Share

Chapter 4 - The Unexpected Meeting

"Yes, Dad. I’ll go home on time tonight. And no, I won’t drop by the office today. Yes, kasama ko si Tristan at ang mga bodyguards. No, hindi ako lalabas mamayang gabi with my friends. Can we end the call now?" Nais nang tapusin ni Serenity ang tawag ng kan’yang ama. Ang aga-aga ay kung ano-ano na naman ang ibinibilin nito sa kan’ya na para siyang isang bata na paslit. Napaparolyo na lamang siya ng kan'yang mata habang naka-ipit ang telepono sa pagitan ng kan’yang balikat at tainga. Hawak-hawak niya ang kan’yang kape sa isang kamay habang ang isang kamay ay pilit naman na ipinapasok ang kan’yang wallet sa kan’yang bag.

"Fuck it!" Nagulat si Serenity sa malakas na boses ng lalaki na bigla na nagsalita. "Are you blind?!" sigaw pa nito sa kan’ya. Naiinis man ay pinigilan niya ang kan'yang sarili. Mabilis niya na isinuksok ang wallet sa kan'yang bag at nag-angat siya ng kan'yang ulo.

At doon nanlaki ang kan'yang mga mata nang makita ang pormal na pormal na damit na suot ng kaharap niya na may mantsa ng kape. Pareho pa sila na nakahawak sa coffee cup niya na wala ng laman dahil natapon na sa suot nito.

"Ano ang nangyayari, Serene?" Nag-aalala na tanong ng ama niya sa kabilang linya ng telepono.

"Everything’s okay. I’ll call you back." Hindi na niya hinintay na muli na sumagot ang ama niya at agad na pinutol ang tawag saka itinago sa bag ang telepono.

"Bakit hindi ka kasi nakatingin kung saan direksyon ka papunta?" Muli na galit na galit na sabi ng lalaki na kaharap niya. "O kaya naman ay bakit hindi ka muna naupo at nakipag-usap sa telepono bago ka maglakad?"

"Dude." Agad na lumapit ang isa pa na lalaki sa kaharap niya at pinipigilan nito ang inis ng kasama niya. Umiling-iling pa iyon na parang nagbababala sa kausap niya.

"I am sorry." Ang tangi na nasambit ni Serenity sa lalaki. Hindi niya maalis ang mga mata niya sa masungit na kausap niya dahil isa lang ang tumatakbo sa isipan niya: Napaka-guwapo ng masungit na nilalang na ito.

"Sorry? Sorry na lang? Tingnan mo nga ang damit ko. Magiging malinis ba ang damit ko dahil sa sorry mo? Hindi lahat ay nakukuha sa simple na sorry lang." Salubong na salubong ang kilay ng lalaki habang sinusubukan na punasan ang natapon na inumin sa kan’yang damit.

Padabog pa nito na ipinatong ang wala ng laman na coffee cup ni Serenity sa kalapit na lamesa. Hindi naman din malaman ni Serenity kung bakit hawak na nito ang cup niya, pero habang abala ang lalaki sa pagpupunas ng damit ay abala rin naman si Serenity sa pagtitig sa kan'ya. 

Lihim na napangiti si Serenity nang mapasadahan ng tingin ang kabuuan ng lalaki. At isa lang ang nasa isipan niya agad: Nasa harapan na niya ang Mr. Right niya. At ang guwapo nito! At kahit na naniningkit ang mga mata nito sa galit para sa kan’ya ay sobrang guwapo pa rin nito sa paningin niya. 

Sa punto na ito ay sigurado na si Serenity na in love na siya! Siya na nga! Ang lalaki na nga ang dream guy niya at ang lalaki na magpapatino at magpapaharap sa kan'ya sa altar. Pinasadahan niya muli ng tingin mula ulo hanggang paa ang lalaki. Guwapo pa rin talaga kahit na madungis nang tingnan. At sa kabila ng kasungitan nito sa kan'ya ay mukhang napakabait at maamo talaga ng itsura nito.  

Kaya naman tuluyan na nga na nawala sa kan’yang wisyo si Serenity habang nakaharap sa lalaki na galit na galit sa kan’ya. Malinis, mukhang mabango at maganda ang pangangatawan. Wala na siyang ibang mahihiling pa kung hindi ang gustuhin rin siya nito. At walang dalawang salita na isusuko niya ang dapat niya na isuko kapag nangyari iyon.

Kung saan na napadpad ang isip niya habang kaharap ang dream guy niya. Iniisip niya kung ano kaya ang makikita niya kapag hinubad ng lalaki ang damit nito sa harapan niya? Napakagat-labi pa siya habang patuloy na nakatunghay sa lalaki na guwapo sa harapan niya.

"Miss, nakikinig ka ba? Sabi ko ano pa ang ginagawa mo riyan at nakatanghod ka pa sa amin?" Naputol ang pagpapantasya niya sa lalaki dahil muli iyon na pagalit na nagsalita sa kan'ya.

"Ikaw, ano pa rin ba ang ginagawa mo pa riyan? Ano ba ang gusto mo na gawin pa natin?" Malambing na sagot naman niya. Kinikilig si Serenity sa lalaki na kaharap niya kahit na halata ang pagkadisgusto nito sa kan’ya.

"Hoy! Miss, are you really out of your mind? Ako ay may gagawin talaga. Ikaw, ewan ko sa’yo."

"Gusto mo ba na may gawin ako sa'yo? O gusto mo ba na hubarin na lang kaya? Kasi ako gusto ko." mabilis na sagot pa niya.

At muli ay kung ano-ano na kalaswaan na naman ang tumatakbo sa isipan niya. Ano kaya ang itsura ng katawan ng lalaki? Madami kaya siya na papandesal na itinatago sa long sleeves na iyon? Braso pa lang ang maskulado na at puwede nang pang-ulam, paano pa kaya ang pa-abs nito? Ilan kaya ang abs nito? Hindi na niya mapigilan muli ang mapangiti-ngiti dahil sa mga naiisip niya.

"Miss, ayos ka lang ba? Ano ba ang sinasabi mo na gusto mo?" Tanong sa kan’ya ng lalaki na lumapit kanina sa masungit na guwapo. Actually, pareho na guwapo naman ang mga kaharap niya, ngunit hindi hamak na mas guwapo iyon mas masungit na lalaki. 

"Sabi ko kung gusto niya ba na hubarin na lang niya ang damit niya?"

"What?!" Malakas na salita na naman ng masungit na lalaki sa kan’ya kaya naman napapatingin na sa kanila ang ilan sa mga customer na naro'n. 

Agad na natauhan si Serenity sa sinabi niya nang muli na marinig ang inis na boses nito. "Ang sungit mo naman. Ang ibig ko sabihin ay hubarin mo na ang damit mo at papalitan ko na lang. Ibibili na lang kita ng bago."

"Papalitan? Ibibili ng bago? Baliw ka ba talaga? Nasa coffee shop tayo at wala tayo sa department store."

Tumango-tango siya at saka sumagot. "Oo. Papalitan ko nga. Tara, shopping tayo, gusto mo ba?" Nakangiti na pagyaya pa ni Serenity sa lalaki, pero hilamukos na mukha naman ang naging pagtugon pa nito sa kan’ya habang tipid na napapangiti at nakamasid lamang sa kanila ang kaibigan nito.

"Sa tingin mo ba talaga ay sasama ako sa’yo na mag-shopping? Miss, hindi ako nakikipagbiruan sa’yo. At isa pa, hindi ako nag-sho-shopping."

"Hindi rin naman ako nakikipagbiruan sa'yo. Seryoso kaya ako. Seryoso kaya talaga ako sa nararamdaman ko para sa’yo."

"Ano?" Gigil na gigil na sa mga kabaliwan niya ang lalaki.

"I mean, seryoso ako sa sinasabi ko sa’yo na papalitan ko ang damit mo at ipag-sho-shopping kita. Assuming ka naman masyado. Ano ba ang size mo?" Tanong pa niya habang ang mga mata ay nakatingin sa pantalon nito at sa naka-umbok doon.

"Miss, itong pang-itaas ko ang natapunan mo ng kape kaya dito ka tumingin sa itaas at hindi riyan sa baba."

"Sabi ko nga. Ito naman napakasungit talaga. Pero malaki pala talaga." Nasambit pa niya habang ang mga mata ay nakatuon pa rin sa naka-umbok na iyon.

"Ano?" Gulat na tanong sa kan’ya ng dalawang lalaki. 

"Ay! Ang ibig ko na sabihin ay malaki pala talaga ang katawan mo kaya malaki na size siguro ang kailangan mo." Pigil na pigil na ni Serenity ang kahihiyan niya sa mga nasasabi niya sa lalaki na kaharap niya. May pagkabaliw rin talaga siya madalas. "Halika na at mag-shopping na tayo?"

Sarkastiko siya na tinawanan ng lalaki. Pinasadahan siya nito ng tingin saka muli na nagsalita. "Ang bata mo pa para maging sugar mommy. Mistress siguro, puwede ka pa."

"What?! Grabe ka naman sa akin maka-mistress. And, I’m just twenty-five. At isa pa-"

"I don’t care. Wala akong pakialam kung ilan taon ka na, o kung ano pa man ang mayro'n sa'yo. Ang pakialam ko ay ang damit ko at ang pagpasok ko sa trabaho. It's my first day at work, and I'm running late due to your stupidity." Pagpuputol pa nito sa sinasabi ni Serenity kaya naman ang kanina na kilig niya ay napapalitan nang pagka-asar sa lalaki. 

Kung hindi lamang guwapo ang lalaki na ito at kung hindi lang siya ang "the one" niya ay makakatikim talaga ang lalaki ng kamalditahan din niya. Pasalamat na lang din talaga ang masungit na nilalang dahil guwapo siya. At ang gusto lamang na ipatikim ni Serenity sa kan’ya ay ang mga halik niya upang mawala ang galit nito sa kan'ya.

"Natulala ka na naman diyan. Hoy! Miss, gustong-gusto mo na nawawala sa wisyo. Ano ba ang trip mo?"

"Ikaw." Tipid na sagot niya pero hindi pa rin nawawala ang ngiti sa mukha niya.

Sasagot pa sana ang lalaki pero sunod-sunod na ring sa telepono ng dalawang kaharap niya ang nagpatigil sa sasabihin dapat nito sa kan'ya. Tinalikuran siya ng lalaki na masungit habang ang isa naman ay nagdiretso palabas ng coffee shop.

Hindi naman umalis sa kan'yang puwesto si Serenity at nakatunghay pa rin sa lalaki na nakatalikod sa kan'ya. Iniisip niya kung sino ang kausap nito at mukhang napakaseryoso naman. Nangunot ang noo niya lalo nang maisip niya na baka nobya nito ang kausap nito. Hindi niya iyon matatanggap dahil na love at first sight na yata siya talaga sa damuho na lalaki na ito.

Lumapit siya sa lalaki ng bahagya upang marinig ang sinasabi nito sa kausap. Nakatalikod naman iyon sa kan’ya kaya hindi siya sigurado na mapapansin nito.

"Yes. Yes." Ano ba naman na klase ng usapan iyon at panay yes and yes lang ang narinig niya na sagot. Sinubukan niya pa na idikit ang mukha niya sa may bandang balikat nito at sa kaunti na lapit pa lamang niya na iyon ay humahalimuyak na ang pabango nito sa kan'ya na lalaking-lalaki ang dating. At hindi niya maiwasan na kiligin na naman nang maamoy ang lalaki.

Muli niya na idinikit ang mukha niya sa likuran ng lalaki. Ngunit, laking gulat niya nang bigla iyon na humarap sa kan'ya at sa kan'yang pagkagulat ay nawalan siya ng balanse at ang mga labi niya ay napadampi sa may leeg nito. Agad ang pagbangon ng kilig sa kaibuturan niya dahil sa pangyayari na iyon. Napapikit pa siya nang muli niya na maamoy ang pabango nito. Hindi niya tuloy lalo na napigilan na amoy-amoyin pa ang leeg ng lalaki. And she doesn't care that they are in the coffee shop.

She doesn't care, but the man in front of her does. "What the hell?" Inis na inis na sabi na naman nito sa kan’ya habang mabilis na kumilos at itinulak siya ng marahan papalayo. Sa sobrang kilig ni Serenity ay para siya na nanlalambot kaya imbis na lumayo ay napahawak pa siya sa mga matitipuno na braso nito. "What the fuck again?! Ano ba ang mga pinaggagagawa mo?"

Galit na galit na ang lalaki sa kan’ya pero naka-alalay pa rin naman sa kan'ya ang mga kamay nito dahil siguro nakikita nito ang panlalambot ng tuhod niya. At lalo naman na pabilis nang pabilis ang tibok ng puso niya.

His scent, his manly scent, just confirms all along what she is thinking. He is her mate. He is hers to have. And all she wanted to do was mark what was rightfully hers. Hindi siya werewolf pero mahilig siya na magbasa ng mga love story, at iyon ang nais niya na gawin sa lalaki na kaharap niya. Ang kagatin ang guwapong lalaki sa leeg nito at iwanan ang kan'yang marka roon. Kailangan na maramdaman ng lalaki na magkarugtong ang buhay nila. And that is because, in her mind, they are mates in real life.

Bumalik lamang siya sa wisyo niya nang maramdaman ang pagyugyog ng lalaki sa kan'ya. "Alam mo, Miss, nakakarami ka na sa akin at asar na asar na talaga ako sa'yo."

"Ito naman napakasungit mo talaga. At hindi mo ba alam ang kasabihan? The more you hate, the more you love." Napahalukipkip ang lalaki sa kan'ya pero hindi pa rin nagpatinag si Serenity. "Pero in fairness, ang bango mo."

"Axel, let’s go." Hindi man siya sinagot ng lalaki ay napangiti naman si Serenity nang marinig ang pagtawag ng kasama ng lalaki sa pangalan nito. She now has a name for her dream guy.

"Axel." Malambing na tawag niya rin. 

Naiiling na lamang ang lalaki sa kan'ya. He is expressionless, but his eyes convey his disdain for her. "You have wasted enough of my time already, and I have no intention of wasting it all the more for you. And you know what? I wish to never see you again." And with those last words, he turned around and left her gawking at his words.

Walang lingon-lingon na lumabas ang lalaki ng coffee shop kasama ang kaibigan nito. And Serenity can't help but feel dismayed over what happened. Naiwan siya na nakahabol pa rin ng tingin sa dalawang lalaki na lumabas. Ang saklap naman ng nangyari sa kan'ya. Nahawakan na niya, naamoy pa niya, tapos umalis na lang ng basta-basta at mukhang ayaw na siya na muli pa na makita. And that confirms that Axel is Serenity's the one that got away.

—---

"You are both late on your first day of work! This is unacceptable in EMG. Hindi kami basta-basta na kumpanya lamang, and you should know that very well. Hindi porke’t mga referral kayo rito ay hindi na kayo papasok sa takdang oras." Sunod-sunod na panenermon ng HR kina Zane at Jed ang bumulaga sa kanila pagpasok nila. 

"We’re really sorry for coming in late, Mam. Nagka-emergency lang talaga dahil sa isang hindi maganda na pangyayari nang papasok na kami. Hindi na mauulit." Zane is trying his best to control his temper and to act according to his disguise. Iba na ang buhay niya ngayon at hindi na rin siya sanay na minamaliit at pinapagalitan kaya naman lalo lamang ang galit niya sa babae na iyon dahil sa inaabot nila na sermon ngayon.

Ang lahat ng kamalasan na nararanasan niya ngayon ay dahil sa mga babae na hindi inaasahan na nakaka-engkwentro niya at gumugulo sa buhay niya. Mga babae na walang nagawa na mabuti para sa kan’ya at sa halip ay ang maghatid ng napakarami na problema at kaguluhan sa mundo niya.

"I’ll let you both off the hook this time, but there will be no second time. Understood?" Masungit na tanong pa muli ng HR. Agad naman na tumango ang dalawa dahil wala rin naman talaga sila na iba na pagpipilian pa. Ang tangi na magagawa nila ay ang magtiis sa sitwasyon nila ngayon at umasa na matatapos nila ang paghihirap na ito agad. "Read the company policies first, then I'll endorse you to your department later."

Nang makalabas ang HR ay nagkatinginan sina Zane at Jed. Unang araw pa lamang ay palpak na yata ang misyon nila. At sa kaisipan na iyon ay hindi naman mapigilan ang lalo na pagka-asar ni Zane sa sitwasyon niya at sa babae na bumangga sa kan’ya kanina: Ang kabit ni Manolo Enriquez. 

Pareho nila na nakilala ni Jed agad ang babae kaya naman lalo nang naging iba ang tingin ni Zane rito. Umpisa pa lamang ay problema na agad ang hatid nito sa kanila kaya naman mas lalo na dapat sila na mag-ingat sa mga plano nila. She is clearly a threat to their plans. And Zane won't allow that.

"Jed, kailangan mo na siguraduhin na hindi magiging hadlang sa atin ang babae na iyon." bulong pa niya sa kaibigan niya. "Kailangan mo na siguraduhin na hindi na muli na magtatagpo ang landas namin dalawa. She is clearly a nuisance."

"She can be, but we might be able to have a good use for her, Zane. Lalo na at mukhang nakuha mo ang atensyon niya." Jed is giving him another idea. But he won't bite that bait. Inis na inis siya sa babae na iyon kaya hindi maaari ang kung ano man ang tumatakbo sa isip ni Jed. 

"No. And I am being serious, Jed. Siguraduhin mo na lulubayan ako ng babae na iyon." And Jed knows he doesn't make empty threats, lalo na kapag galit na galit siya. 

Zane has never been furious with women before. Ngunit ngayon ay dalawang babae lamang ang lubos na kinaiinisan niya. Ang babae na nagnakaw ng jacket niya at ang kabit ni Manolo Enriquez. Mga babae na sisiguraduhin niya na pagbabayarin niya sa panggugulo sa buhay niya.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status