“WOW, Daddy it’s so beautiful here!” Iyon ang masiglang winika ni Callie saka nagtatakbo patungo sa private cottage ng kanilang pamilya. “Pwede tayong mag-stay doon sa beach house, kaya lang mas malayo iyon sa dagat,” ani Joaquin sa kanya saka kinarga si Callie na noon ay ilang beses nang nadapa sa buhanginan gawa ng kakatakbo nito. “Okay na dito kahit hanggang bukas lang. Tapos sa susunod na araw eh doon na tayo mag-stay sa beach house,” sagot ni Lara saka na nagpatiuna patungo sa kanilang cottage. “Sina Yaya Loring?” tanong ni Lara matapos niyang buksan ang pintuan ng cottage. “Nandoon na sa bahay at naghahanda ng pagkain. Teka, saan mo ba gustong kumain, baby? Dito o doon sa malaking bahay?” tanong ni Joaquin sa anak nito. “Here,” anito sa kanya. Tumawa si Lara sa nakita niyang naging reaksyon ng kanyang anak. “Naku, ibaba mo nga iyang anak mo. Big girl na siya kaya hindi na siya dapat na kinakarga,” aniya pa kay Joaquin. “Kahit mag-asawa pa ito, siya pa rin ang princess ko
“KINAKABAHAN ka?”Iyon ang itinanong ni Lara sa asawang si Joaquin matapos niyang ayusin ang kurbata nito.Nagbuntong hininga si Joaquin at pagkatapos ay buong pagmamahal siyang pinakatitigan.“Mom, Dad, let’s go?” si Quin iyon ang bunsong anak na lalaki nilang dalawa.“Okay, anak,” ani Lara saka muling tiningala ang gwapong mukha ng asawa niya.“Halika na at baka isipin ng anak mo eh hindi mo siya gustong ihatid sa altar,” ang biro pa niya sa asawa na hindi man sumagot para halata pa rin sa mukha nito ang bahagyang lungkot.Iyon ang araw ng kasal ng panganay nilang anak na si Callie.Nauunawaan niya ang nararamdaman ng asawa niya dahil ito ang nag-iisang anak nilang babae.Sa loob ng mahigit dalawampung taon ay nabiyayaan pa sila ng dalawang anak na lalaki. Sina Caleb at ang bunso nga na si Joaquin Antoni III na kamukhang kamukha ng lolo nitong si Joaquin Sr.Pagkatapos ng insidente noon sa beach resort, katulad ng sinabi ni Joaquin ay inayos nito ang lahat. Naparusahan ang lahat ng
ISANG malalim na buntong hininga ang pinakawalan ni Lara habang nakatitig sa lapida ng yumao niyang ina na si Edna. Mahigit isang taon narin mula nang pumanaw ito dahil sa sakit sa puso at hanggang ngayon ay hindi parin niya talagang lubusan matanggap na wala na ito. Anak siya sa pagkadalaga ng kaniyang ina. Ayon sa kwento nito sa kaniya noong ito ay nabubuhay pa ay dati itong waitress sa isang bar. Doon nito nakilala ang tatay niya na isa sa mga naging customer nito. Tinanong naman niya sa kaniyang ina kung ano ang pangalan ng tatay niya pero ang sagot lang nito, sa dami ng naging parukyano nito noon, imposibleng malaman pa nito kung alin sa mga iyon ang tatay niya.Sa kabila nang lahat ng iyon ay hindi naman siya nagtanim ng galit sa kaniyang ina. Wala siyang makapa na ganoon sa kaniyang puso dahil ang totoo mahal na mahal niya ito at hanggang ngayon, ito parin ang dahilan ng lahat ng pagsusumikap niya.Dalawang taon na siya at sa night club parin na iy
TWO DAYS LATER...“PAPA?” hindi maunawaan ni Lara kung saan nanggaling ang matinding takot na kaagad niyang naramdaman nang mapagbuksan niya ng pinto ang humahangos na si Ompong.“Anak, magtago ka, gusto ka nilang kunin!” anitong itinulak siya papasok ng kabahayan saka siya hinila papasok sa loob ng kaniyang kwarto.Lalong nagtumindi ang takot na nraramdaman ni Lara dahil doon. “A-Anong ibig ninyong sabihin? S-Sinong kukuha sa akin?” sa kabila ng lahat ng hindi magandang emosyon na nang mga sandaling iyon ay nagsasalimbayan na sa kaniyang dibdib,“Wala nang maraming tanong, makinig ka nalang kay Papa, bilisan mo!”Wala na ngang nagawa si Lara kung hindi ang sumunod. Nagtago siya sa loob ng kaniyang kwarto, sa likuran ng isang antique na aparador. Pero sa kabila nang lahat ay naririnig parin niya ang pakikipagtalo at hindi magagandang salitang sinasabi ng kung sin
"KINAKABAHAN ka ba, Venus?" tanong kay Lara ng driver ng van na maghahatid sa kanya sa party na kaniyang pupuntahan.Si Delfin ang matandang driver ng club na sa tingin niya ay kasing edad lamang ito ng tatay niya. At katulad ng kaniyang ama, soft spoken ang matanda. Ibig sabihin, bakas sa tono ng pananalita nito ang pagiging mabait.Tumango siya kasabay ng sandaling pagsulyap niya rito, pagkatapos noon ay ibinaling na niyang muli sa labas ng bintana ang kaniyang paningin. "H-Hindi ko po alam kung kaya ang ang ipinapagawa nila sa akin," aniyang nabasag ang tinig pero nagpigil parin siyang mapaiyak.Narinig niya ang mabigat na buntong hiningang pinakawalan ng matanda. "Nasa sa iyo iyan," anito sa makahulugan siyang sinulyapan nang saktong nakatingin siya rito."Ano pong ibig ninyong sabihin?" tanong niya.Nagkibit ito ng mga balikat. "Alam mo bang nahuli na ng mga pulis iyong tatlong lalaking nagbanta sa iyo dito? Nag-report pala kaagad ang tatay mo sa mga awtoridad," anitong binigyan
FOUR YEARS LATER... "Good morning sir," ang nakangiting pagbati kay Joaquin ng guard sa entrance ng mataas na gusaling pag-aari niya at ng kaniyang ama na si Joaquin Antonio, Sr."Good morning," sagot ni Joaquin na ngumiti rin.Ganoon ang paulit-ulit na eksena at pangyayari sa buhay niya araw-araw. Nagsisimula ang umaga niya sa opisina at nagtatapos rin ito dito. "Good morning sir," si Alma ang bumati sa kaniya, ang babaeng sekretarya pa noon ng kaniyang ama.Nasa ikalimang palapag na siya kung saan naroroon ang kaniyang opisina. Ang Antonio Paper Corporation ang pinakamalaking kompanya ng papel sa Pilipinas. Sila rin ang distributors ng maraming kilala at imported brands ng papel na inaangkat pa sa ibang bansa. Pero hindi lang sila naka-focus sa paggawa at pagpo-produce ng ganoong produkto. Hawak rin nila ang mga major brands ng mga writing materials at iba pang art materials katulad ng mga kilalang water colors na ginagamit sa pagpipinta. Ang kompanyang iyon ay legacy pa ng kani
"PALAGI ka nalang talagang nagmamadali sa pag-uwi, hindi naman siguro masama kung minsan sa buhay mo subukan mong mag-unwind," komento ni Cynthia matapos niyang tanggihan ang alok nito sa kanya na sumama sa birthday ng pinsan nito.Tumawa ng mahina si Lara saka ipinagpatuloy lang ang pag-aayos niya gamit. "Ganito talaga kapag may anak ka na, palagi kang ma-e-excite umuwi kasi gusto mong makita kaagad ang anak mo na alam mong naghihintay sa pagdating mo," paliwanag niya rito."Hay naku Lara Athena ganiyan ka na talaga kahit noon pa. Mabuti nalang mahal ko iyong inaanak ko kaya hindi na ako magtatampo sa'yo," anitong sinundan pa ang sinabi ng mahinang tawa.Noon niya nilapitan sa mesa nito si Cynthia saka hinalikan sa pisngi. "Salamat, I have to go. Kailangan ko pang bumili ng pasalubong para sa baby girl ko.""Mag-iingat ka," si Cynthia.Ang bilis ng panahon. Parang kailan lang nang maganap ang para sa kaniya ay pinakamalaking bangungot sa kaniyang buhay. Iyon ay nang sapilitan siyang i
MULA sa mahimbing na pagtulog ay mabilis na napabangon si Lara nang marinig niya ang pagbukas at pagsara ng pintuan ng kwarto. "I'm sorry kung nagising kita," si Joaquin iyon na tumawa ng mahina.Walang anuman siyang tumango saka niyakap ang sarili. "Hindi mo pa ba ako papayagang umalis?" ang naitanong niya saka sinulyapan ang lalaking naupo naman sa divan na nasa paanan ng kama.Noon niya nakitang sumulyap ang lalaki sa suot nitong wrist watch. "Delikado na kung hahayaan kitang umalis ngayon, kung okay lang sa iyo, dito ka na magpalipas ng gabi," ang mabait nitong sabi saka siya nginitian.Hindi nakaimik si Lara sa sinabing iyon ng lalaki dahil tama naman ito. Malalim na ang gabi at hindi magiging maganda at ligtas para sa isang babaeng katulad niya ang lumabas at bumiyahe nang ganoong oras."P-Parang ang tahimik na sa labas?" nang mapansin niyang wala na ang ingay na kaninang naririnig niya sa labas ng kwarto ay iyon ang naikomento niya.Tumango ang