Share

Chapter 23

Hindi na namin nahintay pa ni Quirou ang bukang liwayway, kinailangan ko ng umuwi dahil may mga gagawin pa ako sa bahay. Hindi maaaring magising sina mama na wala ako sa bahay, lalo pa't hindi ko alam kung ano ang parusang maaari niyang ipataw sa akin sa oras na muli akong lumabag sa mga batas niya. Magpapakabait muna ako. Napabungisngis pa ako sa kapilyahang iniisip ko. Parang ang pasaway ko naman yata tapos ay parang may dahilan lang ang pagpapakabait. 

Pagdating ko sa bahay ay nadatnan ko ang tahimik na paligid. Alas singko na ngunit tulog pa sila. Agad akong kumilos para gawin ang mga gawain sa bahay. Maingat ang aking kilos, sa araw araw ay sinisigurado ko na hindi sila maistorbo sa pagtulog. Nagagalit kasi si mama kapag nakakalikha ako ng ingay sa pag-aakalang pagdadabog iyon.

Hinugasan ko na ang kaldero, pagkatapos kong magpainit ng tubig. Bahagya kong inangat ang aking kaliwang balikat dahil sa naramdamang kakaiba. Parang may nagmamasid sa akin. May nagmam

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status