Share

CHAPTER 14: KALITUHAN

ARABELLA’S POV

SA PAGDAAN NG mga araw ay napapadalas na ang pagbisita ni Sabrina sa mansyon. Meron ring mga taong bumibisita at ang ilan sa kanila ay pinag-aaralan ang kabuuan ng mansyon kasama na ang malawak na hardin. Ayon kay Sir Benjamin, ito raw ang mga taong itinalaga upang siyang mag-organisa sa nalalapit na okasyon.

Dahil sa matinding kyuryusidad ay hindi ko na naiwasang mag-usisa tungkol rito.

Umangat ang tingin ni Sir Benjamin mula sa tinitimplang kape at sinimulang i-kwento ang lahat.

Doon ko lang napagtanto nang lubusan ang kahalagahan ng okasyon.

Ayon sa kanya, ito’y isang engrandeng kaganapan kung saan ang mga magulang ni Don Alessio, ang kanilang mga kamag-anak, mga malalapit na kaibigan at mga kasosyo sa negosyo ay magsasama-sama upang kilalanin ang katatagan ng organisasyon mula pa sa hanay ng mga pinunong pinanggalingan ng kanilang angkan.

Binalot ako ng pangamba nang malamang kailangan ko ring maghanda ng isusuot para rito.

“Hindi po ba pwedeng simpleng damit na
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status