"Q-Quirou... Hindi ako makahinga."
Tuloy-tuloy pa rin ang mabilis na pagpintig ng aking puso. Masarap ang yakap ni Quirou, ang pagdikit ng katawan namin, ang init niyon, at ang sayang hatid nito. Masarap sana at gusto ko pang humirit ng isa pang oras, kaso baka kasi makita kami nina tita at Quin sa ganitong ayos. Nakakahiya.
Anumang oras ay posible pa naman na mapadpad ang kahit sino kina Quin o tita dito. Sa totoo lang ay ni hindi ko maintindihan kung bakit ganito ang inaakto ni Quirou.
Dahan-dahan niya naman akong binitawan. Isa ito sa mga katangian niyang gusto ko, ang pagiging laging mahinahon. Ngumiti ako sa kaniya.
"Pasensya na, nag-aalala lang kasi ako sa'yo," saka nahaluan ng pag-aalala at konting bakas ng takot ang kaniyang boses. Sunod-sunod niya ring tiningnan ang aking braso, kamay, siko, at mukha. Nakakagulat... Ano ba ang meron at nagkakaganito siya?
"May problema ba? Walang nangyari sa akin." Dinugtungan ko pa ng tawa ang sinab
Nang sumunod na Linggo ay naghanda muli ako, maagang nagising at nag-asikaso sa mga gawain ko sa bahay. Kaya pagsapit ng alas-otso ay nasa daan na ako at dinaanan na lang nina Saemont at Jai. Napag-usapan kasi namin nakaraang Linggo na lagi na nila akong dadaanan, basta dapat daw alas otso ay nasa kalsada na ako at naghihintay.Medyo makulimlim ngayon ang langit, ngunit hindi ko na ito kinukumpara pa sa aking emosyon. Napagtanto ko na medyo baluktot pala ang ilang mga paniniwala ko noon. Ngumiti ako nang sa wakas ay makita ko si Quirou na palabas ng bahay nila. Kararating lang namin galing sa may kahabaang byahe.Nang tuluyang makalapit sa akin si Quirou ay tila gusto kong mapaatras o ano. Hindi ko alam kung paano siya tititigan. Mas makisig siya ngayon na nakaporma siya, ang kaniyang mukha ay napaka-aliwalas. Kay tamis ng ngiting sinalubong niya sa akin, pakiramdam ko ay lalanggamin ako sa t
Matuling lumipas ang mga araw at linggo, parang isang bolang tuloy tuloy na gumulong. Hindi ko na namalayang komportable na pala akong kumikilos sa mundong noon ay inakala kong rehas. Sabado ngayon at naisipang mag-outing ng mga kabataan sa ministry. Ipinagpaalam pa ako nina Jai at Quin kay mama, pumayag din si mama dahil kumare niya pala ang ina ni Jai. Hayon at tila naging aligaga pa si mama sa mga dadalhin kong gamit, nagbigay pa ng pocket money ko daw kahit hindi naman na kailangan noon.Taliwas ito sa mga nauusong outing na sa tabing dagat, dahil bundok ang aming pupuntahan at ang pokus ay ang magkatipon tipon ang mga kabataan. Maingay pa kami habang naglalakad paakyat sa bundok. Nag-aawitan ang lahat ng mga Christian songs.Nakasunod naman sa akin si Quirou, at inaalalayan ako sa mga parteng mahirap daanan. Patawa-tawa na lang din ako sa tuwing
"Bakit malungkot ka, Sierra?" tanong sa akin ni Quin. Hanggang ngayon ay okupado pa rin ng hindi pagpansin sa akin ni Quirou ang aking isipan. Nalulungkot ako sa kaisipang lantaran pa ang pag-iwas niya sa akin na para bang may nagawa ako na hindi niya nagustuhan.Hindi ko pinansin ang tanong ni Quin, sa halip ay ngumiti lang ako para itago ang lungkot ko. Ayokong isipin nila na hindi ako natutuwa sa pagsama nila sa akin dito, dahil sa totoo lang ay napasaya naman talaga ako ng bonding na ito. "Bakit ba kasi ang pabebe ng kuya mo?" Sumulpot sa likod ni Quin si Jairus. Hindi na ako nagulat doon dahil palagi naman talaga silang magkasama. Animo'y magka-sangga sa anumang kalokohan o kasiyahan. "Hindi pabebe si kuya, ano ka ba?" sagot ni Quin. Sumasang-ayon naman ako sa wi
"Bakit malungkot ka, Sierra?" tanong sa akin ni Quin. Hanggang ngayon ay okupado pa rin ng hindi pagpansin sa akin ni Quirou ang aking isipan. Nalulungkot ako sa kaisipang lantaran pa ang pag-iwas niya sa akin na para bang may nagawa ako na hindi niya nagustuhan.Hindi ko pinansin ang tanong ni Quin, sa halip ay ngumiti lang ako para itago ang lungkot ko. Ayokong isipin nila na hindi ako natutuwa sa pagsama nila sa akin dito, dahil sa totoo lang ay napasaya naman talaga ako ng bonding na ito. "Bakit ba kasi ang pabebe ng kuya mo?" Sumulpot sa likod ni Quin si Jairus. Hindi na ako nagulat doon dahil palagi naman talaga silang magkasama. Animo'y magka-sangga sa anumang kalokohan o kasiyahan. "Hindi pabebe si kuya, ano ka ba?" sagot ni Quin. Sumasang-ayon naman ako sa wi
Mabilis ang paghinga ni Quirou nang bitawan niya ako. Dinala niya ako sa parte na kung saan ay walang tao. Mga puno lamang ang nakikita ko. Magkagayunman ay wala akong takot na makapa, may tiwala nga talaga ako sa taong kasama ko ngayon."Bakit ka naman ba kasi ganyan, Sierra? Hindi ba't malinaw naman na sa'yo na pag-aari kita? Na hindi ka pwede sa iba? Na ayaw kong nakikita ka na kasama ng iba, lalo na ang mahawakan ka ng iba," dere-deretso niyang wika.Ang kaniyang tainga ay namumula pa. Hindi yata maayos ang pakiramdam niya, ngunit hindi ko naman alam ang tinutukoy niya. Naaalala ko ang mga sinabi niya sa akin, ngunit ang tamang panahon ang pinaka hindi ko malilimutan. Kaya hindi ko maintindihan kung bakit siya umaakto ng ganito gayong tila malinaw naman niya akong tinanggihan dahil sa mga pinaniniwalaan niya."Galit ka ba Quirou? Hindi ko
TIC-tic-tic...Anong oras na ay hindi pa rin ako makatulog. Hanggang ngayon ay naaalala ko pa rin ang pagdampi ng mga labi ni Quirou sa likod ng palad ko. Ramdam ko pa rin ang init niyon doon, kahit ang kilig ay ramdam ko pa rin.May kasintahan na ako!Muli ang pagsilay ng matamis na ngiti sa aking labi. Paano ako aakto bukas? Sabi niya ay magkita daw kami bukas sa tambayan. Hindi ko alam kung paano kikilos na gaya ng dati. Kinakabahan na ako.I'm trying to hold back, you're the one that's on my mind.Falling too fast, deeply in love, feeling the magic and the colorsin you... 🎶🎶Napaigtad ako nang marininig ko ang tunog ng cellphone na nasa tabi ko. Agad kong kinuha iyon at nagulat pa ako nang makita ko na may tumatawag. Sinagot ko kaagad iyon, baka si Quirou pala."Hello," mahina kong wika.Ang cellphone na gamit ko ngayon ay pag-aari ni Quir
Naging tila anag-ag ang mga pangyayari noong mga nakaraang buwan, ang sigurado ko lang ay masaya ako sa mga nangyari.Naaalala ko pa kung paano ako napatanong noon kung kailan ba magbabago ang ihip ng hangin at kailan ba ako hahantong sa sitwasyon na di mapuknat na ngiti naman ang magpapatulog sa akin, hindi na luha."Sierra, hayan na ang sundo mo," wika pa ng isang kaklase ko.Unang taon ko ngayon sa Senior Highschool, hindi katulad noon ay mayroon na akong kaibigan ngayon. Natutunan ko na kasing ngumiti sa mga tao sa paligid ko.Nang lingunin ko ang labas ng silid aralan namin ay si Quirou kaagad ang nakita ko. Ibang eskwelahan na ang pinasukan ko sa Senior High kaya malaya na rin si Quirou na sunduin ako. Wala akong kaklase o kapitbahay na ka-schoolmate ko dito kaya ligtas ako sa kung anumang sasabihin o iisi
Lumipas ang mga araw at mas naging malapit pa kami. Hindi ko maiwasang mapangiti sa tuwing naiisip ko na malapit na kami dati, tapos ay mas naging malapit pa ngayon."Ano ang ginagawa natin dito?" tanong ko sa boses na may bahid pa ng pangamba.Maingay na naman ang mga kuliglig, may ilang huni rin ng insekto na hindi ko pa kilala. Nasa masukal na parte ito ng kabundukan at medyo nakakatakot nga.Katulad noong mga nakaraang araw ay nagtagpo na naman kami ni Quirou sa tambayan, ngunit taliwas sa nakaraan ay tila may binabalak na naman yatang pakulo si Quirou.Halos sampung minuto na kaming naglalakad at palaging "malapit na" lang ang sagot ni Quirou sa mga tanong ko."Basta," mahinahon niyang wika.Nauuna siyang maglakad sa