Share

CHAPTER 9

[LOVELY's Point of View]

Saktong 10 am nang huminto ang sinasakyan kong taxi sa harap ng cafe. Pagbaba ko ng sasakyan ay nakita ko si Pen na kadarating lang din na dire-diretso sa patio. She stopped meters away from the glass door. Nakangiti akong lumapit at tumabi sa kanya.

"Good morning!" I beamed. Bahagya pa s'yang nagulat but naka-recover din agad then she smiled— a genuine one. Unlike kahapon na halatang pilit. But still, 'yung mata n'ya malamlam pa din like she always lack sleep. Para 'yung babagsak palagi. She's not taking drugs naman siguro 'no?

"Grabe, nae-excite na ako Pen. Hindi na ako makapag-antay na maging official staff." I know she won't say anything pero hindi ko naman inakalang tititigan n'ya talaga ako ng matagal.

"Why? Is there something on my face? May dumi ba?" I asked and wiped my face agad.

"W-wala. 'Yung... 'yung pagsasalita mo kasi. D-diretso na." Mukhang nahiya s'ya sa sinabi n'ya kaya bigla s'yang umiwas ng tingin.

"Aw, is it bad ba? Hindi talaga sa'kin fit ang gano'n, no? I should talk this way na lang talaga—"

"H-hindi! Mas maayos kapag... diretso ka magsalita. M-malinaw,"

"Oh my! Talaga? Hindi ba parang sobrang plain ko magsalita kapag ganito lang?"

She just shook her head kaya I took that as a sign na she doesn't want to talk na. Oppsie, my tounge slipped!

I can't help but to giggle. Inangkla ko rin ang kamay ko sa braso n'ya. Hindi naman s'ya nagreklamo o ano man. We're real friends since yesterday, after all.

"I can feel it, Pen. I can feel that this day will be a good one," confident kong sabi with matching intense emotion pa.

"Tss, feelingera ka lang."

And there, basag!

Automatic na umikot ng three hundred degrees plus one ang mga mata ko nang marinig ang boses na 'yun. Sa sobrang saya ko ngayon, muntik ko na s'yang makalimutan. Bakit pa kasi nagkaroon ng Psalm sa mundo? Nasisira tuloy ang mood ko.

"Nega ka lang." Ganti ko. Ang lakas pa ng loob n'yang huminto sa tabi ko. If only he knows how much I wanted to choke him. Naku!

"By the way good morning," Pagbati n'ya bigla yet his eyes are fixed at the entrance of the cafe.

Should I greet him back? I mean, ang rude naman kung hindi ko din s'ya babatiin pabalik. My mom taught me that being rude is not an attitude of a respectable lady.

"Good morn—"

"...Pen." Pagdagdag n'ya. Argh! He tricked me! Ba't ko ba naisip na babatiin n'ya ako genuinely? Of course gagawin n'ya 'yun para mang-asar.

Pumiling ang ulo n'ya sa akin habang nakangisi. That devilish smile is screaming victory. Nakakainis!

"Feelingera," He mouthed.

Inismiran ko na lang s'ya. Babawi din ako. Just give me a little time. I'll make sure na hindi matatapos ang araw na 'to na hindi ako nakakaganti.

"What's with the standing-infront-the-door pose? Ba't di pa kayo pumapasok?" Sage suddenly popped out. Katulad kahapon ay may suot na naman s'yang cap na halos tumakip ng bandang mata n'ya. Matapos lumapit, luminya s'ya sa amin at tumabi sa side ni Pen. Wait, ba't nga ba kami naka line up sa harap ng cafe? This is... ridiculous and hmm, familiar?

"E, itong dalawa hindi pa pumapasok kaya di din muna ako pumasok." Sagot ni Psalm.

Lahat kami ngayon, nakatingin lang sa glass door ng cafe. Wala naman kasing nakalagay either open na 'yung cafe o ano. Nasaan kaya si Miss Maggie? Hindi n'ya ba ulit kami pagbubuksan ng pinto?

"Ako lang ba 'yung nangangawit dito?" Biglang tanong ni Psalm.

"No one cares," Pabalang kong sagot.

"Alam mo, ang aga-aga ang sungit mo." Komento n'ya.

"Ang aga-aga kasi badtrip ka!" Oh God! Sira na naman ang poise ko.

"Pasok na tayo." Pagyayaya ni Pen, cutting our petty argument.

Halos sabay-sabay kaming gumalaw. But before anyone could reach the door ay humarang na ako.

"Wait! Before we enter this door, gusto kong malaman kung anong naging decision n'yong dalawa sa offer." Matapang kong sabi kahit sa loob-loob ko ay parang gusto kong bumigay. Ini-imagine ko palang na sasabihin nilang hindi sila pumayag ay parang naiiyak na ako.

Nagkatinginan si Sage at si Psalm, like they can actually talk through those glances.

"Oh, come on! Tama na ang titigan. Ano na?"

Psalm's mouth gave a slight twitch. Napakunot tuloy ako ng noo.

"Secret. Kung hindi lilihis 'yang dila mo sa pagsasalita, baka sakaling sabihin ko," Matigas n'yang tugon at tinulak ang pinto sa likuran ko.

The chime rang. Wala akong nagawa kundi ang tumabi para makapasok sila. Unang pumasok ang kupal na si Psalm kasunod si Sage. Pen stayed beside me kaya napangiti ako. Umangkla ako sa braso n'ya at sabay na din kaming pumasok.

Wow. I never thought I would like Pen's presence. You know? Kahit tahimik s'ya, hindi n'ya pinaparamdam sa akin na wala lang ako. Aww, so sweet. I really appreciate that. So ganito pala ang may totoong kaibigan?

The place was empty. I mean, nandun 'yung mga mesa, upuan, mga gamit and everything pero walang tao. Nasaan na naman kaya si Miss Maggie?

"Miss M? Yuhoo!" Sigaw ni Psalm na parang tumatawag lang ng batang paslit.

"Iba din mang-trip 'tong si Miss Maggie e, no? Palagi na lang tayong pinaghihintay." Reklamo n'ya pa.

"E, di 'wag kang maghintay. Like duh? Wala namang pumipilit sa iyo." Pagak kong sagot. Nakakapikon lang kasi. Pare-pareho lang naman kaming naghihintay dito pero wala naman kaming angal. S'ya lang 'tong malakas ang loob na nagrereklamo. Ang arte, 'di ba?

"Ikaw—" Pigil n'yang sambit sa akin na parang gusto na n'ya akong patulan. "Kung hindi ka lang mukhang ano ngayon, naku!"

"Mukhang ano, ha? Mukhang ano?" Hamon ko sa kanya. 'Wag n'ya lang malait-lait ang itsura ko ngayon kung hindi, gigilitan ko na talaga s'ya sa tuhod. Pinaghirapan ko 'to ng halos dalawang oras kaya 'wag s'yang magkakamali!

"Mukhang... mukha kang bougainvillea," Sagot n'ya.

"Wow lang ha! Sige nga. Spell bougainvillea?" I challenged him.

"Nevermind. Mas mukha ka namang santan." Pag-krus n'ya ng kanyang mga kamay kasabay ng pag-irap sa akin. Sus! If I know hindi n'ya lang talaga alam ang spelling ng bougainvillea. Well, mabuti na din 'yun. Hindi ko din 'yun alam, e.

"Kesa naman sa'yo, mukhang cactus."

"Talagang—"

Hindi s'ya nakasagot nang tumunog na naman ang chime sa pinto, meaning may bumukas nun. Binelatan ko s'ya. Buti nga sa kanya!

See? Laging may perfect timing si Miss Maggie! In favor of me, syempre.

Umikot ako at humarap sa pinto while smiling ear to ear. Handa na akong bumati ng pang malakasang good morning kay Miss Maggie but to my surprise, hindi si Miss Maggie ang pumasok.

"Hi?" Nag-aalangan n'yang pagbati at inilibot ang tingin sa buong lugar. "This is Dreams cafe, right? Hindi naman siguro ako namali ng pagpasok?"

Hindi ko napigilang tignan s'ya from head to toe. Halos wala ng exposed na skin sa upper body n'ya dahil sa suot n'yang white blazer. While her pinkish sundress was drooping above her super puting knee. Siguro mga nasa early 20's na s'ya at may kahabaan ang buhok. She seemed nice and friendly naman.

"Ah, yes! Yes ma'am. This is the cafe that you are looking for. How can we help you?" I approached her nicely.

"Anong we? Idadamay mo pa talaga kami?" Bulong ng nakasunod sa likuran ko. Tignan mo, napaka-kontrabida!

"Shut up," I hissed.

"Ahm, nag-book ako ng appointment yesterday then ang sabi sa akin, pumunta ako dito around 10 am." Paliwanag n'ya. So, she's a customer. Ang kaso wala pa si Miss Maggie. Nasaan na ba kasi ang kabuteng manager na 'yun?

"Ah, have a sit ma'am." Pagpapaka-gentleman bigla ni Psalm.Pinaghila n'ya ito ng upuan at pinaupo. Hindi ko alam kung dahil nalaman naming customer s'ya o dahil gusto n'yang pumorma. Or maybe... Oh God, pangangatawanan n'ya na ba ang pagiging mukha n'yang holdaper?

I looked at him incredulously. Paano kung ganoon nga?

Matapos n'yang napaupo ang customer, humakbang s'ya palayo hanggang sa mapalingon s'ya sa akin. Agad na nagsalubong ang mga kilay n'ya na ang isa ay may pilas pa.

"Oh bakit? Ngayon ka lang ba nakakita ng gwapo?" Mayabang n'yang tanong that made me frown in sobrang pandidiri. 

"Oo, ngayon lang ako nakakita ng kwago." Napaikot ang mga eyeball ko saka s'ya nilampasan para tumabi kay Pen. Nag-move forward naman si Sage at kumausap sa dumating na customer.

"Sorry, ma'am. The manager is not here yet. Wala din s'yang nasabi na may expected customer ngayong araw." Pagpapaliwanag ni Sage in a very formal way.

"I understand. Alam kong rush din ang ginawa kong paghingi ng appointment."

Bigla akong kinalabit ng katabi kong si Pen kaya bahagya akong lumapit sa kanya.

"Dapat ba natin s'yang i-entertain? Customer s'ya at hindi pa tayo official na staff dito." Pagbulong n'ya.

"Hayaan mo na. Baka tubuan 'yan ng lumot kapag hinintay pa natin si Miss Maggie."

"So, para saan po ba ang appointment n'yo?" Tanong ni Psalm. In fairness, serious mode na din yata s'ya.

"I heard about the ‘dreamservice’ of this cafe wherein... you guys help to make a dream come true? Sorry, correct me if I'm wrong. Kasi... kahit ako nawe-weirdan at nagda-doubt if meron ba talagang ganung service dito?" She hesitantly said at hindi mapigilang mapangiwi like she was really shy when she said that.

Nagkatinginan kaming apat. We know that that service does exist kaya nga lang, katulad ng binulong ni Pen, hindi pa kami ang official staff dito. Ni hindi pa nga sinasabi ng dalawang lalaki na 'to kung ano bang desisyon nila at hindi pa kami pumipirma ng contract.

"Yes ma'am, we have that kind of service here. Hindi po kayo nagkakamali," nakangiti kong saad na sinagot naman ng kunot-noo nitong tatlo kong kasama. Probably they are wondering kung bakit ko kini-claim na nagbibigay nga kami ng ganoong service. Dahil ang totoo, hindi pa.

"Oh, that's good! Akala ko ginu-good time lang ako nung nag-infer sa akin."

"Ang totoo kasi n'yan ma'am, wala—"

Mariin kong hinawakan ang kamay ni Psalm to the point na halos mabali ko na ang daliri n'ya para pigilan s'ya sa kung ano mang masama n'yang balak na sabihin. I know he'll spill the beans kaya agad kong inagapan.

"We want to hear kung ano 'yung eksaktong gusto n'yong mangyari."

Pare-pareho ng ekspresyon sina Psalm. Lahat sila parang gustong-gusto na akong tanungin. Their faces are like asking me 'what in the deepest hell are you doing, Lovely?' but then, I just confidently smiled.

"Ano po bang pangarap ang gusto n'yong tuparin... namin?"

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status