Share

Kabanata 13

Author: Deigratiamimi
last update Huling Na-update: 2025-07-18 21:45:07

Umangat si Aviana na tila walang mali sa ginawa niya. “Sorry, Sir,” aniya, kunwari ay nahihiya.

Straight to the point na si Elias. “I called you here because of what you did after the meeting.”

Napakunot ang noo ni Aviana. “Anong ibig n’yong sabihin?”

“Huwag mo na akong lokohin,” mariin ang tono ni Elias. “You pushed Lyra. In public. In front of everyone.”

Napataas ang kilay ni Aviana. “Ako po? Hindi ko po siya tinulak. Nadapa lang siya. Clumsy talaga ‘yung babae—”

“Ingat ka sa mga sinasabi mo,” putol ni Elias. Tumayo ito at pinindot ang isang button sa remote. May lumabas na footage mula sa isang screen sa gilid ng opisina.

Kita sa video na pagkalabas ng mga empleyado sa conference room, nilapitan ni Aviana si Lyra at saka marahas na tinulak ito hanggang sa mapasubsob sa sahig.

Natahimik si Aviana. Nanginginig ang labi niya.

“Sir, I’m sorry…” mahinang sabi niya. “Hindi ko naman po sinasadya—”

“Hindi sinasadya?” ulit ni Elias. “That was deliberate. If I didn’t know better, iisipin kon
Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App
Locked Chapter

Pinakabagong kabanata

  • Dumped and Deceived, I Became the Zillionaire's Secret Wife   Kabanata 18

    Madaling araw na nang magising si Elias. Tahimik na ang paligid. Huminto na rin ang ulan. Ramdam pa rin niya ang init ng katawan ni Lyra na nakayakap sa kanya habang natutulog. Ilang minuto niya itong tinitigang mahimbing ang tulog, tila ba hindi naalimpungatan sa mga nangyari kagabi.Dahan-dahan siyang umahon sa kama. Inayos niya ang kumot kay Lyra bago siya lumabas ng kwarto at bumalik sa sala. Doon siya naupo sa sofa at ipinikit ang mata. Wala siyang balak manggulo ng tulog ng iba. Pero ilang oras lang ang nakalipas, mag-aalas sais na nang magising siya ulit. Tahimik pa rin ang buong bahay. Hindi pa rin gising sina Lyra.Tumayo si Elias at tumingin sa paligid. Pumunta siya sa kusina. Pagbukas niya ng kabinet at ref, napansin niyang halos wala nang laman. May dalawang piraso ng itlog, isang sachet ng kape, at isang tira-tirang kanin sa loob ng kaldero.Kaya nagdesisyon siyang lumabas. May maliit na tindahan sa kanto na bukas na kahit maaga. Nagtanong siya kung saan nakakabili ng kar

  • Dumped and Deceived, I Became the Zillionaire's Secret Wife   Kabanata 17

    Masayang pinagmasdan ni Lyra ang kapatid niyang si Lianne habang abala itong naglalaro kasama si Elias sa munting sala ng bahay. Nakakalat sa sahig ang ilang laruang pinamili niya kanina sa palengke—may plastic tea set, maliit na makeup kit, at ilang stuffed toys."Kuya Elias, upo ka diyan, ha! Lalagyan kita ng lipstick!" bulalas ni Lianne habang nakaluhod sa harap ng binata. Hawak nito ang maliit na pink na lipstick mula sa laruan.Napakagat ng labi si Lyra sa pagtawa. Hindi niya inaasahan na makikitang nakaupo si Elias sa sahig na parang bata, tahimik na sumusunod sa utos ng isang limang taong gulang."O, sige," natatawang tugon ni Elias, sabay pikit ng mga mata. “Dahan-dahan lang ha, baka maayos pa ‘yan kaysa sa makeup artist ko.”“Makeup artist? Ano ‘yon?” tanong ni Lianne habang pinupunasan ang pisngi ng lalaki gamit ang maliit na panyo.“’Yung nag-aayos ng mukha ko sa trabaho,” paliwanag ni Elias, ngumiti habang iniangat ang kilay kay Lyra.Nagkatinginan sila ni Lyra. Napailing

  • Dumped and Deceived, I Became the Zillionaire's Secret Wife   Kabanata 16

    Sa loob naman ng kwarto, nakaupo si Lyra sa gilid ng kama, hawak ang kanyang cellphone. Hindi siya makapaniwalang nagawa niya iyon. Napayuko siya at napahawak sa dibdib. Mabilis pa rin ang tibok ng puso niya.Nilingon niya ang mga pinamili nila kanina. Nandoon sa kama ang ilang dress na pinasubok sa kaniya ni Elias. Sa gilid naman ng mesa, nakalagay ang isang maliit na paper bag na may lamang pabango. “For everyday use. Para maalala mo ako,” sabi pa ni Elias kanina.Napangiti si Lyra habang inaalala iyon.Binuksan niya ang bag at kinuha ang bote. Inamoy niya ito at agad niyang naalala ang halimuyak ng damit ni Elias. “Grabe ka, Elias…” mahinang sambit niya.Hindi niya alam kung dapat ba siyang matuwa o matakot. Dahil sa loob ng maikling panahon, unti-unti siyang nahuhulog sa taong dati ay hindi niya akalaing magkakagusto sa kaniya. Hindi siya sigurado kung hanggang saan ito patungo. Pero isa lang ang alam niya—kapag si Elias ang kasama niya, panatag ang loob niya.Kinuha niya ang isa

  • Dumped and Deceived, I Became the Zillionaire's Secret Wife   Kabanata 15

    Napansin ni Lyra ang bahagyang pagtigil ng paghinga ni Elias. Nang kumalas siya, natigilan siya sa pagkakatitig ng lalaki sa kanya. May kakaibang ekspresyon sa mukha ni Elias. Parang nagulat, pero natutuwa.Pinamulahan ng mukha si Lyra at biglang umiwas ng tingin. Tumayo siya agad at tinungo ang rack ng damit.“Susukat na lang ako,” sabi niya.Nagkunwari siyang abala sa pagpili. Kahit nanginginig pa ang mga kamay niya sa sobrang kilig at kaba, kinuha niya ang ilang dress at pumasok sa fitting room.Sa loob, hindi pa rin siya makapaniwala sa nangyayari. Parang ang bilis ng lahat. Ngayon lang siya nagkaroon ng ganitong karanasan—'yung pinoprotektahan, pinapahalagahan, at ginagastusan hindi para i-kontrol siya, kundi dahil gusto lang siyang pasayahin.Isa-isa niyang sinukat ang mga damit. Halos lahat ay sakto sa kanya, parang talagang para sa kanya ang mga ito. Pagkalabas niya sa fitting room, hinintay siya ni Elias sa may lounge. Nang makita siya nito, napangiti ito at tumango.“Bagay,”

  • Dumped and Deceived, I Became the Zillionaire's Secret Wife   Kabanata 14

    Paglabas ni Lyra mula sa opisina ni Elias, dumiretso siya sa isang kilalang toy store sa mall. Naalala niya ang bilin ng kaniyang ina na bilhan si Lianne ng laruan bilang gantimpala sa magandang performance nito sa school. Mahilig ang kapatid niya sa mga stuffed toys kaya agad siyang tumungo sa seksyon kung saan naroon ang mga malalambot at makukulay na manika.Tahimik siyang namimili. Pasulyap-sulyap pa siya sa phone niya para tingnan kung may mensahe si Elias. Bago siya umalis kanina, gustong sumama ng lalaki pero mariin niya iyong tinanggihan.“Baka may makakita sa’tin. Hindi pa oras ng uwian. Ayokong may pagdudahan sa opisina,” mariing sabi niya.Hindi na lang sumagot si Elias. Tumango lang ito at bumalik sa loob ng opisina. Pero alam ni Lyra na nasaktan ito kahit hindi nito ipinakita.Habang may hawak siyang isang medium-sized na pink unicorn plushie, bigla siyang nabundol ng isang lalaking nagmamadaling dumaan sa gilid niya.“Aray!” napasinghap si Lyra at napaatras ng bahagya.P

  • Dumped and Deceived, I Became the Zillionaire's Secret Wife   Kabanata 13

    Umangat si Aviana na tila walang mali sa ginawa niya. “Sorry, Sir,” aniya, kunwari ay nahihiya.Straight to the point na si Elias. “I called you here because of what you did after the meeting.”Napakunot ang noo ni Aviana. “Anong ibig n’yong sabihin?”“Huwag mo na akong lokohin,” mariin ang tono ni Elias. “You pushed Lyra. In public. In front of everyone.”Napataas ang kilay ni Aviana. “Ako po? Hindi ko po siya tinulak. Nadapa lang siya. Clumsy talaga ‘yung babae—”“Ingat ka sa mga sinasabi mo,” putol ni Elias. Tumayo ito at pinindot ang isang button sa remote. May lumabas na footage mula sa isang screen sa gilid ng opisina.Kita sa video na pagkalabas ng mga empleyado sa conference room, nilapitan ni Aviana si Lyra at saka marahas na tinulak ito hanggang sa mapasubsob sa sahig.Natahimik si Aviana. Nanginginig ang labi niya.“Sir, I’m sorry…” mahinang sabi niya. “Hindi ko naman po sinasadya—”“Hindi sinasadya?” ulit ni Elias. “That was deliberate. If I didn’t know better, iisipin kon

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status