"Echoes of Forever" is a captivating anthology of love stories that transcends time and space. From ancient Rome to modern-day New York, each story weaves together the threads of love, fate, and destiny, proving that true love can withstand the test of time.
View MorePearl: Ate, buntis ako. Ang asawa mo ang ama.
Umuga sa sakit ang buong katawan ni Psalm nang mabasa ang chat. Gusto niyang bitiwan ang cellphone at ihulog na lamang sa sahig. Pero may bagong message na pumasok. Pearl: Huwag mo akong sisihin. Tatlong taon na kayong kasal pero hindi mo pa rin mabigyan ng anak si Darvis. Ilang beses lang kaming nagtalik at heto nabuntis ako agad. Mariing kinagat ni Psalm ang ibabang labi at hindi na tinikis ang mga luha. Pinabayaan niyang isa-isang malaglag hanggang sa mistulang ilog iyon na bumaha pababa sa mga pisngi niya. Hindi niya inasahan na darating siya sa puntong ito. Kahit minsan ay hindi niya pinagdudahan ang pag-ibig ng kaniyang asawa. Ano pa ba ang kulang sa kaniya? Ano ba ang naging pagkakamali niya para parusahan siya ng ganito ni Darvis? At sa dinami-rami ng babae, kapatid pa talaga niya ang kinabit nito? Pearl: Ate, wala ka naman talagang kuwenta, alam mo iyan. Kasunod ng huling chat na iyon ay ang photo ng pregnancy test pack. Nakabandera roon ang dalawang pulang linya, indikasyon na buntis nga ang kapatid. Banayad na hinaplos ni Psalm ang kaniyang tiyan at sumilip ang mapait na ngiti sa sulok ng labi. Tatlong taon na siyang kasal kay Darvis. Buong Sto. Dominggo ay naniniwalang mahal siya ng lalaki at kahit kailan ay hindi siya nito magagawang saktan. Ayon nga sa karamihan, mabuting lalaki raw ang natagpuan niya at pagpapala iyon dahil sa mga kawanggawa ng kaniyang ninuno noon. Pero walang nakakaalam. Si Darvis Florencio ay anak lamang sa labas at hindi tanggap ng pamilya nito. Ramdam ni Psalm noon ang pait ng mga pinagdaanan ng lalaki dahil dumanas din siya ng kaparehas na karanasan. Hanggang sa hindi na niya natiis ang patuloy na pagmamaliit kay Darvis at ang pagkasadlak nito sa impeyernong pinagkulungan dito ng sariling mga kamag-anak. Buong tapang niyang hinawakan ang kamay ni Darvis noon at inakay ito palabas sa madilim na mundong nilikha ng pamilya nito. Sinamahan niya ang lalaki, pinapalakas ang loob upang magkaroon ng pag-asa habang hinahabol nito ang tiwala ng mga Florencio, kungsaan ang pagmamahal ay mahirap makamit dahil sariling interes ang inuuna ng bawat isa. Tinulungan niya ang asawa na maging lider ng angkan at makuha ang kapangyarihang kailangan nito. Nagtagumpay ang lalaki. Saka siya nito inalok ng kasal at kaagad siyang pumayag. Galante si Darvis. Hindi siya tinipid bagkus ay binigyan siya ng engrandeng kasal. Lahat ng bagay na kailangan niya ay nakukuha niya sa isang pitik lang ng daliri. Isa siyang asawa na kinaiinggitan ng mga kababaehan sa buong bansa. Kompleto at masaya ang buhay niya. Pero kailan nga ba nagbago si Darvis? Tatlong buwan na ba? Tama. Tatlong buwan na nga ang lumipas mula nang gabing iyon. Ang gabing kasing itim ng tinta at naglunod sa kaniya sa matinding pagkawasak. Nagpunta noon si Psalm sa Haven 101, isang exclusive club na madalas bisitahin ni Darvis. Balak niya kasing sorpresahin ang asawa. Ngunit sa bungad pa lang ng pinto'y narinig na niya ang kaibigan at kababata ng lalaki na tinutudyo ito. "'Tol, plano mo bang manatiling loyal sa piling ng asawa mo habang buhay? Ayaw mo talagang tikman ang ligaw na mga bulaklak sa tabi-tabi?" kantiyaw nitong naglalaro ang halakhak sa tono. "Tigilan mo nga ako, Jun." "Grabe, ano'ng klase kang lalaki kung hindi ka marunong magtaksil, di ba, guys?" Naghanap pa ito ng kakampi mula sa ibang mga naroon. "Matagumpay ka, ma-impluwensya, tinitingala. Dapat may mga babae ka sa labas ng tahanan mo na handa laging bigyan ka ng good time." Natanaw ni Psalm na napawi ang ngiti sa labi ni Darvis. Pahinamad itong sumandal sa sofa at sinuyod ng malamig na tingin ang mga naroon. "Gusto mo ba ng gulo?" may babala sa timbre nito. Natahimik ang lahat. Ang iba na kanina ay natawa at nakisali sa asaran ay biglang natakot at namutla. Halos lumuhod ang mga ito at pagsasampalin ang sarili. Alam ng mga kaibigan nito na si Psalm ang kahinaan ni Darvis. Ngunit, biglang nagsalita ang lalaki. "Pero, ano nga ba ang lasa ng ligaw na mga bulaklak. Nasubukan mo na ba, Jun?" Muli nitong binalingan ang kaibigan. "Boring mag-stay sa iisang tao. Masyadong makaluma si Psalm. Isang posisyon lang ang alam at hindi marunong lumandi. Kahit sino mabo-bore sa kaniya. At tama ka. Pag-aari ko na ngayon ang Florencio Group of Companies. Pero siya lang ang babaeng pinayagan kong tumayo sa aking tabi. Kapag nalaman ng buong mundo, pagtatawanan ako." "Iyon naman pala! Nagising ka rin sa katotohanan!" hiyaw ni Jun. Naging maingay ulit ang paligid at pumaligid kay Darvis ang iba pang mga kaibigan nito, kaniya-kaniyang hirit kung gaano ka-exciting ang ligaw na mga bulaklak. Ginuguyo ng mga ito ang lalaki na huwag hayaan ang sariling tumandang mag-isa. "Pero huwag ninyong ipaalam kay Psalm ang tungkol sa usapan natin dito, may kalalagyan kayo sa akin," babala ni Darvis. Halatang matagal na nitong sumubok na gumamit ng ibang babae para pawiin ang libog. Mahal siya nito, alam ni Psalm iyon. Siya ang babaeng mapalad na nakapuwesto sa tuktok ng puso nito, ang nag-iisang pag-ibig na kikilanin nito sa buong buhay. Pero dapat nga siguro niyang tanggapin. Lalaki ang asawa niya, hindi monghe. Sobrang hirap siguro para rito ang suklian ng katapatan lahat ng sakripisyo niya. Nawalan ng ganang umiyak si Psalm o ang pumasok at gumawa ng eksena. Tahimik siyang umalis, sa gitna ng malamig na gabi ay binalot ng hindi maipaliwanag na kirot ang puso niya at marahil ay hindi kinaya ng sistema niya ang sobrang stress. Nilagnat siya pagkauwi siya ng bahay nila. Umuwi rin naman agad si Darvis nang malaman nitong nagkasakit siya. Nanatili sa tabi niya ang asawa ng halos buong linggo para personal siyang alagaan. Kaso nang makatanggap ito ng tawag na alam niyang galing sa ibang babae, nagdahilan ito agad na may madaliang trabaho sa kompanya na kailangang ayusin. Iniwan din siya kahit may sakit. Kailangan niyang manatiling mahinahon. Sinikap ni Psalm na ikalma ang sarili. Pagkaalis ni Darvis ay tinawagan niya ang isang malapit na kaibigan. "Tulungan mo akong gumawa ng pekeng car accident. Gusto kong iwan si Darvis. Pero babawiin ko muna lahat sa kaniya bago ako aalis." "May nangyari ba?" "He is cheating on me and I can't take it. Please, tulungan mo ako." "Ano bang ginawa niya? Nahuli mo ba in act?" "Kailangan ko pa bang dumating sa puntong iyon? Baka mapatay ko lang sila." "Sige, titingnan ko kung ano'ng magagawa ko. Kaya lang buo na ba talaga ang isip mo? Paano kung naguguluhan lang pala si Darvis sa ngayon?" tanong ng kaibigan niya. "Dinig ko ang lahat ng sinabi niya. Huwag kang mag-alala ako na ang bahala. Hindi kita idadamay sakaling malaman niya ang plano ko." Nasa tono ni Psalm ang determinasyon na tapusin na kung anuman ang mayroon sa pagitan nila ng asawa niya. Dapat lang din. Sa kaniya nagsimula ang pagmamahalan nila. Pero dahil sa kataksilan ni Darvis, matatapos iyon at siya ang gagawa.A Life of ToilIn the bustling city of Evermore, Ella Thompson lived a life filled with unrelenting hardships. After the tragic loss of her parents, she found herself at the mercy of her stepmother, a woman consumed by her own vanity and ambition. Ella was relegated to the role of a servant in her own home, tending to the whims of her stepmother and stepsisters, Victoria and Isabella.Despite her circumstances, Ella possessed a resilient spirit, fueled by dreams of a better life. Working as a janitor for a prestigious technology company, she held onto a glimmer of hope that someday her dreams would come true.A Serendipitous EncounterOne evening, as Ella walked home through the rain-soaked streets, she stumbled upon an abandoned phone. Curiosity getting the better of her, she picked it up and noticed the name "Alexander Lockwood" displayed on the screen. Determined to return it to its owner, she decided to visit the grand Lockwood Tower the next day.A Chance MeetingUpon arriving at
In the quiet town of Everwood, a young girl named Emily lived under a cloud of sadness. Her days were filled with the weight of depression, casting a shadow over her once vibrant spirit. It seemed as though the world had lost its colors, and even the simplest joys felt out of reach.One sunny afternoon, as Emily walked through the park, a burst of laughter caught her attention. She turned to see a charismatic young man named Ethan, his infectious smile illuminating the entire park. His antics and witty remarks filled the air, drawing laughter from everyone around him.Ethan noticed Emily sitting on a park bench, her eyes clouded with sadness. Curiosity sparked within him, and he approached her with a mischievous grin. "Hey there, I'm Ethan. Mind if I join you?"Emily looked up, surprised by his sudden appearance. She hesitated for a moment, then nodded. "Sure, why not?"Ethan's natural ability to make people laugh slowly began to chip away at the walls Emily had built around herself.
In the quiet town of Ravenswood, nestled within a dense forest, a young woman named Isabella found herself captivated by the haunting beauty of the moonlit nights. It was during these bewitching hours that a mysterious presence would emerge—a seductive incubus named Damien.Invisible to mortal eyes, Damien moved through the shadows, his dark and alluring aura drawing him towards Isabella. He was enticed by her delicate features, the way her hair cascaded like ebony silk and her eyes sparkled with an untamed fire.Under the moon's luminous glow, Damien materialized before Isabella, his presence suffusing the room with an electrifying energy. He exuded an aura of irresistible allure, his penetrating gaze locking with her own."I have come for you, Isabella," Damien whispered in a voice that resonated with both danger and desire. "I am the embodiment of your deepest passions, the one who can show you pleasures beyond your wildest dreams."Isabella felt an inexplicable pull towards Damien
In the vibrant city of Verona, a tale of love and unexpected twists began to unfold. Meet Olivia, a free-spirited and independent woman with a passion for life, and Sebastian, a charming and charismatic man with a knack for witty banter.Olivia had always been cautious when it came to matters of the heart. But one passionate night, fueled by desire and a few glasses of wine, she found herself entangled in a whirlwind romance with a mysterious man named Adrian. Little did she know that this encounter would lead to an unexpected pregnancy, forever changing the course of her life.As Olivia embraced the reality of her pregnancy, she also found solace in her blossoming friendship with Sebastian. Despite the circumstances, their connection grew stronger with each passing day. Sebastian, with his infectious laughter and comforting presence, offered Olivia a sanctuary—a safe haven where she could be herself without judgment.Their conversations were a delightful mix of playful banter and hea
In the charming town of Willowbrook, two souls wandered amidst the colorful chaos of life, unaware of the extraordinary connection that awaited them. Meet Lily, a quirky and artistic soul with a penchant for self-deprecation, and Emily, a witty and adventurous spirit with a dash of cynicism.Lily and Emily had a lot in common, including their shared struggle with self-doubt and a deep-rooted belief that they were unworthy of love. Despite their internal battles, their paths crossed one fateful day at the local coffee shop, appropriately named "Caffeine & Chaos."Lily, with her unruly hair and ink-stained fingers, sat at a corner table, sipping her chai latte and doodling on a napkin. Emily, with her contagious laughter and impeccable sense of style, ordered her double espresso and scanned the room for a place to sit.Their eyes met, and in that moment, something clicked—a recognition of the shared vulnerability hidden beneath their self-deprecating exteriors. Emily, feeling a spark of
In a bustling city, where dreams intermingled with the vibrant rhythm of life, two worlds collided in the most unexpected way. Meet Amelia, a curvaceous and vivacious woman with a heart as big as her infectious laughter. And there was Oliver, a charming and handsome man whose smile could light up a room.Amelia had always struggled with society's narrow standards of beauty, but her confidence and sense of humor shone through. She embraced her curves, refusing to let anyone define her worth based on her appearance. It was on a sunny afternoon that fate intervened, drawing her path towards Oliver's.As Amelia walked down the bustling streets, her vibrant personality attracted curious glances and smiles from strangers. She noticed a café up ahead, its inviting aroma of freshly brewed coffee beckoning her. Little did she know that this simple decision would alter the course of her life.Inside the café, Oliver sat at a corner table, his captivating eyes buried behind a book. His presence
Welcome to GoodNovel world of fiction. If you like this novel, or you are an idealist hoping to explore a perfect world, and also want to become an original novel author online to increase income, you can join our family to read or create various types of books, such as romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel and so on. If you are a reader, high quality novels can be selected here. If you are an author, you can obtain more inspiration from others to create more brilliant works, what's more, your works on our platform will catch more attention and win more admiration from readers.
Comments