Kabanata 8: No Falling In Love Pagpasok ni Emma sa penthouse, napahinto siya sa pintuan at napatingala sa kisame. Kahit na alam niyang mayaman si Chase, hindi niya inaasahan ang ganitong klaseng luho. Mataas ang ceiling, may eleganteng chandelier na tila mas mahal pa sa buong bahay na kinalakihan niya. Ang sahig ay gawa sa polished marble, at ang buong lugar ay may malalaking bintana na nagbibigay ng panoramic view ng lungsod. Napalunok siya. Para itong isang five-star hotel—o isang bahay na makikita lang sa mga pelikula. Hindi ito mukhang tahanan. Mas mukha itong museo kung saan hindi ka dapat humawak ng kahit ano. Tumayo ka na lang ba diyan magdamag?" Malamig na boses ni Chase ang bumasag sa pananahimik niya. Napalingon siya rito, nakatayo ito sa may hagdanan, ang mga kamay ay nasa bulsa. "Hindi ko lang in-expect na ganito ka-luxurious," aminado niyang sagot habang muling iginala ang paningin sa buong sala, hindi napipigilang idagdag, "Kahit gaano pa kaganda ang lugar n
Read more