Share

Chapter 8

Kinabukasan ay maaga akong muling bumangon. Kahit linggo at dapat ay araw ng pahinga ay kailangan ko pa ring magtrabaho. Minsan nga pinapagalitan na ako ni Rebecca dahil ayaw kong mag-day off. Mas mabuti pa namang pumasok ako sa trabaho kaysa manatili sa bahay tapos si inay ang makakasama ko. Buong araw lang naman niya akong hindi papansinin kaya mas mabuti pang kumayod na lang ako para magkapera.

Pagkabangon ko ay mabilis akong nagsa kusina para mag-almusal. Naabutan ko si inay na naghuhugas ng plato sa lababo.

Dadampot na sana ako ng pandesal nang bigla itong magsalita. "Tirahan mo ang mga kapatid mo. Paborito iyan ni Mikael," agad ay paalala nito kaya hindi na lang ako kumuha. "Magkanin ka na lang. May tirang ulam pa kagabi iyon na lang ulamin mo."

Nawalan na rin ako ng ganang kumain kaya bumalik na lang ako sa kwarto ko. Tanginang buhay ito.

Mabilis akong naligo at nagbihis. Nang makagayak ako ay mabilis akong lumabas ng bahay ng walang paalam. Alam naman nila kung saan ako pup
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status