Share

Chapter 5 - Seeing Him

It was a normal day at EMG. Ang lahat ay nagmamadali na makapasok sa trabaho para sa panibago na araw nila na iyon. Everyone had smiles on their faces, except for one. And that is Serenity Enriquez.

Ang aga-aga ay inis na inis na naman siya sa kan’yang ama na pinilit pa siya na pumunta sa opisina ngayon. She was not supposed to be here, but her father threatened to cut off all her credit cards if she didn't report to the office and start working every day. It was part of their agreement.

Parte ng kanilang usapan pero hindi niya tinutupad. Nagtatrabaho naman nga siya sa Marketing department, pero kung kailan lamang niya nais na pumasok ay roon lamang din siya papasok. And her father has had enough of her. And with no other choice left, she is here with her father to report for work. 

Nagkagulo ang lahat sa maaga na pagdating ng CEO. Ang kanina na mga ngiti sa mga empleyado ay napalitan ng pagtataas ng kilay habang ang iba naman ay nag-umpisa nang magbulungan. She is here. The antagonist in their lives is here once again. Ang babae na magulo, maarte, at hindi nila nais na nakikita sa EMG.

Kasabay ng matandang CEO sa paglalakad ang babae na anak nito. Ang nag-iisa na tagapagmana at heredera ng EMG, pero hindi lahat ng empleyado ay alam ang katotohanan na iyon. The CEO chose to be as discreet as possible about his daughter. Ilan lamang ang nakakaalam sa tunay na pagkatao ni Serenity Enriquez.

Kaya naman hindi rin lingid sa kaalaman ni Serenity ang mga bali-balita patungkol sa kan’ya rito na hindi niya rin alam kung saan nagsimula. But she chose to keep silent about it. Tawang-tawa siya sa mga tsismoso at tsismosa na mga empleyado sa kumpanya nila na pinaghihinalaan pa sila na mag-ama na magkarelasyon. Nakaka-inis man isipin pero gustong-gusto niya pa rin na makita ang pagka-irita lalo ng mga empleyado sa kan’ya, kaya naman lagi niya rin na ginagawa ang lahat para mas lalo sila na pag-usapan ng ama niya. 

Her father is unaware of all the rumors going on about them. For whatever reason, her father is also mum about announcing his true relationship to her. Hindi na rin naman niya binigyan pa iyon ng iba na pagpapakahulugan. Wala rin siya na oras kagaya ng ama niya para alamin pa ang iba’t-ibang tsismis sa loob ng kumpanya nila. And they are used to rumors anyway, being in the media industry.

Pero kagaya sa nakagawian na niya na gawin kapag narito siya, nang mapansin niya ang pagtitinginan ng mga empleyado ay lalo pa siya na kumunyapit sa braso ng kan’yang ama habang pakendeng-kendeng pa na naglalakad. Napapa-iling na lamang si Tristan habang sinusundan ang mag-ama na naglalakad sa lobby. Alam na alam niya ang ginagawa na issue ng pasaway na si Serenity.  

Hindi pa man sila nakakaabot sa may elevator ay sinalubong na agad sila ni Linda, ang sekretarya ng ama niya at isa sa tunay na nakakakilala kay Serene. "Good morning, Mr. Enriquez. Mr. Roque is in the meeting room for a quick visit."

"I almost forgot about this meeting. Tinawagan niya nga pala ako patungkol dito." Nag-aalala na napasulyap si Manolo sa kan’yang anak. "Angel, I have an urgent meeting, but I promise to be with you in a while. I'll have lunch with you."

"What? Lunch? You’ll just be with me during lunch?" Malakas ang boses niya na iyon kaya hindi maiwasan na hindi sila pagtinginan ng ilan sa mga nakakakita sa kanila sa lobby.

"Angel, don't make a scene here. This is an important meeting that I have to be in." Manolo is getting frustrated again dahil alam niya na sinasadya ng anak niya na gumawa ng eksena para bawian siya.

Nawala talaga sa isip niya na may darating siya na bisita, at talaga rin naman na pinilit niya ang anak na pumasok ngayon kaysa ang ubusin na naman nito ang oras sa pag-sho-shopping at pagliliwaliw. Serenity should start being serious with her life.

"I will if I want to. At sana sinabi mo na may meeting ka para iniwan mo na lang ako sa bahay. Ano ang gagawin ko rito? You even forced me to be here when I definitely didn't even want to be here." Iritado na tugon niya sa ama niya.

Walang magawa si Manolo kung hindi ang mapabuga na lamang ng hangin. Alam niya kung bakit nagkakaganito ang anak niya, she is longing for his attention, at kahit na nais niya rin na ibigay ang kailangan nito ay hindi niya talaga na magawa na isingit pa sa oras niya lalo na at napakarami niya na pinagkakaabalahan sa ngayon. "This is a part of the agreement, Angel. You have to work here on a daily basis, and that is final."

"But-"

Mangangatwiran pa dapat si Serenity sa kan’yang ama ngunit hindi na siya nabigyan ng pagkakataon nang ituon na nito ang atensyon sa sekretarya. "Linda, ikaw na muna ang bahala sa kan’ya. I am okay on my own in the meeting. Samahan mo muna si Serenity at siguraduhin na mananatili siya rito ng buong araw."

"What?!"

"She’ll be handling marketing team A in the meantime. I’ll be checking on her progress at the end of this day."

"No, you can’t do that." Pagmamaktol pa niya sa kan’yang ama.

"I can, Angel." Sagot lamang nito at binalingan na si Tristan. "Tristan, huwag ka na sumama kay Serenity sa taas. I’ll need you to do some errands for me dahil mas makakabuti na hindi ka makasama ni Serenity ngayon araw para hindi ka pilitin kapag maisipan na naman niya na tumakas."

"What? Really? Ginagawa mo talaga ito?" Dismayado pa na singit ni Serenity pero parang wala naman na naririnig ang ama niya.

Gusto na niya na magwala dahil hindi niya inaasahan na titiisin siya ng ama niya at pipilitin na pumasok sa opisina ngayon araw. She has a lot of plans for today, lalo na at hindi pa niya nakikita ulit si Mr. Right niya. It’s been more than a week mula ng ang love of her life niya ay naging totga na nga niya ng tuluyan.

Kahit na nagpabalik-balik na siya sa coffee shop kung saan sila una na nagtagpo ay hindi na niya muli na nakita pa ang masungit na guwapo na iyon. At nawawalan na siya ng pag-asa, pero hindi niya susukuan ang search for the one niya. Kung nagkataon lamang na nakuhanan niya iyon ng litrato ay baka ipina-billboard na niya iyon makita lamang niya.

"Sige na, Linda. Umakyat na kayo sa Marketing at baka hinihintay na si Serenity ng mga staff niya roon. Tristan, come with me." Napasimangot na lamang si Serenity nang mabilis na umiba ng direksyon ang ama niya kasunod si Tristan at ang ilan sa bodyguards pa niya at iniwan na lamang siya sa presensya ng sekretarya nito.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status