Share

CHAPTER 4

Patungo na si Lara sa kanilang tahanan nag enjoy naman siya kausap si Kate lalo na at doon lang siya nakakapag labas ng sama ng loob.

Narating niya ng maayos ang kanilang tirahan at agad na pumasok.

Nakita niya ang kanyang kasintahan na nakaupo sa sofa habang nanood ng television.

"Oh bakit ang tagal mo? Kanina pa kita hinihintay." Sigaw sa kanya ng kanyang kasintahan.

"Nasa apartment lang naman ako ni Kate." giit ni Lara kay Lemuel.

"Halika dito hilutin mo ang balikat ko nangangawit ang daming ginawa kanina." pautos na sabi ni Lemuel.

Lumapit naman agad si Lara pagkatapos niya ayusin ang sarili niya. Kung tutuusin matipuno naman talaga ang katawan ni Lemuel, malapag ang balikat, may katangkaran, maputi, mabango at may maamong mukha.

Hindi rin naman nagtataka si Lara at may nagpapapansin parin sa kanyang kasintahan dahil nga sa matipuno naman ito.

Pumwesto na si Lara sa likuran ni Lemuel at nagsimula ng hilutin ito. Maraming bumabagabag sa isipan niya gusto niya magtanong ng kung ano ano sa kanyang boyfriend.

"Saan ka nga pala galing kanina?" biglang sambit ni Lara na sa isipan niya lang sana.

"Pumunta lang ako sa kaibigan ko may pinag usapan lang kami." tugon ni Lemuel.

"Ganon ba bakit napapadalas ata ang pag alis mo hindi ko man lang alam kung saan ka pumupunta." dagdag pa ni Lara.

"Alam mo hindi ko naman kailangan sabihin lahat ng bagay sayo." pagalit na sagot ni Lemuel.

"Pero girlfriend mo ako dapat alam ko rin kung anong mga nangyayari sayo." mahinhin na sagot ni Lara.

"Girlfriend? Eh hindi mo nga maibigay ang gusto ko, sa tinagal tagal nating magkasama hindi mo parin ako pinagbibigyan." padabog na sabi ni Lemuel at ibinato ang newspaper na hawak niya.

"H-H-Hindi ko pa kasi kaya ibigay. Masyadong sagrado sakin ang lahat mahalaga sakin ang ikasal muna." nauutal na sagot ni Lara dahil hindi niya alam ang gagawin palagi na lang siya kinukulit ng kasintahan niya.

"Ano ka si Maria Clara? Bago na ang henerasyon dapat hindi ka na nananatili sa ganyang mindset. Kung hindi lang magkaibigan ang magulang natin matagal na kitang iniwan." padabog na tumayo si Lemuel at pumunta sa kinalalagyan ni Lara.

Lumapit ito kay Lara at biglang hinawakan ang bewang nito. Halatang naiilang si Lara dahil nagpipiglas ito pero masyadong malakas si Lemuel kaya hindi niya rin kayang kumawala sa mga hawak nito.

"Alam mo ang ganda mo Lara sayang at isa kang Maria Clara." bulong ni Lemuel kay Lara at inamoy ang buhok ng kasintahan sabay biglang hinalikan ang leeg nito.

Nagulat naman si Lara sa ginawa ng kanyang kasintahan kaya't nasampal niya ito agad. Naiilang siya sa ginawa ni Lemuel kaya napagbuhatan niya ito ng kamay. Kita naman kay Lemuel ang gulat.

"Diyan ka na nga! In my opinion, you are totally worthless." sigaw ni Lemuel sabay umakyat sa kanilang kwarto.

Naiwang mag isa si Lara na nakatayo at parang nandidiri sa sarili niya. Bigla na lang siya napaupo dahil sa kawalang hiyang ginawa sa kanya ng kasintahan niya.

Nasaktan siya sa ginawa ni Lemuel pati na rin sa mga sinabi nito. Pero pinilit niya na lang intindihin tinakpan niya na lang ang kanyang bibig para hindi marinig ang hagulgol nito.

"Mahal na mahal parin kita pero hindi ko alam kung hanggang kailan ko matitiis ang pangsasawalang bahala mo sakin." sambit ni Lara sa kawalan.

Patuloy ang kanyang pag iyak sa sofa at hindi niya namalayan na nakatulog na siya dito.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status