author-banner
Duskara Morvane
Duskara Morvane
Author

Duskara Morvaneの小説

A Contract Marriage with My Ex-Husband’s Ruthless Brother

A Contract Marriage with My Ex-Husband’s Ruthless Brother

Limang taon nang asawa si Dr. Vera Almonte ni Riley Garcia, ngunit sa buong panahon ng kanilang pagsasama, palagi siyang pangalawa. Sa bawat gabi at sa bawat katahimikan ng kanilang bahay, malinaw na may isang babaeng hindi niya kailanman kayang palitan—ang unang babaeng minahal ng kaniyang asawa, si Carla Mendoza. Sa mismong kaarawan ni Vera, nalaman niyang siya’y buntis. Inakala niyang iyon na ang magiging dahilan para sa wakas ay piliin siya ni Riley. Ngunit bago pa man niya maibahagi ang balita, isang mas masakit na katotohanan ang dumurog sa kaniya—buntis din si Carla, at iisa ang ama ng mga batang iyon. Doon niya napagtanto na kailanman ay hindi siya naging tunay na asawa, kundi isang pansamantalang kapalit lamang. Pinili ni Vera ang paglayo. Nag-file siya ng annulment at ipinadala iyon kay Riley, upang hindi na siya maging sagabal sa pagmamahalan ng dalawa. Nilihim niya ang sariling pagbubuntis upang protektahan ang sarili at ang anak na pilit niyang ipinaglaban. Ngunit hindi lahat ng lihim ay nananatiling ligtas. Sa takot na maagaw si Riley, sinira ni Carla ang tanging bagay na natitira kay Vera. Sinagasaan siya nito, at sa isang iglap, nawala ang batang nasa kaniyang sinapupunan. Nang magising si Vera sa loob ng ospital, isang lalaking hindi niya inaasahan ang nadatnan niyang nagbabantay sa kaniya—si Rico Garcia. Ang nakatatandang kapatid ni Riley. Isang makapangyarihan at walang-awang CEO na sanay kumuha ng gusto niya, at ngayon, ginamit niya ang kapangyarihan niya upang protektahan si Vera. Isang kontratang kasal ang inalok ni Rico. Kapalit ng proteksyon, si Vera ay magiging kanya—sa pangalan, sa buhay, at sa mundong hindi na niya maaaring talikuran. Ngunit sa isang kasal na itinayo sa galit at paghihiganti, hanggang saan hahantong ang lahat kapag minahal ka ng lalaking handang wasakin ang sarili niyang kapatid para sa ‘yo?
読む
Chapter: Kabanata 5
Tahimik ang loob ng apartment ni Vera habang hawak niya ang cellphone. Paulit-ulit siyang napapatingin sa screen, hinihintay ang tawag na magpapatunay na tuluyan nang tapos ang kabanata niya kay Riley Garcia matapos makipaglaban sa loob ng ilang buwan. Nakaupo siya sa gilid ng sofa, tuwid ang likod pero halatang naninigas ang mga balikat niya sa kaba.“Come on…” mahina niyang bulong. “Tumawag ka na.”Nag-vibrate ang cellphone niya. Napapitlag siya bago sinagot ang tawag. “Hello?” pilit niyang pinakalma ang boses.“Vera,” boses ni Atty. Celeste Rockwell ang narinig niya. “May balita na.”Humigpit ang kapit ni Vera sa phone. “Ano… ano’ng sabi?”“Na-approve na,” diretsong sagot ni Celeste. “Matagal na palang pinirmahan ni Riley ang annulment. Na-delay lang ang submission dahil sa side niya.”Parang may dumaan na malamig sa dibdib ni Vera.“So… ganoon na lang?” tanong niya. “Wala man lang laban?”“Tapos na,” sagot ni Celeste. “Legal ka nang malaya sa piling ng ex mo.”Natahimik si Vera.
最終更新日: 2026-01-18
Chapter: Kabanata 4
“File an annulment as soon as possible—so you can marry me.”Tumigil ang mundo nina Vera at Celeste sa mga salitang iyon.Napatingin si Vera kay Rico na parang mali ang narinig niya. Nasa loob pa rin sila ng ospital room. “Ano’ng sinabi mo?” paos na tanong ni Vera.Hindi nagbago ang ekspresyon ni Rico. Parang business partners ang kaharap niya. “Mag-file ka ng annulment. Ngayon din. I’ll handle everything. After that, pakakasalan kita.”Napanganga si Celeste. “Wait. What?” napasigaw siya. “Rico, are you even listening to yourself? Kapatid ka ng asawa niya!”Tumawa si Rico. “Exactly.”Para kay Vera, parang may sumabog sa ulo niya.“You’re insane,” mariing sabi niya. “Pa-check ka sa utak mo. Hindi ka yata normal. May sira yata ang utak mo.”Sinubukan niyang bumangon mula sa kama. Nanginginig pa ang mga binti niya, pero pinilit niya. Hindi pa siya nakakatayo nang hawakan ni Rico ang braso niya.“Don’t,” malamig na sabi ng lalaki. “Hindi ka pa puwedeng umalis.”“Don’t touch me,” sigaw ni
最終更新日: 2026-01-18
Chapter: Kabanata 3
Habang wala pa si Riley sa bahay, tahimik na pumasok si Carla sa silid na dati’y pinaghahatian nina Riley at Vera. Sarado ang kurtina, malamlam ang ilaw. Ramdam niya ang katahimikan ng kwarto, pero imbes na makonsensya, mas lalo siyang naging kampante. Para sa kaniya, wala na ang tunay na may-ari ng lugar na iyon.Diretso siyang naglakad papunta sa closet. Binuksan niya ang mga pinto at bumungad ang mga damit ni Vera na naiwan. Isa-isa niya iyong hinila, sinusuri ang mga tela, ang mga brand, ang mga kulay. May bahagyang iritasyon sa mukha niya, pero nanaig ang ngiti.“Sayang naman kung itatapon ko kayong lahat,” bulong niya sa sarili. “Pero sa ‘kin na rin kayo. Ako na ang bagong may-ari.”Sinubukan niyang isuot ang ilan. Isang blouse, isang dress. Tumapat siya sa malaking salamin at inikot ang sarili.“Mas bagay sa akin,” sabi niya, may halong pangmamaliit. “Hindi ko alam bakit pinatulan ka pa ni Riley.”Lumapit siya sa drawers. Binuksan isa-isa. Nakita niyaang ilang personal na gamit
最終更新日: 2026-01-16
Chapter: Kabanata 2
Lumipat si Vera sa isang maliit na apartment, malayo sa bahay na minsang tinawag niyang tahanan. Tahimik ang lugar at sapat lang ang espasyo para sa isang taong gustong maghilom. Pinilit niyang gawing normal ang lahat. Gigising siya nang maaga, papasok sa ospital, gagampanan ang tungkulin bilang doktor, at uuwi nang tahimik. May trabaho pa siyang kailangang tapusin at mahaba pa ang pila ng mga taong nangangailangan ng tulong niya. Hindi niya puwedeng hayaang makita ng mundo kung gaano siya kabasag sa loob.Pero hindi niya aakalaing hindi rin siya tatawagan ni Riley. Parang wala itong pakialam sa pag-alis niya.Sa ospital, pilit niyang iniiwasan ang mga usap-usapan. Ngunit isang araw, pagpasok niya sa isang silid, agad siyang napatigil.“Doc Vera, ito po ‘yung pasyenteng sinasabi ko sa ‘yo,” bulong ng nurse na kasama niya. “Medyo… mahirap kausap.”Hindi na kailangan pang ipaliwanag. Sa kama, nakaupo si Carla, naka-cross ang mga braso, may bahagyang paso sa kamay, at halatang galit na g
最終更新日: 2026-01-16
Chapter: Kabanata 1
“Happy birthday and congratulations, Dr. Vera. You are two weeks pregnant!” masayang sabi ni Dr. Andrea Morgan, ang kaibigan at kasamahan ni Vera sa ospital, habang hawak ang resulta ng check-up.Nanigas si Vera sa kinauupuan, hindi makapaniwala sa nakikita. Hawak-hawak niya ang papel, ramdam ang mabilis na tibok ng puso sa tuwa at kaba. Birthday niya ngayong araw, at hindi niya inasahan ang ganitong sorpresa. Ilang taon na siyang naghintay at nagdasal. Limang taon na silang kasal ni Riley, at alam niyang gusto rin ng asawa niyang magkaroon ng anak.“Dalawang linggo na akong buntis, Andrea? Totoo ba ito?” tanong ni Vera, nanginginig ang boses habang pinipilit kontrolin ang excitement.“Yes, Vera. Naka-confirm sa ultrasound. Two weeks ka nang buntis. Sobrang bago pa lang, pero congrats! Malaking blessing ito,” sagot ni Andrea, pinipisil ang kamay niya at ngumiti ng buong puso.Napatakip si Vera ng bibig, hindi makapaniwala. Gusto niyang tumawag kay Riley kaagad at ibahagi ang balita, p
最終更新日: 2026-01-15
あなたも気に入るかもしれません
SHATTERED HEARTS (tagalog)
SHATTERED HEARTS (tagalog)
Romance · Raw Ra Quinn
4.7K ビュー
Someone Is Secretly In Love With You
Someone Is Secretly In Love With You
Romance · Michelle Vito
4.7K ビュー
Melting The CEO's Cold Heart
Melting The CEO's Cold Heart
Romance · Glen Da O2r
4.7K ビュー
A NIGHT TO REMEMBER WITH THE CEO
A NIGHT TO REMEMBER WITH THE CEO
Romance · MIKS DELOSO
4.7K ビュー
Catching Mr. Wilson
Catching Mr. Wilson
Romance · Lily Ella
4.6K ビュー
無料で面白い小説を探して読んでみましょう
GoodNovel アプリで人気小説に無料で!お好きな本をダウンロードして、いつでもどこでも読みましょう!
アプリで無料で本を読む
コードをスキャンしてアプリで読む
DMCA.com Protection Status