THIRD PERSON POV Lumipas ang ilang araw at kasalukuyang abala ang lahat sa kusina kabilang na si Arabella. May inaasahang mga bisita si Alessio ngayong araw na ito ngunit imbes na sa private office ay napili niyang magtipon sila sa may Veranda lounge. “I contacted my parents the other day about the upcoming Founding Anniversary of the Mafia Organization,” anunsyo niya habang kaswal na nakaupo sa Victorian-style na silya, kaharap sina Markel, Lucas at isa sa kanyang pinaka-pinagkakatiwalaang business associates na nagngangalang Kier. “Any special plans for this grand mafia bash?” pabirong tanong ni Markel. With a smirk, Alessio replied, “Well, my mom has some ideas. She’s thrilled about the event and suggested a masquerade extravaganza theme this year.” Napaangat ng kilay si Lucas. “Masquerade extravaganza? Seriously?” Alessio nodded, “Men in sleek suits with mysterious masquerade masks and women in elegant gowns with ornate masks. According to her, it's about embracing power an
ARABELLA’S POV"Arabella, pagkatapos mong tumulong sa kusina, I'd appreciate it kung makakapaglinis ka sa hallway.”Walang pag-aalinlangan akong tumalima sa utos na ito ni Sir Benjamin.Hawak ang isang plumero, maingat kong nilinis at pinakintab ang mga palamuti na nasa pasilyo.Matapos nito ay dumiretso ako sa storage room upang kumuha ng mop. Mukha kasing hindi rin naman ako ipapatawag ni Alessio dahil abala ito sa kanyang mga bisita, kaya’t ipagpapatuloy ko na lamang ang paglilinis. Sinimulan kong i-mop ang sahig sa kahabaan ng koridor patungo sa lavatory. Habang ginagawa ito, nagsimulang maglakbay ang aking isip pabalik sa kawalang pakialam na pinakita ni Alessio. Hanggang ngayon ay nakakaramdam pa rin ako ng kaunting kirot.Hindi ko tuloy maiwasang mangamba sa tunay na nilalaman ng kanyang puso para sa akin. Ilang sandali pa ay naudlot ang aking pagmumuni-muni nang mapansin ko ang presensya ng isang tao sa hindi kalayuan. Siya ang babaeng kanina lamang ay kasalo ni Alessio sa
ARABELLA’S POVSA PAGDAAN NG mga araw ay napapadalas na ang pagbisita ni Sabrina sa mansyon. Meron ring mga taong bumibisita at ang ilan sa kanila ay pinag-aaralan ang kabuuan ng mansyon kasama na ang malawak na hardin. Ayon kay Sir Benjamin, ito raw ang mga taong itinalaga upang siyang mag-organisa sa nalalapit na okasyon. Dahil sa matinding kyuryusidad ay hindi ko na naiwasang mag-usisa tungkol rito. Umangat ang tingin ni Sir Benjamin mula sa tinitimplang kape at sinimulang i-kwento ang lahat.Doon ko lang napagtanto nang lubusan ang kahalagahan ng okasyon. Ayon sa kanya, ito’y isang engrandeng kaganapan kung saan ang mga magulang ni Don Alessio, ang kanilang mga kamag-anak, mga malalapit na kaibigan at mga kasosyo sa negosyo ay magsasama-sama upang kilalanin ang katatagan ng organisasyon mula pa sa hanay ng mga pinunong pinanggalingan ng kanilang angkan.Binalot ako ng pangamba nang malamang kailangan ko ring maghanda ng isusuot para rito. “Hindi po ba pwedeng simpleng damit na
ARABELLA’S POV “Bes, sure ka na ba talaga dito? Hindi na ba magbabago isip mo?” nag-aalalang tanong ni Bianca. “Oo, bes. Nakapag-isip-isip na ako. Sigurado na ako sa desisyon kong ito,” matatag kong sagot habang nakaharap sa salamin. Kamakailan lang ay may ibinalita sa akin ang kaibigan kong si Daisy na nagtatrabaho sa isang kilalang Cabaret sa bayan. Ayon sa kanya, may lalaking bumisita sa Cabaret at nag-alok ng malaking halaga ng pera kapalit ng isang gabing kasama ang isang lalaki. Ang hanap raw ng amo ng lalaking bumisita ay isang babaeng hindi pa nagkaroon ng nobyo sa tanang buhay nito. Dahil dito ay agad akong naisip ni Daisy. Alam niya ang pagsubok na kinakaharap ko ngayon sa buhay. Sa labis na pangangailangan sa pera ay pikit-mata ko itong tinanggap. Kaya kong gawin ang kahit na anong marangal na trabaho ngunit wala rito ang sumasapat. Napagtanto kong kailangan ko nang kumapit sa patalim. Kasalukuyang nasa ospital ang aking ama at nasa state of coma. At dahil sa matagal
ARABELLA’S POV ARAW NG LINGGO Dahil walang pasok sa bakeshop napagpasyahan nila Daisy at Bianca na samahan ako sa ospital. Naputol ang aming malumanay na kwentuhan nang bumisita ang landlady namin na si Aling Vicky. Kinamusta nito ang kalagayan ni Papa. Pagkatapos ay nag-alok ito sa’kin ng trabaho bilang kasambahay. Nabanggit ko kasi dito ang paghahanap ko ng isa pang trabaho. Ngunit laking panlulumo ko nang malaman na sa Isla Hermosa pala ang aking pagsisilbihan. “Sa Isla Hermosa po? Naku… napakalayo naman po. Hindi ko po yata kayang malayó kay Papa.” “Naku ineng… sa panahon ngayon kailangan mong makipagsapalaran. Para rin naman sa tatay mo ang gagawin mo. Kung ako sa’yo, kukunin ko na ang pagkakataong ito dahil bibihira lang ang makuhang taga-silbi sa islang ‘yon. Mga prominenteng tao ang mga nakatira doon at tungkol naman sa sasahurin mo, hinding-hindi ka magsisisi. Malaki ang makukuha mong sahod doon.” “Wala naman pong problema kung hindi gaanong kalakihan ang sahod, problem
ARABELLA’S POV Laking pasasalamat ko at maayos ang pakikitungo sa akin ng mga kapwa ko kasambahay. Lumipas ang ilang araw at unti-unti kong nakagawian ang tungkulin ko bilang isang personal maid. Marami rin akong nalaman patungkol sa taong aking pinagsisilbihan. Ayon sa mayordomo na si Benjamin, si Mr. Alessio Conti ay may lahing Italyano ngunit lumaki sa bansang Estados Unidos na kalaunan ay nakarating rito sa Pilipinas. Nakakaintindi rin pala siya ng Tagalog ngunit mas pinipili niyang magsalita sa mga wikang nakagisnan niya gaya ng Ingles, Italyano at Dutch. Siya ay 30 years old pa lamang ngunit isa na siya sa mga mayayamang negosyante sa bansa at tunay na nirerespeto at kinatatakutan ng kanyang mga tauhan. Habang abalang naglilinis sa kahabaan ng corridor ay hindi ko maiwasang mapatigil sa aking ginagawa nang maalala ang tatay ko at mga kaibigan. ‘Kumusta na kaya sila? Gising na kaya ngayon si Papa?’ Hindi ko magawang tumawag kila Bianca at Daisy dahil maya’t maya’y merong pin
ALESSIO’S POV After the successful dinner meeting with my co-partners in the Excavation Project in my private office, I instructed one of my bodyguards to call the butler, Benjamin. It made my blood boil to catch my personal maid peeking at the remote corner of the third floor. ‘Does she already have an idea of what’s in one of the rooms there? I have to figure that out.’ “Your Excellency, according to your bodyguard, you wanted to see me, sir,” Benjamin said as soon he entered the study room. In the dimly lit, opulent study of my grand estate, I sat behind my imposing mahogany desk, seething with anger. My sharp eyes, usually filled with authority, were now ablaze with irritation as I faced Benjamin, my loyal butler, who stood with utmost respect before me. “Benjamin, can you explain to me why I had to personally catch my personal maid, Arabella, peeking at the remote corner of the third floor, which is explicitly prohibited?” I said, my voice dripping with frustration. Mainta
THIRD PERSON POVAlessio Conti entered the room, his presence commanding attention. He wasted no time and cut straight to business, his eyes narrowing as he analyzed the blueprints laid out before him. He gathered his most trusted business associates in his lavishly decorated private office to have a thorough discussion regarding the Excavation Project that held a potential to expand his empire. Habang abala ang grupo sa kanilang diskurso, nagsimula namang maglakbay ang isip ni Alessio. Ang tagpo kung saan nakita siya ni Arabella na hubo’t hubad ay nagsimulang maglaro sa kanyang isipan na para bang eksena sa isang pelikula.He leaned back, his thoughts racing. He couldn’t help but feel this unexplainable gladness at how Arabella blushed when she saw him in such a situation. Iyon ang unang pagkakataon na nasiyahan siyang pagmasdan ang reaksyon ng isang tao sa ganoong paraan.Markel, his closest confidant and right-hand man, cleared his throat and with a stern look, said, “Time to de