Share

CHAPTER 55

Tristan Gideon

Kasalukuyan kong binubuksan ang kandado, nahihirapan lang ako dahil napakarami ng kandadong nakalagay dito kaya gumamit na ako ng iba't ibang susi pati martilyo at wrenches para mapadali.

Dalawang dipa ang layo sa'kin ni Kate dahil baka matamaan siya ng mga bakal na kakalas sa kandado, hawak hawak niya ang flashlight at nakatuon lang sa direksyon ko.

Habang paunti ng paunti ang kandado maging ang kadena na nakapaligid sa pinto lalong lumalalim ang paghinga ko. Hindi ko alam ang nasa likod ng pinto pero handa akong malaman ngayon.

Hanggang sa isang kandado na lang ang kailangan sirain.

"Isa na lang ayos ka pa ba Kate?" sinisigurado ko lang na ayos lang siya sa kinatatayuan niya na baka nilalamig na siya.

"Ayos lang ako rito, ituloy mo lang yan." sagot niya ng pasigaw.

Narinig ko ang pagbukas ng huling kandado kaya sumilay ang ngiti ko. Agad kong inilapag ang mga gamit na hawak ko at unti unti kong binubuksan ang pinto.

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status