Sa paglipas ng mga araw ay nanatili si Nicolo sa aking tabi.
Sa kabila ng kalungkutang aking nadarama ay nanatili itong gabay sa nagdidilim kong mundo.
Kasama ng kalikasan, dinamayan nila ako sa pagluluksa kina Nanay at Tatay.
Walang katawan nina Nanay at Tatay kaming naiburol sapagkat parehong nalunod at nalubog sa gitna ng dagat ang mga katawan nila.
Parang kahapon lang ng iyon ay maganap. Halos hindi ko alam kung ano ang aking gagawin.
Mabuti na lamang at nanatili si Nicolo sa aking tabi.
"Malalim na naman ang iyong iniisip, Mahal kong Prinsesa." Mula sa likurang bahagi ng aking katawan ay niyakap niya ako.
"Iniisip ko lang sina Nanay at Tatay," malungkot kong tugon sa kaniya.
"H'wag ka nang malumbay, Mahal kong Prinsesa." Ipinatong pa nito ang kaniyang baba sa aking balikat.
Nakaharap kami sa bintana ng aking silid kung saan natatanaw namin ang ganda ng kakahuyan.
Ang kakahuyang kinatatakutan sa paningin ng mga normal na tao at siyang kabaligtaran naman sa paningin namin dahil kakaiba kaming nilalang ni Nicolo.
Marami sa mga kapitbahay namin ang madalas magtanong kung bakit hindi pa kami magpakasal at magsama ni Nicolo.
Lingid naman kasi sa kanilang kaalaman na kami ay mga kakaibang nilalang.
"Kailan mo gustong makita ang iyong totoong mundo, Mahal kong Prinsesa?" tanong nito sa'kin.
Minsan na naming napag-usapan ang tungkol sa Enchantria.
"Hindi ko pa alam, Nicolo." Bumuga ako nang malalim na hininga.
"Hindi pa ako handa," turan ko pa sa kaniya.
"Kailan ka magiging handa sa iyong totoong mundo?" tanong pa ni Nicolo.
"Hindi ko rin alam," malungkot kong tugon sa kaniya.
"Handa akong maghintay sa'yong desisyon, Mahal kong Prinsesa." Hinaplos pa nito ang aking pisngi.
"Salamat, Nicolo!" Isinandig ko ang aking likod sa kaniyang dibdib.
Pumitik ito sa ere at tulad nang madalas nitong gawin bago ako matulog ay isang malamyos na musika ang kaniyang pinatugtog. Isang musika na para akong hinihele patungo sa isang masayang panaginip.
**********
Kinabukasan ay maaga akong bumangon upang magluto ng aming makakain.Napangiti ako nang masilayan ang maamong mukha ni Nicolo.
Hinaplos ko ito sa kaniyang pisngi at saka ko dinampian ng halik sa kaniyang noo.
Paglabas ko ng kusina ay agad akong nagsaing. Hiniwa ko ang mga gulay na nakalapag sa mesa at saka isinalang iyon sa kalan.
Habang naghuhugas ng mga platong ginamit ko ay may narinig akong tumawag sa aking pangalan.
"Diana..." Lumingon ako sa pag-aakalang si Nicolo ang tumatawag sa'kin.
Hindi ko nakita si Nicolo kahit na ang anino nito roon.
"Diana..." Muling tawag ng malamyos na tinig.
"Sino ka?" tanong ko sa naririnig na tinig.
"H'wag kang matakot, Diana," tugon naman ng malamyos na tinig.
"Ako ang iyong gabay at alam kong gustong-gusto mo nang makita ang Nanay at Tatay mo," ani pa ng malamyos na tinig.
"Oo, gusto ko na silang makitang muli," naluluha kong turan dito.
"Halika, sasamahan kita." Aya sa'min ng malamyos na tinig.
Natigilan ako sa sinabi nito, "Hindi ako sasama sa'yo."
"Hindi kita kilala!" hiyaw ko sa malamyos na tinig.
"Ikaw ang masusunod, Diana... Ngunit kung handa ka na, puntahan mo lamang ako sa Enchantria," hayag nito sa'kin.
"Enchantria?" Natigilan ako nang marinig ang kaharian ng aking tunay na mga magulang.
"At bakit kita sa Enchantria pupuntahan?" balik tanong ko sa malamyos na tinig.
"Sapagkat naroon ang mga kasagutan sa iyong tanong Diana. Naroon din ang bagay na muling bubuhay sa iyong Nanay Tina at Tatay Dante," mahabang hayag ng malamyos na tinig.
Natigagal ako sa sinabi nito at 'di makapaniwala sa aking mga narinig.
"Hindi totoo 'yan! Niloloko mo lang ako!" hiyaw ko sa malamyos na tinig.
Hindi ko na ito muling narinig pa.
Dali kong pinuntahan sa silid si Nicolo ngunit wala na ito roon.
"Nicolo?" tawag ko sa binata.
Walang sagot akong natanggap tanda na walang tao sa silid kung hindi tanging ako lamang.
Nanghihinang napaupo ako sa higaan at doon ay humagulgol ako.
"Bakit ka umiiyak, Mahal kong Prinsesa? Ano ang bumabagabag sa'yo?" magkasunod na tanong ni Nicolo na mukhang kagagaling lamang sa paliligo nito dahil basa pa ang kaniyang buhok.
"Nicolo!" humahagulgol kong bulalas at tumakbo ako palapit sa kaniya.
Sinalubong naman niya iyon nang mahigpit na yakap.
"Akala ko ay iniwan mo na rin ako," sumisinok-sinok kong anas sa kaniya.
"At bakit ko naman iyon gagawin?" maang niyang tanong sa akin.
"Narinig ko ang isang malamyos na tinig. Sinasabi nitong maaari ko pa raw mabuhay sina Nanay at Tatay." Pagkukwento ko sa kaniya.
"Ang Inang Reyna!" bulalas nito sa'kin.
"Anong ibig mong sabihin?" maang kong tanong sa kaniya.
"Ang iyong Inang Reyna lamang ang siyang may kakayahang kausapin ka sa isip, Diana," tugon nito sa'kin.
"Maaaring buhay pa ang iyong Inang Reyna o maaaring kasama ito sa mga basbas ng engkantasyon na iniwan niya sa'yo." Huminto ito sandali sa kaniyang pagsasalita.
"Siya lamang din ang may kakayahang muling bumuhay ng mga mabubuting kaluluwa ng mga nilalang na nais nilang buhayin sa mundo ng Enchantria kahit saang mundo pa man ito galing."
Tumingin ito sa aking mata na tila inaaninag sa kaibuturan ng aking puso kung ano ang aking gagawin.
"Kaya ba nagagawa kong buhayin ang mga lantang bulaklak at mga halaman ay dahil namana ko iyon sa aking tunay na ina?" mahabang tanong ko sa kaniya.
"Maaari, Diana!" tugon niya sa'kin.
"Kung gano'n ibig ko nang magtungo tayo sa Enchantria." Buo kong desisyon sa aking kalooban.
"Ngunit hindi ka maaaring bumalik doon ng hindi mo pinaghahandaan ang maaari mong kaharapin sa mundong iyon, Mahal kong Prinsesa," seryoso nitong wika.
"Ano ang aking dapat gawin, Nicolo?" nagugulumihanan kong tanong sa kaniya.
"Kailangan mong magsanay at mag-aral, Mahal kong Prinsesa." Hinaplos niya ang aking buhok.
"Gusto kong simula na natin sa lalong madaling panahon, Nicolo," turan ko sa kaniya.
"May tamang panahon para sa lahat, Mahal kong Prinsesa." Hinaplos ng daliri nito ang mga luhang nagkalat sa aking pisngi.
"Todo está configurado en el momento adecuado," wika nito sa'kin sa kakaibang lenggwahe.
"Ngunit kailan ang tamang panahon na 'yon?" malungkot kong tanong sa kaniya.
"Sa ngayon ay pag-aralan mo na muna ang ating lenggwahe, Mahal kong Prinsesa. Alam kong naiintindihan mo ang lenggwahe natin ngunit hindi ka pa marunong magsalita nito." Paliwanag pa ni Nicolo.
"Handa akong aralin ang lahat!" mariin kong turan sa kaniya at tumango naman ito sa'kin.
Sa paglipas ng mga araw ay nanatili si Nicolo sa aking tabi.Sa kabila ng kalungkutang aking nadarama ay nanatili itong gabay sa nagdidilim kong mundo.Kasama ng kalikasan, dinamayan nila ako sa pagluluksa kina Nanay at Tatay.Walang katawan nina Nanay at Tatay kaming naiburol sapagkat parehong nalunod at nalubog sa gitna ng dagat ang mga katawan nila.Parang kahapon lang ng iyon ay maganap. Halos hindi ko alam kung ano ang aking gagawin.Mabuti na lamang at nanatili si Nicolo sa aking tabi."Malalim na naman ang iyong iniisip, Mahal kong Prinsesa." Mula sa likurang bahagi ng aking katawan ay niyakap niya ako."Iniisip ko lang sina Nanay at Tatay," malungkot kong tugon sa kaniya."H'wag ka nang malumbay, Mahal kong Prinsesa." Ipinatong pa nito ang kaniyang baba sa aking balikat.Nakaharap kami sa bintana ng aking silid kung saan natatanaw namin ang ganda ng kakahuyan.Ang kakahuyang kinatatakutan
"Diana, Anak!" nakangiting sambit ni Tatay."Tay!" Tawag ko sa ama-amahan."Mahal na mahal ka namin ng Tatay mo, Anak." Hinaplos ni Nanay ang aking pisngi."Nay!" Yumakap ako rito."Anak, lagi mong tatandaan na nandito lang kami parati sa'yong tabi," wika ni Nanay."H'wag mong pababayaan ang iyong sarili, Anak." Hinaplos ni Tatay ang buhok ko."Mahal na mahal ka namin, Anak!" Sabay nilang sabi at niyakap ako nang mahigpit."Nay! Tay!" Nagsimulang umagos ang mga luha mula sa aking mga mata."Paalam, Anak!" Hinalikan pa nila ako ng sabay sa aking pisngi.*Nay! Tay!" humahagulgol kong sambit.Sa huling pagkakataon ay hinaplos nila ang aking pisngi at saka dahan-dahan silang lumayo sa'kin."H
"Nay!" bulalas ko kay Nanay.Nilapitan ko 'to at niyakap nang mahigpit."Alam naming hindi ka namin katulad. Mula noon ay ramdam na namin 'yan dahil sa mga kakaibang pangyayaring araw-araw na nagaganap sa ating buhay. Walang normal na tao ang kayang mag-iwan ng pitak ng ginto sa tapat ng ating pinto at walang matinong tao rin ang maglalakas ng loob na lagyan ng bulaklak ang loob ng iyong silid na hindi natin makikita at mararamdaman," mahabang salaysay nito."Nay!" naluluhang usal ko."Nang ipakilala mo sa'min si Nicolo ay higit na nasagot ang lahat ng mga katanungang kaytagal naming itinatanong sa aming sarili ng Tatay mo. Ilang taon na ang nakaraan pero 'di ko kayang maniwala na may ganoong mundo talaga. Hanggang sa kami mismo ng Tatay mo ang makasaksi niyon. Napakaliwanag ninyong dalawa nang minsang magdikit ang inyong katawan. Liwanag na wari'y hindi para sa isang normal na tao talaga. Nakita na rin na
"Diana!" Mahinang tinig ni Nicolo ang siyang aking naririnig."Nicolo..." Hinahanap ko ang presensiya niya sa madilim na karimlan."Diana..." Muli'y narinig ko ang malakas niyang tinig na parang kaylapit niya lamang sa'kin."Dumilat ka, Mahal kong Prinsesa!" Naramdaman ko ang masuyong haplos niya sa aking pisngi."Nicolo..." Iminulat ko ang mga mata at aking nasilayan ang nag-aalalang mukha nito."Diana, Mahal kong Prinsesa!" Niyakap ako nito nang mahigpit.Ramdam kong nakahiga ako pero wala sa loob ng aking silid.Inilinga ko ang mga mata sa paligid at nakita kong nasa kakahuyan pa rin ako.Ngunit saan ako nakahiga kung gayon?Pinilit kong bumangon sa pagkakahiga at inalalayan naman ako ni Nicolo.Namangha ako sa nakitang ganda ng aking higaan.Para akong isang tunay na prinsesang nakahiga sa isang magarang higaan na napalilibutan ng iba't ibang uri ng mga bulaklak.Nap
Diana (POV)Namulat ko ang mga mata nang maramdaman sa aking balat ang pagtama ng sinag ng araw na lumulusot mula sa butas ng bintana.Bumangon ako sa higaang papag at naghikab bago tuluyang tumayo. Niligpit ko ang pinaghigaan at sinuklay ang aking buhok.Binuksan ko ang sirado ng bintana at sumilay ang ngiti sa'king labi nang makita si Nicolo na nagsisibak ng mga kahoy sa'ming bakuran.Mula ng maging kasintahan ko 'to ay lagi na niyang pinatutunayan sa'min ang kaniyang sarili.Sa sandaling panahon nang panliligaw nito ay hindi na ako nagpatumpik-tumpik pang sagutin ito.Hindi naman na ako naniniwala pa sa makalumang paraan nang panliligaw dahil nasa modernong panahon na ang mundo at hindi na uso sa akin ang Maria Clara style.Si Nicolo lang naman ang mapilit na gawin ang mga makalumang paraan nang panliligaw dahil gusto
Nicolo (POV)Magmula nang magkaharap kami ni Diana rito sa kasukalan ng kagubatan ay may kung anong engkantasyon ang bumalot sa aming dalawa.Nakita ko ang liwanag na lumabas mula sa kaniyang katawan nang haplusin niya ang aking pisngi.Liwanag na tanging mga mahaharlikang engkantada lamang ang mayroon at minsan ko na ring nasaksihan mula sa kaniya ng sanggol pa lamang siya.Hindi ko batid kung nakita niya rin ang liwanag na 'yon. Pero, alam kong may kakaibang nangyari mula nang haplusin niya ang aking pisngi.Nararamdaman ko ang kaniyang nadarama. Nakikita ko ang kaniyang mga panaginip. Naririnig ko ang kaniyang naririnig.Hindi ko gustong makitang nalulumbay si Diana, dahil kahit ako ay nalulumbay rin.Ang bawat paghihirap ng kaniyang kalooban ay higit na paghihirap na aking nadarama.Gusto ko lang na lagi siyang masaya sapagkat pati ako ay sumasaya rin."Bakit