INICIAR SESIÓNIsang linggo matapos niyang makita at mailigtas si Rex sa dalampasigan, tila naging likas na sa araw-araw ni Fleur ang presensya ng binata. Unti-unti, nasanay siya rito. Sa paggising sa umaga na naroon na itong abala sa mga gawain bahay. Sa simpleng katahimikang hindi na kailangang punuin ng salita. Gumaling na rin ang sprain sa paa niya. Sa mga araw na hindi siya makalakad nang maayos, si Rex ang gumawa halos ng lahat, pagkuha ng tubig, pag-aayos ng panggatong, pangingisda, maging pagluluto kung minsan. Kaya lihim na nagpapasalamat si Fleur. Hindi lang dahil gumaling agad ang paa niya kundi dahil sa panahong iyon, mas nakilala niya ang binata. Nang araw na iyon, habang nagluluto siya ng agahan, napabuntong-hininga siya. “Namiss ko bigla ang karne,” reklamo niya. Napatingin si Rex mula sa pag-aayos ng lambat. “Karne?” “Mm. Ligaw na manok… o baboy ramo.” Napangiti siya. “Kung maswerte tayo.” “Gusto mong mangaso?” Tumango siya. “Maaari naman sana tayong tumawid s
Nagising na lamang si Fleur nang maramdaman ang marahang pagtapik sa kanyang pisngi. “Fleur…” Marahan siyang nagmulat at ang unang bumungad sa kanya ay isang guwapong mukha. Bahagya pa siyang nalito dahil sa antok, gising na ba siya o nananaginip pa. “Rex?” “Oo,” mahina nitong tugon, halos may halong amusement. “Gutom ka na ba? Nakaluto na ako ng tanghalian.” Napaawang ang labi niya. “Nagluto ka?” gulat niyang tanong. “Marunong kang magluto?” Bahagyang napakamot si Rex sa batok, tila nahihiya. “Well… siguro nakaya ko naman. Nakita ko rin kung paano ka magluto, kaya parang… natandaan ko lang.” "Sana ginising mo na lang ako," sabi niya. "Hindi na kita inabala pa, mahimbing ang tulog mo." anito na may maikling ngiti sa labi. Nahiya naman siya. Maya-maya ay napasinghap siya nang dumampi sa ilong niya ang mabangong aroma ng pritong isda. “Medyo nagugutom na nga ako,” nakangiti niyang sabi. Tatayo sana siya ngunit bigla siyang binuhat ni Rex. “Sandali—!” Napa
“Uy—!” napasigaw si Fleur, napuno ng saya ang tinig. Habang sabay nilang hinila ni Rex ang lambat. Maraming isda silang nahuli. Kumikislap ang mga ito sa ilalim ng liwanag ng umaga, pilit kumakawala sa lambat. Napangiti si Rex, isang ngiting bihirang lumitaw. “Magaling ka pala,” sabi nito. “Sinabi ko na sa’yo,” biro niya habang isa-isang inilalagay ang mga huli sa basket. “Sanay na ako.” Matapos iyon, nagpasya na silang bumaba sa batuhan."Tara na, marami na itong nahuli natin." Yakag niya sa binata. Tumango ito at binitbit ang basket . Nauna si Fleur sa pagbaba. Sanay man siya, hindi pa rin maiiwasan ang panganib. Isang maling hakbang lang niya ay kaagad na dumulas ang paa niya sa basang bato."Ah!" “Fleur—!” Kasabay ng mabilis na reflex nito, nahila siya ni Rex. Mahigpit ang hawak nito sa kanyang braso, sapat para hilahin siya palapit dito. Napasinghap siya nang mapagtantong nakasubsob siya sa matipunong dibdib nito. Inangat niya ang ulo at saglit silang nag
“Ikaw?” Napakurap si Fleur, bahagyang nagulat. “Ako?” “Dito ka na ba lumaki?” tanong ni Rex mula sa kinahihigaan nito. “Nasaan ang pamilya mo?” Hindi agad siya nakasagot. Para bang may kung anong humila sa dibdib niya, isang alaalang matagal na niyang iniiwasan. Napatingin siya sa kisame ng kubo, sinusundan ang maliliit na bitak sa kawayan, parang doon niya hinahanap ang lakas ng loob. “Hindi…” sabi niya. “Tatlong taon pa lang ako dito sa isla.” Tumahimik sandali sa pagitan nila. Hindi niya rin maintindihan kung bakit… pero parang ang gaan magsalita sa harap ng lalaking ito. Parang hindi siya hinuhusgahan. Parang puwede siyang maging totoo at magsabi ng nararamdaman niya. “Sa siyudad ako lumaki,” dagdag niya. “Pero… mabilis ko namang natutunan ang buhay dito.” Bahagyang gumalaw si Rex sa sahig, tila mas naging interesado. “Paano ka napunta rito?” Napabuntong-hininga si Fleur. Doon na nagsimulang kumawala ang mga salitang matagal niyang kinulong sa loob niya.
Madilim na ang paligid ng kubo. Tanging lampara sa gitna ng lamesa ang nagbibigay-liwanag, sapat lang para makita ang mga galaw nila sa hapag. Tahimik si Fleur habang dahan-dahang kumakain. Ganoon din si Rex sa tapat niya na mahinahon at kontrolado ang bawat galaw ng kubyertos, parang sanay sa maayos na asal kahit pa halata sa kanya na wala siyang maalala sa nakaraan. Panaka-naka ay napapasulyap si Fleur sa binata. Hindi niya maalis sa isipan kung ano ang nakaraan ni Rex. Sino ba talaga ito? Ano ang totoo nitong pagkatao? Marami siyang katanungan sa isip subalit nanatili siyang tahimik habang lihim na tumitingin sa lalaki. Tila napansin ni Rex ang mga ginagawa niyang pagsulyap kaya hindi na ito nakatiis pa, binasag na nito ang katahimikan at nagsalita. “My problema ba, Fleur?” takang tanong nito. Agad siyang umiling at mabilis na yumuko para itago ang bahagyang pag-iinit ng pisngi. “Ah, wala… wala naman.” Saglit silang natahimik muli, tanging tunog lang ng kubyertos a
Nang hapong iyon, walang magawa si Fleur, kaya napagpasyahan niyang ayusin ang itsura ng lalaking pansamantala niyang tinawag na Rex. Nasa labas sila ng kubo, sa lilim ng isang malagong puno. Marahang humahaplos ang hangin, dala ang amoy ng dagat at tuyong damo. Sa harap ni Fleur, nakaupo si Rex sa isang mababang bangkito, tahimik at tila handang sumunod sa anumang sasabihin niya. Hawak ni Fleur ang gunting at isang lumang suklay. May maliit ding palanggana ng tubig sa tabi nila. “Medyo mahaba na ang buhok mo,” sabi niya, pilit na normal ang tono. “Mas magiging komportable ka kung gugupitan kita.” Tumango si Rex. “Okay.” Sandali siyang natigilan bago nagsimula. Maingat niyang hinawi ang buhok nito, dahan-dahang sinusuklay upang matanggal ang buhol. Sa bawat dampi ng daliri niya sa buhok nito, hindi niya maiwasang mapansin kung gaano ito kakapal at bahagyang magaspang, tila hindi naalagaan nang matagal. “Sabihin mo kung masakit,” paalala niya. “Hindi,” sagot nito, mahina
Nang araw na iyon, nasa Han Mall si Pola. Tumitingin siya ng damit na susuotin para sa alumni party. Inisa-isa niyang tingnan sa hanger ang damit pagkatapos ay sisilipin ang tag price, nang makita kung gaano kamahal iyon ay mabilis din niya iyong binabalik sa hangeran. "It was too expensive." bu
Ever since Pola experienced that accidental kiss with Morris, her heart had been trapped in a whirlwind of longing. She tried to distract herself with work, but the intoxicating taste of martini on his lips lingered, making her drunk with desire. With every passing moment, she felt herself sinking
Kinabukasan, maagang bumangon si Pola at nagbihis papasok sa kumpanya, bumaba siya ng bahay at dumiretso sa kusina. Naabutan niya ang kanyang pamilya na naroon at tila hinihintay siya. "Good morning!" bati niya sa mga ito, nilapitan niya ang kanyang ina at ama saka humalik sa pisngi, matapos mara
Bahagyang napaatras si Pola ng maramdaman ang maraming mga matang nakatingin sa kanya. Her introverted side kicked in. She wasn't used to this kind of attention. She was used to just being in her own little corner. Bigla siyang kinabahan ng lapitan siya ng ilang kaklase niyang babae, pamilyar an







