Confused
Around January, pagkatapos ng Christmas break at bumalik na kami sa school ay tinapos na ng adviser namin ang review set-up na ginawa namin noong unang nakaraang taon. Nagkaroong ng plus na grade ang tatlong group na nakakuha ng mataas na point habang ang grupo namin ang nanatiling mababa. I don't even know if I could consider those points since there's a negative sign. "May utang pa kayong points," sabi sa akin ni Brandon nang makaupo siya sa upuang nasa tabi ko. Nasa pangalawang row kami at ako ang nasa tabi ng bintana. "Binawasan ko na naman, ah," nakasimangot na sagot ko at umiwas ng tingin. "Ayos sana kung nasagot mo lahat ng tanong." Tiningnan ko siya ng masama. "I told you to study with me." Sasagot na sana ako sa kaniya nang muling magsalita si Ma'am sa harap. "Krypt, palit kayo ni Baron." aniya dahilan para mapatingin ako sa kaniya. "Ang ingay niyo riyan," "Hindi po!" "Sa tabi ni Lana," Agad na nakarinig ako ng iilang ingay mula sa iba naming mga kaklase. Bigla tuloy akong nakaramdam ng hiya at nanahimik na lang sa upuan ko. "Katabi mo pala si Lana, sige dun ka na!" Nagsimulang mag-ingay ang mga kaklase ko dahilan para makita ko ang pagkalito kay Ma'am kahit na bahagya na ring natatawa. Bumaling ako kung nasaan si Krypt. Nasa kabilang banda siya katabi ang mga kaibigan kaya siguro maingay sila. Natigilan ako nang sumulyap siya sa pwesto ko nang tumayo siya. And I swear I saw him smile! "Anong asaran na naman 'yan?" Masungit na tanong ni Baron nang tumayo siya sa inuupuan niya. Hindi ko alam kung saan nanggagaling ang mga pang-aasar nila na ganiyan. Siguro ay dahil pa rin doon sa pagkalat ng balita na may gusto sa akin si Krypt noong mas bata pa kami. Kahit na wala na iyon ngayon ay naaalala pa rin pala nila. I thought it was nice na makatabi siya sa upuan but he's not talking to me at all. Hindi man lang siya lumilingon sa pwesto ko as if I wasn't there. Sina Sharlene na nasa kabila niya at 'yung mga nasa harap namin ang palagi niyang kinakausap. Wala namang problema kung ayaw niya akong kausapin. That's fine with me kasi wala rin naman akong sasabihin. Pero hindi naman niya kailangang tumalikod sa side ko para lang sabihin at ipakita sa iba na hindi niya ako kakausapin. During our math subject, binigyan kami ng libro ni Ma'am. Share ang magkakatabi kasi kulang ang libro and I am supposed to share with Krypt. "Open page 54. Sagutan niyo 'yung Activity 1." Anunsyo ni Ma'am. Si Krypt ang may hawak ng libro kaya hinayaan ko na siya na ang magbukas noon. "Wala kang libro?" Tanong niya kay Sharlene. "Wala, ito kay Chloe, share kami." Sagot nito. Inayos ni Krypt ang libro sapat lang para makita nilang dalawa. "Share na tayo dito," And they did. Hindi na ako nagsalita pa at sinimulan na lang din na magsagot. But I can't see it clearly. Nasa right page kasi ang pinasasagutan ni Ma'am kaya mas kita kapag nasa side nila Krypt at Sharlene pero makikita ko naman iyon kung tinupi niya 'yung left na part. "Hindi makita ni Lana," aniya ni Sharlene nang mapansin siguro na hindi pa ako nakakapagsimula. Sumulyap sa akin si Krypt. "Hanap ka na lang ng ibang libro," Natigilan ako at natulala sa librong nasa harap niya. Wala akong katabi sa kaliwa ko kaya automatic na siya ang dapat na kashare ko sa libro. I sighed and didn't say anything. Again. Tumayo na lang ako at hinanap si Jannah para sa kaniya na lang tumabi. Sakto naman na absent ang katabi niya ngayong araw. "Pa-share ng libro," sabi ko sa kaniya ng makaupo. "Bakit?" Masungit na aniya at lumingon sa pwesto ko kanina. Kina Krypt. "Sus, wala talagang kwenta 'yan si Krypt." Napangiwi ako sa choice of words niya. Hinayaan niya ako na makishare ng libro sa kaniya habang share naman kami sa sinasagot ko. Wala namang problema sa 'kin 'yon kasi tinatamad rin ako na ituro pa sa kaniya ang gagawin. Ilang buwan na lang at matatapos na ang journey namin sa primary level. Kaniya-kaniya na ring nag-uusap ang mga kaklase ko kung saan sila papasok para sa high school at parang halos lahat kami ay sa Santa Cruz National High School ang punta. That would be great, at least I won't feel alone in that new school. Though, dalawa sa mga tinuring ko ng kaibigan ang nagpasiyang sa ibang school pumasok. Si Raija ay sa Manila habang si Jannah ay sa isang private school sa bayan. Si Cherry naman ay makakasama ko. Speaking of Cherry. "Stop taking random pictures!" Inis na sabi ko sa kaniya pagkatapos niyang ipakita sa akin ang picture ko na ang pangit talaga ng pagkakakuha. Wala siyang talent sa photography! Huwag na siyang umasa! Sinubukan kong kuhanin ang phone niya pero mabilis niya iyong nailayo sa akin at tumatawang tumakbo palayo. "Ipapakita ko 'to kay Krypt," natatawang aniya habang lumalayo sa akin. Nanlaki ang mata ko. "Hey!" Tumakbo ako palapit sa kaniya pero mabilis lang din siyang nakalayo. Nagpaikot-ikot kami sa teacher's table habang sinusubukan ko na abutin ang phone niya. "Burahin mo na kasi!" "Ayoko!" Iikot na sana ako papunta sa kanan at siya naman ay ganoon din nang biglang may humarang ng upuan sa dadaanan niya. "Ay!" Naiinis na hiyaw ni Cherry at pinukol ng masamang tingin si Krypt na nakangiting umalis na parang walang nangyari. "May epal na!" Hindi ko na pinansin iyon at mabilis na lumapit kay Cherry at kinuha ang phone niya at mabilis na binura ang pictures ko. Ang dami! Wala naman akong phone para ipasa ang mga pictures na iyon bago burahin. Ayoko rin naman na i-keep pa ang mga pictures na iyon dahil hindi rin naman maganda ang kuha. Binalik ko na ang phone kay Cherry at lumapit ako kina Jannah at Raija na abalang nag-uusap. Naupo lang ako sa tabi ni Raija at hindi na nakisali sa usapan nila. Issue iyon about sa isa naming kaklase na hindi na nakapasok dahil sa aksidenteng nangyari sa pamilya nila. I'm not sure about the details and I don't intend to pry kasi wala rin naman akong maintindihan pa sa nangyayari. Wala sa sarili napatingin ako sa gawi nina Krypt. Kausap niya sina Louie at Baron pero mostly ay iyong dalawa lang nag-uusap at siya ay nakikinig lang sa dalawa habang paminsan-minsan ay may sinasabi rin. I don't get him. Sala sa init, sala sa lamig. After what he did to me the other day bigla siyang kikilos ng ganoon? I'm too young to overthink about whatever his doing, so I just decided to let it go. Months had passed and now is the day of our graduation. I didn't expect everyone to cry kasi hindi naman kami ganito tuwing practice. The moment na kinanta namin ang graduation song namin ay nagsimula nang umiyak ang mga kaklase ko pati na rin ang ibang teachers at parents. Parang ang bilis lang na lumipas ng panahon pero tandang-tanda ko pa ang mga naranasan ko kasama sila simula noong mag-transfer ako rito. Ano naman kaya ang mararanasan ko sa high school? Malaking school na iyon kaya paniguradong mas marami na ang estudyante. "Lana!" Tawag sa akin mula sa loob ng room kung saan kabilang ang pangalan ko. Nakapaglibot na ako sa school noong enrollment kaya mabilis ko na lang nakita ang floor na para sa mga freshmen. I'm not sure but I think her name is Grace who I met just recently. Bagong lipat lang sila malapit sa bahay namin at nakilala ko siya after niyang maaksidente sa bike niya sa tapat ng bahay namin. Nasa labas ako at nakita ko ang nangyari kaya wala akong choice kung hindi tulungan siya. I didn't expect na magiging kaklase ko pala siya. "Pasok ka na," nakangiting aniya niya at tinapik ang bakanteng upuan sa tabi niya. May teacher na sa harap pero attendance pa lang ang ginagawa nito. Mabuti na lang at sa likod pumwesto si kaya mabilis akong nakalapit sa kaniya. "Hey," bati ko sa kaniya nang makaupo ako sa tabi niya. "Magkaklase pala tayo! At least may kakilala na agad ako rito," natutuwang aniya. Sinusubukan niyang hinaan ang boses niya kaya bahagya pa siyang lumapit lalo sa akin para kausapin ako. Tumango-tango na lang ako at ngumiti ng bahagya. Nilibot ko ang paningin ko sa loob ng classroom. Puro bagong mukha ang nakikita ko rito. I spotted two of my previous classmates, si Julius at Sharlene na parehong hindi ko masyadong nakalapit noon. Oo, nakakausap ko si Sharlene noong una pero hindi na iyon katulad ng dati. Mas gusto niya kasi ang sumama sa mga honor students din na katulad niya. Habang ako naman ay kina Cherry at Raija naman napasama pati na kay Jannah na naging close ko rin sa wakas. Mabuti na lang pala at naging kaklase ko si Grace ngayon sa highschool. There's nothing special from my first year experience aside from meeting and having new friends. Halos lahat ng nakapaligid rito sa akin sa likod ay nakakausap at nakakasama ko even during breaktime and lunch. "Here, ginawa ni Mama para sa 'yo." May inabot na paper bag si Baron sa akin. Nagpunta pa siya rito sa room namin ngayong breaktime para ibigay iyon. Sa ibang section siya napunta at mukhang may bago na rin siyang mga kaibigan dahil hindi pamilyar sa akin ang mukha ng kasama niya ngayon. "Pasabi kay Tita, salamat." Sagot ko pagkatapos silipin ang laman noon. Malamang ay cupcake iyon or cookies. "Narinig ko na nagpalista ka raw sa athletics?" Nakakunot ang noong tanong niya. "Kanino mo naman narinig?" Nakangusong tanong ko pabalik. Tinaasan niya ako ng kilay. "Sa kaklase mo," Sumulyap ako sa loob, sa banda nina Julius. Baka siya ang nagsabi. "Susubukan ko lang," "Kapag may nangyari na naman sa 'yo dahil dyan," may pagbabanta sa tono niya. "Mag-iingat ako! Tsaka aalis din ako kapag hindi ko talaga kaya," sagot ko na lang para hindi na siya makipagtalo pa. "Siguraduhin mo." Ngumiti ako ng matamis at tumango-tango. "Baron, tara na." Nilingon ko ang kasama ni Baron na abala sa phone nito. Masyadong nagmamadali. Nagpaalam na lang ako kay Baron na papasok na sa loob.Rejected “Oh, right! The rooms.”“Marami naman silang rooms here kaya walang magiging problem, though sinabi na namin kay Krypt at sa mga caretakers na hindi natin gagamitin lahat. Iyong mga malalaking rooms lang na kasya tatlo hanggang limang tao.” Paliwanag ni Lorraine. “So!” Mahina niyang hinampas ang cardboard na hawak. “Gumawa na agad kami ng list kung sino ang magkakasama!”“Magkasama kami ng girlfriend ko!” Sigaw ni Louie mula sa grupo ng mga lalaki na palapit na rin pala sa pwesto namin.Blangko siyang tiningnan ni Lorraine habang ang iba ay pinagtampulan sila ng tukso. Sa pagkakaalam ko kasi, sila lang talaga ang nagkatuluyan sa batch namin. As in sa batch namin.Tiningnan ni Lorraine si Gracie na nagkibit-balikat lang at ngingisi-ngising kumain ng tsitsirya na hawak.“Hayaan mo na yan sila, Lorraine! May iba naman silang makakasama sa room kaya wag kang mag-alala.” Natatawang aniya ni Kelly.“Kasama ko
Kiss Nagising ako nang maramdaman ang paghinto ng sasakyan at mahinang usapan ng mga kasama ko. Pupungas-pungas pa akong umalis sa sinasandalan ko nang umandar na ulit ang sasakyan.“Huminto ba?” Salubong ang kilay na tanong ko at naniningkit ang mga mata na tumingin sa harapan nang makitang may iba na kaming kasama na nakaupo sa tabi ni Ren.“Yeah, just to get my friends. You can sleep more.” Sagot ni Krypt at siya mismo ang umayos ng jacket na ngayon ko lang napansing nakapatong na pala sa akin.“Okay,” sinandal ko na lang ang ulo ko sa sandalan at pumikit na lang ulit. Naramdam ko lang na may humawak sa ulo ko bago ako tuluyang nakatulog.“I’m not backing down this time.”Nagising ako sa mahihinang pagkalabit sa ilong ko. I crunched my nose and moved away from that thing. Salubong na agad ang mga kilay ko nang magmulat ako ng mga mata at ilang beses na pumikit dahil sa liwanag na bumungad sa akin.“San na tay
Direct “Did you had fun?” Tanong ulit niya ilang sandali.“I did.” Sagot ko ulit. “Uhm, do you need anything? I was actually wondering kung bakit tumawag ka sa ‘kin.”Ilang saglit siyang tumahimik at hindi sumagot. Tumikhim siya. “What time will you leave tomorrow? Sabay ba kayo ni Baron?”“Nope, kay Grace ako sasabay bukas.” Sagot ko at pagkatapos ay kumunot ang noo. “Umaga raw ang usapan, hindi ba? 7 to 8? Mas maagad raw mas maganda.”“Right.” Marahang sagot niya.“Mas maaga ka bang kailangan don? I mean, ikaw ang owner ‘di ba? At sponsor?”“Hmm. Si Kelly ang maagang pupunta para ma-double check lahat together with Lorraine. Hindi ako kailangan don.” Tumikhim ulit siya. “You knew?”“Ren told me.” I heard him groaned. Kumunot ang noo ko. “Bakit? May nangyari ba?”“Yeah..” bulong niya. “I was hurt.”“Oh,” tanging nasabi ko na lang. Wala na akong balak usisain pa ang nangyari sa kaniya kasi wala naman akong karap
Date Lumabas ako ng sasakyan ni Ren at tumayo muna ss gilid ng kalsada. Humarap ulit ako sa kaniya at nakangiting kumaway mula sa labas. Tinted kaya hindi ko siya makita pero bumusina siya ng isang beses bago tuluyang pinaandar paalis ang kotse.Sandali ko pa siyang sinundan ng tingin bago ako nagpasyang pumasok na sa loob pero bago pa ako makalapit sa may gate ay nakita ko na si Krypt na lumabas ng pinto at naglalakad na palapit. Diretso lang siyang nakatingin sa akin. Parehong nakalagay sa bulsa ng pants ang mga kamay. Nakapagpalit na siya ng damit. Naka-polo.Bumuntong hininga ako at nagpatuloy na lang sa paglalakad. Nauna siyang nagbuksa ng pinto kaya saglit akong huminto sa harapan niya para mangamusta lang.“Good afternoon.”“Afternoon.”Napakurap ako at napatitig sa papalayo na niyang bulto. Sinundan ko pa siya ng tingin hanggang sa pumasok siya sa loob ng sasakyan niya. Bumusina ng isang beses bago pinaa
Owner Pagkatapos dumaan sa opisina ni Engineer Miranda ay dumiretso na rin ako agad sa mall. Tumigil muna ako sa isang pancake house at uminom ng hot chocolate habang naghihintay. Habang hawak ang tasa at hinihipan ang mainit na laman noon ay napatingin ako sa phone ko nang bumukas iyon dahilan sa isang notification. Text message. Binaba ko na muna ang tasa para kuhanin iyon at tuluyang buksan ang phone ko. Ren:Where are you? Me:Pancake house Nilapag ko na ulit ang phone ko sa mesa at naghintay sa akniya habang kumakain ng waffles at umiinom ng chocolate. Sarap talaga. I love sweets so much! Or food in general.“Pahingi.”Nag-angat ako ng tingin nang may magsalita sa harapan ko at basta na
That's good “Bye na. Say ‘hi’ to Geida for me.” “Yeah, yeah, I will.” Huminto ako sa harapan ni Krypt at pinatay ang tawag saka binaba iyon at tinuGo sa clutch ko. Nag-angat ako ng tingin sa kaniya at pinagtaasan siya ng kilay. “Si Baron?” “In his room.” “Oh, okay,” binasa ko ang mga labi ko at tumingin sa may sofa sa living room. Bahagya akong ngumuso. “Hindi ka pa ba uuwi? Baka may kailangan ka pang gawin?” “Pauwi na.” Sagot niya. “May pupuntahan ka? Ihahatid na kita.” Tipid akong ngumiti at umiling. “Nah, commute na lang ako. At lasing ka rin kagabi, dapat nagpapahinga ka muna.” “I’m fine. Hindi naman ako nalasing.” Mabilis na sagot niya pero agad ring tinikom ang bibig nang makita ang pagtalim ng tingin ko sa kaniya. “Kung ganon, umaarte ka lang pala kahapon?” Umirap ako at humalukipkip. “I’m not. Nabored ako sa pinag-uusapan nila kaya inantok na ako at gusto nang matulog.” Paliwanag niy