Share

CHAPTER 6: AMBUSH ATTACK

ARABELLA’S POV

“KAMUSTA na ang tatay mo, Arabella?”

Kasalukuyan kaming nagpapahinga sa malawak at maaliwalas na Staff Lounge ng mansyon nang kamustahin ni Sir Benjamin ang lagay ng aking ama.

Kasama ang iba pang mga katulong, minabuti naming huminto sandali mula sa aming mga gawain upang kumain ng meryenda – Macaroni soup.

I paused for a moment, and suddenly, vivid images of my father lying unconscious on the hospital bed filled my mind.

“Wala pa rin pong pagbabago, Sir Benjamin,” malumbay kong sagot. “Base po sa kwento ng kaibigan ko noong isang gabi, hindi pa rin daw po nagkakamalay si papa. Nag-aalala na po ako, baka hindi na po siya…”

“Arabella,” aniya, tumingin siya sa’kin ng may pag-aalala. “Huwag kang mawawalan ng pag-asa,” udyok niya. “Tiyak na magkakamalay rin ang ama mo.”

Pinilit kong ngumiti habang marahang pinaikot-ikot ang hawak kong kutsara sa mangkok ng sopas.

Maagang umalis ng mansyon si Mr. Conti kasama ang kanyang mga bodyguard ngayong umagang ito. Hindi maipagkakaila ang kanyang natatanging kagwapuhan, lalo na sa suot niyang iconic gray tuxedo.

Tuloy lang ang kwentuhan namin ng kapwa ko mga kasambahay nang walang anu-ano’y may nagsisisigaw palapit sa amin.

Tinatawag nito ang mayordomong si Sir Benjamin.

“Anong problema? Bakit ka sumisigaw?”

“Sir Benjamin, bumalik na po sila Mr. Conti,” parang nahihintakutan nitong balita. “Masama po---”

Hindi na ito pinatapos ni Sir Benjamin.

“Arabella, sumunod ka sa’kin. Bilisan mo,” utos nito kasabay nang matuling lakad-takbo patungo sa sala.

Agad akong tumayo at sumunod. Napunó ng katanungan ang isip ko.

Nang marating ang living room ay doon ko lang lubos na naintindihan kung bakit halos hindi magkandaugaga ang mga tao sa mansyon.

Matatanaw mula sa malawak na sala ng mansyon ang kotse sa labas na kanina lamang ay nasa maayos na kondisyon, ngunit ngayon ay halos tadtad na ng tama ng bala.

Bumaba mula rito si Mr. Conti, na todong inaalalayan ng kanyang mga bodyguard.

Habang meron ring nag-a-assist sa kapwa nila bodyguard na mga duguan at halos mawalan na ng malay.

I stared into the distance for a moment, my thoughts racing, trying to make sense of the situation.‘Diyos ko, ano ‘tong nangyayari? At bakit ‘to sinapit nila Mr. Conti?’ tanong ko sa aking isip.

My heart pounded as I struggled to grasp the gravity of the situation.

“Mr. Conti, are you alright, sir?” nag-aalalang tanong ni Sir Benjamin habang inaalis ang tuxedo jacket ni Mr. Conti na may mga bahid ng dugo.

Naituon ko ang aking tingin kay Mr. Conti na wala masyadong reaksyon ang mukha at animo’y sanay na sa mga ganitong kaganapan.

“I’m fine, Benjamin,” isang mahinahong tugon mula sa kanya, ngunit hindi rin maipagkakaila ang pagkabahala sa kanyang mukha. Umiling siya at napabuntong-hininga. “Two of my men were critically shot in the chest and various parts of their body. I want you to call Dr. Damien. He knows what to do.”

“Right away, sir,” patakbong tinungo ni Sir Benjamin ang bahagi ng mansyon kung saan naroon ang telepono at agad na nag-dial ng numero.

“Arabella,” napaigtad ako nang banggitin niya ang aking pangalan, “I want you to come with me in my room.”

“Y-Yes, sir.”

Nagsimula na siyang maglakad patungo sa ikalawang palapag ng mansyon. Ramdam ko ang malakas na kabog ng aking dibdib habang ako ay nakasunod lamang sa kanya.

Pagkapasok ng kwarto, agad niyang inalis ang kurbata, sunod naman ang pagtanggal sa pagkakabutones ng kanyang damit. Ginawa niyang lahat ng ito nang walang kaimik-imik.

Akma niya nang aalisin ang damit nang may kumatok sa pinto.

“Boss!” Natigilan panandalian ang pumasok na lalaki nang mapansin ako sa loob. Ngunit agad ring nabaling ang atensyon kay Mr. Conti. “Boss, there’s something you need to know about the ambush we faced on the way to the excavation site.”

When Mr. Conti turned in our direction, that’s when I caught a glimpse of the hidden bulletproof vest, thanks to his fully unbuttoned shirt. “Go on, Hush. What did you find out?”

“It appears that the attack was orchestrated by a clan from the Salvatores, Boss. We received some conversation from their side that confirms it.”

Napansin ko ang biglaang pagdilim ng aura ni Mr. Conti base sa narinig.

“The Salvatores,” he muttered. “They’re becoming bolder by the day.”

“Yes, Boss, but it doesn’t end there. According to our sources, it wasn’t just the Salvatores that ambushed us. There were others and they’re well-organized. It felt like a coordinated attack.”

Tumango si Mr. Conti ngunit nanatiling madilim ang ekspresyon ng kanyang mukha kasing dilim ng kalangitan na may dalang bagyo.

“Let’s talk more about this in my private office, Hush. For now, I want you to gather our best men, heavily armed. Cautiously, go back to the ambush site. Know if those people are still lurking around. If they are, deal with them swiftly and decisively.”

“Consider it done, Boss. We’ll make sure they regret ever crossing paths with the Conti family,” sagot ng lalaki sabay lakad palabas ng kwarto ni Mr. Conti.

‘Ambush attack? Heavily armed? The Salvatores?’

‘Diyos ko, sino ba ang taong ‘to? Bakit ganito na lamang siya ka-kalmado sa kabila ng mga nangyayari? At bakit ganito sila ka-organisado sa kanilang mga gagawin?’

The ambush, the danger and Mr. Conti’s calm demeanor in the face of it all left me with a sense of unease.

But despite all the confusion, I remained committed to my duty. I knew Mr. Conti needed a moment of respite. So, I quietly left the room, heading to the bathroom to prepare his bath, giving my boss some much-needed time to relax.

Once everything was prepared, I promptly informed Mr. Conti that his bath was ready.

Perhaps due to deep contemplation about the situation, he initially gazed at me for a while before breaking into a smile and expressing his gratitude.

Pantalon na lamang ang suot niya nang muling may iutos sa akin.

“Arabella,” he called out with authority, “I’d like one of those Cuban cigars from the humidor in the living room. Please bring it to me and also, have a glass of aged rum ready for when I move to the bath.”

“Certainly, Mr. Conti.”

Nang makababa, agad akong tumungo sa sala kung saan naroon ang humidor na kinalalagyan ng mga paboritong sigarilyo at tabako ni Mr. Conti.

My heart raced. I paused as I needed a moment to collect my thoughts, to process the shocking news of the ambush and the dangerous world I was now a part of.

After taking a few deep breaths to steady my nerves, I reengaged with my assigned task.

Habang kumukuha ng tabako, narinig ko ang boses ni Sir Benjamin sa ‘di kalayuan.

He drew nearer and, with a worried voice, inquired, “Arabella, kumusta si Don Alessio? Nagtamo ba siya ng sugat mula sa pananambang?”

“Sa tingin ko po ay mukhang okay naman po siya,” sagot ko pagkalingon sa kanya. “He didn’t mention any wounds, Sir Benjamin. Kasalukuyan po siyang naglalaan ng oras upang makapagrelax sa kanyang bathtub. Ito lang po ang hiling niya at isang baso ng aged rum.”

A brief pause ensued before Sir Benjamin continued, “Arabella, alam kong marami kang tanong sa ngayon. Hindi ito pangkaraniwang pangyayari at alam ko kung gaano ka nababahala tungkol dito. Kapag handa ka nang malaman lahat tungkol kay Don Alessio, handa akong ikwento ito sa’yo.”

I met his gaze and admitted, “Ibig ko pong banggitin ito sa inyo, Sir Benjamin. Labis pong nakakagulat at nakakabahala ang mga pangyayari. At mukhang kayo lang po ang makapagbibigay sa akin ng malinaw na impormasyon tungkol kay Mr. Conti at ang nangyari sa kanila.”

“Wala kang dapat na ikabahala, Arabella. Nandito ako para ibahagi sa’yo ang lahat ng nais mong malaman.”

Magalang akong tumango at nagpasalamat sa pagiging mabuti at maalalahanin nito sa akin.

Matapos kumuha ng tamang dami ng iniutos na finest aged rum sa underground cellar ay inilagay ko na ito, kasama ang isang Cuban cigar, sa isang tray.

Pagkatanggap ni Mr. Conti ng mga ito ay pinayuhan niya akong magpahinga muna. Ipapatawag na lamang ako kapag may kailangan na siyang muli.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status