"Bakit malungkot ka, Sierra?" tanong sa akin ni Quin.
Hanggang ngayon ay okupado pa rin ng hindi pagpansin sa akin ni Quirou ang aking isipan. Nalulungkot ako sa kaisipang lantaran pa ang pag-iwas niya sa akin na para bang may nagawa ako na hindi niya nagustuhan.
Hindi ko pinansin ang tanong ni Quin, sa halip ay ngumiti lang ako para itago ang lungkot ko. Ayokong isipin nila na hindi ako natutuwa sa pagsama nila sa akin dito, dahil sa totoo lang ay napasaya naman talaga ako ng bonding na ito.
"Bakit ba kasi ang pabebe ng kuya mo?" Sumulpot sa likod ni Quin si Jairus. Hindi na ako nagulat doon dahil palagi naman talaga silang magkasama. Animo'y magka-sangga sa anumang kalokohan o kasiyahan.
"Hindi pabebe si kuya, ano ka ba?" sagot ni Quin.
Sumasang-ayon naman ako sa wi
Mabilis ang paghinga ni Quirou nang bitawan niya ako. Dinala niya ako sa parte na kung saan ay walang tao. Mga puno lamang ang nakikita ko. Magkagayunman ay wala akong takot na makapa, may tiwala nga talaga ako sa taong kasama ko ngayon."Bakit ka naman ba kasi ganyan, Sierra? Hindi ba't malinaw naman na sa'yo na pag-aari kita? Na hindi ka pwede sa iba? Na ayaw kong nakikita ka na kasama ng iba, lalo na ang mahawakan ka ng iba," dere-deretso niyang wika.Ang kaniyang tainga ay namumula pa. Hindi yata maayos ang pakiramdam niya, ngunit hindi ko naman alam ang tinutukoy niya. Naaalala ko ang mga sinabi niya sa akin, ngunit ang tamang panahon ang pinaka hindi ko malilimutan. Kaya hindi ko maintindihan kung bakit siya umaakto ng ganito gayong tila malinaw naman niya akong tinanggihan dahil sa mga pinaniniwalaan niya."Galit ka ba Quirou? Hindi ko
TIC-tic-tic...Anong oras na ay hindi pa rin ako makatulog. Hanggang ngayon ay naaalala ko pa rin ang pagdampi ng mga labi ni Quirou sa likod ng palad ko. Ramdam ko pa rin ang init niyon doon, kahit ang kilig ay ramdam ko pa rin.May kasintahan na ako!Muli ang pagsilay ng matamis na ngiti sa aking labi. Paano ako aakto bukas? Sabi niya ay magkita daw kami bukas sa tambayan. Hindi ko alam kung paano kikilos na gaya ng dati. Kinakabahan na ako.I'm trying to hold back, you're the one that's on my mind.Falling too fast, deeply in love, feeling the magic and the colorsin you... 🎶🎶Napaigtad ako nang marininig ko ang tunog ng cellphone na nasa tabi ko. Agad kong kinuha iyon at nagulat pa ako nang makita ko na may tumatawag. Sinagot ko kaagad iyon, baka si Quirou pala."Hello," mahina kong wika.Ang cellphone na gamit ko ngayon ay pag-aari ni Quir
Naging tila anag-ag ang mga pangyayari noong mga nakaraang buwan, ang sigurado ko lang ay masaya ako sa mga nangyari.Naaalala ko pa kung paano ako napatanong noon kung kailan ba magbabago ang ihip ng hangin at kailan ba ako hahantong sa sitwasyon na di mapuknat na ngiti naman ang magpapatulog sa akin, hindi na luha."Sierra, hayan na ang sundo mo," wika pa ng isang kaklase ko.Unang taon ko ngayon sa Senior Highschool, hindi katulad noon ay mayroon na akong kaibigan ngayon. Natutunan ko na kasing ngumiti sa mga tao sa paligid ko.Nang lingunin ko ang labas ng silid aralan namin ay si Quirou kaagad ang nakita ko. Ibang eskwelahan na ang pinasukan ko sa Senior High kaya malaya na rin si Quirou na sunduin ako. Wala akong kaklase o kapitbahay na ka-schoolmate ko dito kaya ligtas ako sa kung anumang sasabihin o iisi
Lumipas ang mga araw at mas naging malapit pa kami. Hindi ko maiwasang mapangiti sa tuwing naiisip ko na malapit na kami dati, tapos ay mas naging malapit pa ngayon."Ano ang ginagawa natin dito?" tanong ko sa boses na may bahid pa ng pangamba.Maingay na naman ang mga kuliglig, may ilang huni rin ng insekto na hindi ko pa kilala. Nasa masukal na parte ito ng kabundukan at medyo nakakatakot nga.Katulad noong mga nakaraang araw ay nagtagpo na naman kami ni Quirou sa tambayan, ngunit taliwas sa nakaraan ay tila may binabalak na naman yatang pakulo si Quirou.Halos sampung minuto na kaming naglalakad at palaging "malapit na" lang ang sagot ni Quirou sa mga tanong ko."Basta," mahinahon niyang wika.Nauuna siyang maglakad sa
Halos maggagabi na nang makauwi kami ni Quirou. Halos mangatal pa nga ang labi ko sa tagal naming nagtampisaw sa ilog, ngunit kahit ganoon ay kinailangan pa rin akong pilitin para umahon. Minsan lang ang pagkakataong ganoon kaya sinulit ko na.Hindi katulad noong naglalakad kami papunta sa ilog na iyon, medyo nasanay na ako sa ingay ng mga kuliglig at kulisap doon. Nag-iingay na rin ang mga tuko na hindi ko alam kung saan nagtatago. Kahit ganoon ay kampante naman ako dahil kapit ni Quirou ang kamay ko.Tahimik kaming naglakad noong una, hanggang sa marating namin ang patag na daan. Malapit na sa kanto ito papasok sa amin.Huminto siya saglit saka ako tiningnan. Huminto rin ako at tumingin din sa kaniya."Bakit?" tanong ko?Umiling siya, saka hinaplos ang aking buhok. Hindi na tumutulo pero basa pa rin. Pagka-ahon kasi namin ay nagbihis ako kaagad, pagkatapos ay umalis na kaagad kami doon.
Nakatulugan ko na lang ang pag-iyak. Inabot ko ang cellphone ko para tingnan kung anong oras na. Alas kwatro na pala ng madaling araw. Mayroon din iyong apat na mensahe at tatlong tawag. Kahit di ko na buksan ay sigurado na ako kung kanino galing iyon.Napahawak ako sa tiyan ko nang tumunog ito. Hindi nga pala ako kumain kagabi, pero natatakot din naman akong lumabas ngayon, lalo na't patay na ang ilaw. Sa halip na isipin pa ang kumukulo kong tiyan ay kinuha ko na lang ang aking cellphone at in-unlock ito.Agad kong tiningnan ang mga mensahe doon.Quirou:6:30Nakauwi ka na?7:00Kumusta?Hindi naman ba nagalit ang mama mo?8:30Baby? Nag-aalala ako, hindi ka nagreply sa mga unang texts ko. Hindi mo rin sinagot ang mga tawag ko. Okay ka lang ba?11:10Tulog ka
Unti-unti ng nagdidilim. Nagsisimula na ring mag-ingay ang mga panggabing kulisap. Ito ang uri ng katahimikang hindi ko noon ninais ngunit nakasanayan ko na rin ngayon.Tumingin tingin ako sa paligid. Mag-isa pa rin ako kahit maggagabi na. Wala pa rin si Quirou. Pupunta pa kaya siya? Pero hindi niya naman ugali ang mambali ng salita, kaya malamang na pupunta pa rin 'yon.Muli kong inalala ang sinabi niya kanina, ngunit kahit ilang beses na ay parang malinaw pa rin sa aking pandinig ang sinabi niya kanina."Ikwento mo sa akin mamaya ang dahilan ng lungkot mo. Sa tambayan na lang tayo magkita, parehong oras, Sierra. Aalis na ako, kumain ka ng marami kahit hindi masarap ang luto ko," tumatawang wika niya pa bago siya tuluyang tumalikod sa akin. Hindi naman nagkamali ang pandinig ko, ang sabi niya'y mamaya, ibig sabihin ay ngayon, sinabi niya pang parehong oras. Kaninang alas kwatro pa ako dito nguni
"H-hello?" mahinang wika ko habang nakatapat sa aking tainga ang aking cellphone. Dis-oras na ng gabi nang tumunog ito, hindi ko alam kung sino na naman ang tumawag sa pagkakataong ito."Sierra..."Boses ni Quirou iyon. Mukhang galing sa pagkakatulog dahil medyo paos pa siya. Rinig ko rin ang hangin, nasa labas marahil siya ng bahay nila. Anong oras na nga ba?"O?" mahina at walang gana kong wika. Kahit nakatulog na ako ay pagod pa rin ako sa mga nangyari kanina. Kahit wala naman akong gaanong ginawa gamit ang pisikal na lakas ay sobrang napagod pa rin ako."Sierra," ulit niya sa pagtawag sa pangngalan ko.Nagtaas ako ng kilay ko kahit alam ko naman na hindi niya ako nakikita. Paulit-ulit kasi siya, akala niya yata ay may gana akong makipagbiruan ngayon."O?" ulit ko rin.Narinig ko ang masarap sa tainga niyang tawa. Tila sumabay pa sa hangin iyon at pakiramdam ko ay dinuduyan ako ng mga tawang iyon