LOGINKabanata 5
Vanessa’s POV
Hindi ko maalis ang mga mata ko sa mga dokumentong kakapirma lang namin ni Sebastian.
Nakapatong pa rin ang kamay ko sa papel, pero parang hindi ko maramdaman ang sarili ko.
Kasal na ako.
Sa Mayor’s office lang kami kinasal. Simple. Walang bisita. Walang engrandeng selebrasyon.
Ni hindi ko pa nasasabi kay Lola Belen. Ni hindi ko pa napoproseso na hindi na ako empleyado ng Watson Holdings.
Napalingon ako kay Sebastian nang maramdaman ko ang kamay niya sa kamay ko.
May kausap siya sa cellphone.
“Please tell my family, I have a wife,” kalmado niyang sabi. “I just got married and I’m ready to manage our company.”
Napatingin ako sa kanya.
Ganun lang?
Parang simpleng announcement lang.
Binaba niya agad ang tawag at tumingin sa akin.
“Let’s go,” sabi niya.
Hindi ako agad gumalaw.
“Sebastian,” tawag ko.
Huminto siya. “Yes?”
“Ganun lang ‘yon?” tanong ko. “Wala man lang… I don’t know… explanation?”
“What kind of explanation do you want?”
“Sa pamilya mo,” sagot ko. “Hindi ba sila magtataka?”
“They will,” diretso niyang sabi. “But that’s not your problem.”
Napakunot ang noo ko. “Hindi ko problema?”
“Yes,” sagot niya. “I’ll handle them.”
Napabuntong-hininga ako.
Hindi ko pa rin maintindihan kung bakit ganito siya kabilis magdesisyon.
Isa pa…
“Sebastian,” tawag ko ulit habang naglalakad kami palabas. “Kung ikaw talaga si Sebastian Montefalco…”
Huminto siya at tumingin sa akin. “Ano?”
“Bakit wala kang bodyguards?”
Saglit siyang natahimik, tapos bahagyang ngumiti.
“I don’t need them all the time,” sagot niya.
“Hindi ka ba natatakot?”
“Sa ano?”
“Sa mga kalaban mo,” sagot ko.
Tinitigan niya ako. “Mas dapat silang matakot sa akin.”
Hindi ako nakasagot.
Confidence or arrogance? Hindi ko alam.
Hinayaan ko na lang siyang igiya ako palabas ng opisina ng mayor.
Pagdating namin sa kotse, binuksan niya ang pinto para sa akin.
“From now on, Vanessa,” sabi niya habang nakatingin sa akin, “you’re my wife.”
Napatigil ako.
“You’re Vanessa Williams-Montefalco,” dagdag niya. “Hinding-hindi ka na magagalaw ni Gerald. I promise.”
Hindi ko alam kung bakit… pero parang gumaan ang pakiramdam ko.
Bago ako tuluyang makasagot, hinalikan niya ang noo ko.
Tahimik akong sumakay.
Palihim akong napangiti.
Asawa niya.
***
“Seryoso ka ba talaga?” tanong ko habang inaayos ko ang suot kong damit. “Ipapakilala mo na agad ako sa pamilya mo?”
Nasa kwarto kami. Nagpalit na kami ng pormal na damit.
“Kasal pa lang natin, dadalhin mo na ako agad sa kanila?” dagdag ko.
“Inaantay nila ako,” sagot niya habang inaayos ang cuff ng polo niya.
“Bakit hindi mo na lang sila inimbitahan sa kasal?” tanong ko. “Para hindi na tayo nagmamadali ngayon.”
“Because I don’t want a scene,” sagot niya.
“Scene?”
“Yes. Too many questions. Too many opinions.”
Napairap ako. “So ngayon, wala nang questions?”
“Meron,” sagot niya. “Pero mas kontrolado ko na.”
Napakunot ang noo ko. “Control freak ka ba?”
“Call it whatever you want.”
Napabuntong-hininga ako.
“Huwag ka nang magtanong,” dagdag niya. “Sumunod ka na lang. Okay?”
Napairap ako ulit. “Hindi ako sanay na sumusunod lang.”
“Masasanay ka,” sagot niya.
Padabog akong lumabas ng kwarto.
Narinig ko ang mga yabag niya sa likod ko.
“Wedding night natin ngayon—”
Naputol ako nang bigla siyang huminto.
Napalingon ako sa kanya.
“Gusto mo bang i-adjust ko schedule?” tanong niya, may bahagyang ngiti. “Mag-honeymoon muna tayo bago kita ipakilala sa pamilya ko?”
Nanlaki ang mga mata ko. “Excuse me?”
“Honeymoon,” ulit niya. “Or do you want to skip that part?”
Napailing ako. “Honeymoon mukha mo.”
Ngumiti siya nang bahagya.
“Let’s go,” sabi ko. “Tapusin na natin ‘to. Dadalawin ko pa si Lola Belen.”
“Busy ka agad?” tanong niya habang naglalakad kami.
“Of course,” sagot ko. “May buhay ako bukod sa pagiging asawa mo.”
“Good,” sabi niya. “I like that.”
Napatingin ako sa kanya. “What do you mean?”
“I don’t like dependent women,” sagot niya.
“Good for you,” sagot ko. “Kasi hindi ako ganun.”
Hinila niya ang kamay ko.
“Hey!” reklamo ko. “Bakit panay hila mo?”
“Because you’re slow,” sagot niya.
“I’m not slow,” depensa ko. “Ikaw ang mabilis.”
“Then keep up.”
Napamura ako nang mahina.
“Ang bossy mo talaga.”
“And you’re still following,” sagot niya.
Napatahimik ako.
Bakit nga ba?
***
Pagdating namin sa labas ng bahay nila, napatingala ako.
Malaki. Maayos. Halatang mayaman ang pamilya.
Kinabahan ako.
“Sebastian,” tawag ko.
“What?”
“Paano kung hindi nila ako magustuhan?” tanong ko.
“They will.”
“Sigurado ka?”
“Yes.”
“Paano kung magtanong sila?”
“Then answer.”
“Hindi ganoon kadali,” sagot ko.
“Wala namang mahirap,” sabi niya. “Relax.”
“Madali para sa’yo sabihin,” bulong ko.
Tumingin siya sa akin. “Trust me.”
Napahinga ako nang malalim.
Magtiwala muna ako sa kanya.
Pagpasok namin sa loob, napansin ko agad ang mga kasambahay.
Nang makita nila si Sebastian, yumuko sila.
“Good evening, Sir.”
“Good evening.”
Napatingin ako sa kanya.
Totoo nga. Siya talaga si Sebastian Montefalco.
“Sir, dumating na po ang mga magulang ninyo,” sabi ng isang kasambahay. “Kasama si Dr. Arturo at Ma’am Kim.”
“Okay,” tipid niyang sagot.
Mas lalo niyang hinigpitan ang hawak sa kamay ko.
“Relax,” bulong niya.
Si Dr. Arturo Montefalco, siya ang ikalawang anak ng Montefalco. Isa siya sa pinakamagaling na doktor. Wala siyang balak pamunuan ang Montefalco Group dahil mas gusto niya ang karerang pinili niya.
Si Kimberly “Kim” Montefalco naman ay ang bunsong anak ng mga Montefalco. Kilala ko siya dahil bago lang siya pumasa sa bar exam. She's a lawyer. Siguro, balang araw siya na ang mamumuno ng law firm na itinayo ng kaniyang ina.
Hindi ko mapigilang mainggit.
Habang ako, business administration ang natapos ko noon. Unang trabaho ko ang sa Watson Group dahil lang din kay Gerald.
Pagdating namin sa sala, agad kong nakita ang pamilya ni Sebastian. Pamilyar na silang lahat sa akin dahil nakikita ko naman sila sa publiko. Itong si Sebastian lang talaga ang hindi ko kilala kasi hindi naman siya lumalabas sa public.
Kilala ko sila sa mukha. Pero ngayon… kaharap ko na.
“Good evening po,” kinakabahang bati ko sa kanilang lahat. Yumuko ako upang magbigay ng respeto.
Napansin kong nilapitan ako ni Kim.
“You must be my Kuya Seb’s wife.” Ngumiti siya sa akin at nagpakilala.
Mabilis ko naman tinanggap ang kamay niya.
Ganoon din ang kapatid niyang si Arturo. Pero sobrang lamig ng awra ni Arturo. At parang hindi makabasag ng pinggan.
Tahimik lang siya. Medyo naiilang ako sa kanya.
Biglang lumapit ang mga magulang ni Sebastian.
“Good evening po,” bati ko ulit.
Hinawakan nila ang kamay ko.
“Seb,” sabi ng ina niya, “sobrang ganda ng asawa mo.”
Napahiya ako.
“Bakit ngayon mo lang siya pinakilala?” dagdag niya.
“Mom,” sabi ni Sebastian.
“Hija,” sabi ng ina niya, “welcome to the family.”
Napangiti ako. “Thank you po, Ma’am.”
“Don’t call me Ma’am,” sabi niya. “Call me Mommy.”
Napatingin ako kay Sebastian.
Ngumiti lang siya.
“Okay na ba?” sabi niya. “My wife is hungry.”
“Grabe ka naman, Kuya,” reklamo ni Kim. “Hindi mo na nga kami inimbitahan sa kasal mo.”
“I don’t like crowds,” sagot niya.
“At least man lang sinabi mo sa amin na ikakasal ka pala. Ang unfair mo. Sinabihan mo lang kami pagkatapos ng kasal niyo,” dagdag ni Kim. Halatang hindi nagustohan ang ginawa ni Seb.
“Sinabi ko na ngayon,” sagot niya.
Napatawa si Kim. “Ang galing. Ang galing mo talagang mambweset.”
Tumikhim si Arturo. “The food is ready.” Tumayo siya at naglakad papunta sa dining area.
Hinila ako ni Mommy Kiara.
“Hija, dito ka sa tabi ko,” sabi niya. “Anong gusto mong kainin?”
“Okay na po ako,” sagot ko.
“No, no,” sabi niya. “You’re too thin. Kailangan mong kumain.”
Napangiti ako. “Thank you po.”
Habang nakaupo ako sa tabi nila, hindi ko mapigilang mapaisip.
Ganito pala ang pakiramdam… ang tanggapin. Hindi ako hinusgahan. Hindi ako tinanong tungkol sa nakaraan ko.
Tahimik kong tiningnan si Sebastian.
Nakatingin siya sa akin.
“Eat,” sabi niya.
Tumango ako.
Pakiramdam ko, may lugar ako sa pamilya niya kahit hindi ko pa silang lahat kilala ng lubusan.
Kabanata 15 Vanessa's POV “Ikaw ang dating sekretarya ni Gerald, ‘di ba?” tanong ni Leona. Hindi niya ako binati. Hindi niya ako kinausap nang maayos. Diretso agad sa tanong na alam kong gusto niyang itanong mula pa kanina. Mabilis akong tumango. “Yes, Leona. Bakit?” Naglagay ako ng foundation sa mukha, parang walang nangyayari. Hindi ko siya tinitigan sa salamin. Hindi ko siya hinarap. Gusto kong ipakita sa kaniya na hindi ako natatakot sa kaniya, pero hindi ko rin kailangang patunayan ang anuman. “May relasyon ba kayo ng fiancé ko noon?” tanong niya, at ang boses niya ay matigas. “At paano mo naging asawa ang isang Sebastian Montefalco?” Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa. Hindi ‘yung tingin na sinusukat kung maganda ba ako o hindi. ‘Yung tingin na hinuhusgahan ako. ‘Yung tingin na para bang sinasabi niyang hindi ako karapat-dapat sa kinaroroonan ko. “Isa ka lang namang sekretarya,” dagdag niya, at ang tono ng boses niya ay puno ng pangmamaliit. Ngumisi ako. Sa totoo la
Kabanata 14 Vanessa's POV Para akong nasa langit sa sobrang saya nang sunod-sunod na binili ni Sebastian ang lahat ng nagugustuhan ko sa auction. Hindi ko alam kung seryoso ba siya o ano, pero kada may item na mapatingin ako nang matagal, tataasan lang niya ang paddle niya at ibibida iyon. Hindi man lang siya nagdadalawang-isip. Hindi man lang niya tinitingnan kung magkano ang starting bid o kung worth it ba ang presyo. ‘Yung isang bracelet na nagustuhan ko dahil sa kulay—binili niya. ‘Yung isang painting na na-curious lang ako dahil ang ganda ng pagkakagawa—binili rin niya. Pati ‘yung isang vintage watch na hindi ko naman sasabihing gusto ko, napansin niyang matagal kong tiningnan, ayun binili rin. Sa totoo lang, hindi ako sanay sa ganito. Noong nasa Watson Holdings pa ako, ang tanging natatanggap ko lang mula kay Gerald ay ang sweldo kong halos hindi nga sapat para sa gamot ni Lola, at ang mga salitang binibitawan niya tuwing gusto niya akong paikutin. Hindi niya ako binilhan kah
Kabanata 13 Vanessa's POV Habang naglalakad kami papasok sa venue, hindi ko maiwasang mapansin ang mga taong nakatingin sa amin. Ang iba ay pamilyar na sa mukha ni Sebastian kaya agad silang yumuyuko o tumatango bilang paggalang. Ang iba naman ay nakatingin sa akin, sinusukat kung sino ako at kung bakit ako ang kasama ng bagong CEO. Inayos ko ang postura ko. Itinaas ko ang baba ko. At hinayaang gabayan ako ni Sebastian sa gitna ng karamihan. Nang makarating kami sa aming designated table, inilawan kami ng isang staff papunta sa upuan. Bago pa man kami makaupo, may ilang taong lumapit na agad para makipagkamay kay Sebastian. Mga negosyante, mga pulitiko, mga kilalang personalidad sa industriya. At sa lahat ng iyon, hawak pa rin niya ang kamay ko. Hindi niya ako binitawan kahit isang beses. “Ah, Mr. Montefalco!” sabi ng isang matandang lalaking lumapit sa amin. Nakasuot ng beige suit at may dalang tungkod. “I heard you've taken over the company. How's your father?” “He's doing wel
Kabanata 12 Vanessa's POV Mag-iisang buwan na ako sa Montefalco Group. Kahit papaano ay naging maayos naman ang buhay ko. Nakakasundo ko rin ang mga empleyado. Sa totoo lang, hindi ko inaasahan na ganito kabilis ang magiging transition ko. Akala ko mahihirapan akong mag-adjust sa bagong kapaligiran, sa bagong sistema, sa bagong kumpanya. Pero hindi pala. Siguro dahil maayos ang pagtanggap nila sa akin. Siguro dahil nakikita nila na hindi ako pumasok sa posisyong ito dahil sa palakasan lang. Sa isang buwan kong iyon, marami akong natutunan. Hindi lang tungkol sa negosyo, kundi tungkol sa kung paano pahalagahan ang sarili. Mula nang mawala ako sa Watson Holdings, nabigyan ko na ng halaga ang buhay ko. Hindi na ako yung babaeng nagtatago sa sulok, takot na takot sa bawat galaw ng amo. Hindi na ako yung babaeng tumatanggap na lang ng kung anong ibigay sa kanya dahil wala naman daw akong karapatang humingi ng higit pa. Ngayon, may boses na ako. May opinyon na ako. At may mga taong nakik
Kabanata 11 Vanessa's POV Buong araw kong pinag-aralan ang kompanya nila dahil wala talaga akong ideya. Hindi ko alam kung gaano kalawak ang Montefalco Group. Hindi ko alam na may mga subsidiary pala sila sa iba't ibang industriya—real estate, hospitality, retail, at manufacturing. Hindi ko alam na ang mga pangalang nakikita ko sa mall, sa hotel, sa mga commercial complex, ay karamihan ay pag-aari nila. Tinulungan ako ng right hand ng Daddy ni Sebastian—si Mister Dela Cruz, isang lalaking nasa singkwenta anyos na halos dalawampung taon na raw sa kompanya. Tahimik siyang magsalita pero direkta. Hindi siya nag-aaksaya ng oras sa mga paligoy-ligoy. “Ang pinakamahalagang tatandaan mo, Mrs. Montefalco,” sabi niya sa akin habang itinuturo ang organizational chart ng kumpanya, “ay ang hierarchy. Ang bawat desisyon ay dumadaan kay Mr. Sebastian. Walang desisyong ginagawa nang hindi siya kumukunsulta.” Tumango ako. “Kahit ang mga department heads?” “Lalo na ang mga department heads,” sago
Kabanata 10 Vanessa's POV “Are you ready?” tanong ni Sebastian sa akin pagkatapos kong mag-ayos. Nakasandal siya sa pintuan ng walk-in closet namin, nakakrus ang mga braso sa dibdib, habang nakatingin sa repleksiyon ko sa salamin. Tumingin ako sa sarili ko. Suot ko ang isang navy blue na blazer na siya mismo ang pumili para sa akin. Sinabi niya na gusto niyang magmukha akong propesyonal pero hindi mataray. Gusto niyang magmukha akong sekretarya na hindi basta-basta maaaring apakan ng kung sino. Sa ilalim ng blazer ay isang puting blouse at pencil skirt na hanggang tuhod. Hindi ako sanay sa ganitong suotan. Noong nagtatrabaho ako kay Gerald, ang suot ko ay ang unipormeng ibinigay niya—’yung masikip, ‘yung maiksi, ‘yung halatang hindi para sa sekretarya kundi para sa ibang bagay. Pero ngayon, iba. Ngayon, may kontrol na ako sa kung ano ang isusuot ko. At kahit na si Sebastian ang pumili nito, alam kong para ito sa ikabubuti ko, hindi para pagsamantalahan ang katawan ko. “I'm always







