Share

CHAPTER 3 - “CAUGHT IN HIS EYES”

ARABELLA’S POV

Laking pasasalamat ko at maayos ang pakikitungo sa akin ng mga kapwa ko kasambahay. Lumipas ang ilang araw at unti-unti kong nakagawian ang tungkulin ko bilang isang personal maid. Marami rin akong nalaman patungkol sa taong aking pinagsisilbihan.

Ayon sa mayordomo na si Benjamin, si Mr. Alessio Conti ay may lahing Italyano ngunit lumaki sa bansang Estados Unidos na kalaunan ay nakarating rito sa Pilipinas. Nakakaintindi rin pala siya ng Tagalog ngunit mas pinipili niyang magsalita sa mga wikang nakagisnan niya gaya ng Ingles, Italyano at Dutch.

Siya ay 30 years old pa lamang ngunit isa na siya sa mga mayayamang negosyante sa bansa at tunay na nirerespeto at kinatatakutan ng kanyang mga tauhan.

Habang abalang naglilinis sa kahabaan ng corridor ay hindi ko maiwasang mapatigil sa aking ginagawa nang maalala ang tatay ko at mga kaibigan.

‘Kumusta na kaya sila? Gising na kaya ngayon si Papa?’

Hindi ko magawang tumawag kila Bianca at Daisy dahil maya’t maya’y merong pinapagawa sa’kin.

“Arabella…” a voice near me cut my wandering thoughts.

“Ah, ikaw po pala Sir Benjamin. Bakit po?” Nagulat ako nang makitang nasa harap ko na pala ito.

Ngumiti ito nang bahagya. “Maaari mo bang puntahan si Don Alessio sa kanyang study room at tanungin kung saan niya nais mananghalian?”

“Ah, opo. Sige po.”

Dali-dali akong naglakad patungo sa study room. Inayos ko ang aking uniporme at nagpakawala nang malalim na buntong-hininga bago kumatok sa pinto.

“Come in.”

Pumasok na ako sa sandaling marinig ang kanyang boses at agad na nagbigay-galang.

Nakaupo siya sa harap ng kanyang desk ngunit natatakpan ng hawak niyang folder ang kanyang mukha.

“Nais ko lang po itanong sa inyo kung saan niyo po nais mananghalian, Mr. Conti.”

“Tell Benjamin to prepare the private dining area. That is where I want to eat.”

“Okay, Sir. I’ll tell him right away.”

Tatalikod na sana ako nang muli siyang magsalita.

“And one more thing…” Umangat siya ng tingin at doon ko lamang napansin at natitigan nang maigi ang kanyang mga mata na kulay asul.

Sa oras na ‘yon ay para ba akong nahulog sa kaniyang mga mata na kasing kulay ng malalim at walang hanggan na Mediterranean Sea sa malinaw na araw ng tag-init.

Parang na-hypnotize ako ng kanyang mga mata kaya hindi ko magawang umiwas ng tingin.

Sa hindi ko malamang dahilan ay hindi ko maiwasang ihambing ito sa mga matalas na mata ng misteryosong lalaking aking nakasama ng isang gabi…

Napailing ako, tinangkang alisin ang mga ideyang ito sa aking isipan.

‘Nababaliw ka na ba, Arabella? Bakit mo naman naisip na iisa lang yung lalaking ‘yon at si Mr. Conti?’ Lihim kong pinagalitan ang aking sarili.

“Did you hear what I said, Arabella?”

Napasinghap ako.

‘Naku… hindi na naman ako nakikinig. Lagot na naman ako nito.’

Umiling siya habang ibinababa ang folder na kanyang hawak. Hindi nakaligtas sa aking paningin ang marahan niyang pag-ngiti.

“You seemed to have this habit of spacing out. You know, I don’t usually repeat myself but I’ll make an exception this time.” He stared at me intently. “Remind Benjamin not to send anyone here right now. I don’t want to be disturbed. Did I make myself clear this time, Arabella?”

“Y-Yes, Sir. I’ll mention this to him as well.”

“Good. You can go,” he told me, emotionless.

“Thank you, Mr. Conti,” sagot ko sabay talikod sa kanya at dire-diretsong naglakad palabas.

Matapos mananghalian, napag-utusan akong pumunta sa third floor ng mansyon upang kunin ang mahalagang set ng silver trays na naiwan doon mula sa isang nakaraang okasyon.

Ayon kay Sir Benjamin ang tatlong set na ito ng silver trays ay magagamit sa isang espesyal na hapunan na ipaghahanda para sa mga importanteng bisita ni Don Alessio na darating mamayang gabi.

Kaya’t ako naman ay agad na pumunta sa third floor upang kunin ang mga nasabing trays.

Nakailang ikot na ako rito ay wala pa rin akong nakikitang silver trays. Ang sabi ni Sir Benjamin ay madali itong makikita dahil nakapatong lang ang mga ito sa isang marmol na mesa na may pulang kanyang-kanyang kumot bilang dekorasyon.

Bababa na sana ako upang itanong muli ang tungkol dito nang sa katahimikan ng palapag na ito ay may bigla akong narinig na boses babae na tila ba nagha-hum ng isang kanta.

Tahimik kong sinundan ang tunog na ito. Ilang sandali pa ay napadpad ako sa pinadulong bahagi ng third floor. Rinig na rinig mula sa isa sa mga kwarto ang tinig na nanggagaling sa isang babae.

Habang pinakikinggan ito, laking gulat ko nang may sumigaw mula sa aking likuran.

“What are you doing here, Arabella?!”

Si Mr. Conti. Sa paraan ng kanyang pagtatanong, mahahalata ang galit sa kanyang boses.

“EXPLAIN YOURSELF! WHAT ARE YOU DOING HERE?!”

Halos mangatog ang aking mga tuhod sa kanyang pagsigaw sa akin. Makikita rin sa mukha niya ang galit na mahuli akong naririto sa palapag na ito.

“I-I’m s-sorry, sir… I didn’t…” hindi ko matapos ang aking sasabihin sa sobrang takot.

“WHO GAVE YOU PERMISSION TO BE IN THIS PART OF THE THIRD FLOOR?!” Lalo pang lumakas ang kanyang boses.

Hindi ko namamalayang tumutulo na pala ang aking mga luha sa takot.

“I-I’m so sorry, s-sir. I d-didn’t know… f-forgive me, M-Mr. Conti…”

“I DON’T WANT TO EVER SEE YOU AROUND THIS FLOOR! DO YOU UNDERSTAND?!” Damang-dama ko ang puot sa kanyang boses.

“Y-Yes, s-sir. I-I p-promise…” Parang gusto nang bumigay ng aking mga tuhod sa sobrang takot at kaba.

“NOW, GET OUT OF HERE! I DON’T WANT TO EVER SEE YOU HERE AGAIN! LEAVE, NOW!”

“Y-Yes, s-sir…” Halos mabingi ako sa pagsigaw niya. Gusto ko man bilisan ang paglalakad, hindi naman nakikisama ang aking mga tuhod.

Pagdating sa baba, agad akong nakita ni Sir Benjamin na lumuluha.

“Anong nangyari, Arabella?” lubos ang pag-aalala niya sa akin.

Minabuti niyang samahan ako sa aking kwarto dahil sa hindi ko pagtigil sa pag-iyak.

“Arabella, ano ba talagang nangyari? Pwede mong sabihin sa’kin kung ano man ‘yon.”

Patuloy lang ang aking pagluha. Hindi ko magawang magsalita.

Sa tanang buhay ko, ngayon lang ako nasigawan nang ganun. Ni minsan hindi pa ako nasigawan ng tatay ko, kaya naman todo ang takot at kaba na nararamdaman ko ngayon.

“Arabella, hindi kita matutulungan kung hindi mo sasabihin sa akin kung ano ang nangyari.”

“A-Ayoko na po d-dito. Gusto ko na po u-umuwi…” bumuhos na naman ang aking mga luha.

“B-Bakit? Anong nangyari?”

Matapos ang ilang sandali, pansamantala kong naikalma ang aking sarili. “Nasigawan po ako ni Mr. Conti… k-kasi nakita niya po akong sumisilip sa pinaka-dulong bahagi ng third floor. P-Pero wala naman po ako ginagawang masama…” halos manikip na ang aking dibdib dahil sa sobrang pag-iyak.

“Nakita ka niya doon? Tapos nagalit na siya?”

“O-Opo. K-Kaya ayoko na po dito. Uuwi na po ako bukas.”

Marahang hinawakan ni Sir Benjamin ang aking braso. “Arabella, makinig ka. Huwag kang padalos-dalos sa’yong desisyon. Sigurado akong nabigla lang ‘yon si Don Alessio kaya ka niya nasigawan. Hindi niya ‘yon sinasadya.”

“Ilang beses niya po akong sinigawan, hindi niya po ba ‘yon sinasadya?”

“Arabella, nagmamakaawa ako, huwag kang magdesisyon nang tapos pagkatapos ng nangyari. Isipin mong mabuti ang mga mangyayari bago ka magdesisyon. Nasisigurado kong hindi intensyon ni Don Alessio ang pagalitan at sigawan ka.”

Umiling ako habang pinupunasan ang aking mukha. “Buo na po ang desisyon ko, Sir Benjamin. Aalis na po ako bukas. Ayoko na po ulit makita si Mr. Conti.”

“Kung aalis ka na, paano ang sahod mo?”

“Hindi ko na po kukunin. May dala naman po akong kaunting pera dito, sapat na po itong pamasahe ko pauwi.”

“Paano ang tatay mo? Napag-alaman kong nasa ospital siya ngayon. Paano mo mababayaran ang balances niyo doon? Alam mo bang ang sasahurin mo rito sa isang buwan ay sapat na upang pambayad niyo ng buo sa ospital?”

“Kung palagi naman po akong sisigawan, mas nanaisin ko na lang pong mamalimos para sa tatay ko,” mapait kong sagot sa tanong niya.

“Arabella, ako na mismo ang nakikiusap, huwag kang umalis. Pakiusap, pakinggan mo ako.”

Binitawan niya ako at nagpakawala nang malalim na buntong-hininga.

“Mabuting tao si Mr. Conti. Maaga siyang namulat sa pagtatrabaho dahil nais ng mga magulang niyang masanay siya agad sa mundo ng pakikipagkalakaran. Hindi mo naitatanong, ilang beses niya na rin akong nasigawan. Matanda na ako pero hindi niya pa rin maiwasang mapagalitan ang tulad ko. Kaakibat niya na ang pagiging perfectionist. Kaunting pagkakamali lang ay umiinit kaagad ang kanyang ulo. Pero sinasabi ko sa’yo, hindi niya intensyong saktan ka. Kung nasigawan ka man niya, bugso lang iyon ng kanyang damdamin. Huwag mo sana ‘yon masyadong dibdibin.”

Nakagat ko nang bahagya ang loob ng aking labi nang makaramdam ng guilt. “Eh, kasi naman po, bakit ganun na lang po yung galit niya nang makita niya ako doon sa bahaging ‘yon ng third floor? May nilabag na po ba ako?”

Ngumiti siya nang marahan. “Wala kang nilalabag, Arabella. Siguro, dala lang ng pagkagulat na makitang naroon ka. Ayaw niya kasing may pumupunta doon sa bahaging ‘yon ng third floor ng walang paalam.”

“Eh, hindi ko naman po kasi alam, eh. Malay ko ba. Pwede niya naman sabihing hindi ako pwede doon. Hindi yung sisigawan niya pa ako.”

He gently patted my head. “Masasanay ka rin sa kanya, Arabella.” Tumayo na siya. “Magpahinga ka na muna. Kahit bukas ka na ulit magtrabaho. Ako na ang bahalang magpakalma kay Mr. Conti.” Kininditan niya ako nang pabiro sabay lakad papalabas ng aking kwarto.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status