“HELLO,” iyon ang narinig pang pagbati ni Callie sa lalaking kung tutuusin ay estranghero dito.
Napalingon si Lara kay Joaquin saka niya parang nawawala sa sariling kinarga ang anak. “Kung gusto mong mag-agahan sumunod ka nalang sa kusina,” ang sa halip ay isinagot niya sa kaninang sinabi ni Joaquin.
Hindi alam ni Lara kung bakit bigla ay naging ganoon ang pakiramdam niya. Dahil kung tutuusin, kagabi sinabi niya sa sarili niyang okay lag na magkita ang dalawa lalo at hindi naman alam ng lalaki na nabuntis siya nito.
Pero ngayon, parang gusto na niyang pagsisihan ang ginawa niyang pag-aalok ng simpleng kape kay Joaquin kagabi. Parang gusto nalang niyang sabihin sa sarili niya na sana ay nagpasalamat nalang siya dito. Pagkatapos noon sana ay iniwan nalang niya ang lalaki.
Siguro hindi na nangyari ang ganito.
Siguro ay hindi siya nakakaramdam ngayon ng takot na para bang hindi niya maipaliwanag kung saan nanggaling.
&ldq
“SERYOSO ka?” Iyon ang hindi makapaniwalang tanong sa kanya ni Cynthia matapos niyang ikwento rito ang lahat ng nangyari sa kanya kagabi. Kasama na rin doon ang kaninang umaga. “Hindi ka rin ba makapaniwala? Well, hindi na ako magtataka doon kasi ganoon rin naman ang nararamdaman ko hanggang ngayon,” aniyang sandaling sinulyapan ang kaibigan niya at pagkatapos ay ibinalik ang tingin sa monitor ng computer na nasa kanyang mesa. “Para kayong may special bond,” komento pa ni Cynthia. Agad niyang nilingon ang matalik na kaibigan. “What do you mean special bond?” ang lito niyang tanong. Nagkibit ng mga balikat nito si Cynthia saka iniikot ang swivel chair na kinauupuan nito. “Well, actually hindi lang kayong dalawa. Parang pati rin sila ng anak niya. I mean, si Callie. Sa tingin ko kapalaran na talaga ang gumawa ng paraan for you guys to meet. At iyon ay para sa anak ninyo,” paliwanag pa nito. Sandaling napaisip si Lara sa narinig niyang iy
MASARAP ang pagkakahiga ni Joaquin sa kanyang kama nang marinig niya ang magkakasunod na katok sa pintuan ng kanyang silid. Agad na napabuntong hininga roon ang binata.Alam niyang ang kanyang ama ang nasa labas ng kanyang silid. At alam rin niyang ang pakay nito ay alin lang sa dalawa. Ang tungkol sa pag-alis niya nang maaga kanina at hindi pagpasok sa opisina. O di kaya naman ay ang tungkol sa pag-aasawa niya na matagal na nitong hinihingi sa kanya.Ilang sandali pa at napilitan na ring bumangon si Joaquin.“Anong nangyari at bakit hindi ka pumasok kanina? Saan ka nagpunta?” ang galit nitong sita sa kanya oras na nabuksan niya ang pinto.Noon nagbuntong hininga ang binata saka patamad na nahiga muli sa magulo pa rin niyang higaan.“Feeling ko Papa stress na stress ako at hindi ako magiging productive kaya hindi na ako pumasok,” sagot niya na half true naman kung tutuusin.Sa sinabi niyang iyon ay nakita niyang lumam
“HINDI pwede iyan, alam mo namang mahal na mahal ko si Tanya hindi ba?” si Patrick iyon sa tono na nagpoprotesta.Sa totoo lang ay hindi na nagulat pa si Joaquin sa sinabing iyon ng kaibigan niya. Expected na niya iyon dahil kahit siya ay tutol sa gustong mangyari ng kanyang ama.“Kaya nga nandito ako kasi gusto kong humingi ng advice sa’yo,” ang nagpapaliwanag niyang sagot.Nang araw ring iyon ay minabuti niyang puntahan si Patrick sa opisina nito para makausap. Dahil ang totoo, siya man ay nahihirapan sa lahat ng sinabi ng kanyang ama kanina.“Kailangan mong maghanap ng babaeng pwede mong pakasalan. Iyon ang gawin mo,” anito sa kanya.Takang napatitig si Joaquin kay Patrick.“Seryoso ka? Parang ang dali lang sa iyo ng lahat ah!” aniyang naiinis.Tumawa ng mahina ang kaibigan niya. “Bakit? Ano bang mahirap doon? Sa totoo lang plano na rin naming dalawa ni Tanya ang magpakasa
HINDI napigilan ni Lara ang pamulahan dahil sa sinabing iyon ni Joaquin.Pero dahil nga ayaw niyang makita ng iba ang ganoong reaksyon niya ay nagmamadali siyang nagyuko ng ulo saka niyaya sa loob ng kanyang opisina ang binata.Sa loob ang hindi na itinago ni Cynthia ang kilig nito nang makita at ipakilala niya sa kaibigan ang bagong dating. At dahil nga oras na rin naman ng kanyang pag-uwi ay hindi na niya ginawang matagal ang paghihintay ni Joaquin.“Alam mo, kanina ko pa gusto itanong sa iyo ito. Pero three or maybe four years ago, saan ka nagtatrabaho?” ang binata nang nasa loob na sila ng kotse nito.Takang nilingon niya si Joaquin na nang mga sandaling iyon ay napansin niyang nakatingin pala sa kanya. Gaya ng dati ay bukas na ang engine ng sasakyan.“Bakit mo naitanong?” taka niyang tanong.“Wala lang,” sagot ni Jaoquin na nagkibit pa ng mga balikat.“Doon pa rin sa branch na iyon. Nung
“EXCUSE me?” iyon ang tanong na nanulas sa mga labi niya.Mabigat ang buntong hininga na narinig niyang pinakawalan ni Ramil bago ito tumitig sa kanya.“Iyong lalaking inihatid mo kanina. Sino siya?” tanong nito sa kanya habang agad rin namang napuna ni Lara ang hinanakit sa tono ng pananalita ng binata.“Ah, si Joaquin iyon. Bagong kaibigan at kakilala,” sagot niya.Sa sinabi niya ay agad na nagbago ang damdamin sa mukha ng lalaking nasa kanyang harapan. “Akala ko boyfriend mo,” anitong tumawa pa ng mahina.Hindi nagkomento si Lara sa sinabing iyon ni Ramil. Wala naman kasi siyang alam na pwede niyang sabihin dahil mas nang mga sandaling iyon, mas ramdam niya ang pagod sa kanyang katawan.“Lara wala ba talaga akong pag-asa sa iyo? Hindi mo ba talaga ako kayang mahalin?” tanong ni Ramil makalipas ang ilang sandali.Napabuntong hininga kaagad si Lara sa kanyang narinig. Alam n
“SO, kumusta ka na?” iyon ang pambungad na tanong sa kanya ni Joaquin Sr nang umagang iyon.Gaya ng dati, inabutan niya ang kanyang ama sa komedor at kumakain ng agahan. Hindi pa yata nangyari kahit minsan sa buhay niya na naunahan niya sa paggising ang kanyang ama. Maliban na lamang kung masama ang pakiramdam nito.“I’m good,” maikling sagot niya saka nagpatuloy sa magana niyang pagkain.“Mabuti naman kung ganoon. Ano? Napag-isipan mo na ba ang sinabi ko sa iyo noong isang araw? O baka mas tamang sabihin na may naisip ka na bang paraan para ibigay ang gusto ko?” tanong ng kanyang ama.Kung sa ibang pagkakataon marahil ay nasira na ang mood ng binata dahil sa tanong na iyon. Pero dahil mukha ni Lara ang unang pumasok sa kanyang isipan ay isang matamis na ngiti ang pumunit sa kanyang mga labi.“Yeah, and I’m on it actually,” sagot niyang sinulyapan ang ama niya pagkatapos habang ang ngiti s
“HELLO, Uncle Joaquin!”Agad na napangiti si Lara nang marinig niya ang masayang pagbating iyon ni Callie kay Joaquin na kararating lang.“Good morning, beautiful,” ang mainit na pagtugon naman ng binata saka itinaas at binuhat si Callie.“Mamayang gabi po ba dito kayo kakain ng dinner ulit?” tanong ng anak niya na awtomatikong ipinulupot ang mga braso sa leeg ng binata.“I don’t think so. But I will try,” sagot nito sa bata.Tumango si Callie na tila ba sinasabing nauunawaan nito ang lahat. Pagkatapos ay hinalikan nito ang binata sa pisngi bago ito ibinaba ni Joaquin.“Let’s go?” tanong ni Joaquin sa kanya.“Okay,” sagot naman ni Lara. “Bye, Callie,” aniyang niyuko ang anak saka hinalikan sa noo.Noon din lumabas ng terrace ang Papa niya at nagpaalam na rin sila ni Joaquin dito.“Kagabi pag-alis mo dumating si Ramil,&rd
ANG gusto sana niya ay i-drop na lamang siya ni Joaquin sa harapan ng entrance ng mall katulad ng ginawa nito kahapon. Pero hindi ito nakinig at sa halip ay dinala pa rin nito sa parking ng gusali ang sasakyan. “Ano bang dahilan at bakit kailangan mong dalhin pa dito ang kotse mo?” tanong ni Lara. Ayaw man niyang pansinin pero ang totoo ay hindi niya maikakaila ang kaba na unti-unting nabubuhay sa kanyang dibdib nang mga sandaling iyon. “Kakausapin lang kita,” anitong kinalas ang suot na seatbelt saka siya matiim na tinitigan. Lalong nagtumindi ang kabog ng d-ibdib ni Lara sa nangyari at nakita niyang ikinilos na iyon ng binata. Hindi niya alam kung ano ang sinasabi ni Joaquin na pag-uusapan nila. Pero ang totoo kahit matindi ang discomfort na nararamdaman niya ay gusto pa rin niyang marinig ang lahat ng sasabihin nito. “Sige,” aniyang tumango. Umangat ang sulok ng labi ni Joaquin sa sinabi niyang iyon. Pagkatapos ay kumilos it