nga ng food sa kuwarto ko, thank you."

Bumakas sa kanyang mukha ang pagtataka.

"Sinilip lang naman kita sa kuwarto mo. Hindi kita dinalhan ng pagkain. Pagkatapos din kita kasing silipin ay tinapos ko pa ang gawain ko." Saad niya.

Nagtaka rin ako at hindi naiwasan ang mapaisip. Who served me the food? I can't think of anyone na magdadala ng pagkain sa kuwarto ko.

"Oh my Gee! Don't tell its a ghost?" I reacted.

Bumakas ang takot sa mukha ni Jenna at mabilis na napakapit sa braso ko. Natawa ako sa reaksiyon.

"Joke lang ano ka ba as if namang may multong gagawa non."

Imbes na kumalma ay mas matakot pa siya. "Pero tingin ko ate hindi siya isang biro."

Natigilan ako. "Huh? What do you mean?"

"Kasi--Hindi naman sa tinatakot kita pero nag totoo niyan kaya walang natutulog doon kasi madalas kaming makarinig ng ingay doon."

Umiling ako at natawa. "Nah. That's impossible. Doon ako natulog pero wala naman akong narinig or nakita kaya baka imagination niyo lang iyon."

"Totoo nga. Minsan nga si Miya, hating gabi iyon ng maisipan ng kumuha ng tubig kasi naubusan sa water jag then pagkalabas pa lang niya ng pinto nakarinig siya ng ingay na nanggagaling sa kabilang kuwarto. Pinakinggan niya kung ano iyon tapos nakarinig siya ng kalampag." Kwento pa niya.

Tumaas ang kilay ko. "Nakita ba niya yung kumalampag? Did she try to open the door and see if someone's there?"

"Tulog na mga tao ng oras na yun kaya imposibleng may tao doon. Hindi na rin nabuksan ni Miya yung pinto kasi natakot siya. Ganun dun yung iba nating kasamahan. Ilang beses sa hating gabi may naririnig silang ingay pero walang naglalakas ng loob sain tumingin kasi natatakot din kami. Kaya nga nagaalinlangan din kami na doon ka matulog lalo na at magisa ka."

I sighed then chuckled. I can't help it bit to slightly pinched her cheeks. "You're so cute Jenna. Don't worry, hindi naman totoo ang multo kung meron ngang may multo sa tinutuluyan ko dapat naencounter ko na siya but hindi maybe hindi niyo lang alam may tao talaga doon."

"Sabagay sana nga hindi totoo yun."

"Oh siya since tapos na rin naman na tayong kumain pahinga na tayo at maaga pa tayo bukas."

Tumango siya. "Sige. Goodnight."

We bid our goodbyes when we reach our room. As I entered my room, I checked the surroundings and looked around.

I shrugged then go to my bed. Ghost are not true.

¤¤¤¤¤¤

Kinabukasan ay nagising ako sa ingay ng bunganga ni Jenna. She's trying to wake me up.

I looked at the clock and saw that its freaking 4:00 am.

"Jenna, what is it? Inaantok pa ko."

"Gising ka na! Nandyan na sila mr. and mrs. Montealegre. Kailangan na nating mag-ayos bago pa man sila magising!" Pangungulit pa sa akin ni Jenna.

"Sino ba sila? Are they important guest?" Nakapikit kong sabi. Niyakap ko pa ang unan at tinaklob sa ulo ko.

"Anong sila ka diyan? Guest? Amo natin sila! Magulang nila sir Zander."

"Ahhh... Okay--" I stopped. Did she just say parents of Zander? Mr. and mrs. Montealegre?

Mabilis akong napabangon at nanlalaki ang matang tumingin sa kanya.

"Are you serious?" Hindi pa rin makapaniwalang tanong ko.

Napailing pa siya sa naging reaksiyon ko. "Oo nga po kaya bumangon ka na diyan at mag-ayos. Paniguradong 5am, gising na silang lahat at kakain ng almusal ng 6am."

Bigla na lang nawala ang antok ko at agad na kumilos gaya ng sabi ni Jenna. I did my morning rituals and wore my maid's outfit.

Dumeretso ako sa kusina upang tumulong na rin sa pagluluto. Naabutan ko pa doon ang mayordoma na busy sa paguutos sa mga naroroon.

Naglakad na ako palapit sa kanila. Nang tumama ang tingin sa akin ng mayordoma ay agad na tumaas ang kanyang kilay at masungit akong tinignan.

"Ano't ngayon ka lang? Kay bago-bago mo ay napaka irresponsable na. Hindi ko maisip kung paano ka natanggap dito." Panenermon agad niya.

Napairap ako sa aking isipan. "Bakit hindi niyo tanungin ang Zander na yon? Tanungin niyo siya kung anong nakita niya at ginawa akong katulong dito."

Syempre sa isip ko lang iyon sinabi. Hindi na lang ako umimik at dumeretso na lang sa kung saan si Jenna na naghihiwa ng rekados.

"Ikaw na ngayon pinag-iinitan ng mayordoma. Magtimpi ka na lang at ganon na talaga ang matandang yon." Marahil napansin niya ang pagsusungit sa akin.

"Yun naman talaga ang ginagawa ko. Kung hindi ko lang siya ginagalang bilang isang matanda... hay nako." Gigil kong sabi.

"Sanay na kami sa kanya. Eto oh tulungan mo na lang ako sa pagbabalat at ako na ang maghihiwa ng nga patatas." Sabi niya sabay abot ng nga hinihiwa niyang patatas.

"Dito ba nakatira ang parents ni Zander--I I mean ni Sir Zander?" Kuryosong tanong ko kay Jenna.

"Oo, totoo niyan buong pamilya ang nakatira dito. Si mr. and mrs. Montealegre kasama ang lima nilang anak na puro lalaki. Panganay si sir Zander, sumunod si sir Caleb, pangatlo si sir Ryder, pangapat si sir Matias at bunso si sir Agosto." Panimulang kwento niya.

I was shocked to know that Zander have other 4 siblings at puro lalaki pa. I bet his parents had a hard time on them. I've already met the two, him and that pervert one, Matias? Yeah. I haven't met the three. Im thinking kung pare-parehas ba sila ng ugali. Well malalaman din natin mamaya.

"Kompleto ba sila mamaya?"

Tumango siya. "Sigurado. Galing kasing Maynila sila sir kasama nila ang dalawa nilang anak at alam ko uuwi din si sir Ryder mamaya na galing sa kabilang bayan. Gusto kasi nila na kapag nandiyan ang mag-asawa ay lagi silang kompleto. Pamilya muna ang uunahin bago ang kahit ano."

How sweet. Natulala ako at napaisip. I suddenly remember my parents. If they're still alive, will I also get the chance to have a happy family? I guess not. Its that old man fault.

I snapped trying to stop thinking deeply. I did my part 'till we finish.

Sumapit ang alas-sais natapos na sa pag-aayos. Nakahilera kami sa gilid para maghintay kung sakaling may iuutos sila. Naghihintay na lang kaming bumaba sila.

Maya-maya pa ay nakarinig na kami ng yabag at nakita si sir Zander na pababa ng hagdan. As usual with his poker face.

He sat and silently waiting for the others. Hindi rin nagtagal ay nakita ko na ang isang babae at lalaki na pababa rin, na I assumed sila mr. and mrs. Montealegre na iyon. Mrs. Montealegre has a soft feature and angelic face, she's smiling while talking to her husband and Mr. Montealegre slightly smiling. Mukhang alam ko na kung saan nagmana ang loko.

"Magandang umaga!" Bati sa amin ni mrs. Montealegre.

"Si Maam Patricia at Sir Richard Montealegre yan." Pakilala pa sakin ni Jenna.

Nilibot pa niya ang kanyang tingin sa amin at nahinto sa akin. Hindi ko alam kung ngingiti ba ako or hindi pero I still tried to smile. Tumagal ang titig niya sa akin maybe she think na bago ako dito. Umiwas na lang ako ng tingin at yumuko.

Nagdere-deretso sila hanggang sa makarating sa hapagkainan. Magkasalungat na nakaupo si sir Zander at si maam Patricia. While sa kabisera naman si sir Richard.

"Nasaan na ba ang dalawang yon? Tulog pa ba sila? Naku ang mga batang yon talaga." Naiiling na sabi ni maam Patricia. Tumingin siya sa mayordoma.

"Nay Nelia pasuyo naman po at pakikatok ang dalawa kung gising na." Tumango naman ang mayordoma at umalis.

So Nelia was name huh.

Sa pagakyat ng mayordoma ay nasalubong niyang pababa ang isang lalaki na ngayon ko lang nakita. He's one of the boys. Unlike kay Zander, he has a serious yet soft feature na kagaya kay mrs. Montealegre.

"Who is he?" Bulong ko kay Jenna na nasa aking tabi.

"Si sir Caleb yan." Napatango-tango ako.

Naghintay pa kami ng ilang saglit hanggang sa bumaba na rin ang dalawa na mukhang kababangon nga lang sa higaan, sa likod nila ang mayordoma.

Nangunot ang noo ko nang makitang pamilyar ang mukha ng isa. Nanlaki ang mata ako ng ma-realize. Nagtama ang tingin namin, napangisi siya at kumindat sa akin.

I gritted my teeth in annoyance yet nervousness. I thought he's a worker. To think he's one of the siblings and that Zander jerk didn't even told me. How I hate them.

To be continued...

06-07-21

Comments (1)
goodnovel comment avatar
Fabian Rizgel
best novel
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status