Share

CHAPTER 2 - MEETING DON ALESSIO CONTI

ARABELLA’S POV

ARAW NG LINGGO

Dahil walang pasok sa bakeshop napagpasyahan nila Daisy at Bianca na samahan ako sa ospital.

Naputol ang aming malumanay na kwentuhan nang bumisita ang landlady namin na si Aling Vicky. Kinamusta nito ang kalagayan ni Papa. Pagkatapos ay nag-alok ito sa’kin ng trabaho bilang kasambahay. Nabanggit ko kasi dito ang paghahanap ko ng isa pang trabaho.

Ngunit laking panlulumo ko nang malaman na sa Isla Hermosa pala ang aking pagsisilbihan.

“Sa Isla Hermosa po? Naku… napakalayo naman po. Hindi ko po yata kayang malayó kay Papa.”

“Naku ineng… sa panahon ngayon kailangan mong makipagsapalaran. Para rin naman sa tatay mo ang gagawin mo. Kung ako sa’yo, kukunin ko na ang pagkakataong ito dahil bibihira lang ang makuhang taga-silbi sa islang ‘yon. Mga prominenteng tao ang mga nakatira doon at tungkol naman sa sasahurin mo, hinding-hindi ka magsisisi. Malaki ang makukuha mong sahod doon.”

“Wala naman pong problema kung hindi gaanong kalakihan ang sahod, problema ko po kasi ang magbabantay kay Papa. Wala naman po akong ibang kasama sa bahay na mapag-iiwanan sa kanya, eh.”

“Uy, bessie, nakalimutan mo na ba kami ni Bianca? Kami na ang bahalang magbantay kay Tito habang wala ka,” ani Daisy.

“Oo nga naman, palitan na lang kami sa pagbabantay sa kanya. Kaya na namin ‘yon,” dagdag naman ni Bianca.

“Sigurado kayo? Eh, pa’no mga trabaho niyo? Nakakahiya naman sa inyo.”

“Naku, bes, ngayon ka pa nahiya. Ilang taon na tayong magkakaibigan, marami na tayong kinaharap na mga pagsubok sa buhay. Kung ako sa’yo, kukunin ko na ang trabahong ‘yan.”

Saglit akong nag-alinlangan.

“Bes, ako mismo ang magtatampo kapag hindi mo kinuha ang alok ni Aling Vicky.” Lumapit si Bianca at pinatong ang braso sa aking braso. “Natatandaan mo pa ba nung highschool tayo? Nagka-dengue ako noon. Sino ang nagbantay sa’kin sa ospital, ‘di ba, ikaw? Nagtiis ka noon, bes, para sa’kin. Kaya bilang ganti, hayaan mo na kami ang magbantay at mag-alaga kay Tito Greg.”

Pinigilan kong huwag maluha sa pagkakaroon ko ng mga maaasahang kaibigang tulad nila. “Sige na nga, tinatanggap ko na.”

“Mabuti naman kung ganun,” masayang wika ni Aling Vicky. “Mabuti pa, ayusin mo na mamaya ang mga dadalhin mong gamit at mga papeles mo. Dahil base sa pagkakaalam ko, bukas ka na pupunta doon.”

“Bukas na po?” halos mapanganga ako sa gulat.

“Oo, bukas na. Huwag kang mag-alala, may magsusundo naman sa’yo.” Matapos nito ay nagpaalam na ito sa amin.

“Bes, kung nag-aalala ka sa pag-alis sa bakeshop, huwag kang mag-alala, sasamahan kitang magpaalam kila ma’am.”

Kinabukasan, gaya ng sinabi ni Aling Vicky ay meron ngang sumundo sa aking isang lalaking sakay ng isang mamahaling kotse.

Maaga akong nagpaalam kila Daisy at Bianca. Hindi ko naiwasang lumuha lalo na nung oras na nagpapaalam ako kay Papa.

Si Mama naman ay hindi ko man lang nakilala. Sabi ni Papa nagkaroon daw ng malubhang sakit si Mama noong pinanganak ako at maaga siyang kinuha sa’min. Ni larawan niya ay walang naitago si Papa.

Ilang oras lang ang lumipas ay sumakay na kami ng barko. Talaga nga namang napakalayo ng Isla Hermosa. Humigit-kumulang limang oras ang aming hinintay bago narating ang islang ito.

Ngunit hindi naman ako disappointed dahil sa loob pa lang ng barko ay nakikita ko na kung gaano kaganda ang Isla Hermosa.

Pagkababa ng barko ay agad akong iginiya ng lalaking sumundo sa akin kung saan ang bahay ng pagsisilbihan ko.

Labis ang aking pagkamangha nang masilayan ang malapalasyong bahay.

Ang magarang mansyon na ito ay gawa sa malamig na kulay na marmol na may mga detalyeng gintong mayaman. Mayroong mahaba at malapad na cobblestone path patungo sa malaking pintuan ng bahay.

Tumigil ako sa harap ng bahay kung saan merong naghihintay na isang may edad na lalaking nakasuot ng uniporme.

“Magandang hapon. Ikaw si Arabella Russo, tama ba?” pagbati nito sa akin.

“O-Opo, ako nga po. Ako po ang pinadala dito bilang katulong.”

“Ako si Benjamin, ang mayordomo nitong bahay. Kumusta ang byahe mo?”

“Maayos naman po ang byahe ko, salamat po.”

“Mabuti kung ganun. Sumunod ka sa akin.”

Magalang akong sumunod dito papasok habang punó ng paghangang pinagmamasdan ang loob ng mansyon.

Ilang sandali lang ay tumigil ang lalaki at humarap sa akin. “Sasamahan ka ng isa sa mga katulong sa iyong magiging kwarto. Ilagay mo muna doon ang mga gamit mo at bumaba ka ulit dito pagkatapos.”

Ginawa ko ang kanyang sinabi at sumunod na muli sa kanya.

“Ipakikilala kita sa may-ari nitong mansyon, Arabella. Pero bago iyon, may ilang paalala akong ibibigay tungkol sa iyong trabaho.”

“Sige po, sir. Anu-ano po ang mga dapat kong tandaan?”

“Una sa lahat, ikaw ay magiging personal maid ni Don Alessio Conti. Kaya naman tungkulin mong maging disiplinado lalong-lalo na pagdating sa tamang oras ng paggising at maging magalang sa lahat ng oras. Kailangan mo ring maging maingat at responsible sa mga gawaing-bahay tulad ng paglilinis at pag-aasikaso sa mga gamit niya. Pangalawa, ang privacy ng bahay na ito ay napakahalaga, kaya’t kailangan mong maging maingat sa lahat ng oras. At panghuli, kung may mga special na utos o requests, huwag kang mag-atubiling magtanong.”

“Salamat po sa mga paalala, Sir Benjamin. Gagawin ko po ang best ko para magampanan nang maayos ang pagiging personal maid ni Don Conti.”

“Maganda ‘yan, Arabella. Mukhang magkakasundo tayo.”

Nagsimula na kaming maglakad muli patungo sa ikalawang palapag ng kanang bahagi ng mansyon.

Tumigil kami sa tapat ng isang pinto kung saan merong dalawang lalaking nakatayo sa harap na tila ba nagbabantay rito.

Dahil sa aking pagiging mausisa, nakuha ng pinto ang aking pansin na base sa aking nalalaman ay gawa sa matigas na narra wood. May mga nakaukit ritong iba’t-ibang simbolo gaya ng dragon, alon at ang iba ay halos hindi ko na maintindihan.

“Pasensya sa abala, Samuel at Marco. Hinihiling kong payagan niyo akong makausap si Don Alessio sa kanyang study room upang ipakilala si Arabella Russo, ang bago niyang personal maid.”

Tiningnan kami nang matalim ng isa sa mga nagbabantay. “Hindi kami makakapayag na papasukin ka, Benjamin, alam mo iyan.”

“Tama si Marco, Benjamin. Malinaw na iniutos ni Don Alessio na huwag siyang aabalahin,” dagdag naman nung isa.

“Sana ay maintindihan ninyo, hindi ito ang sarili kong kagustuhan. Inaasahan ngayon ni Don Alessio na makilala niya ang kanyang personal maid. Nagkausap na kami kahapon tungkol dito.”

Mukhang nag-isip nang malalim ang isa sa kanila. “Sige. Papayagan namin kayong pumasok. Pero hindi kayo maaaring magtagal.”

Kinakabahan ako.

‘Bakit ganito sila kahigpit sa pagbabantay sa taong pagsisilbihan ko? Siguro, isa itong matandang lalaki na tunay nilang iginagalang at pinoprotektahan.’

“Maraming salamat, mga ginoo. Huwag kayong mag-alala, hindi kami magtatagal sa loob. Tara na, Arabella.”

Pagkapasok sa loob ay agad na sumalubong sa akin ang napakabangong amoy panlalaki sa study room ni Don Alessio.

Napansin ko ang isang lalaking nakatalikod sa amin na nakaupo sa kanyang swivel chair. Nakayuko siya nang bahagya at tila ba taimtim na nagbabasa ng libro, habang hawak gamit ang dalawang daliri sa kaliwang kamay ang isang umuusok na tabako.

“Your Excellency, please allow me to introduce Arabella, who has been selected as your new personal maid.”

Punó ng paghangang tinitigan ko si Sir Benjamin dahil sa kanyang magandang accent gamit ang wikang Ingles.

Tila ba tumigil naman ang oras nang tuluyang humarap sa amin ang tinatawag nilang Don Alessio Conti. Hindi siya ang ini-imagine kong matanda at matabang lalaki na aking paglilingkuran.

Halos lumuwa ang aking mga mata sa kagwapuhan ng lalaking nasa aking harapan. He’s a handsome guy with smooth, chestnut hair neatly swept back from his forehead.

Napakakisig niyang tingnan sa suot niyang puting long sleeves na damit na nakasuksok sa kulay kayumangging pantalon.

“Very well, Benjamin,” sagot niya pagkatayóng-pagkatayo sabay lapag ng libro sa ibabaw ng desk. Kasunod nito ang paglagay niya ng tabako sa ashtray. Pakiramdam ko’y hihimatayin ako sa kaba at kilig nang tumingin siya sa akin. “Welcome, Arabella. I am Alessio Conti. I am delighted to have a lovely woman like you serving as my personal maid.”

Naramdaman ko ang biglaang pagbilis ng tibok ng aking puso sa kanyang sinabi.

“Before anything else, Benjamin, did she pass all the qualifications required for this role, including having a clean record?”

“Yes, Mr. Conti. She have met all the qualifications and have a clean record. In fact, we’ve conducted a comprehensive review of her documents across multiple government agencies, and we’ve verified that she aligns with all the information contained therein, without any breaches of regulations.”

“Very well. I expect professionalism and efficiency in this house. My personal maid needs to be attentive and discreet.”

Hindi ko namalayang nakatitig lang pala ako sa kanya nang maramdaman ko ang marahang pagsiko sa akin ni Sir Benjamin. “Ah… I am so happy to be your personal maid, sir,” nauutal kong sagot.

Naging matalim panandalian ang ibinigay niyang tingin sa akin. Pinagkrus niya ang kanyang mga braso sa kanyang dibdib. “I see. It’s only the first day and you’re already having difficulty following my words.”

‘Naku, nagalit ko yata siya. Lagot na.’

“I apologize, sir, for her inattentiveness,” Sir Benjamin apologized wholeheartedly. “But I can reassure you that her lack of focus is solely a result of the nervousness she’s feeling at the moment.”

“Alright. Arabella, as my personal maid, I expect you to be punctual, adaptable, and able to maintain confidentiality.”

“Absolutely, Sir. I am committed to maintaining a high level of professionalism and discretion,” I humbly replied.

Patuloy siyang nakatitig sa akin na lalong nagpabilis ng tibok ng aking puso. “Let me make one thing clear, Arabella. Failure to meet my expectations has consequences. You wouldn’t want to experience those, would you?”

Napalunok ako nang bahagya. “N-No, Sir. I will do everything in my power to meet and exceed your expectations.”

“Very well. You will start immediately. The head of household staff will give you a rundown of your duties and schedule. You’re dismissed.”

“Thank you, Sir. I won’t let you down.”

“Just stay composed and perform your duties well. You’ll be fine,” bulong sa akin ni Sir Benjamin nang tuluyan na kaming makalayo sa study room ni Mr. Conti.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status