Malalim na ang gabi ngunit nagising si Elias sa malakas na sigaw mula sa kabilang silid. Halos mapatid ang hininga niya nang marinig ang boses ng asawa.“Elias! Ahhh! Elias, ang sakit!” sigaw ni Lyra habang hawak-hawak ang tiyan, pinagpapawisan at nanginginig.Agad siyang tumakbo. “Doctor! Nurses! My wife is in pain! She’s in labor!”Pumasok agad ang mga doktor at nurse, nagsimula silang maghanda. Si Lyra ay halos mawalan ng malay sa sobrang sakit pero pilit na lumalaban.“Lolo, what’s happening? She’s not supposed to give birth this early, right?” halos nanginginig ang boses ni Elias habang nakatingin kay Lolo Sebastian.Mahigpit ang hawak ni Lolo Sebastian sa balikat niya. “Calm down, Elias. Sometimes babies come earlier than expected. The doctors will handle this.”Pero hindi nakayanan ni Elias ang manatiling nakatayo lang. Pumunta siya sa gilid ng kama ni Lyra, hawak ang kamay nito.“Lyra, I’m here. Look at me. Breathe with me,” mahinahon niyang sabi kahit ang dibdib niya ay halo
Tuwang-tuwa sina Beverly, Janice, at Armando nang makita ang bagong anyo nila matapos ang retoke. Para silang ibang tao—ibang mukha, ibang pangalan, ibang buhay.“Ako na si Bianca mula ngayon,” ani Beverly habang nakatingin sa salamin, halatang aliw na aliw sa bagong mukha. “Walang makakakilala sa akin kahit ang sariling pamilya ko.”Tumawa si Janice. “And I’m Cassandra. Ang ganda, ‘di ba? Hindi na ako ‘yung babaeng iniwan at pinagpalit. This time, I’ll write my own destiny.”“Call me Marco,” sabat naman ni Armando na halatang proud din sa pagbabago. “With this new face, wala nang Elias na makakahabol sa atin. Wala na siyang laban.”Ngunit sa kabilang banda, si Elias ay hindi pa rin mapalagay. Kahit ipinahayag ng ilang ahensya na patay na ang tatlo, hindi siya kumbinsido.“Lolo,” sabi ni Elias habang nakahiga at nagpapahinga mula sa sugat. “I don’t believe it. Hindi pwedeng ganoon lang. Janice, Armando, Beverly—they’re alive. I can feel it.”Napabuntong-hininga si Lolo Sebastian. “Eli
Kinabukasan, nagsimula na ang plano nina Janice, Armando, at Beverly. Kailangan nilang maglaho sa mundong kilala ang pangalan nila—at mag-iwan ng ilusyon na sila’y patay na. Nakahilera sa mesa ang mapa at ilang dokumento. May dala ring newspaper at mga cellphone na disposable. “Okay,” sabi ni Armando habang nakaturo sa mapa. “Tatlo tayong ‘mamamatay.’ Magkakahiwalay tayo para mas kapanipaniwala. Janice, you’ll stage a drowning incident. Beverly, car accident. Ako naman, shootout sa pier.” Beverly slammed the table. “This is insane! How will we even get fake bodies? Hindi gano’n kadali ’to.” Ngumiti si Janice, malamig ang tono. “Relax. Hindi tayo gagamit ng totoong bangkay. Sa case ko, mag-iiwan lang ako ng mga gamit at damit sa dagat. Buhol na may dugo. Sapat na ’yon para isipin nilang nalunod ako. Hindi nila makikita ang katawan.” “Beverly, ikaw naman,” singit ni Armando. “Maghahanap tayo ng abandonadong sasakyan. Susunugin natin. Maglalagay tayo ng mga personal items mo—wallet,
Nagbigay agad ng pabuya si Elias. Hindi maliit na halaga kundi milyon-milyong piso ang nakalaan para sa sino mang makakapagturo ng kinaroroonan nina Beverly, Armando, at Janice. Buong Pilipinas, alerto. Kahit mga ordinaryong tao, nag-abang ng tsansa dahil sa laki ng reward. Pero lingid sa kaalaman ni Elias, nagplano na pala ang tatlo. Sina Janice, Armando, at Beverly ay nasa isang lumang safe house na walang nakakakilala. Doon sila nagtipon, kinakabahan pero pilit nag-iisip ng paraan para makaligtas. Hawak ni Janice ang isang lumang salamin, pinagmamasdan ang sarili. “Hindi na puwede ang ganito. Sa bawat kanto, sa bawat TV, mukha ko ang nakikita. If we want to survive, we need to disappear. Permanently.” Naglakad papalapit si Beverly, halatang namumutla at nangangatog pa rin. “Disappear? How? Kahit saan ako pumunta, kilala na ako. Isa akong doktor, maraming nakakakilala sa akin. Elias will find me. He’ll never stop.” “Exactly,” singit ni Armando, malalim ang boses. “Kaya ang gagaw
Pinalibutan na ng mga pulis ang buong airport. Naka-alerto ang lahat, bawat exit, bawat corner, may mga tauhan na nakabantay. Pero hindi inaasahan ni Beverly na may mga taong tutulong sa kanya para makalusot. At wala nang iba kundi sina Janice at Armando—parehong matagal nang may atraso sa pamilya ni Elias. Si Janice, ang dating fiancée ni Elias na pinahiya at tinanggal sa buhay nito nang lumabas ang mga kasalanan niya. Si Armando naman, ang dating private investigator ni Elias na napunta sa maling landas at sumama kay Janice. Nakulong ang dalawa dahil sa mga kasalanan nila. Pero sa hindi malamang paraan, nakatakas ang dalawa mula sa kulungan. Halos manlumo si Beverly nang makita si Janice sa likod ng isang cargo truck. “Janice?” halos bulong na tanong ni Beverly, nanginginig ang boses. “Akala ko nakakulong ka pa rin…” Ngumisi si Janice, may halong yabang at panlilinlang sa mga mata. “Well, guess what, Beverly? Hindi habambuhay ang kulungan. You’re not the only one na gustong tum
Gulat na gulat si Beverly nang malamang lockdown ang lahat ng airport. Nasa departure area na siya, dala ang maliit na maleta, at ilang minuto na lang sana ay makakasakay na siya ng flight papuntang Hong Kong. Nanginginig ang mga daliri niyang mahigpit na nakakapit sa ticket, habang nakatitig sa electronic board na malinaw na nag-anunsyo ng “All flights cancelled until further notice.” “Hindi… hindi puwede ‘to…” bulong niya, nanginginig ang labi. Dahan-dahan siyang naglakad palapit sa malaking glass wall ng airport at doon siya natigilan. Malinaw na nakapaskil sa digital billboard ang mukha niya—her ID photo as a doctor. May nakalagay sa ilalim: WANTED: Dr. Beverly Jimenez – For Criminal Negligence and Intentional Harm. Parang biglang nawala ang lakas niya. Hindi niya in-expect na aabot sa ganito. Nanginginig ang buong katawan niya, lalo na nang sumunod na video clip ang lumabas. Sina Elias at Lyra—naka-wheelchair si Lyra, may benda pa sa braso, habang si Elias ay hawak ang kamay n