LOGINMatapos mahuli ni Liana Soliman ang kanyang fiancé na may ibang babae sa hotel suite na siya mismo ang nagbayad, aksidente pa niyang na-blackout ang pinakamahalagang charity gala sa bansa. Sa dilim ng backstage, nabangga niya si Razael Galvez—ang mailap at striktong billionaire CEO. Pero imbes na demanda, isang kontrata ang inalok nito sa kanya. Kailangan ni Raz ng asawang panakip-butas para takasan ang isang arranged marriage, habang kailangan naman ni Liana ng paraan para mabawi ang lahat ng perang ninakaw sa kanya ng kaniyang ex. Mula sa hirap ng Pasay tungo sa karangyaan ng Forbes Park, kailangang panindigan ni Liana ang papel bilang "future Mrs. Galvez." Ngunit sa mundong puno ng plastik na ngiti at mapanganib na lihim, ano ang mas nakakatakot—ang mabisto ang kanilang pagpapanggap o ang tuluyang mahulog sa lalaking bawal mahalin? Handa ka bang maging asawa ng isang bilyonaryo kapalit ng iyong kalayaan?
View MoreLIANA POV
Nanginginig ang mga daliri ko habang hawak ang paper bag ng mainit pang pasta. Nandito ako sa tapat ng Room 802 ng Diamond Hotel. Sabi ni Jiro, may tinatapos siyang "urgent report" para sa promotion niya, kaya naisipan kong dalahan siya ng paborito niya.
“Surprise,” bulong ko sa sarili ko. Pero nang mapansin kong bahagyang nakabukas ang pinto, ako ang natigilan.
Dahan-dahan akong lumapit sa siwang. Mula sa loob, narinig ko ang tawanan. Hindi lang basta tawa—iyong klase ng tawa na alam mong may masayang nangyayari.
“Jiro, baka naman biglang sumulpot ’yung fiancé mo?” boses ng isang babae. Malambing at mapanukso.
“Busy ’yun sa pag-aayos ng gala night ng mga Galvez,” sagot ni Jiro. Rinig ko ang kalansing ng baso. “Doon lang naman siya magaling, ’di ba? Ang maging aso-asuhan ng mga mayayaman. Hayaan mo siya.”
Parang tumigil ang pag-ikot ng mundo ko. Ang lalaking pinagkakatiwalaan ko, ang lalaking binigyan ko ng access sa bank account ko para sa "condo savings" namin, ayun siya—nakahiga sa kama ng hotel suite na binayaran ko gamit ang pinag-ipunan ko, at may ibang babaeng kayakap.
Wala akong mailabas na boses. Pakiramdam ko, bawat hininga ko ay may kasamang bubog. Dahan-dahan kong binitiwan ang paper bag. Tumapon ang pasta sa carpet, kasabay ng pagkawasak ng lahat ng pangarap ko.
Hindi ako kumatok. Hindi ako sumigaw. Tumakbo lang ako palayo.
Paglabas ko ng hotel, sinalubong ako ng malakas na buhos ng ulan dito sa Makati. Basang-basa ang puti kong blouse, pero hindi ko maramdaman ang lamig. Mas nangingibabaw ang init sa dibdib ko.
“Ang tanga mo, Liana,” sabi ko sa sarili ko habang naglalakad sa Ayala Avenue. “Sobrang tanga mo.”
Wala na akong pamilya. Wala na akong fiancé. At ang mas malala, wala na rin akong pera. Simot ang account ko dahil lahat ng kinita ko bilang freelance coordinator, inilipat ko sa kanya para sa "future" namin.
Kailangan kong dumeretso sa trabaho. Kahit gumuho na ang mundo ko, kailangan kong tapusin ang event para sa mga Galvez dahil kung hindi, pati ang maliit kong nirerentahan sa Pasay, mawawala sa akin.
“Liana! Oh my God, bakit ka basang-basa?” gulat na tanong ni Solane, ang head coordinator, pagkapasok ko sa venue.
Tumingin ako sa kanya, pilit na inaayos ang sarili. “Nakalimutan ko lang ang payong, Solane. Okay lang ako. Nasaan na ang program?”
“Nandoon sa backstage. Pero girl, tignan mo ’yang sarili mo. Para kang galing sa baha,” sabi ni Sloane habang inaabutan ako ng tissue. “Bilisan mo, darating na si Razael Galvez. Alam mo namang ayaw n’un ng palpak.”
“I know. Mag-aayos lang ako,” sagot ko.
Pumunta ako sa main control room sa likod ng stage. Madilim dito, tanging ang mga monitor lang ang nagbibigay ng liwanag. Hawak ko ang clipboard, sinusuri ang bawat cue, pero lumalabo ang paningin ko. Ang nakikita ko lang ay ang mukha ni Jiro habang tumatawa kanina.
Dahil sa panginginig ng mga kamay ko, hindi ko napansin ang mga wire na nakakalat sa paanan ko.
“Wait, sandali—”
Nadulas ako. Sa pag-aakalang may mahahawakan ako para hindi matumba, ang nahablot ko ay ang main lever ng power grid ng buong ballroom.
Crr-ack.
Biglang namatay ang lahat. Ang orchestra, ang ingay ng mga bisita, at ang mga dambuhalang chandelier. Balot ng kabit-binging katahimikan ang paligid.
“Shet,” bulong ko sa dilim.
Sinubukan kong itulak pabalik ang lever pero ayaw nitong gumalaw. Nag-panic na ako. Hinarap ko ang pinto para lumabas at humingi ng tulong, pero sa dilim, may nabangga akong matigas na dibdib.
Amoy mamahaling tobacco at malinis na tela. May pamilyar na bango rin ng citrus.
“In the middle of my speech?” isang baritonong boses ang bumasag sa dilim. Mababa ang tono pero ramdam ang awtoridad.
Hindi ako makahinga. Ang tanging naririnig ko lang ay ang mabilis na tibok ng puso ko. Hinawakan niya ang magkabilang balikat ko para patatagin ako. Ang mga kamay niya ay mainit, kabaligtaran ng panginginig ng katawan ko.
“S-sorry po, aksidente lang,” nauutal kong sabi.
Naramdaman ko ang paglapit ng mukha niya sa akin. “I don’t care if it’s an accident,” bulong niya sa mismong tapat ng tenga ko. “But you just gave me exactly what I needed tonight—an exit.”
Bago pa ako makasagot, may mga flashlight nang tumatama sa paligid mula sa mga staff. Pero bago pa kami maabutan, hinila niya ang kamay ko patungo sa service exit ng backstage.
“Saan tayo pupunta?” tanong ko habang pilit na sumasabay sa malalaki niyang hakbang.
“Somewhere far from these vultures,” sagot niya nang hindi man lang lumingon.
Lumabas kami sa fire exit, diretso sa parking lot kung saan naghihintay ang isang itim na SUV. Doon ko lang siya malinaw na nakita nang bumukas ang ilaw ng sasakyan.
Matalim na panga, matang parang nakakakita ng lahat ng sikreto mo, at ayos na ayos na buhok na bahagyang nagulo dahil sa pagtakbo namin. Siya nga. Si Razael Galvez.
Binitiwan niya ang kamay ko at hinarap ako. Inalis niya ang kanyang itim na coat at isinuot iyon sa nanginginig kong mga balikat. Mabigat ang tela, at agad na humalo ang bango niya sa amoy ng ulan sa damit ko.
“Anong pangalan mo?” tanong niya habang naglalabas ng phone.
“Liana. Liana Soliman,” sagot ko, pilit na ibinabalik ang wisyo ko.
Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa, parang sinusuri kung magagamit niya ako sa kung ano mang plano niya.
“Well, Liana Soliman,” sabi niya habang may tinatawagan sa phone. “You just ruined the most expensive event of the year. But in return, I might just save your life.”
Ibinaling niya ang atensyon sa kausap sa kabilang linya. “Cancel the announcement. I found someone else. Tell my grandfather the marriage is back on track.”
Lumingon siya sa akin at itinuro ang pinto ng sasakyan. “Sumakay ka. Mag-uusap tayo.”
Binuksan ng driver ang pinto para sa akin, at wala akong nagawa kundi pumasok sa loob.
LIANA POVSabado ng umaga. Pagkababa ko sa kusina para uminom ng tubig, dinalhan agad ako ni Manang ng isang baso ng sariwang juice at sinabing maaga raw umalis si Razael para sa isang biglaang site visit sa bagong eco-estate project ng pamilya sa Laguna.Habang nakaupo ako sa tapat ng counter, hindi ko pa rin maiwasang maisip 'yung naging pag-uusap namin kagabi sa study room niya. Noong iabot ko sa kanya 'yung ginawa kong ham and cheese sandwich, nakita ko talaga kung gaano kalalim 'yung pagod sa mga mata niya. Pero ang mas tumatak sa akin ay kung paano niya sinabing hindi ko niloloko ang pamilya niya, kundi ginagampanan ko lang ang trabaho ko. Parang doon ko lang napagtanto na sa kabila ng pagiging malamig at kalkulado niyang CEO, marunong din pala siyang magbasa ng nararamdaman ng iba. O baka naman nakikita niya lang na stressed ako kaya niya sinabi 'yun? Sabagay, pareho lang naman kaming sumasalo sa isa't isa ngayon para sa kapakanan ng kontrata.“Ma’am Liana, may naghahanap po sa
RAZAEL POVIpinatong ko ang aking salamin sa ibabaw ng mahogany desk at sumandal sa swivel chair. Alas-onse na ng gabi, pero bukas pa rin ang laptop ko, nagpapakita ng final financial damage report ng Manabat Catering at ng mga kaalyado nilang sub-contractors. Sa loob lang ng ilang araw pagkatapos ng charity ball, tuluyan nang gumuho ang posisyon nila sa board. Iyon naman talaga ang layunin ko mula pa nung una—ang linisin ang kumpanya mula sa mga taong pilit akong hinahatak pababa.Pero habang tinitignan ko ang mga numero sa screen, hindi ang shares ng Galvez Group ang pumapasok sa isip ko. Kundi si Liana.Inabot ko ang baso ng whiskey sa tabi ko at uminom nang bahagya. Kung babalikan ko ang lahat mula noong unang gabi na nagkaharap kami, hindi ko talaga aakalaing aabot kami sa ganitong set-up. Noong gabing nag-blackout sa launch party at nakita ko siyang hila-hila ang emergency lever habang basang-basa ng pawis ang mukha, ang tanging nasa isip ko lang ay isa siyang iresponsableng coo
LIANA POVBiyernes ng gabi, pero imbes na mag-relax pagkatapos ng nakakapagod na linggong ito, nakaupo ako sa kama ko habang may tatlong magkakaibang catalog ng mga cocktail dresses na ipinadala ni Ms. Karen. Sabi niya, kahit "small family gathering" lang ang magaganap sa Alabang ngayong Linggo, pamilya Galvez pa rin ang haharapin ko. At kapag Galvez, bawal ang basta-basta.“Pili ka lang diyan, Liana. Dadalhin ng design team ang mga adjustments bukas ng hapon,” sabi ni Ms. Karen sa kabilang linya ng phone.“Ms. Karen, medyo marami po ito. Hindi ba pwedeng ’yung beige dress ko na lang uli? Isang beses ko pa lang naman nasusuot ’yun,” pakiusap ko habang tinitingnan ang isang navy blue silk dress sa catalog.Narinig ko ang mahinang tawa niya. “Hija, ang beige dress na ’yun ay nakita na ni Don Federico noong hapunan niyo kasama si Hiraya. Hindi pwedeng ulitin sa harap ni Rebecca. Si Rebecca ay may matalas na mata sa fashion. Just trust me on this, okay? Piliin mo ’yung navy blue or ’yung
LIANA POVInilapag ni Razael ang kanyang tablet sa ibabaw ng coffee table bago tuluyang naupo sa tabi ko. Kumuha siya ng isang slice ng mansanas mula sa tray na inihanda ni Manang, pero hindi niya muna ito kinain. Nakatitig lang siya sa kawalan, halatang marami pa ring iniisip mula sa emergency board meeting niya kanina.“Seryoso ba talaga ang lagay sa opisina ngayon, Raz?” tanong ko, dahan-dahang inuusisa ang reaksyon niya.“Medyo magulo,” sagot niya, nilingon ako. “Nag-collapse ang stock price ng mga kumpanya ng pamilya Manabat pagkabukas pa lang ng trading kaninang alas-nuwebe. Noong nalaman ng mga investors na pinutol ng Galvez Group ang lahat ng kontrata sa kanila, nagsimula na silang mag-pull out ng investments. Si Mr. Manabat ay nagpunta mismo sa opisina ko kanina, nagmamakaawa na huwag silang tuluyang i-blacklist.”“Anong sinabi mo sa kanya?”“I didn't face him. Hinayaan ko ang security na paalisin siya sa floor ko,” malamig niyang sagot, walang kaunting pag-aalinlangan sa muk
LIANA POVTahimik ang hapunan, tanging ang kalansing lang ng kubyertos sa fine china ang naririnig sa loob ng dining room ni Don Federico Galvez. Ramdam ko ang bawat tingin ng matanda. Para akong specimen sa ilalim ng microscope. Si Raz naman sa tabi ko, parang walang pakialam habang dahan-dahang h
LIANA POVMaga ang mga mata ko paggising. Halos apat na oras lang ang tulog ko dahil hindi mawala sa isip ko ang pirmadong papel na iniwan ko sa sala ni Razael kagabi. Paglabas ko ng guest room, sinalubong ako ng amoy ng bagong luto na bacon at kape.“Good morning, Ma’am Liana. Nakahanda na po ang
LIANA POVTahimik sa loob ng sasakyan ni Razael Galvez. Sobrang lamig din ng aircon, pero hindi ko magawang magreklamo kahit ramdam ko pa ang basang tela ng blouse ko sa ilalim ng suot kong coat niya. Nakatingin lang ako sa labas, pinapanood ang malalabong ilaw ng Makati na dumadausdos sa bintana d
LIANA POVNanginginig ang mga daliri ko habang hawak ang paper bag ng mainit pang pasta. Nandito ako sa tapat ng Room 802 ng Diamond Hotel. Sabi ni Jiro, may tinatapos siyang "urgent report" para sa promotion niya, kaya naisipan kong dalahan siya ng paborito niya.“Surprise,” bulong ko sa sarili ko






Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.