Share

Chapter 3 - The First Mission - The Mafia's Makeover

"Perfect. I like this new style, Talens." Ito ang tangi na nasambit ni Serenity habang titig na titig siya sa kan’yang sarili buhat sa salamin.

Serenity had just had her makeover. Sawa na siya sa wavy shoulder length hair niya kaya naman muli niya ito na pinaputulan into a bob cut chin length with the messy water wavy roll style. And from the burgundy reddish hair she used to have, she changed it to a brownish purple color. And she just so loved the effect it had on her.

"Perfectly beautiful as always, Serene." Sagot naman ni Talens habang ngiting-ngiti rin na nakatingin kay Serenity.

"I know, right. I have to go now, Tal. But once again, thank you for squeezing me into your busy schedule." Sambit pa niya habang isinusuot ang dark shades niya. 

"It is my pleasure. And anyway, no harm done, as it is also just about time for my next appointment." sagot pa ng kaibigan niya na hairdresser. "I’ll see you soon, Serene."

"Yes, and I am promising to inform you ahead of time and make an appointment next time." Pangako pa niya sa kaibigan niya na tinawanan lamang siya dahil alam naman nito na hindi iyon mangyayari kahit na maka-ilan beses pa na ipangako ni Serene sa kan’ya.

Serene will always come when she wants. And even though Talens is busy, he is sure to make time for her. Nagbeso-beso pa si Serene at saka muli na kumaway sa kaibigan at nagpaalam nang aalis.

---

Ilan mga kalalakihan ang tawag pansin na pumasok sa kilalang mall na iyon sa Makati. Kahit na mga mukha sila na gangster ay hindi maiwasan ng mga kababaihan na mahumaling sa tindig at nag ga-guwapuhan na mga lalaki na ang lahat ay nakasuot ng dark sunglasses. Malapit na nga na magdilim at nasa mall pa pero ang lahat ay nakasuot pa ng shades na akala mo ay mga kampon ng mga bampira na takot na takot sa liwanag.

The four men in the middle of the hub are walking as if they own the whole mall. They are ruggedly handsome and seem to be taken straight from the cast of a Mafia movie. Their postures scream danger, but every woman they pass can be easily hypnotized by their appearance. At hindi maikakaila na nabibighani nila ang mga kababaihan sa kakaiba na karisma na taglay nila.

Ang apat na lalaki na mga ito ay ang mga tinagurian na lider ng mga Bastardos. Sina Zane Lardizabal, Jed Alcantara, Chino Cenidoza at Bogs Yeesal. And they are here because they are out on a mission tonight. At dito sa mall na ito nakatakda na mangyari ang misyon ng mga namumuno sa Bastardos.

Walang iba na plano kung hindi ang maisagawa ang misyon ng walang problema, walang pagkakamali at higit sa lahat ay walang gulo. Hindi man sila nag-uusap-usap pero alam na nila ang direksyon na kanilang patutunguhan.

Ang misyon nila ay ang project makeover for Zane and Jed. Kailangan nila na baguhin ang postura, pananamit, at ang lahat ng bagay na naghuhumiyaw na sila ay bahagi ng isang mafia. From the ruggedly handsome looks they have, they have to be transformed into the boy next door type. And that would definitely take a lot of time to do so. And that in itself would also require a lot of patience and control from Zane to be able to succeed in this mission.

Kalalabas lamang ni Serenity sa salon nang mapalingon siya sa grupo ng mga kalalakihan na naglalakad sa direksyon niya. Hindi niya maiwasan na muli na sulyapan ang apat na maskulado na mga kalalakihan na lahat ay naka-itim at mga balbas sarado pa at naka dark shades. Napataas ang kilay niya dahil kasunod ng apat na lalaki ay ang ilan pang mga kalalakihan na mga naka-itim din na damit. Bigla siya na kinabahan sa itsura ng mga iyon. There is just something so odd and scary about them.

Kinakabahan man siya pero hindi niya pa rin na mapigilan na hindi tingnan ang mga lalaki. May binabalak ba na masama ang mga lalaki sa mall? Mga holdaper ba sila? Kidnapper? Ayaw niya na manghusga at magbintang pero sino ba naman ang halos mag-ga-gabi na nga ay naka-shades pa at ganito pa ang ayos na akala mo ay hindi mga gagawa ng mabuti? Something is definitely fishy about those men, and her intuition is warning her about them.

"Serene, are you done? Let’s go." Ang boses ni Tristan ang nagpaputol sa mga panghuhusga sa isip niya patungkol sa mga lalaki na iyon. "At bakit naka-shades ka pa rito sa mall? Umiyak ka ba sa salon? May problema ka ba?"

Naparolyo siya ng kan’yang mga mata kahit na hindi naman iyon nakikita ni Tristan. Kahit na kailan ay may pagka-pakialamero talaga ang ex niya. At doon niya rin naisip na napakamapanghusga niya rin talaga. Hinuhusgahan niya ang mga lalaki gano’n kagaya nila ay naka-shades din naman nga pala siya kahit gabi na. 

"Naka-shades lang umiyak na? This is my fashion sense tonight. Huwag ka na nga na mangialam pa." Pasimangot na sagot niya saka siya muli na sumulyap sa mga lalaki na kapapasok lamang ng salon. "Something is off."

"Ano?" Naguguluhan na tanong ni Tristan sa kan’ya. "Alin ang off? May nangyari ba sa’yo sa salon?" Agad ang pag-aalala nito para sa kan'ya. Nagpalinga-linga siya upang tingnan kung ano ba at sino ba ang tinutukoy ng ex niya, ngunit maliban sa ilang mga lalaki na nakatayo sa labas ng salon na parang mga bodyguard lang din naman ay wala naman siya na nakita na kakaiba at maaari na maging banta kay Serenity. "Sino ba ang tinutukoy mo?"

Isesenyas pa sana ni Serenity kay Tristan ang mga kalalakihan nang mapansin niya na naiwan sa labas ng salon ang ilan sa mga kasamahan ng mga iyon at parang nakatuon ang atensyon sa kanila. Muli na dumagundong ang puso niya sa takot. The mall is guarded, kaya wala naman siguro na masama na balak ang mga lalaki pero mas makakabuti pa rin na makaalis na sila at hindi na masangkot pa sa kung ano man na gulo na maaari na gawin ng mga iyon.

"Wala. I’m okay. Let’s go na, I’m late for the party." Sagot niya kay Tristan saka nagsimula nang lumakad papalayo. 

Muli na napalingon si Tristan sa mga kalalakihan. Hindi niya alam kung ang mga lalaki ba na iyon talaga ang tinutukoy ni Serenity, pero mukhang wala naman silang masama na balak at mukhang hindi naman talaga banta sa seguridad ng amo niya.

"Tristan, tatayo ka na lamang ba riyan? I said, let's go." sigaw ni Serenity sa kan’ya. Kaya naman wala naman nang nagawa pa si Tristan kung hindi ang senyasan ang mga kasamahan na bodyguards at mabilis na sinundan ang ex-girlfriend niya.  Serene will always be Serene, at hanggang ngayon ay lagi pa rin na nagiging sakit ng ulo niya ang kaguluhan ng isip nito.

Kinakabahan si Zane sa misyon nila na ito. Hindi niya rin alam kung bakit nga ba niya pinilit na sila pa ni Jed ang pumasok sa EMG. If it was because of the threat from Manolo’s mistress or the desire to find that woman who took away his jacket, he is really not sure. But one thing he is sure of is that his intuition is telling him that he will once again meet that woman who stole something from him in EMG.

Ilang oras na rin sila na narito sa salon at naiinis na siya sa mga simpleng pagsulyap sa kanila ng mga staff dito. Ayaw nila ang atensyon, but they definitely got attention when they came in earlier. At habang tumatagal sila ay lalo ang inis na nararamdaman niya. Tatlong oras na yata sila na narito at kung ano-ano na nga yata ang nagawa sa pagmumukha niya at sa buhok niya. Inip na inip na siya sa mahabang oras na pagkaka-upo at paghihintay. Why do women love these things when they bore men to death?

Hindi niya rin talaga lubos na maisip kung ano sa mga bagay na ginawa nilang apat ngayon ang nagiging kasiya-siya para sa mga kababaihan. Kanina bago sila magtungo rito sa salon ay nag-shopping pa sila ni Jed ng mga bagong damit. They have to look professionals kaya’t hindi naaayon ang kalimitan na sinusuot nila na parang mga pang gangster. And just like this salon trip, shopping also bores and tires him. He is so exhausted kaya nagawa pa nga niya na maka-idlip habang inaayusan siya dahil sa sobrang pagod sa pamimili kanina.

"All done, sir." Ang mga salita na iyon ang kanina pa hinihintay ni Zane. Buryong na buryong na siya sa kahihintay at kaka-isip kung magtatagumpay ba sila sa misyon na ito. And now the moment of truth will be revealed. Dahan-dahan na inikot ang upuan nilang dalawa ni Jed upang maiharap sila sa salamin at pareho sila na nawalan ng sasabihin nang makita ang pagbabago sa mga itsura nila.

The makeover was definitely a success for both of them. Zane Lardizabal now sports a modern side-swept hairstyle and is very clean-shaven, as opposed to his previous messy tapered hairstyle paired with his big, scruffy full beard. And Zane looks more sexy and hot with this new look of his. Jed, just like him, is very neat-looking and is now ready to be a professional corporate employee. And just like earlier, they still look gorgeous and dashing, but in a different kind of way now.

"Ayos! Tang-ina! Bagay sa inyo! Parang ang babait ninyo!" Hindi mapigilan na masabi ni Bogs sa dalawa. Hindi niya rin inaasahan na babagay sa dalawang kasamahan nila ang ganito na itsura. Bagay na bagay man kay Zane at Jed ang bago nila na ayos ngunit alam nila na hindi ito ang totoo na nais ni Zane. 

Titig na titig si Zane sa kan’yang sarili sa salamin. This used to be him. Ang nakikita niya na repleksyon niya ay ang dati na Zane Lardizabal. Ang Zane na wala pang galit sa mundo. Ang Zane na kaya pa na umintindi at magpasensya sa mga tao sa paligid niya, pero nagbago na ang lahat ng iyon dahil sa kan'yang ama. At sisiguraduhin niya na ang Zane na ito na kan'yang nakikita ay magiging pansamantala lamang dahil ang Zane sa harapan niya ay ang mahina na si Zane na nais niya nang ibaon sa limot.

And when he gets the information that he needs, the ruthless and vicious Zane will return. At sa muli niya na pagbabalik bilang si Zane Lardizabal ng Bastardos ay sisiguraduhin niya ang kan'yang paghihiganti sa babae na nagnakaw ng jacket niya. Ang babae na iyon ang naging dahilan kung bakit ngayon ay muli na nananariwa sa kan'yang alaala ang dating pagkatao niya na matagal na niya na ibinaon sa limot. And if he finds her, that woman who stole his jacket can never run away from him again. Because when he finds her, it will be payback time.

Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Maria Muriel Perez
omg ang ganda ng story salamat author sa uulitin God bless po
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status