Kabanata 30: Kasunduan o Totoo na Nga? --- >Tahimik na Hapunan, Maingay na IsipanPagkarating nila sa penthouse, tahimik lang si Emma habang nakaupo sa dining table. Hindi siya makakain nang maayos—para siyang hindi makahinga sa bagong kondisyon na ibinigay ni Don Esteban."One year."Isang taon para patunayan nilang totoo ang kasal nila.At kung hindi? Mawawala ang lahat kay Chase.Napaigtad siya nang biglang ilapag ni Chase ang baso ng alak sa mesa."You're overthinking," malamig nitong sabi habang tinatapunan siya ng tingin.Emma clenched her jaw. "Hindi ko kasi matanggap na parang laro lang ‘to sa'yo."Tumawa nang mahina si Chase. "Hindi naman ako nagbibiro, sweetheart. Kung gusto ni Lolo ng apo, paano kung pagbigyan natin?"Nalaglag ang kutsara ni Emma. "CHASE!"Natawa ito lalo. "Relax. Sabi ko lang, paano kung?"Napangiwi si Emma at tinapunan siya ng mas
Kabanata 31: Ang Bagong Trabaho ni Emma >> Ang Huling Hatol ni Don EstebanTahimik na nakaupo si Emma sa harapan ng mesa ni Don Esteban habang si Chase naman ay nakatayo sa tabi niya. Hindi niya alam kung anong mas kinatatakutan niya—ang titig ng matanda o ang kung anong sasabihin nito.Pinagmasdan siya ni Don Esteban, bago bumaling kay Chase. "Napatunayan mong hindi ka mahina, iha. Pero hindi pa ako kumbinsido kung bagay ka ba talaga sa mundo namin."Nagtagis ang bagang ni Chase. "Lolo—"Itinaas ng matanda ang kamay. "Simula bukas, gusto kong makita kung kaya mong makipagsabayan. Kaya bilang asawa ng CEO, magiging personal assistant ka niya."Nalaglag ang panga ni Emma. "Ano?"Ngumiti si Don Esteban, halatang aliw sa reaksyon niya. "Simula bukas, ikaw ang magiging personal assistant ni Chase."--->>Chase's Reaction – At Ang Hindi Niya InaasahanPagkalabas nila ng opisina
Kabanata 32: Pagitan ng Pagtitiwala at PagdududaEmma, ang Tagapag-alagaTahimik na nakaupo si Emma sa tabi ng kama ni Don Esteban. Bagama’t matapang ang matanda, hindi maitatangging nanghihina ito matapos siyang isugod sa ospital. Wala si Chase sa loob ng kwarto—lumabas ito upang ayusin ang mga kailangang papeles. Kaya naman, siya ang naiwan upang alagaan ang matanda."Ang dami mong iniisip," biglang sambit ni Don Esteban habang pinagmamasdan siya.Napatingin si Emma. "Hindi naman po. Iniisip ko lang kung kumportable kayo.""Hmm." Tumango ang matanda, saka siya pinasadahan ng tingin. "Iba ka talaga sa inaasahan ko."Nag-angat ng kilay si Emma. "Dahil hindi ako ‘yung babaeng gusto niyo para kay Chase?"Natawa nang mahina si Don Esteban. "Isa ‘yan sa mga dahilan."Tahimik sila sandali bago muling nagsalita ang matanda."Emma, sabihin mo sa akin nang totoo—mahal mo ba ang apo ko?"Parang nan
Kabanata 33 - Sandaling KapayapaanPagkatapos ng tensyon sa ospital, tila humupa na ang bigat ng sitwasyon. Nang makalabas si Don Esteban mula sa ospital, kasama niya sina Chase at Emma pauwi sa Donovan Mansion. Tahimik lang si Emma habang pinagmamasdan ang matandang nakatulog sa sasakyan, halatang pagod pa rin.Samantalang si Chase naman ay panay ang sulyap sa kanya."Tama ba ang nakita ko kanina?" tanong ni Chase na may bahagyang pang-aasar sa tono niya."Hmm?" Napatingin si Emma sa kanya."Halos hindi mo iniwan si Don Esteban. Mas inalagaan mo pa siya kaysa sa akin." Pinanood siya ni Chase na tila aliw na aliw sa ginawa niya.Napairap si Emma. "May sakit siya. Ikaw? Wala. Malakas ka pa sa kabayo." Kaya manahimik ka Chase, wala sa usapan natin ang maging caregiver mo ko, mahinang pagkasabi pero may diin.Napangiti si Chase, pero hindi sumagot. Imbes, hinila niya si Emma papalapit sa kanya. "Hindi mo lang alam kung gaan
Kabanata 34 - Isang Bubong, Isang SilidSa SasakyanTahimik na nakaupo si Emma sa tabi ni Chase habang pauwi sila sa Donovan Mansion. Kasama nila si Celeste na tahimik ring nakikinig sa music gamit ang earphones. Matapos ang gabi ng panonood ng sine at simpleng bonding, parang may nabago sa pagitan nila ni Chase. Hindi na ito iyong dating asar-talo niyang boss. Parang nagiging… mas malapit ito sa kanya."Sigurado ka bang okay lang sa’yo dito muna tayo sa mansion?" tanong ni Chase habang nakatingin sa daan.Napatingin si Emma sa kanya. "Bakit? Akala ko uuwi tayo sa penthouse?""Bawal," sagot ni Chase. "Si Grandpa ang may gusto na dito tayo tumuloy. Sabi niya, mas ligtas tayo rito."Napatingin si Emma kay Celeste na bahagyang ngumiti. "Kapag sinabi ni Don Esteban, wala na tayong magagawa," sagot ng babae.Hindi na nakapagsalita si Emma. Pakiramdam niya ay parang nakulong na naman siya sa isang sitwasyon na hindi niya kontr
Kabanata 35 - Gising Pa RinPagkapasok ni Emma sa walk-in closet, agad niyang sinipat ang mga damit na nakahanger. Totoo nga ang sinabi ni Chase—lahat ng kailangan niya, nandito na. May pambahay, pantulog, pati toiletries. Para bang talagang planado ang lahat.“Planado nga talaga?” Napailing siya habang pumili ng damit. Pero habang ginagawa niya ‘yon, hindi niya mapigilan ang isang bagay—ang maramdaman ang kakaibang kiliti sa sinabi ni Chase kanina.“Nagpaplano talagang ang lalaking ito ng gawin akong permanenteng kasama sa silid na ‘to?”Ang sagot nito? Isang misteryosong ngiti.Napailing siya at inis na kinuha ang isang oversized shirt at shorts. “Ano bang iniisip ko? Hindi ko siya dapat masyadong intindihin.”Pagbalik niya sa kwarto, nakaupo pa rin si Chase sa kama, mukhang kalmado at walang pakialam. Ngunit nang makita siya nito, bahagyang kumislot ang kilay nito.“Aba, bakit parang may pinaplano kang lakad?” tanong
Kabanata 36 - Bulungan at TensionPagpasok nina Chase at Emma sa kumpanya, para silang mga artistang dumaan sa red carpet—lahat ng mata, nakatutok sa kanila."Ayan na sila!""Official na talaga? Grabe, parang imposible dati!""Ang ganda nilang tingnan together, pero parang ang init ng tension!"Naririnig nila ang bulungan sa paligid, pero wala silang pakialam. Totoo naman—mag-asawa na sila. Ngunit kahit na alam na ng lahat ang status nila, hindi pa rin natatapos ang usap-usapan.Habang naglalakad papasok ng elevator, naramdaman ni Emma ang bahagyang pagpisil ni Chase sa kamay niya. Napatingin siya rito, pero gaya ng dati, isang mayabang na smirk lang ang sagot nito.“Ano?” irap niya rito.“Wala lang. Tinitingnan ko lang kung kumportable ka na sa atensyon nila.”Napairap si Emma. “Hindi ito bago sa akin. Pero ikaw, masyado kang chill, ha.”“Eh bakit naman hindi?” Inilapit ni Chase ang labi sa tainga niya
Kabanata 37 - Ang Nakaraan na Hindi MatakasanHindi Umuwi si EmmaNagtaas ng kilay si Chase nang mapansin niyang maghahatinggabi na pero wala pa rin si Emma sa Donovan Mansion. Mula nang ikasal sila, palagi na silang sabay umuuwi, kaya hindi niya mapigilan ang kutob na may mali.Kinuha niya ang phone niya at tinawagan si Emma, pero walang sumasagot.Muli siyang napabuntong-hininga at tinawagan si Mia.Saglit lang bago sumagot ang babae sa kabilang linya. "Ano na naman, Mr. Donovan?"Hindi na inisip ni Chase ang pang-aasar nito. "Nasa’yo ba si Emma?"May ilang segundong katahimikan bago marinig niya ang marahas na paghinga ni Mia. "Ano ba ‘yan, Mr. Donovan! Asawa mo ‘yan, tapos hindi mo alam kung nasaan? Napaka-irresponsable mo naman!"Napakamot sa sentido si Chase. "Kung wala siya sa’yo, saan siya puwedeng pumunta?""Bakit ako ang tinatanong mo? Hindi ako ang asawa niya."Napairap si Chase. "Mi
Kabanata 99: "PANATAG SA GITNA NG BAGYO"Matapos ang mabigat na usapan, tahimik na pinatulog nina Chase at Emma si Amara. Maingat si Emma habang hinahaplos ang buhok ng kanilang anak na mahimbing nang natutulog sa kwarto nito.Pagbalik niya sa living room, nadatnan niya si Chase na nakaupo sa sofa, nakasandal ang ulo at tila wala sa sarili. Mabigat pa rin ang mga mata nito—hindi lang dahil sa pagod, kundi dahil sa bigat ng damdaming pinipigil.Lumapit si Emma at mahinang tinapik ang balikat ni Chase. "Halika na," wika niya, may ngiti sa mga labi. "Ang bigat ng gabi. Gusto kitang aliwin kahit saglit lang."Tinaasan siya ng kilay ni Chase. "Aliw?" tanong nito, may bahid ng pagtataka.Tumango si Emma at hinawakan ang kamay niya. "Wine tayo. 'Yung luma mong tinatago sa wine cellar—panahon na para buksan mo 'yon."Napangiti si Chase kahit pilit. Tumayo siya at naglakad kasunod ni Emma patungo sa wine area ng penthouse—isang mala-silid
Kabanata 98: Lason sa Likod ng PangalanSa Penthouse ni Chase DonovanSa itaas ng isang matayog na building sa Makati, ang penthouse ni Chase ay isang modernong oasis ng kapayapaan at kapangyarihan. Ang malalaking salamin na bintana ay nag-aalok ng isang panoramic na view ng buong lungsod. Ngunit ngayon, ang kalangitan ay madilim, at ang mga ilaw mula sa mga gusali ay kumikislap na parang mga alitaptap sa gabing walang hangin.Tahimik ang penthouse, maliban sa tunog ng mga click ng keyboard mula sa desk kung saan si Chase ay abala sa pagtanggap ng mga updates tungkol sa plano niyang pagbagsak kay Victoria.Hindi siya nakatayo mula sa kanyang desk. Hindi pa rin siya umiimik. Ang mga mata niyang nakakuyom sa galit, nanatiling nakatutok sa screen habang ang mga ebedensya laban kay Victoria ay ipinadala sa lahat ng pangunahing media outlet.---Paniniwala ni ChaseHabang tinatanggap ni Chase ang mga update sa kanya
Kabanata 97: Simula ng PagbagsakSa malamig na opisina ng Donovan Enterprises, hindi gumagalaw si Chase Donovan habang nakatitig sa isang folder sa harap niya.Hindi ito ordinaryong dokumento.Ito ang folder na naglalaman ng lahat ng kasinungalingan, panlilinlang, at pagkakadamay niya sa isang kasalang hindi niya pinili.Victoria Laurent.Isang pangalan na kailanman ay hindi niya pinangarap maging bahagi ng buhay niya.---Flashback: Ang Sikretong Nakaraanlimang taon bago ang lahat ng kaguluhang ito, dumalo si Chase sa isang private event para sa VIP investors ng kumpanya.Kasama ang ilang bigating pangalan sa mundo ng negosyo, ang gabi ay puno ng mamahaling alak, malalakas na tawanan, at mataas na presyon para makuha ang kanilang tiwala. At sa kaning side ng upuan nakita niya si Alessandra, kaya nga ito ang kanyang napagbintangan nuon.Bilang respeto, kahit hindi siya mahilig sa alak, uminom
Kabanata 96: Pagputok ng KatotohananAng malamig na ihip ng hangin ay tila nagbibigay ng hudyat ng isang malupit na pagsabog ng katotohanan.Sa loob ng isang eleganteng hotel ballroom, tahimik na naglakad si Victoria Laurent. Suot niya ang isang ivory white na damit na simple ngunit matapang ang dating, sinadya niyang magmukhang inosente sa panlabas, ngunit sa loob niya ay nagngangalit ang apoy ng galit at paghihiganti.Nakahawak siya sa isang itim na leather folder — laman nito ang mga dokumentong magpapabagsak kay Chase Donovan.Sa isang gilid ng silid, abala ang media. May mga camera, mikropono, ilaw na sumasabog ng liwanag, at mga reporter na sabik sa eksklusibong balita. Naroon ang mga kinatawan ng pinakamalalaking news outlets — alam ni Victoria, kapag nagsalita siya ngayon, walang makakapigil sa pagkalat ng kwento."Everything is set, ma'am," bulong ng kanyang PR manager.Tumango lamang si Victoria, malamig ang ekspre
Kabanata 95: Taliwas na LandasSa mga sumunod na araw, nagpatuloy ang pagpapalakas ni Victoria ng kanyang mga hakbang laban kay Chase. Hindi siya tinatablan ng pagod, at ang galit na nararamdaman niya ay patuloy na tumitindi. Habang si Chase ay abala sa pag-aayos ng mga business matters at personal na buhay, si Victoria naman ay tahimik na nagmamasid, pinapalakas ang kanyang plano sa likod ng mga pader ng kanyang pamilya.---Pagharap ni Victoria kay ChaseIsang hapon, tumawag si Victoria sa opisina ni Chase at nagtakda ng isang private meeting. Gusto niyang iparating ang mga kahihinatnan ng plano niyang masira ang buhay ni Chase, ngunit alam niyang hindi pa siya handa upang ipakita ang lahat ng kanyang baraha.Pagdating ni Victoria sa opisina ng Donovan Enterprises, binati siya ni Chase na may kalmado at matigas na anyo."Victoria," sabi ni Chase, "What’s this all about? Kung may problema ka pa, I suggest we settle it profe
Kabanata 94: Paglabas ng KatotohananAng sunod na araw ay puno ng alingawngaw ng mga balita. Si Chase Donovan ay hindi nakaligtas sa mga epekto ng kanyang pahayag. Sa mga sulok ng media, hindi lamang ang kanyang mga personal na desisyon ang binabatikos — ang pamilya ng mga Laurent ay nagbabanta na kumuha ng legal na hakbang.Sa isang tahimik na opisina sa loob ng Donovan Enterprises, si Chase ay nakaupo sa harap ng kanyang desk, nakatingin sa mga papeles, ngunit ang isip ay malayo. Ang tanong na paulit-ulit niyang iniisip: “Paano ako makakalabas sa lahat ng ito?”Bilang CEO ng isang malaki at respetadong kumpanya, hindi pwedeng basta-basta matabunan ang mga isyung ito. Sa kabila ng kanyang pagiging malupit at matatag sa negosyo, ang kanyang puso ay naguguluhan sa sitwasyong ito — at higit sa lahat, ang kalooban niya ay tinatablan ng pag-aalala."Ito na ba ang simula ng lahat ng ito?" tanong ni Chase sa sarili, ang mga mata ay nakatutok sa dokument
Kabanata 93: PagguhoHabang pinapalabas sa media ang eksklusibong pahayag ni Chase Donovan, napatitig si Victoria sa malaki nilang TV screen, nanlalamig ang buong katawan."What?" bulalas niya, nanginginig ang boses. "Our marriage is fake?!"Tumayo siya, natataranta at hindi makapaniwala."No... no! Hindi ako naniniwala! Hindi ito totoo!" Sigaw niya, habang unti-unting tumutulo ang mga luha sa kanyang pisngi. Nanginginig ang kanyang mga kamay habang pinipigilan ang sarili sa pagbagsak.Umiiyak siya nang tuluyan, halos hindi makahinga sa bigat ng nararamdaman. Napalingon siya sa kanyang mga magulang, na kapwa napatitig sa kanya nang may halong awa at galit."Mom... Dad... what should I do now?" nauutal niyang tanong sa gitna ng pag-iyak."Peke ang kasal namin ni Chase! Hindi ko ito matatanggap..."Napasinghap si Mrs. Laurent habang hinahagod ang likod ng anak. Si Mr. Laurent naman ay mariin ang pagkakatitig sa telebisyon,
Kabanata 92 - Umpisa ng KaguluhanTahimik ang buong ospital. Walang umiimik. Parang may dumaan na malakas na hangin—lahat ay tila huminto sa oras.Ang mga ilaw sa corridor ng ospital ay tila naging malamlam, at ang bawat tao sa paligid, maging ang mga nurse at doktor na dumadaan, ay tila naging mga anino lamang sa paningin ni Chase Donovan.Nakaupo siya sa isang silya sa loob kung nasaan si Don Esteban ang mga siko niya ay nakapatong sa tuhod, at ang dalawang kamay ay nagkukuyom. Hindi niya maialis ang bigat sa dibdib niya. Sa bawat segundo ng katahimikan, lalo lamang niyang nararamdaman ang bigat ng sitwasyong kinasasadlakan niya.Si Emma naman ay nakaupo sa kabilang gilid, yakap-yakap ang kanilang anak na ngayon ay mahimbing na natutulog sa kanyang mga bisig. Hindi niya malaman kung saan siya huhugot ng lakas, pero ang presensya ng kanyang anak ang nagsisilbing tanging dahilan upang hindi siya tuluyang bumigay.Ang mga tao sa paligid ni
KABANATA 91: Pagbabalik at Pagpapakilala Tahimik ang loob ng ospital habang tinatahak nina Emma, Chase, at Amara ang pasilyo patungo sa private room ni Don Esteban. Ang bawat hakbang ay may kasamang kaba at bigat ng alaala. Mahigpit ang hawak ni Emma sa maliit na kamay ni Amara, habang si Chase naman ay tila hindi makapaniwalang sa wakas, heto na—ang pagkakataong maipakilala ang anak sa ama. “Matagal ko nang hinintay ‘tong sandaling ‘to,” bulong ni Chase sa sarili, tinatapik ang dibdib na tila ba’y may tinatagong pagsisisi at takot. “Makikita na rin niya si Amara… ang apo niyang ilang taon niyang hindi nasilayan.” Pagbukas ng pinto ay bumungad sa kanila ang maputlang anyo ni Don Esteban, nakahiga ngunit mulat na ang mga mata, mabagal man ang kilos ay naroon ang liwanag sa kanyang tingin. Parang muling nagbalik ang lakas sa pagtama ng paningin niya kay Chase. “Chase…” mahinang tawag ng matanda. “D–dad…” Napang