Share

Chapter 7

Pagdating ko sa bahay ay agad akong nagtungo sa kwarto ko para magbihis. Matapos ko magbihis ay nagtungo ako sa kusina pero agad na nagsalubong ang kilay ko nang makita kong madaming hugasin.

"Bella!" malakas na sigaw ko pero walang lumapit sa akin kaya asar na nagtungo ako sa kwarto niya. Alam kong nandito na siya sa bahay ng mga ganitong oras dahil madalas ay nauuna siyang umuwi palagi sa akin.

"Ate bakit sumisigaw kana naman?" tanong sa akin ni Mikoy na kadarating lang.

"Si Bella kasi hindi man lang marunong maghugas," sagot ko at dumeritso sa kwarto ni Bella. Binuksan ko ang pinto niya ng walang abog at nakita ko siyang busy sa selpon niya. Tila may kausap ito at nang makita ako ay mabilis na pinatay.

"Ate, bakit hindi ka kumakatok?" may himig pagka-inis na tanong pa nito.

Pinagtaasan ko siya ng kilay. "Sino ang kausap mo? Sa lakas ng sigaw ko maging kapitbahay natin siguradong dinig ako pero hindi mo narinig?"

"Ano ba kasi iyon?"

"Kumain ka pero itinambak mo lang sa lababo.
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status