Pagkarating ko sa room ay nandoon na si Ma'am. Kung ihahalintulad sa mortal world ang subject niya, siya ang parang Values subject. Tinuturuan niya kami kung paano kontrolin ang magic namin. How our emotions affect us and the other people.Nang makita niya ako ay nginitian niya ako, ganoon din ang ginawa ko at umupo na.Maya-maya pa'y nagsidatingan na ang mga classmate ko. Ang iba ay may dala pang snacks. Na panigurado ay pumuslit pa muna sa dining hall bago dumiretso rito.Hindi na 'yon pinansin ni Ma'am at kumuha ng chalk.–––Reminders–––Napakunot ang noo ko nang isulat niya 'yon. Reminders? May quiz ba sa susunod na araw? Geez, hindi pa ako nakakahiram ng notes."Class, starting today. Wala tayong magiging klase, two days to be exact," sa sinabing 'yon ni Ma'am, marami ang natuwa. Malamang, walang pasok, eh.Ako? Hindi. Alam ko may mabigat na mangyayari kapag ganitong walang pasok."Ma'am, bakit po?" tanong ni Mia. Siya ang permanenteng katabi ni Calvin. Kaya sila ang magka-part
Pinatawag lahat ng estudyante ng Camster Academy sa harap ng Main Hall. Sinakop ng maraming estudyante ang harap nito. Nagmukha tuloy itong pila tuwing flag ceremony.Suot ko ang isang white T-shirt, jeans at rubber shoes. Inayos ko ang tali ko habang naglalakad papunta rito. I don't want to waste more time. Lalo na at malalagot ang buhay ko kapag na-late ako. Kinapa ko ang dalawang royal hair stick na nagsisilbing panali ko.Dumiretso kami ni Brina sa pila ng section namin. Pakiramdam ko ay pinamulahan ako ng pisngi nang makita ko si Calvin."Yo," bati ni Zach pero hindi ko siya pinansin.As if papansinin ko siya. After ng pinaggagagawa niya kahapon? Nah. No way.Ilang minuto pa ang lumipas bago kami makumpleto."Attention." Tumingin ako kay Arucis na nakatungtong sa isang bench para makita namin siya. "Pinapayagan kayong lumabas ng school para lang sa isang bagay. Ang mamili ng kakailanganin ninyo para sa mangyayaring seremonya rito sa loob ng Camster Acdemy."Madami ang nagalak sa
"I accept apologies, of course. I understand why mortals do such things." Zeus responded. "But I only accept genuine one. So — I'm very sorry but I am not accepting yours," How can he make me feel so little to myself? I feel humiliated right in front of everyone as of this moment. Naramdaman ko ang pagkuyom ng aking kamao na mabilis ko namang binaklas. I don't want to give him what he wanted. Masisiyahan lang siya sa kaniyang nakikita habang I'm feeling low for myself. Very evil. "Using foul words to someone else's name has consequences to pay." Zeus spoke again. Pakiramdam ko ay nanuyo ang lalamunan ko nang marinig 'yon. Such specific words is enough make me tremble in front of him. He's so direct to the point. He's being blunt. "Meddling with someone else's deals and/or businesses has consequences to pay." Tumalim ang mata ko habang pakiramdam ko ay namumuo na ang butil-butil ng pawis sa aking noo. "Mocking the beliefs of the people has consequences to pay." Napapikit ako nan
THIS IS WHERE IT ALL STARTS . . .---What the hell? Kailan ba ako titigilan ng mukhang mandirigmang 'to?!Nakakasama ng araw. Lalo na kung titingnan mo 'yong lip tint niya na hindi naman bumagay sa hitsura niya. What an eyesore."Hoy, monster. Kinakausap kita, 'di ba?"Hinarap ko siya at matapang na sinalubong ang nanlalait niyang tingin. "How many times do I have to tell you? I'm not a monster. I*****k mo 'yan sa utak mo kung meron ka man."Pinipilit nila ako umamin na monster ako in front of the students here. Nakita raw kasi ng kaibigan niyang si Maxine ang kapangyarihan ko.Yes, I am fully aware that I have power. I know that one. Pero I can't just spill the tea here!To tell you who the hell is me. I am Arya Arabella Dasiria Camster. A fourth year high school student in Greenfield High. Katamtaman lang ang height ko, just like an average high schooler. Namumukod-tangi naman na isa akong estudyante na ang buhok ay kulay abo.If you're asking how come kulay gray ang buhok ko. The s
"Good bye, Ma. Papasok na po ako," pagpapaalam ko bago h*****k sa kaniyang pisngi. Ni-pat niya ang ulo ko bilang sagot.Tsk, palagi niyang ginagawa 'yon. And then, I always look like a kid."Ingat, ha? Huwag na maging careless at malalagot tayo," pagpapa-alala niya habang kumakaway.Naglakad na ako papuntang school dahil walking distance lang naman. Para na rin makapag-exercise ako. Lalo na at hindi pa bumibisita si Tanda. Ibig sabihin wala pa akong training. Nagkakaroon lang naman ako ng hell days tuwing nandito siya sa bahay o ako ang dumadalaw sa kaniya. Eh, sa ngayong hindi kami nagtatagpo, wala rin namang naging ganap. Pakiramdam ko nga ay nangangalawang na ako eh.Sa paglalakad, hindi ko na namalayan na nasa school na pala ako. Doon ay naramdam ko ang tinginan nila sa 'kin."What?" tanong ko sa aking sarili habang pinagmamasdan ang kanilang nanunuring tingin.They didn't remember anything, right? My Mom's magic worked, right? . . . .Right?"Oh, dear. Look who's here?" panimula ni
I GOT THROWN BY MY OWN FATHER AND IT'S NOT MY FAULT – "Intruder!" Kasabay noon ay bigla kong naramdaman ang pagtama ng likod ko sa isang matigas na bagay. "What?!" angil ko habang naghahabol ng hininga. Tinulungan ko ang sariling tumayo nang dahan-dahan. Pakiramdam ko ay nabasag ang likod ko. "Zach!" sabay na saway ng dalawang boses. "Hello. Welcome to Camster Academy," bati noong babaeng maliit at maikling buhok. Agad niya akong dinaluhan saka inalalayan tumayo nang maayos. Para na kasi akong matandang walang tungkod kanina. Ang ganda naman ng pag-welcome ninyo. Psh. Pero wait – tama ba ang narinig ko? Camster Academy? Camster is my surname. Thank goodness at nandito na ako. Mabuti na lang hindi ako naligaw! "Hi," bati ko habang nakangiti. Nawala sa isip ko kung gaano sumakit ang likod ko nang ma-realize ko na successful akong nakapunta rito. Tumayo ako mula sa pagkakasalampak saka pinagpagan ang sarili ko. "I'm Brina Riyoka," pagpapakilala ng babaeng maliit na may maikling b
THEY KNOW ME?! - Ramdam ko na ang pagod habang naglalakad ako sa isang malawak at hindi pamilyar na lugar. Pakiramdam ko ay nagrereklamo na ang mga binti ko sa sobrang sakit. Hindi rin nakatutulong ang init na tumatama sa balat ko kaya halos maligo na ako sa pawis. "Geez, saan na ba ako napadpad?" tanong ko sa sarili ko nang pakiramdam ko ay naliligaw na ako. Sobrang lawak naman kasi rito. Puro building ang nakikita ko, kung hindi building, malalawak na lupain naman na halos walang laman. Natanaw ko mula sa malayo ang isang lugar kung saan may kaunting lilim. Lumakad ako papunta roon at saka naupo sa isang bench na nasa ilalim ng malaking puno. Napag-isipan ko na rin na magtatagal na muna ako rito kung saan maraming bulaklak at benches na nakapaligid. Wala naman sigurong makakahuli sa 'kin dito. Lahat kasi ng nadaanan ko na classroom ay sarado, tahimik at walang tao sa hallway. Class hours na siguro kaya ganoon. May mga guards kaya sila rito na rumoronda? Paano kung hulihin nila a
Pagkarating namin sa loob ng kwarto. Isa lang ang masasabi ko. MALINIS! Grabe sa pagiging malinis ng babaeng 'to. Walang kahit anong dumi. And I love it! Kasi ayaw ko talaga sa maruming lugar. "Ayos ba?" tanong niya. "Mm," tipid na sagot ko habang pinagmamasdan ang paligid. Lumapit na ako sa magiging puwesto ko. Sa dulo, malapit sa bintana. Inilapag ko ang gamit ko sa sahig at naupo sa kama. "4:30 pa lang, ang tahimik na," pagbasag ko sa katahimikan. "Ganito talaga. Simulan mo nang mag-ayos ng mga gamit mo. 5:00 P. M. kakain tayo ng hapunan," "Ang aga niyo kumain ha. Sa kabila kasi 7:30 kami kumakain ni Mama," sabi ko bago mag-inat. Sinimulan ko nang mag-ayos ng gamit kagaya ng sinabi niya. "Ganyan din ang reaksyon ko noong una. Kamusta roon?" tanong niya. "Hmm." Humiga ako sa kama dahil sa tanong niya. Ramdam ko ang tingin niya na nakatutok sa akin, pinagmamasdan ako at naghihintay ng sagot. "Ganoon pa rin. Meaning polluted, may corruption pa rin, araw-araw may namamatay. Gan