LOGINKabanata 4
Vanessa’s POV
Maingat akong binaba ni Sebastian sa kama.
Hindi ko napigilang mapatingin sa paligid nang tuluyan kaming makapasok sa loob ng silid niya. Malaki. Malinis. Maayos ang lahat. Halatang pinag-isipan ang bawat detalye.
Tahimik ako habang iniikot ang tingin ko.
“Ikaw ba talaga si Sebastian Montefalco?” diretsong tanong ko. Hindi ko na pinaligoy-ligoy. Kailangan kong makasigurado.
Humarap siya sa akin. “What kind of question is that, Miss Williams?”
“Simple question,” sagot ko. “Gusto ko lang malaman kung sino ang pinapasok ko sa buhay ko.”
Tumaas ang isang kilay niya. Saglit siyang natahimik. Tinitigan niya ako mula ulo hanggang paa.
“So?” tanong ko ulit. “Ikaw ba si Sebastian Montefalco?”
“Yes,” diretso niyang sagot. “And you already know what that means.”
Napahigpit ang hawak ko sa bag ko.
Montefalco Group.
Isa sa pinakamalakas na kalaban ng Watson Holdings.
Kung siya nga…
Magagamit ko siya.
Bumukas ang pinto. Napalingon ako.
Pumasok ang mga maid, may bitbit na sandamakmak na damit. Mga mamahalin. Mga pormal. May mga kahon pa.
At… wedding gown.
Napatayo ako. “Ano ‘to?”
Hindi siya sumagot agad. Nakatingin lang siya sa akin.
“Isukat mo lahat,” sabi niya. “I’ll watch you.”
Namilog ang mga mata ko. “Excuse me?”
Lumabas na ang mga maid. Naiwan kaming dalawa.
“Wait,” sabi ko. “Sandali lang.” Lumapit ako sa kaniya. “Seryoso ka ba talaga?”
“About what?”
“Sa kasal,” sagot ko. “You’re serious about marrying me?”
Tinitigan niya ako nang diretso. Walang bakas ng biro sa mukha niya.
“Sa tingin mo ba nagbibiro ako?” tanong niya.
Napaatras ako ng konti.
“We crossed a line,” dagdag niya. “I’m fixing it.”
“Fixing it?” ulit ko. “Ganito mo inaayos ang mga bagay? Kasal agad?”
“Yes.”
“Ganito ka ka-practical?”
“Yes.”
Napailing ako. “Hindi normal ‘to.”
“Hindi rin normal ang nangyari kagabi,” sagot niya.
Napatahimik ako.
“Look,” sabi ko. “Hindi mo ako kilala. Hindi mo alam kung anong klaseng babae ako.”
“I know enough.”
“Hindi sapat ‘yon.”
“It is for me.”
Napahawak ako sa noo ko. “You don’t even know my life.”
“I know you worked under Gerald,” sabi niya. “I know what kind of arrangement you had with him.”
Nanigas ako. “You investigated me?”
“I made sure I know who I’m dealing with,” sagot niya.
Napatawa ako nang bahagya, pero walang saya. “So alam mo.”
“Yes.”
“Alam mong ginamit ako?”
“Yes.”
“Alam mong pumayag ako dahil sa pera?”
“Yes.”
“Then why me?” tanong ko.
Hindi siya agad sumagot.
“I want your body,” diretso niyang sabi.
Nangunot ang noo ko. “You’re being honest. Pareho lang pala kayo ni Gerald.”
“I don’t like wasting time.”
Napangisi ako. “At least consistent ka.”
“Do you have a problem with that?”
“Wala,” sagot ko. “Kasi malinaw ka. Hindi ka nagpapanggap.” Huminga ako nang malalim. “You know me,” sabi ko. “Sekretarya ako ng boss ko. Naging parausan niya ako. Ilang taon din.”
Hindi ko pa natatapos ang sasabihin ko nang hinawakan niya ang baba ko.
“Stop.”
Napatingin ako sa kanya.
“I don’t care about your past,” sabi niya. “Hindi ko kailangan marinig lahat ng detalye.”
“Pero dapat mong malaman,” sagot ko. “Kung papakasalan mo ako—”
“I said I don’t care, Vanessa,” matigas niyang sabi.
Natahimik ako.
“From now on,” dagdag niya, “kalimutan mo na ‘yon. Wala akong pakialam kung anong ginawa sa ‘yo noon.”
Napabuntong-hininga ako.
“Ganoon lang kadali para sa ‘yo?”
“Yes.”
“Hindi ganoon kadali para sa akin.”
“Then make it easy.”
Napatawa ako nang mahina. “Ang dali mong magsalita.”
“Because I don’t complicate things.”
Napatingin ako sa mga damit.
“Sobrang mahal nito,” sabi ko. “Hindi bagay sa akin ang mga ganito.”
“Sino ang magsusuot niyan kung hindi ikaw?”
Tinitigan niya ako. “Ako ba?”
Napatingin ako sa kaniya. “Hindi ko sinabing ikaw.”
“Then stop complaining and try them.”
Hinila niya ako papunta sa salamin. Inalis niya ang eyeglass ko.
Napakurap ako.
Saglit siyang natahimik habang nakatingin sa mukha ko.
“Why are you looking at me like that?” tanong ko.
“Because you look different without those,” sagot niya.
“Mas pangit?”
“Mas maganda.”
Hindi ako nakasagot. Kumabog ng malakas ang puso ko.
“Just marry me,” sabi niya. “Tutulungan kita.”
“Tulungan sa ano?”
“Makalayo sa boss mo,” sagot niya. “Makalayo sa buhay na ‘yon.”
Napahigpit ang hawak ko sa damit.
“Kunting respeto naman sa sarili mo, Vanessa,” dagdag niya. “You don’t have to sell yourself.”
Natahimik ako.
Hindi ko inaasahan marinig ‘yon mula sa kaniya.
“Kailangan mo ng pera, ‘di ba?” tanong niya.
Tumango ako.
“I can give you that,” sabi niya. “How much?”
Napatingin ako sa kanya.
“Million?” dagdag niya. “Billion?”
Nanuyo ang lalamunan ko.
“Hindi biro ang sinasabi mo,” sabi ko.
“I don’t joke about money.”
“Barya lang sa ‘yo ‘yon?”
“Yes.”
Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko.
“May iba ka pa bang kailangan sa akin?” tanong ko. “Bukod sa katawan ko?”
“I need a wife,” sagot niya.
“Just that?”
“Yes.”
“Walang love?”
“Hindi ko kailangan ‘yon.”
“Sigurado ka?” pang-aasar ko.
“Yes.”
“Then bakit ako?”
“Because you’re already here,” sagot niya. “At hindi ako mahilig maghanap ng komplikasyon.”
Napabuntong-hininga ako.
“Starting today,” sabi niya, “dito ka na titira.”
Napatingin ako sa kanya. “Hindi mo man lang ako tatanungin kung papayag ako sa arrangement natin?”
“I’m telling you.”
“Hindi ako basta-basta pumapayag.”
“Then decide fast,” sagot niya. “Wala akong oras maghintay.”
Napairap ako. “Ang bossy mo, Mr. Montefalco.”
“And you’re still here.”
Natahimik ako.
“And your Lola,” dagdag niya. “Ililipat ko siya sa mas magandang ospital.”
Nanlaki ang mga mata ko. “What?”
“She needs proper treatment,” sabi niya. “Hindi ‘yung paulit-ulit lang na ganoon.”
“Hindi mo kailangan gawin ‘yon,” sagot ko agad.
“I know,” sabi niya. “Pero gagawin ko pa rin.”
“Bakit?”
“Because you’re going to be my wife.”
Napahigpit ang hawak ko sa damit.
“You let that man treat you like that,” dagdag niya. “And until now, walang progress ang lola mo.”
Natahimik ako. Masakit, pero totoo naman ang sinabi niya. Hinayaan ko si Gerald na gamitin at babuyin ako ng paulit-ulit para kay Lola Belen at dahil mahal ko rin siya.
Wala akong maisagot.
“And please prepare,” sabi niya. “Tomorrow is our wedding day.”
Napatingin ako sa kanya. “Ano?”
“Simple wedding,” dagdag niya. “No grand event.”
“Tomorrow agad?”
“Yes.”
“Hindi ka man lang magbibigay ng time para pag-isipan ko?”
“You already did,” sagot niya.
“Kailan?”
“Kanina,” sabi niya. “When you said yes.”
Napabuntong-hininga ako. Hindi ko alam kung tama ba ang ginagawa ko. Pero alam ko kung saan ako nanggaling. At alam ko na hindi na ako babalik doon.
“Fine,” sabi ko. “I’ll do it.”
Tumango siya. “Good.” Lumakad siya papunta sa pinto.
“Sebastian,” tawag ko.
Huminto siya pero hindi lumingon.
“Don’t regret this,” sabi ko.
“Hindi ako marunong magsisi,” sagot niya.
At tuluyan siyang lumabas.
Naiwan akong nakatayo sa gitna ng silid. Bumalik ako sa pagkaupo sa malambot na kama.
Hindi pa rin ako makapaniwala. Kung panaginip lang ‘to… ayoko nang magising. Hindi na ako babalik kay Gerald. Hinding-hindi na.
Kabanata 18Vanessa's POVMas lalong lumaki ang pagngiti ni Leona. Kitang-kita ko ang saya sa mukha niya. Ito na siguro ang gusto niyang mangyari mula pa noong magkita kami sa banyo noong auction. Gusto niya akong mapahiya. Gusto niyang ipakita na kahit anong gawin ko, hindi ako belong sa mundo nila. Gusto niyang patunayan na kahit anong mamahaling damit ang isuot ko, kahit anong alahas ang ibitin ko sa katawan ko, kahit anong apelyido ang dala-dala ko, hindi pa rin ako magiging katulad nila. At sa tingin niya, ngayon na ang pagkakataon niya para gawin iyon sa harap ng mga sales lady na handa namang makisali sa pangmamaliit sa akin.Pero hindi niya alam na hindi na ako 'yung dating Vanessa.“I have money,” sabi ko sa kanila. Hindi ko na kinausap ang sales lady na nagsabi ng ukay-ukay. Diretso ang tingin ko kay Leona. Gusto kong makita niya na hindi ako natatakot sa kanya. Gusto kong makita niya na kahit anong sabihin niya, hindi na ako natatakot.Tiningnan nila ako ng maigi. 'Yung isa
Kabanata 17Vanessa's POV Nang binaba niya ang tawag, nakita niya akong nakatitig sa kanya. Bigla siyang kumalma. ‘Yung tipong parang nag-flip lang ng switch. Nawala ang inis sa mukha niya. Pinalitan iyon ng kalmado na pamilyar na sa akin.Binalingan niya ng tingin ang mga alahas na binili niya para sa akin na nakatambak sa mesa.“Matulog ka ng maaga,” sabi niya. Hinubad na ang suit niya at naglakad patungo sa banyo. “May pupuntahan tayo bukas.”Hindi na ako nagtanong kung saan. Sanay na ako na sinasabihan lang kung saan kami pupunta, kung anong oras, kung ano ang susuotin. Hindi naman sa nagrereklamo ako. Mas gusto ko na iyon kaysa mag-isip pa. Mas gusto ko na siya ang nagdedesisyon para sa akin kaysa ako ang magdesisyon at magkamali.Nang pumasok siya sa banyo, tumingin ulit ako sa cellphone ko. Nakatitig ako sa pangalan ni Tita Maria sa call log. Isang tawag lang. Isang tawag na nagpapaalala sa akin kung saan ako nanggaling. Kung anong klase ang pamilyang iniwan ko. At kung bakit
Kabanata 16Vanessa's POVPag-uwi namin galing sa auction, hindi ako makatulog agad. Nakahiga ako sa kama habang nakatingin sa kisame, pero ang nasa isip ko ay ang mga nangyari kaninang gabi. Ang mga mukha nina Gerald at Leona nang sunod-sunod na binili ni Sebastian ang mga bagay na nagustuhan ko. Ang galit sa mga mata ni Gerald. Ang inggit sa mukha ni Leona. Ang pakiramdam na sa unang pagkakataon, hindi ako ang talo.Bumangon ako at tiningnan ang mga nakalagay sa mesa sa gilid ng kwarto. Doon ko pinatong ang mga nabili ni Sebastian sa auction para sa akin. Isang bracelet na may batong dark blue, isang maliit na painting na hindi ko pa alam kung saan isasabit, at isang vintage watch na hindi ko naman alam kung isusuot ko ba talaga. Hindi ko alam kung saan ilalagay ang mga ito. Hindi ako sanay na may mga bagay na ganito kamahal. Hindi ako sanay na may nagbibigay sa akin nang hindi humihingi ng kapalit.Masaya ako sa naging reaksiyon ni Gerald kanina. Iyon naman ang gusto ko, na makita
Kabanata 15 Vanessa's POV “Ikaw ang dating sekretarya ni Gerald, ‘di ba?” tanong ni Leona. Hindi niya ako binati. Hindi niya ako kinausap nang maayos. Diretso agad sa tanong na alam kong gusto niyang itanong mula pa kanina. Mabilis akong tumango. “Yes, Leona. Bakit?” Naglagay ako ng foundation sa mukha, parang walang nangyayari. Hindi ko siya tinitigan sa salamin. Hindi ko siya hinarap. Gusto kong ipakita sa kaniya na hindi ako natatakot sa kaniya, pero hindi ko rin kailangang patunayan ang anuman. “May relasyon ba kayo ng fiancé ko noon?” tanong niya, at ang boses niya ay matigas. “At paano mo naging asawa ang isang Sebastian Montefalco?” Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa. Hindi ‘yung tingin na sinusukat kung maganda ba ako o hindi. ‘Yung tingin na hinuhusgahan ako. ‘Yung tingin na para bang sinasabi niyang hindi ako karapat-dapat sa kinaroroonan ko. “Isa ka lang namang sekretarya,” dagdag niya, at ang tono ng boses niya ay puno ng pangmamaliit. Ngumisi ako. Sa totoo la
Kabanata 14 Vanessa's POV Para akong nasa langit sa sobrang saya nang sunod-sunod na binili ni Sebastian ang lahat ng nagugustuhan ko sa auction. Hindi ko alam kung seryoso ba siya o ano, pero kada may item na mapatingin ako nang matagal, tataasan lang niya ang paddle niya at ibibida iyon. Hindi man lang siya nagdadalawang-isip. Hindi man lang niya tinitingnan kung magkano ang starting bid o kung worth it ba ang presyo. ‘Yung isang bracelet na nagustuhan ko dahil sa kulay—binili niya. ‘Yung isang painting na na-curious lang ako dahil ang ganda ng pagkakagawa—binili rin niya. Pati ‘yung isang vintage watch na hindi ko naman sasabihing gusto ko, napansin niyang matagal kong tiningnan, ayun binili rin. Sa totoo lang, hindi ako sanay sa ganito. Noong nasa Watson Holdings pa ako, ang tanging natatanggap ko lang mula kay Gerald ay ang sweldo kong halos hindi nga sapat para sa gamot ni Lola, at ang mga salitang binibitawan niya tuwing gusto niya akong paikutin. Hindi niya ako binilhan kah
Kabanata 13 Vanessa's POV Habang naglalakad kami papasok sa venue, hindi ko maiwasang mapansin ang mga taong nakatingin sa amin. Ang iba ay pamilyar na sa mukha ni Sebastian kaya agad silang yumuyuko o tumatango bilang paggalang. Ang iba naman ay nakatingin sa akin, sinusukat kung sino ako at kung bakit ako ang kasama ng bagong CEO. Inayos ko ang postura ko. Itinaas ko ang baba ko. At hinayaang gabayan ako ni Sebastian sa gitna ng karamihan. Nang makarating kami sa aming designated table, inilawan kami ng isang staff papunta sa upuan. Bago pa man kami makaupo, may ilang taong lumapit na agad para makipagkamay kay Sebastian. Mga negosyante, mga pulitiko, mga kilalang personalidad sa industriya. At sa lahat ng iyon, hawak pa rin niya ang kamay ko. Hindi niya ako binitawan kahit isang beses. “Ah, Mr. Montefalco!” sabi ng isang matandang lalaking lumapit sa amin. Nakasuot ng beige suit at may dalang tungkod. “I heard you've taken over the company. How's your father?” “He's doing wel







