Kabanata 77 " ANAK KO BA?"
Southern Leyte.Mula sa sandaling nalaman ni Chase kung nasaan si Emma, hindi na siya nag-aksaya ng oras. Agad niyang tinawagan ang kanyang tauhan."Ihanda agad ang private jet. Pupunta ako ng Southern Leyte. Walang delay.""Yes, sir."Sunod niyang tinawagan si Arman, ang kanyang tapat na investigator.“Arman, siguraduhing hindi siya mawawala sa paningin n’yo. I-monitor n’yo bawat galaw niya hanggang makarating ako.”“Noted, boss. Sa ngayon, nasa may park sila malapit sa port. Kasama niya ang isang bata. Wala namang ibang tao sa paligid.”Chase didn’t waste a second. Kaagad siyang lumipad mula Maynila patungong Tacloban gamit ang private jet. Paglapag niya sa airport, mabilis siyang sinalubong ng kanyang SUV. Mabilis ang takbo ng sasakyan, halos lumipad sa kalsada habang tinatahak ang daan patungong Sogod.Tatlong oras lang, at narating na niya ang bayan.Bumaba siyaKabanata 76 : "Lihim sa Likod ng Kalikasan"Dumaan ang ilang buwan at si Chase ay nakatanggap ng alok mula sa isang businessman na nagbenta ng lupa sa Southern Leyte. Hindi sana siya magiging interesado, ngunit nang malaman niya ang potensyal ng lugar para sa pagpapalawak ng kanyang negosyo, nagbago ang kanyang pananaw. Isang magandang oportunidad ang sumik sa harap niya.Dahil hindi siya makakapunta agad, inutusan ni Chase ang kanyang right-hand man na si Mike na pumunta sa lugar at makipag-usap sa nag-aalok ng lupa. Ang plano ni Chase ay suriin ang negosyo at makipag-ayos upang mapakinabangan ang pagkakataong ito.Pumunta si Mike sa Southern Leyte at nag-set ng meeting sa may-ari ng lupa. Nang makarating siya sa lugar, agad niyang napansin ang kagandahan ng tanawin at ang posibilidad ng pag-develop sa lugar. Ang may-ari ng lupa ay isang tahimik na tao, ngunit malinaw na may mga plano siyang nais isakatuparan sa lugar. Habang nakikipag-usap si Mike, nagin
KABANATA 78“Pakiramdam ng Pagkawala”Mabilis ang lakad ni Emma habang nililingon-lingon ang kanyang likuran. Hindi niya alam kung sinusundan siya ni Chase, pero ang tibok ng kanyang puso ay parang sinisigaw ang takot na baka kunin nito si Amara. Hindi pa siya handa. Hindi pa niya kayang ipaalam ang totoo. Lalo na’t hindi niya alam kung ano ang magiging reaksyon ni Chase kapag nakumpirma niyang anak niya si Amara.Pagkarating niya sa bahay na tinutuluyan nila ni Mia—isang maliit ngunit maaliwalas na unit sa tabi ng eskuwelahan kung saan sila rin nagtitinda, dito sila nag stay kysa uuwe dun sa bahay ng tiyahin ni Mia my kalayuan kasi—diretso siyang pumasok sa loob na para bang may humahabol sa kanya.Si Mia naman ay abala sa pag-aayos ng skewers sa maliit at lumalago nilang barbecuehan na nakatayo sa gilid ng kalsada. Agad niyang napansin ang pagmamadali ni Emma. Nilapitan niya ito, bitbit ang pangalawang tray ng inihaw.“Uy, girl,” salubo
KABANATA 79"Hindi Ka Na Makatatakas"Hindi binuksan ni Emma ang pinto kahit ilang ulit pang kumatok si Chase. Mahigpit niyang niyakap si Amara na noo’y nakatingin sa kanya, tila ba nararamdaman ang kaba sa dibdib ng ina. Walang salitang namutawi sa kanyang mga labi—tanging ang mabigat na buntong-hininga lamang ang naririnig sa silid.Sa labas, si Chase ay nanatiling nakatayo. Ilang minuto. Ilang ulit pa ng pagkatok. Ngunit walang sagot.Napailing siya at napatingala sa langit. Malamig ang hangin. Gabi na. Pero wala siyang balak umalis.Sa wakas, bumalik siya sa kanyang sasakyan. Sa loob, isinandal niya ang ulo sa headrest, pinikit ang mga mata, pilit nilulunok ang sakit at inis."Sir, naka-book na po kayo sa hotel. Kami na pong bahala rito kina Ma’am Emma," sabi ng kanyang tauhan sa telepono."Anong hotel?" malamig na sagot ni Chase."GV Hotel po. Malapit lang dito. Para makapagpahinga kayo."Ayaw man
KABANATA 80: Ang Pagkawala ni AmaraTahimik ang gabi. May katahimikang tila nagbabadya ng isang bagay na hindi kanais-nais. Sa loob ng bahay na tinutuluyan nila Emma at Mia, mahimbing ang pagkakatulog ng lahat. Si Mia ay nasa kabilang kwarto, pagod sa buong araw na pagtitinda sa barbequehan. Si Emma naman ay nasa kabilang silid, mahigpit na yakap ang anak niyang si Amara.Sa sobrang dami ng iniisip ni Emma—ang posibilidad na kunin ni Chase ang anak niya, ang desisyong umalis patungong Cebu, ang kinabukasan nilang mag-ina—hindi na niya namalayang dinalaw na siya ng antok. Nakalimutan na rin niyang i-lock ang pinto ng kwarto, maging ang maliit na backdoor sa may kusina. Walang kaalam-alam si Emma, may isang aninong gumalaw sa dilim. Isa sa mga tauhan ni Chase ang unti-unting pumasok sa bahay gamit ang nakabukas na likurang pintuan. Sanay sa kilos, tahimik itong lumapit. Alam na niya ang eksaktong kwarto—alam niya kung sino ang kanyang pakay.P
Kabanata 81: Pagtahak sa Daan ng Pag-asaPagbiyahe ni Emma at Mia papuntang ManilaMataas ang araw, at ramdam ni Emma ang bigat ng kanyang mga mata. Tatlong oras na silang bumabaybay sa kalsadang patungong Tacloban at ang init ng panahon ay nagsisimula nang magpatulo ng pawis sa kanyang noo. Nasa tabi niya si Mia, na tahimik na nakatingin sa kalsada, habang ang mga alalahanin ni Emma ay patuloy na gumugulo sa kanyang isipan."Anong mangyayari pagdating natin sa Manila?" tanong ni Mia na nakikita ang pag-aalala sa mukha ng kaibigan."Ayoko nang mag-isip, Mia," sagot ni Emma, ang boses ay may halong pagod at pagkabahala. "Ang alam ko lang, kailangan ko siyang makita. Hindi ko kayang mawalan ng anak ko."Hindi mapigilan ni Emma ang pagdaloy ng luha sa kanyang mata. Hindi na rin niya kayang balikan ang lahat ng nangyari sa kanilang buhay. Ang matamis na mga alaala ng anak na si Amara, ang buhay nila ng magkasama, ay parang napaka-layo na. Min
KABANATA 82“Walang Iba”Huminto ang taxi sa harap ng isang modernong condominium sa Maynila. Mataas, elegante, at tahimik sa labas—tila walang bakas ng unos na sumalubong sa damdamin ni Emma. Hawak niya ang overnight bag, at sa ilalim ng mga matang mapungay mula sa puyat at pagod, ay naroon ang matinding kaba.Mula Sogod hanggang Tacloban, saka lipad patungong Maynila—hindi man ganoon kahaba ang oras, pakiramdam niya’y buong buhay niya ang pinagdaanan para lang makarating dito.Tumigil siya sa harap ng entrance, luminga sandali, saka dinial ang numero ni Chase.“Malapit na ako,” mahina niyang sabi.Sa kabilang linya, sagot ni Chase, mababa at buo ang tinig. “Dito lang ako. At sana, ako na lang… wala nang iba.”Pag-akyat niya, sinalubong siya ng guard at dinala sa unit. Bukas ang pinto. Nakatayo si Chase sa bungad—naka-itim na shirt, gray na pantalon, at may mga matang tila ilang araw nang walang tulog. Nang magtagp
KABANATA 83 “Saglit na Katahimikan”Tahimik ang paligid. Tila huminto ang oras sa harap ng silid kung saan mahimbing na natutulog si Amara. Magkaharap sina Emma at Chase—parehong pagod, parehong sugatan, ngunit may mumunting apoy ng pag-asa sa pagitan ng kanilang katahimikan.Nag-ring ang cellphone ni Emma.Mia. Napabuntong-hininga siya, saglit na tiningnan si Chase bago sinagot ang tawag.“Hello?”“Emma! Diyos ko, salamat at sinagot mo na rin!” agad na bungad ni Mia, puno ng pag-aalala ang boses. “Nabasa ko na ang lahat. Andyan ka pa din ba? Okay ka lang ba? Kamusta si Amara?”Napakagat-labi si Emma. “Oo, Mia. Nandito pa ako. Okay naman si Amara… si Chase ang mahirap intindihin.”“Gusto mong puntahan kita?” tanong ni Mia, pero agad ring bumawi. “Ay, wait… teka, okey lang ba? Wag na Mia. Pero Emma, please lang… huwag mong hayaang sirain ka na naman ng pagmamahal na hindi ka sigurado. Protektahan mo sarili mo, okay?”
KABANATA 84“Sa Unang Pagkakataon”“She calls me… D-daddy?”Hindi makagalaw si Chase. Parang bumalot sa kanya ang init at lamig ng sabay. Ilang ulit niyang inisip kung kailan mangyayari ito—kung darating pa ba talaga ang araw na kikilalanin siya ni Amara bilang ama. Pero ngayong narinig na niya, hindi siya handa.“Amara,” bulong niya habang dahan-dahang lumapit sa kama. “Sinabi mo ba ‘yon, anak?”Tumango si Amara, ngumiting parang walang nangyaring sigawan o gulo ilang oras lang ang nakalipas. Para sa kanya, simpleng mundo lang: May Mommy. May Daddy. Basta magkasama sila, ayos lang.“Tinawag kita kasi ikaw naman talaga si Daddy, ‘di ba?” inosente nitong tanong.Hindi agad nakasagot si Chase. Napaluhod siya sa gilid ng kama, pinigilan ang pagbagsak ng luha habang tinatapunan ng tingin si Emma—tila humihingi ng pahintulot, o kahit kunting kumpirmasyon na may karapatan siyang maramdaman ang ganito.Tumango si Emma.
Kabanata 99: "PANATAG SA GITNA NG BAGYO"Matapos ang mabigat na usapan, tahimik na pinatulog nina Chase at Emma si Amara. Maingat si Emma habang hinahaplos ang buhok ng kanilang anak na mahimbing nang natutulog sa kwarto nito.Pagbalik niya sa living room, nadatnan niya si Chase na nakaupo sa sofa, nakasandal ang ulo at tila wala sa sarili. Mabigat pa rin ang mga mata nito—hindi lang dahil sa pagod, kundi dahil sa bigat ng damdaming pinipigil.Lumapit si Emma at mahinang tinapik ang balikat ni Chase. "Halika na," wika niya, may ngiti sa mga labi. "Ang bigat ng gabi. Gusto kitang aliwin kahit saglit lang."Tinaasan siya ng kilay ni Chase. "Aliw?" tanong nito, may bahid ng pagtataka.Tumango si Emma at hinawakan ang kamay niya. "Wine tayo. 'Yung luma mong tinatago sa wine cellar—panahon na para buksan mo 'yon."Napangiti si Chase kahit pilit. Tumayo siya at naglakad kasunod ni Emma patungo sa wine area ng penthouse—isang mala-silid
Kabanata 98: Lason sa Likod ng PangalanSa Penthouse ni Chase DonovanSa itaas ng isang matayog na building sa Makati, ang penthouse ni Chase ay isang modernong oasis ng kapayapaan at kapangyarihan. Ang malalaking salamin na bintana ay nag-aalok ng isang panoramic na view ng buong lungsod. Ngunit ngayon, ang kalangitan ay madilim, at ang mga ilaw mula sa mga gusali ay kumikislap na parang mga alitaptap sa gabing walang hangin.Tahimik ang penthouse, maliban sa tunog ng mga click ng keyboard mula sa desk kung saan si Chase ay abala sa pagtanggap ng mga updates tungkol sa plano niyang pagbagsak kay Victoria.Hindi siya nakatayo mula sa kanyang desk. Hindi pa rin siya umiimik. Ang mga mata niyang nakakuyom sa galit, nanatiling nakatutok sa screen habang ang mga ebedensya laban kay Victoria ay ipinadala sa lahat ng pangunahing media outlet.---Paniniwala ni ChaseHabang tinatanggap ni Chase ang mga update sa kanya
Kabanata 97: Simula ng PagbagsakSa malamig na opisina ng Donovan Enterprises, hindi gumagalaw si Chase Donovan habang nakatitig sa isang folder sa harap niya.Hindi ito ordinaryong dokumento.Ito ang folder na naglalaman ng lahat ng kasinungalingan, panlilinlang, at pagkakadamay niya sa isang kasalang hindi niya pinili.Victoria Laurent.Isang pangalan na kailanman ay hindi niya pinangarap maging bahagi ng buhay niya.---Flashback: Ang Sikretong Nakaraanlimang taon bago ang lahat ng kaguluhang ito, dumalo si Chase sa isang private event para sa VIP investors ng kumpanya.Kasama ang ilang bigating pangalan sa mundo ng negosyo, ang gabi ay puno ng mamahaling alak, malalakas na tawanan, at mataas na presyon para makuha ang kanilang tiwala. At sa kaning side ng upuan nakita niya si Alessandra, kaya nga ito ang kanyang napagbintangan nuon.Bilang respeto, kahit hindi siya mahilig sa alak, uminom
Kabanata 96: Pagputok ng KatotohananAng malamig na ihip ng hangin ay tila nagbibigay ng hudyat ng isang malupit na pagsabog ng katotohanan.Sa loob ng isang eleganteng hotel ballroom, tahimik na naglakad si Victoria Laurent. Suot niya ang isang ivory white na damit na simple ngunit matapang ang dating, sinadya niyang magmukhang inosente sa panlabas, ngunit sa loob niya ay nagngangalit ang apoy ng galit at paghihiganti.Nakahawak siya sa isang itim na leather folder — laman nito ang mga dokumentong magpapabagsak kay Chase Donovan.Sa isang gilid ng silid, abala ang media. May mga camera, mikropono, ilaw na sumasabog ng liwanag, at mga reporter na sabik sa eksklusibong balita. Naroon ang mga kinatawan ng pinakamalalaking news outlets — alam ni Victoria, kapag nagsalita siya ngayon, walang makakapigil sa pagkalat ng kwento."Everything is set, ma'am," bulong ng kanyang PR manager.Tumango lamang si Victoria, malamig ang ekspre
Kabanata 95: Taliwas na LandasSa mga sumunod na araw, nagpatuloy ang pagpapalakas ni Victoria ng kanyang mga hakbang laban kay Chase. Hindi siya tinatablan ng pagod, at ang galit na nararamdaman niya ay patuloy na tumitindi. Habang si Chase ay abala sa pag-aayos ng mga business matters at personal na buhay, si Victoria naman ay tahimik na nagmamasid, pinapalakas ang kanyang plano sa likod ng mga pader ng kanyang pamilya.---Pagharap ni Victoria kay ChaseIsang hapon, tumawag si Victoria sa opisina ni Chase at nagtakda ng isang private meeting. Gusto niyang iparating ang mga kahihinatnan ng plano niyang masira ang buhay ni Chase, ngunit alam niyang hindi pa siya handa upang ipakita ang lahat ng kanyang baraha.Pagdating ni Victoria sa opisina ng Donovan Enterprises, binati siya ni Chase na may kalmado at matigas na anyo."Victoria," sabi ni Chase, "What’s this all about? Kung may problema ka pa, I suggest we settle it profe
Kabanata 94: Paglabas ng KatotohananAng sunod na araw ay puno ng alingawngaw ng mga balita. Si Chase Donovan ay hindi nakaligtas sa mga epekto ng kanyang pahayag. Sa mga sulok ng media, hindi lamang ang kanyang mga personal na desisyon ang binabatikos — ang pamilya ng mga Laurent ay nagbabanta na kumuha ng legal na hakbang.Sa isang tahimik na opisina sa loob ng Donovan Enterprises, si Chase ay nakaupo sa harap ng kanyang desk, nakatingin sa mga papeles, ngunit ang isip ay malayo. Ang tanong na paulit-ulit niyang iniisip: “Paano ako makakalabas sa lahat ng ito?”Bilang CEO ng isang malaki at respetadong kumpanya, hindi pwedeng basta-basta matabunan ang mga isyung ito. Sa kabila ng kanyang pagiging malupit at matatag sa negosyo, ang kanyang puso ay naguguluhan sa sitwasyong ito — at higit sa lahat, ang kalooban niya ay tinatablan ng pag-aalala."Ito na ba ang simula ng lahat ng ito?" tanong ni Chase sa sarili, ang mga mata ay nakatutok sa dokument
Kabanata 93: PagguhoHabang pinapalabas sa media ang eksklusibong pahayag ni Chase Donovan, napatitig si Victoria sa malaki nilang TV screen, nanlalamig ang buong katawan."What?" bulalas niya, nanginginig ang boses. "Our marriage is fake?!"Tumayo siya, natataranta at hindi makapaniwala."No... no! Hindi ako naniniwala! Hindi ito totoo!" Sigaw niya, habang unti-unting tumutulo ang mga luha sa kanyang pisngi. Nanginginig ang kanyang mga kamay habang pinipigilan ang sarili sa pagbagsak.Umiiyak siya nang tuluyan, halos hindi makahinga sa bigat ng nararamdaman. Napalingon siya sa kanyang mga magulang, na kapwa napatitig sa kanya nang may halong awa at galit."Mom... Dad... what should I do now?" nauutal niyang tanong sa gitna ng pag-iyak."Peke ang kasal namin ni Chase! Hindi ko ito matatanggap..."Napasinghap si Mrs. Laurent habang hinahagod ang likod ng anak. Si Mr. Laurent naman ay mariin ang pagkakatitig sa telebisyon,
Kabanata 92 - Umpisa ng KaguluhanTahimik ang buong ospital. Walang umiimik. Parang may dumaan na malakas na hangin—lahat ay tila huminto sa oras.Ang mga ilaw sa corridor ng ospital ay tila naging malamlam, at ang bawat tao sa paligid, maging ang mga nurse at doktor na dumadaan, ay tila naging mga anino lamang sa paningin ni Chase Donovan.Nakaupo siya sa isang silya sa loob kung nasaan si Don Esteban ang mga siko niya ay nakapatong sa tuhod, at ang dalawang kamay ay nagkukuyom. Hindi niya maialis ang bigat sa dibdib niya. Sa bawat segundo ng katahimikan, lalo lamang niyang nararamdaman ang bigat ng sitwasyong kinasasadlakan niya.Si Emma naman ay nakaupo sa kabilang gilid, yakap-yakap ang kanilang anak na ngayon ay mahimbing na natutulog sa kanyang mga bisig. Hindi niya malaman kung saan siya huhugot ng lakas, pero ang presensya ng kanyang anak ang nagsisilbing tanging dahilan upang hindi siya tuluyang bumigay.Ang mga tao sa paligid ni
KABANATA 91: Pagbabalik at Pagpapakilala Tahimik ang loob ng ospital habang tinatahak nina Emma, Chase, at Amara ang pasilyo patungo sa private room ni Don Esteban. Ang bawat hakbang ay may kasamang kaba at bigat ng alaala. Mahigpit ang hawak ni Emma sa maliit na kamay ni Amara, habang si Chase naman ay tila hindi makapaniwalang sa wakas, heto na—ang pagkakataong maipakilala ang anak sa ama. “Matagal ko nang hinintay ‘tong sandaling ‘to,” bulong ni Chase sa sarili, tinatapik ang dibdib na tila ba’y may tinatagong pagsisisi at takot. “Makikita na rin niya si Amara… ang apo niyang ilang taon niyang hindi nasilayan.” Pagbukas ng pinto ay bumungad sa kanila ang maputlang anyo ni Don Esteban, nakahiga ngunit mulat na ang mga mata, mabagal man ang kilos ay naroon ang liwanag sa kanyang tingin. Parang muling nagbalik ang lakas sa pagtama ng paningin niya kay Chase. “Chase…” mahinang tawag ng matanda. “D–dad…” Napang