Share

KABANATA 06

KABANATA 06

Nakangiting niyakap ni Ultear ang kaniyang best friend na mayroon matatalim na tingin para sa kaniya habang hindi mabawas-bawasan ang haba nang pagnguso nito. Alam niya naman na galit ito sa kaniya ngunit alam niya rin naman na hindi siya kayang tiisin ng kaibigan.

"Sorry na, Kylie," saad niya sa nagmamakaawang boses at bumitaw sa pagkakayak sa kaibigan. "I didn't know that our dinner will last that long. You know Daddy is very strict and focus when it comes to his dinners with his business partner, right?"

They had a plan with her friend that they would return to this bar today. Kylie's boyfriend invited her and Ultear also. To support and watch them now.

Wala naman talaga siyang balak na bumalik pa muli sa lugar na 'to. Kaya lang nakakahiya naman sa kaniyang kaibigan kung hindi niya tuparin ang pinangako kay Vince, Kyle's boyfriend.

And even if Kylie doesn't tell her she's sure they'll be home late at night, no-- I mean it will be morning.

Ngumuso siya sa bagay na naisip. Hindi niya pa nababawi ang pagpupuyat na ginawa nila kahapon. Nanggaling din kasi sila sa bar na ito kagabi at ang pagkakaiba lang sa ngayon at kagabi ay tutugtog sina Vince.

Monday na bukas at hindi siya puwedeng mag-absent siya para lang matulog maghapon dahil sa graduating na siya. One of the most important thing ay kapag nalaman iyon ng daddy niya ay sigurado siyang ikakagalit iyon ni Nicholas.

Pinapayagan siya ng kaniyang ama na gawin ang bagay na ninanais niya. Kaya bilang kabayaran ay magkakaroon siya ng interest sa pag-aaral at sa business na mayroon sila. Kahit sa totoo lang, wala siyang plano kunin ang Business Administration at akuin ang business na mayroon ang ama.

She want to be a model like her Grandma, ngunit kapag sinabi niya naman iyon ay baka iyon na ang pagsimulan nila ng away, 'again'. And baka hindi niya na alam kung saan pa siya maaaring magpunta next time. Baka matagpuan niya na lang ang kaniyang sarili na sa kalsada naninirahan.

Alam niya naman na walang pakialam sa kaniya si Nicholas, na hinahayaan lang naman siya sa kaniyang mga ginagawa dahil wala itong pakialam kung mayroon man mangyari sa kaniya. Ipinipilit niya na lang na isiksik sa kaniyang isipan na mahal siya nito. Dahil na rin sa mga perang kayang ibigay ng ama sa kaniya. At sa kaunting panahon na darating at lilipas ay natitiyak niya na mapapagod na rin siyang gawin iyon at magpanggap na ayos lang ang lahat na perpekto ang buhay na mayroon siya kahit na sila lang ng kaniya ang natitra sa pamilya.

She sighed. Ultear was looking forward to the evil things that will happen to her tomorrow during class time.

"Mahigit isang oras ako naghintay sa 'yo rito, kung hindi mo alam. Bakit hindi mo ako tinawagan?" tanong nito. Hindi pa rin maalis ang pagnguso nito at ngayon ay nakataas na ang isang kilay. "Naghirap na ba kayo at wala ka nang pambayad 5 minutes na pantawag mo?"

"Stupid!" natatawa niyang sabi at mahinang sinampal ang balikat ng babaing kaharap. Hindi niya alam kung nagbibiro ba ito sa ginagawang pagsungit sa kaniya or what. "Hindi ko alam kung saan ko naiwala kahapon iyong phone ko, at kanina naman wala akong time para bumili. Marami akong ginawa kasama na iyong project natin," dagdag na paliwanag niya.

"Whatever!" Her eyes rolled.

"Where's Vince, by the way?" she change the topic. "Tapos na ba ang concert nila?"

Hindi niya man lang nakita si Vince o kahit man lang si Nate and Jake para sana batiin at i-congrats. Ngayon niya lang kasi ito mapapanood sa gitna ng intablado. Although, napapanood at naririnig niya na rin silang kumanta pero iba pa rin naman kung marami ang taong nakaharap.

Kylie pointed her lips on the stage. "They're just getting started, your on your time. They won't be upset with you but me, yes."

"I'm sorry..." paglalambing niya at niyakap muli ang kaibigan bago sandaling isiniksik ang kaniyang mukha sa leeg nito.

Hindi man lang ito sumagot o kahit ang tanguan siya ay hindi ginawa ni Kylie.

Sabay nilang ibinaling ang kanilang mga mata sa stage nang mag-umpisa mag-strum si Jake ng hawak niyang gitara. Kahit na hindi nasa kaniya ang atensyon ng binata ay binigyan niya pa rin ito ng matamis na ngiti.

Mayroon ng tatlong lalaking ang nakapuwesto sa stage. Ang tatlong malapit sa kanila or should they called them their friends, sila ang ang tatlong tao na hinahanap ng mga mata niya. Ngunit wala pa roon ang vocalist ng banda.

Iginala niya ang kaniyang paningin. Nagbabaka sakali na late lang ang lalaking iyon. Ngunit kahit ano ang gawin niya ay hindi naman niya iyon makita.

"Nasaan na iyong vocalist?" nagtatataka niyang tanong. Hindi niya aakalain na mabibigkas iyan ng kaniyang dila.

Nagkibit-balikat ang taong nasa gilid niya at panandalian siyang nilingon. "I don't know. I guess Sting take a deep breath. I'm sure hindi magiging madali para sa kaniya ito dahil sa ilang taon din siyang nag-stop sa pagkanta."

"You met him, already?" she wondered. Hindi niya napigilan na hindi magtaas ang kaniyang kilay.

"Yeah. Pinakilala siya sa akin ng boyfriend ko. He's an original vocalist of the band. I was speechless when Vince's told me."

"Really?" So, ang nagngangalang Sting na iyon ang tao na ni-mention sa kanila ni Vince, last night? Vince open a topic out of the blue moon.

Sting is the reason, why their band got famous, pero nang umalis ito ay unti-unti nang nalalaos ang "Phantom Pen". Walang ibang rason na sinabi sa kanila si Vince maliban sa gusto ng girlfriend ni Sting na umalis ito. How naive, right? Hindi ba ito proud sa talentong mayroon si Sting? Kung siya man ay magkakaroon ng boyfriend na ganoon, she would be proud.

"Hmmm." Bumaling na si Kylie sa stage. "He's a nice guy, honestly. Hindi nga lang halata sa mga mata niya, something or someone made and cover an ice on it."

Nilingon niya si Kylie na hindi na siya sinubukan pang lingunin. Nakatutok na talaga ang mga mata ng kaibigan sa stage.

She laughed, disbelief. "Ano ba ang kaweirdohan na sinasabi mo diyan?"

"You'll realize what I've said after you met him," wala pa rin bahid ng pagbibiro ang boses nito. "Hindi siya normal na lalaki tulad ng inaakala mo, I'm warn you."

Okay! Talo na siya, gusto niya nang makilala ang lalaking 'yon at patotohanan ang sinabi ni Kylie. Hindi niya mapigilan na matawa sa kaniyang naisip. Lahat ng tao ay normal, maliban na lang kung isa siyang alien.

Naglaho ang liwanag sa buong paligid at nag-umpisa nang tumugtog ang instrumentong mayroon ang stage. Iyon lang ang ingay na maririnig sa apat na sulok ng silid na ito at ilang mga palakpakan na nanggagaling sa mga tagapakinig.

Para bang nagtago ang lahat ng dugo na mayroon si Ultear sa buo niyang katawan. Nagtago ang mga ito sa kaniyang mga balbon nang marinig niya ang lamig ng boses nang kumakantang lalaki na nagngangalan Sting.

Sinungaling siya kung sasabihin niya na pangit ang boses nito.

Bumukas ang ilaw at iniluwa nito ang lalaking nakatayo sa harap ng stage habang nakapikit at dinadama ang lungkot sa bawat lyrics ng kanta. Idinadala niya ang lahat ng taong nandito sa isang lugar sa bawat bigkas ng kaniyang labi.

She wished, she could stare at the man hanggang sa matapos nito ang buong kantang. Ngunit hindi mapigilan ng talukap ng kaniyang mga mata na pumikit at damahin ang sakit sa bawat salita. Pakiramdaman niya, siya iyong bida sa kinakanta ni Sting at nararanasan niya ang mga sakit at pighati na iyon. How to fall in love with all your heart until it's break down into pieces.

Hindi niya aakalain na ganoon katagal matatapos ang kanta. Para bang isang oras iyon nangyari ngunit ang totoo ay tatlong minuto lang. Marahan niyang hinaplos ang tubig na nararamdaman niya na rumaragasa sa kaniyang pisngi.

Ang inaakala niya na siya lang ang lumuha sa kantang iyon, ngunit nagkakamali siya. Kahit ang ilan tao na na hindi kalayuan sa table nila at pati na rin si Kylie na nakaupo sa kaniyang tabi at tahimik na nakamasid sa stage ay lumuha rin.

Wala ni isa ang gustong pumalakpak o sumigaw man lang.

Nilingon niya si Sting na hanggang ngayon ay nakatayo pa rin sa stage at nakayuko. Huling-huli ng dalawang mga mata ni Ultear ang marahas na pagpunas nito sa kaniyang pisngi.

Lumingon ang binata sa kanilang lugar at tuluyan nang nagtapat ang kanilang mga mata. Tulad siya nang mga taong tumitingin sa mga mata ni Medusa nang naging isa siyang istatwa ngunit ang pagkakaiba lang ay gawa naman sa yelo.

Tama si Kylie may kung anong bagay ang nakabalot sa mga mata nito. Hindi lang lamig ang nakatago roon kung hindi ang kalungkutan at pighati.

Mabilis ang ginawa pagkilos at paghakbang ni Sting upang iwan ang stage. Wala itong iniwan na kahit na anong salita sa mga kasama niya.

Ang binatang iyon ang naging laman ng isipan ni Ultear sa ilang sandali na lumipas. Ang boses nito, ang mukha at ang luha sa kaniyang mga mata pati na ang asul nitong mata na umuusok sa sobrang lamig.

"Ultear, akala ko hindi ka na makakarating!" nakangiting bungad ni Jake nang makababa sila galing stage. Ginantihan niya rin ito nang matamis na ngiti.

Naglalaro na rin ang mga ingay sa buong paligid dahil sa malalaking speaker. Kaya hindi talaga magkakaintindihan ang mga taong mag-uusap kung hindi sila magsisigawan.

Mahigit isang oras pa ang ginugol nila sa stage bago tuluyang natapos ang concert nila. Bumalik din naman agad ang nagngangalang Sting na iyon at nagpatuloy sa pagkanta ngunit hindi naman na tulad ng una niyang kinanta ay malungkot, puro mga masasayang kanta at pang-party na ngunit malayo naman ang boses niya sa saya ng tugtog.

"Almost there," she tried to make a joke ngunit sineryoso yata ng babaing nasa tabi niya.

Binalingan siya nito at masamang tinapunan ng tingin. "Kakalbuhin talaga kita at itatapon sa ere."

Gusto man niyang tumawa dahil sa sinabi ng kaniyang kaibigan ngunit hindi niya na sinubukan pa. Hindi naman siya natatakot sa banta nito. Natatakot lang siya na baka seryusuhin pa ni Kylie ang joke na susunod niyang sabihin.

Umupo si Vince sa tabi ng girlfriend niya at umupo naman si Jake at Nate sa bakanteng upuan na nasa tabi ni Ultear.

Iginala niya ang kaniyang paningin sa kabuuan ng silid upang hanapin si Sting.

Gusto niya na makilala at personal na magpakilala sa lalaking vocalist nila ngunit hindi yata ito ang tamang panahon para roon. O wala sa sistema ng binata ang makipagkilala kung kanino man dahil dumeritso ito sa backstage para kunin ang kaniyang mga gamit.

"STING!" sigaw ni Vince habang kumakaway upang makuha ang buong atensyon ng taong iyon. Nakasabit na ang bag ng binata sa kaniyang balikat.

Sumunod din ang mga mata niya sa lugar kung saan nakatingin si Vince. Mabuti na lang at kahit maingay ang buong paligid ay narinig pa rin iyon ng binata. Sandali niyang pinagtuunan ng pansin ang white uniform na nakabalot sa kaniyang braso. Isa iyong uniform ng college student.

Lumingon ito sa kanila at walang pasubalit na tinungo ang mesa.

"Upo ka muna, mag-celebrate muna tayo sa pagbabalik mo!" sigaw ni Vince nang hindi inaalis ang matamis na ngiti sa labi nito.

Umiling lang si Sting. Nakatalikod ito sa kaniya kaya hindi niya magawang maaninag ang mukha nito lalo na ang ni mention sa kaniya ni Kylie. Ang malalamig nitong mga mata.

"I'm sorry, but pass for this time," paghingi niya ng paumanhin. Halata rin naman sa kaniyang boses ang antok. His yawning, suddenly. "I have a lots of things to do."

"Sandali lang naman ito, join ka lang kahit thirty minutes then puwede ka nang umalis," Vince said. "Oww... By the way, I wanted you to meet," Lumingon pa sa kaniya si Vince with his finger pointed at me. "She's Ultear Acosta, my girlfriend bestfriend."

Hindi na niya hinintay pa na magsalita ang binata at tuluyan na siyang tumayo bago hinarap si Sting. Siya na rin ang unang naglahad ng kamay sa kanilang dalawa.

"Hi, I'm Ultear Acosta," masaya niyang bulalas at binigyan pa ito ng matamis na ngiti. Inilakbay niya ang kaniyang mga mata sa kabuuan ng mukha ng binata.

She smiled and gently bite her lips. Sobra-sobra na ang inaasahan niya para sa lalaking ito. Napansin niya na ang kagwapuhan na tinataglay nito sa malayo pa lang at mas lalo lang siyang humahanga ngayon na nakatayo na ito sa kaniyang harapan.

Bagsak ang uling niyang buhok, makapal ang kilay, hindi pango o matangos ang kaniyang ilong sakto lang para sa paningin niya at ang labi nito na hindi nalalayo sa kulay ng strawberry. Iyang ang bagay na unang mapapasin ng taong unang beses siyang makakaharap.

"Yeah. I know," he said impolitely.

"R-Really?" she said, unbelievable. She look at him surprising. "Paano mo nalaman?"

Nakaramdam siya ng saya, kasiyahan na kilala siya ng binatang kaharap at alam nito ang pangalan niya. Hindi naman siya ganoon kaganda sa paningin niya pero ngayon pakiramdam ni Ultear na maganda nga talaga siya.

Ito ang unang beses ng nakaramdam siya nang kakaibang kaligayahan, kaligayaan na hindi niya maipaliwanag ng maayos. Basta ang alam niya lang ay mayroon nagliliparan mga paru-paro sa kaniyang tiyan.

"You're Ultear Acosta, right?" Marahan ang ginawa niyang pagtango bilang sagot. "Vincent already mentioned it, and you said it again as well. How can I not know?"

"Sting, be nice on her. She's one of our friend," singit ni Jake na nasa tagiliran niya lang. Matatalim ang tingin na ibinigay nito kay Sting. Hindi na naintindihan pa ni Ultear ang ginawang pagbulong ni Jake.

Natigil siya. She's speechless obviously. Mali ang paniniwala niya sa kaniyang naisip. Kylie is wrong. Sting is not a nice person.

"Yeah."

"Don't worry, Jake. I'm okay, I'm the one who made a mistake." Ibinalik niya muli ang buong atensyon niya kay Sting na ngayon ay nasa malayo na ang mga paningin nito. "You are?"

Hindi siya nito tinapunan ng tingin basta sinagot lang ng binata ang tanong niya. "Sting."

"Sting?"

"Yeah. Sting."

Ngunit hindi niya maintindihan kung bakit ganyan na lang ang ginagawa nitong pakikitungo sa kaniya samantalang wala pa naman siyang ginagawa sa binata. Kitang-kita naman ng dalawang nga mata niya kung paano ang ginawang pagrespeto nito sa mga kasama nila.

"Oh. You're surname?"

"None of your business."

"Sting, ano ba ang nangyari sa iyo? Why don't you be nice to her?" sabat ni Vince. Nainis din ito sa narinig niyang pagsagot ni Sting. "And Ultear is a nice person. Don't you see that?"

"Vince, it's okay."

"I'm sorry I'm just tired and sleepy, and this place give me more annoying feeling. I'm sorry for what I've done, uuwi na ako," paumanhin nito kahit na alam niyang nagpapanggap lang ito sa paghingi ng tawad. Tumingin ito sa mga mata niya. "And next time we met again, Miss Acosta. Babawi ako, I'll be more nicer than this."

'Don't mention about it.' Ang apat salita na iyan ang gustong bigkasin ng labi niya ngunit hindi niya na nagawa pa.

Hindi na hinintay ni Sting ang isasagot niya at tuluyan na silang tinalikuran.

Curiosity killed her now, mayroon ba talaga siyang nagawa na isang bagay na dapat ikagalit sa kaniya ni Sting? As far as she know, Kylie told her, Sting is a nice person. Where is the word nice in that, by the way?

But there is something inside of her that she felt, that she know him for so long. Something that can answer the problem she was thinking in her mind. Ngunit isa lang ang alam niya hindi siya nagkaroon ng amnesia para makalimutan ang mga tao sa paligid. Kung mangyayari man iyon tatangapin at yayakapin niya iyon ng mahigpit. Upang makalimutan lang ang nga sakit na dinanas niya.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status