Share

Chapter 4

Author: alleyraaam
last update Last Updated: 2025-04-24 19:09:30

Notes

‎ ‎ ‎ ‎ ‎ ‎ ‎ ‎ ‎ ‎ ‎ ‎ ‎ ‎ ‎ ‎ ‎ ‎ ‎ ‎ ‎ ‎ ‎ ‎ ‎ ‎ ‎ ‎ ‎ ‎ ‎ ‎ ‎ ‎ ‎ ‎ ‎

The next thing I know, hinahanap ko na sa mga libro ko ang area of polygons at sinulat iyon lahat sa likod ng notebook ko. Inisa-isa ko pang bilangin bawat sides at nilagyan ng keyword para maalala ko ang name ng bawat shapes.

I'm not really a studious type of person. I don't care about my performance in class. As long as I don't have a failing grade, I'm fine. Pero sadyang may mga pagkakataon lang kung saan gusto kong mauna sa recitation at makasagot ng tama sa lahat ng tanong kasi ayoko ng nahuhuli ako.

"Sa ngayon, group one ang may pinakamababang points. Halos utang na points lang ang meron sila," anunsyo ng teacher namin para sa grade level na 'to.

Gagraduate na kami at ilang buwan na lang ay papasok na sa high school kaya nagpasya ang teacher namin na bigyan kami ng unique way ng pagrereview. Pinapili niya kami kung groupings ba o quizzes at pinili namin iyong nauna.

Though, I prefer quizzes if this is the result of our groupings.

Para sa mga naunang buwan ay hinati niya kami sa anim na grupo. Gagawa ang bawat group ng set of questions base sa lesson at iyon ang itatanong nila sa ibang group. May pointings din para daw ganahan kami but I don't think ginaganahan ako sa ganito.

Ang grupo kasi namin ang may pinakamababang puntos. Negative points lang ang natatanggap namin.

"Sa grupo po kasi namin, ilan lang ang nakakasagot talaga ng tama. Bukod sa akin ay si Lana lang po at minsan ay si Minnie," sagot ni Raija pagkatapos siyang tanungin ni Ma'am ng tungkol sa problema ng grupo namin. Siya kasi ang leader namin since kasali siya sa rank 10 sa classroom.

Totoong kaunti lang ang nakakasagot sa amin. Seven kaming nandito sa group at halos lahat ng nasa amin ay iyong mga nasa mababang rankings. May failing grade kumbaga.

"Edi si Lana ang paulit-ulit nating tawagin sa kanila," suhestyon mula sa kabilang grupo.

"Oo nga,"

"Pwede naman kaso hindi naman marereview ang iba." Mula iyon kay Sharlene.

Hindi ko mapigilang mapangiwi dahil sa mga naririnig. Kung mag-usap sila ay parang wala ako rito. Sabagay, sila naman ang pipili kung sino ang sasagot sa tanong nila kaya wala rin naman talaga akong magagawa. Kahit naman sabihin na kailangan din mareview ng mga kasama ko ay ako pa rin ang tatawagin nila.

I'm not sure if that is a good idea.

"Anong ginagawa mo?" Kyuryoso na tanong ni Raija at sumilip pa sa cellphone niya na hiniram ko. "Naglagay ka ng sariling note?"

Mabuti na lang at mabilis kong naexit sa note na ginawa ko bago pa niya makita ang laman noon.

"Random lang," tipid na sabi ko at binalik na sa kaniya ang phone niya.

Hindi pa ako binibilhan ni Mama ng phone dahil bata pa raw ako. Hindi ko rin naman kailangan kaya hinayaan ko na.

Pinahiram lang sa akin ni Raija ang phone niya para ipabasa ang notes na nadoon. I can't remember what that is, her dreams I think? She wrote every weird dream she had.

"Tara sa canteen," pag-aaya ko sa kaniya.

Ilang sandali pa siyang may pinindot sa screen ng phone niya bago sumama sa akin palabas ng room. Nagpaiwan lang siya sa labas kasi maraming tao sa canteen kaya hinayaan ko na lang. Pagkatapos bumili ay niyaya ko na siyang bumalik.

"Wait lang," pigil niya sa akin.

"Bakit?" Tanong ko.

"Ayaw mo bang ipabasa 'to sa kaniya?" Tanong niya at hinarap sa akin ang screen ng phone niya.

Nanlaki ang mga mata ko ng makitang naka-display roon ang note na ginawa ko. Mabilis kong kinuha ang phone niya at binaba iyon bago luminga sa paligid.

"Ayoko," nakangusong sagot ko at inexit ang app at pinatay ang phone bago ko binalik sa kaniya.

"Bakit? Gagraduate naman na tayo, ah," pagpipilit niya. "Ipapakita ko lang pero hindi ko sasabihing ikaw!" Nangingiting aniya niya.

"Paano 'pag nakilala niya?"

"Basta 'wag ka lang halata!"

Tinitigan ko siya ng ilang sandali at iniisip ang sinabi niya. Maghihiwa-hiwalay naman na kami. I will meet a lot of new people tapos makakalimutan ko na rin siya. Hindi naman siguro masamang mag-confess anonymously?

Pilit kong kinukumbinsi ang sarili ko na okay lang, hindi niya malalaman. Hindi ko nga alam kung paano ko nagawang umarte na parang wala lang iyong noong nasa harap ko na siya at binabasa ang note na pinakita sa kaniya ni Raija.

"Sino 'yan?" Nakangiting tanong ni Krypt pero mababakas ang pagtataka sa tono niya.

"Uy, ano 'yan?! Secret admirer?" Pakikigulo ni Louie.

I just noticed na hindi na niya madalas kasama si Julius. I thought they were best buddies.

"Ano ba 'yan?" Patay malisyang tanong ko habang kinakain ang sandwich na binili ko kanina.

At bilang magaling na supporter, hinarap din sa akin ni Raija ang phone niya.

"Hindi ko alam kung kanino, basta nakita ko lang dito sa notes ko, e." Sagot ni Raija sa tanong ng lalaki.

"Pakilala muna siya," hamon ni Krypt na hinding-hindi ko gagawin.

‎ ‎ ‎ ‎ ‎ ‎ ‎ ‎ ‎ ‎ ‎ ‎ ‎ ‎ ‎ ‎ ‎ ‎ ‎ ‎ ‎ ‎ ‎ ‎ ‎ ‎ ‎ ‎ ‎ ‎ ‎ ‎ ‎ ‎ ‎ ‎ ‎

To: Krypt

I really like you...

‎ ‎ ‎ ‎ ‎ ‎ ‎ ‎ ‎ ‎ ‎ ‎ ‎ ‎ ‎ ‎ ‎ ‎ ‎ ‎ ‎ ‎ ‎ ‎ ‎ ‎ ‎ ‎ ‎ ‎ ‎ ‎ ‎ ‎ ‎ ‎ ‎

Iyon ang laman ng message. Simple lang naman kaya alam kong hindi iyon papatulan ni Krypt. But I sometimes think na paano kung nilagay ko nga na galing sa akin iyon? Wala akong balak na ipaalam sa kaniya, pero what if?

Joining intramural sports without proper experience is not a good idea. I just tried though kasi madami ang nagsasabi sa akin na mabilis naman akong tumakbo, so I did. Hindi ko nga lang inaasahan ang magiging epekto ng init sa akin.

Habang naglalakad ako pabalik na sana sa room, nararamdaman ko na bumibigat na talaga ang pakiramdam ko. Pinipilit ko na panatilihing bukas ang mga mata ko kahit pa nga gusto na nitong bumagsak. Nanlalabo na rin ang paningin ko. Hindi ko na kayang pumunta sa clinic.

"Uy, Lana! Tapos na kayo?" I heard from someone near me.

Pinilit kong tingnan kung sino iyon but I can only see blurred images but they were in front of me. Ang nakikilala ko lang nandoon kahit nanlalabo ang mata ko ay si Krypt.

"Okay ka lang?" Asked from someone.

Hindi ko alam kung paano pa ako nakatagal na tumayo ng ganito pero ilang sandali lang ay kusa na ring bumagsak ang katawan ko. I don't know how I managed to get into the clinic basta nagising na lang ako nang maramdamang may dumadampi sa mga labi ko.

"Nasobrahan lang sa pagod tapos mainit," dinig kong sabi ng babae.

Bahagya akong gumalaw at marahang binuksan ang mga mata ko. Nakaupo ang nurse sa tabi ko at dinadampian ng twalya ang mga labi ko. I can also feel the coldness in between my nose and lips. Amoy mint.

"Hey, kumusta ang pakiramdam mo?" Tanong ng nurse nang makitang gising na ako.

"O-Okay na po..." mahinang sagot. Pakiramdam ko ang dry ng lalamunan ko.

"Uminom ka muna ng tubig," aniya at tinulungan ako na bumangon. Kinuha niya ang baso ng tubig na nasa mesa sa tabi ng hinihigaan ko at inabot iyon sa akin. "Dahan-dahan lang,"

Paunti-unti akong uminom ng tubig tulad ng sinabi niya at nang makuntento na ay binaba ko na iyon sa mesa. Nag-angat ako ng tingin sa nurse para sana magpasalamat nang may mahagip ang mga mata ko. Nakatayo lang siya sa may gilid ng pinto at nakasandal sa pader habang nakahalukipkip. Hindi ko alam kung kanina pa niya pinanonood ang ginagawa ko pero hindi man lang siya nagtangkang alisin ang paningin niya sa akin kahit na ngayong nakatingin na ako sa kaniya.

"Thank you po," mahinang sabi ko sa nurse.

"May sakit ka ba sa puso?" Bigla ay tanong niya na sinagot ko lang ng pag-iling. "Hika?" Umiling ako ulit. "Dahil lang talaga sa pagod at sobrang init. Huwag mong kalimutan na magdala ng tubig palagi,"

Ilang sandali pa akong nanatili roon bago ako hinayaan ng nurse na lumabas na. Nang makarating sa tapat ni Krypt ay sinubukan kong magsalita pero nauna na siyang kumilos at binuksan ang pinto para makalabas ako.

"T-Thank you..." mahinang sabi ko bago lumabas.

"Lana!"

"Okay ka lang?!"

"Nahimatay ka?"

"Akala ko kung anong nagyari sa kaniya, e!"

"Mabuti na lang nakita ka namin,"

Napakurap-kurap ako nang makita ang mga kaklase ko na nasa labas ng clinic at sabay-sabay na nagtanong at nagsalita.

"O-Okay lang ako... s-salamat..." marahang sabi ko sa kanila. "Salamat sa pagtulong sa akin," baling ko kina Louie.

"Tabi nga!" Inis na sigaw ni Jannah at hinawi sina Louie para makalapit sa akin. Binigyan niya pa ng masamang tingin ang mga lalaki. "Tara na sa room!" Binaling niya sa akin ang naiirita niyang tingin.

Kahit naman na ganiyan 'yan, alam kong nag-alala rin siya. Hindi naman 'yan pupunta rito kung hindi.

"Dapat hindi ka na sumali doon sa takbuhan," pangaral ni Raija sa akin habang naglalakad kami papuntang room.

"Kaya ko naman, siguro nabigla lang sa sobrang init." Dahilan ko.

Actually, ngayon ko lang sinubukan na sumali sa sports at ngayon ko lang din nalaman na mabilis pala talaga akong tumakbo like what Krypt said before. Siguro, nabigla lang ako sa sobrang init ng panahon kaya nagkaganoon.

"Oo nga pala, nagtanong si Krypt kanina," bigla ay sabi ni Raija na bahagya pang lumapit sa akin.

Sumulyap ako kina Jannah at Cherry na sabay na naglalakad at pagkatapos ay sa likod ko. Hindi na sumunod sa amin sina Krypt.

Right, hindi ako nakapagpasalamat sa kaniya kanina.

"Kung may sinabi pa raw ba 'yung gumawa nung notes," nanlalaki ang matang tumingin ako sa kaniya nang marinig iyon.

Is he expecting another message? Pero iyon lang naman ang gusto kong sabihin. At iba naman ang gusto niya kaya bakit pa siya nanghihingi ng message.

Ang alam ko ay hindi na si Marla ang gusto niya ngayon. Naririnig ko na si Emily naman na ang gusto niya.

Ang dami naman niyang gusto!

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Echoes of the Heart   Chapter 34

    Rejected‎ ‎ ‎ ‎ ‎ ‎ ‎ ‎ ‎ ‎ ‎ ‎ ‎ ‎ ‎ ‎ ‎ ‎ ‎ ‎ ‎ ‎ ‎ ‎ ‎ ‎ ‎ ‎ ‎ ‎ ‎ ‎ ‎ ‎ ‎ ‎ ‎“Oh, right! The rooms.”“Marami naman silang rooms here kaya walang magiging problem, though sinabi na namin kay Krypt at sa mga caretakers na hindi natin gagamitin lahat. Iyong mga malalaking rooms lang na kasya tatlo hanggang limang tao.” Paliwanag ni Lorraine. “So!” Mahina niyang hinampas ang cardboard na hawak. “Gumawa na agad kami ng list kung sino ang magkakasama!”“Magkasama kami ng girlfriend ko!” Sigaw ni Louie mula sa grupo ng mga lalaki na palapit na rin pala sa pwesto namin.Blangko siyang tiningnan ni Lorraine habang ang iba ay pinagtampulan sila ng tukso. Sa pagkakaalam ko kasi, sila lang talaga ang nagkatuluyan sa batch namin. As in sa batch namin.Tiningnan ni Lorraine si Gracie na nagkibit-balikat lang at ngingisi-ngising kumain ng tsitsirya na hawak.“Hayaan mo na yan sila, Lorraine! May iba naman silang makakasama sa room kaya wag kang mag-alala.” Natatawang aniya ni Kelly.“Kasama ko

  • Echoes of the Heart   Chapter 33

    Kiss‎ ‎ ‎ ‎ ‎ ‎ ‎ ‎ ‎ ‎ ‎ ‎ ‎ ‎ ‎ ‎ ‎ ‎ ‎ ‎ ‎ ‎ ‎ ‎ ‎ ‎ ‎ ‎ ‎ ‎ ‎ ‎ ‎ ‎ ‎ ‎ ‎Nagising ako nang maramdaman ang paghinto ng sasakyan at mahinang usapan ng mga kasama ko. Pupungas-pungas pa akong umalis sa sinasandalan ko nang umandar na ulit ang sasakyan.“Huminto ba?” Salubong ang kilay na tanong ko at naniningkit ang mga mata na tumingin sa harapan nang makitang may iba na kaming kasama na nakaupo sa tabi ni Ren.“Yeah, just to get my friends. You can sleep more.” Sagot ni Krypt at siya mismo ang umayos ng jacket na ngayon ko lang napansing nakapatong na pala sa akin.“Okay,” sinandal ko na lang ang ulo ko sa sandalan at pumikit na lang ulit. Naramdam ko lang na may humawak sa ulo ko bago ako tuluyang nakatulog.“I’m not backing down this time.”Nagising ako sa mahihinang pagkalabit sa ilong ko. I crunched my nose and moved away from that thing. Salubong na agad ang mga kilay ko nang magmulat ako ng mga mata at ilang beses na pumikit dahil sa liwanag na bumungad sa akin.“San na tay

  • Echoes of the Heart   Chapter 32

    Direct‎ ‎ ‎ ‎ ‎ ‎ ‎ ‎ ‎ ‎ ‎ ‎ ‎ ‎ ‎ ‎ ‎ ‎ ‎ ‎ ‎ ‎ ‎ ‎ ‎ ‎ ‎ ‎ ‎ ‎ ‎ ‎ ‎ ‎ ‎ ‎ ‎“Did you had fun?” Tanong ulit niya ilang sandali.“I did.” Sagot ko ulit. “Uhm, do you need anything? I was actually wondering kung bakit tumawag ka sa ‘kin.”Ilang saglit siyang tumahimik at hindi sumagot. Tumikhim siya. “What time will you leave tomorrow? Sabay ba kayo ni Baron?”“Nope, kay Grace ako sasabay bukas.” Sagot ko at pagkatapos ay kumunot ang noo. “Umaga raw ang usapan, hindi ba? 7 to 8? Mas maagad raw mas maganda.”“Right.” Marahang sagot niya.“Mas maaga ka bang kailangan don? I mean, ikaw ang owner ‘di ba? At sponsor?”“Hmm. Si Kelly ang maagang pupunta para ma-double check lahat together with Lorraine. Hindi ako kailangan don.” Tumikhim ulit siya. “You knew?”“Ren told me.” I heard him groaned. Kumunot ang noo ko. “Bakit? May nangyari ba?”“Yeah..” bulong niya. “I was hurt.”“Oh,” tanging nasabi ko na lang. Wala na akong balak usisain pa ang nangyari sa kaniya kasi wala naman akong karap

  • Echoes of the Heart   Chapter 31

    Date‎ ‎ ‎ ‎ ‎ ‎ ‎ ‎ ‎ ‎ ‎ ‎ ‎ ‎ ‎ ‎ ‎ ‎ ‎ ‎ ‎ ‎ ‎ ‎ ‎ ‎ ‎ ‎ ‎ ‎ ‎ ‎ ‎ ‎ ‎ ‎ ‎Lumabas ako ng sasakyan ni Ren at tumayo muna ss gilid ng kalsada. Humarap ulit ako sa kaniya at nakangiting kumaway mula sa labas. Tinted kaya hindi ko siya makita pero bumusina siya ng isang beses bago tuluyang pinaandar paalis ang kotse.Sandali ko pa siyang sinundan ng tingin bago ako nagpasyang pumasok na sa loob pero bago pa ako makalapit sa may gate ay nakita ko na si Krypt na lumabas ng pinto at naglalakad na palapit. Diretso lang siyang nakatingin sa akin. Parehong nakalagay sa bulsa ng pants ang mga kamay. Nakapagpalit na siya ng damit. Naka-polo.Bumuntong hininga ako at nagpatuloy na lang sa paglalakad. Nauna siyang nagbuksa ng pinto kaya saglit akong huminto sa harapan niya para mangamusta lang.“Good afternoon.”“Afternoon.”Napakurap ako at napatitig sa papalayo na niyang bulto. Sinundan ko pa siya ng tingin hanggang sa pumasok siya sa loob ng sasakyan niya. Bumusina ng isang beses bago pinaa

  • Echoes of the Heart   Chapter 39

    Owner‎ ‎ ‎ ‎ ‎ ‎ ‎ ‎ ‎ ‎ ‎ ‎ ‎ ‎ ‎ ‎ ‎ ‎ ‎ ‎ ‎ ‎ ‎ ‎ ‎ ‎ ‎ ‎ ‎ ‎ ‎ ‎ ‎ ‎ ‎ ‎ ‎Pagkatapos dumaan sa opisina ni Engineer Miranda ay dumiretso na rin ako agad sa mall. Tumigil muna ako sa isang pancake house at uminom ng hot chocolate habang naghihintay. Habang hawak ang tasa at hinihipan ang mainit na laman noon ay napatingin ako sa phone ko nang bumukas iyon dahilan sa isang notification. Text message. Binaba ko na muna ang tasa para kuhanin iyon at tuluyang buksan ang phone ko.‎ ‎ ‎ ‎ ‎ ‎ ‎ ‎ ‎ ‎ ‎ ‎ ‎ ‎ ‎ ‎ ‎ ‎ ‎ ‎ ‎ ‎ ‎ ‎ ‎ ‎ ‎ ‎ ‎ ‎ ‎ ‎ ‎ ‎ ‎ ‎ ‎Ren:Where are you?‎ ‎ ‎ ‎ ‎ ‎ ‎ ‎ ‎ ‎ ‎ ‎ ‎ ‎ ‎ ‎ ‎ ‎ ‎ ‎ ‎ ‎ ‎ ‎ ‎ ‎ ‎ ‎ ‎ ‎ ‎ ‎ ‎ ‎ ‎ ‎ ‎Me:Pancake house‎ ‎ ‎ ‎ ‎ ‎ ‎ ‎ ‎ ‎ ‎ ‎ ‎ ‎ ‎ ‎ ‎ ‎ ‎ ‎ ‎ ‎ ‎ ‎ ‎ ‎ ‎ ‎ ‎ ‎ ‎ ‎ ‎ ‎ ‎ ‎ ‎Nilapag ko na ulit ang phone ko sa mesa at naghintay sa akniya habang kumakain ng waffles at umiinom ng chocolate. Sarap talaga. I love sweets so much! Or food in general.“Pahingi.”Nag-angat ako ng tingin nang may magsalita sa harapan ko at basta na

  • Echoes of the Heart   Chapter 29

    That's good ‎ ‎ ‎ ‎ ‎ ‎ ‎ ‎ ‎ ‎ ‎ ‎ ‎ ‎ ‎ ‎ ‎ ‎ ‎ ‎ ‎ ‎ ‎ ‎ ‎ ‎ ‎ ‎ ‎ ‎ ‎ ‎ ‎ ‎ ‎ ‎ ‎ “Bye na. Say ‘hi’ to Geida for me.” “Yeah, yeah, I will.” Huminto ako sa harapan ni Krypt at pinatay ang tawag saka binaba iyon at tinuGo sa clutch ko. Nag-angat ako ng tingin sa kaniya at pinagtaasan siya ng kilay. “Si Baron?” “In his room.” “Oh, okay,” binasa ko ang mga labi ko at tumingin sa may sofa sa living room. Bahagya akong ngumuso. “Hindi ka pa ba uuwi? Baka may kailangan ka pang gawin?” “Pauwi na.” Sagot niya. “May pupuntahan ka? Ihahatid na kita.” Tipid akong ngumiti at umiling. “Nah, commute na lang ako. At lasing ka rin kagabi, dapat nagpapahinga ka muna.” “I’m fine. Hindi naman ako nalasing.” Mabilis na sagot niya pero agad ring tinikom ang bibig nang makita ang pagtalim ng tingin ko sa kaniya. “Kung ganon, umaarte ka lang pala kahapon?” Umirap ako at humalukipkip. “I’m not. Nabored ako sa pinag-uusapan nila kaya inantok na ako at gusto nang matulog.” Paliwanag niy

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status