AWTOMATIKONG umangat ang ulo ni Kaden nang bumukas ang pinto ng kanyang opisina. Tumabad sa kanya ang nakataas-noong kababata. Nikole was his ultimate pain in the ass simula pa nang mga bata pa sila. Kakambal na yata nito ang gulo mula pa noong ipinanganak ito. Ang masaklap lang dahil sa bawat gulong kinakasangkutan nito ay lagi siyang to the rescue. Hindi naman kasi niya ito matiis dahil wala naman itong ibang malapit na kaibigan bukod sa kanya. Mahirap kasi itong intindihin at laging sarili lang ang iniisip.
"Kade..." nangingilid ang luha nito sa mata.
"I told you so, Alex is a jerk!" Marahas siyang nagbuga ng hininga at sinabayan ng mariin na pag-iling. Hindi niya ito pinakikialaman sa mga personal na bagay na gusto nitong gawin lalo pa at nakikita niyang masaya naman ito. He never trusted Alex, pero sadyang matigas ang ulo nito at hindi naman nakikinig sa kanya.
"I should have listened to you, Kade." Naupo ito sa bakanteng upuan sa harap ng mesa niya. Kahit ayaw nitong ipakita ay hindi makapagsisinungaling ang malungkot ng kislap ng mata nito.
"You never listen." Inilapag niya sa mesa ang papeles na naglalaman ng kasong inaaral niya.
"I really hate him." She let out a deep sigh. Pasimple nitong pinunas ang luhang gustong kumawala sa mata.
Tumayo si Kaden at nilapitan ang dalaga. Ayaw na ayaw niyang makita itong umiiyak. Maraming tao ang ayaw sa ugali ni Nikole. She was wayward and dense sometimes. Pero siya lang yata ang nag-iisang nilalang na nakakaintindi sa babae. Isang matapang na babae ang pinapakita nito sa mga taong nakapaligid rito pero sa totoo lang ay masyadong malambot ang puso nito.
"You always said you're a goddess, and you should never cry over a man. He is an asshole, and you should thank the heavens that he cheated on you. Para sa susunod mas magiging maingat ka na."
Nakagat nito ang pang-ibabang labi para pigilin ang emosyon. Huminga ito nang malalim at taas noong tumingin sa kanya.
"Ang lakas ng loob niyang lokohin ako, maliit naman ang k*****a niya! I doubt kung naligayahan ba ang bruhang iyon, eh hindi naman kalakihan ang kalibre ng Alex na 'yon!" walang prenong wika ng dalaga.
Pinanlakihan niya ito ng mata. "Watch your language, Niki!" saway niya sa kababata.
Sanay na siya sa prangkang bibig nito pero ayaw niyang sanayin ito. Sa kanya lang naman ito nakakapagsalita nang ganoon dahil masyado itong composed sa harap ng ibang tao.
"Why should I? Hindi ako plastic, sasabihin ko ang gusto ko," inis na sambit ni Nikole.
Pinag-aralan ni Kaden ang mukha nito bago siya nagsalita.
"So, you finally did ‘it’ with Alex?" kaswal na tanong niya. May ilan na itong nakarelasyon pero hindi ganoon kaseryoso.
Namilog ang mata ng dalaga. "No! Hindi ko pa naisusuko ang Bataan. I think that is the reason why he cheated on me, because I can't provide him what he needs."
Lihim na nakahinga nang maluwag si Kaden. Mabuti na lang at hindi umiral ang pabigla-bigla nitong desisyon na hindi pinag-iisipan. Sa totoo lang ay labas na siya sa usaping sex life ng dalaga. Wala siyang pakialam sa aspetong iyon dahil personal na desisyon iyon ni Nikole. Lalo na kung wala naman itong inaapakang tao at kung gusto nitong mag-enjoy sa pagkadalaga. Pero sana, deserving ang lalaking pag-aalayan nito ng sarili.
"You know that's bullshit, Niki. If he really loves you, he can wait. Believe me, that is just a lame excuse," napapailing na hayag ng binata.
"Oh, Come on! Kade, this is a modern century. Wala na tayo sa stone age para sa ganyang paniniwala mo. Look at you, halos hindi mo na nga mabilang sa daliri mo ang babaeng naikama mo na."
"Lalaki ako, at kahit kailan hindi ako namilit ng babaeng hihiga sa kama ko. Ikaw lang itong inaalala ko, ka-babae mong tao para kang lalaki kung mag-isip." Pinigil ni Kade ang sariling dagdagan ang mga sinabi dahil tiyak na hahaba ang kanilang diskusyon at hindi ito magpapatalo.
"Blame yourself, dahil ikaw lang naman ang lalaking lagi kong kasama. Are you telling me that it's not right to have sex with someone I love?" Ikinumpas nito ang kamay at pinalakihan siya ng mata.
"Nasa edad ka na, alam mo na ang tama at mali. What I'm trying to tell you is think before you do it."
"Bullshit! Katawan ko lang ba ang dahilan para mag-stay sa akin ang lalaking mahal ko? And one more thing, kung ginigigilan nila ang virginity ko, might as well lose it as soon as possible."
Biglang napatayo si Kade sa narinig. "There you go again. Hindi ka na naman nag-iisip. Huwag kang lalapit sa akin kapag nasaktan ka na naman sa desisyon mong iyan." Napatiim siya ng bagang. Kilala niya ang dalaga at ang anumang iniisip nito ay talagang ginagawa. What if she met a random guy and go along the way? Hindi niya gusto ang ideyang isang estranghero ang hahawak sa katawan ng kababata niya.
Natigilan sila sa pagtatalo nang biglang pumasok ang kanyang sekretarya at sinabing may bisita siya sa labas.
"Let him in," seryosong wika ni Kade.
Inayos niya ang pagkakabuhol ng kanyang kurbata at muling naupo sa kanyang swivel chair. Nakita niya ang biglang pagkislap ng mata ni Nikole nang marinig nito ang pangalang binaggit ng kanyang sekretarya.
NAUPO si Nikole nang tuwid nang marinig niya ang pangalan ng bisita ng kababata. Kapag sinusuwerte nga naman. Kahit gaano pa karami ang kamalasan na inabot niya ngayong araw. Mukhang hindi pa rin siya pinapabayaan ng langit na sandaling makalimutan ang kanyang problema.
"I need to talk to you in private, Attorney Elorde," pormal na anas ng lalaking kapapasok lang. Walang iba kundi si Cross Santillan. Ang private consultant ng ama ni Nikole.
Cross was wearing navy-blue three-piece suit. Matikas ito sa damit na suot at puno ng tiwala sa sarili ang bawat galaw. Cross was her ultimate crush since time immemorial. Bata pa lang siya ay malaki na ang paghanga niya rito. Pitong taon ang tanda nito sa kanya at anak ito ng matalik na kaibigan ng kanyang ama.
"Are you telling me to go out?" mataray na tanong ng dalaga na nakaangat ang isang kilay. Cross had always been so cold. Kahit noong kabataan niya na panay ang pagpapa-cute niya rito ay hindi naman siya pinapansin.
"Niki, please," nakikiusap na saad ni Kaden. Ilang sandaling nagtalo ang kanyang damdamin pero sa huli ay lumabas siya ng opisina. Taas-noo siyang naglakad palabas at naupo sa bakanteng upuan sa harap ng mesa ng sekretarya ng kaibigan.
"Ma'am, would you like a coffee or tea?" magiliw na tanong ng sekretarya.
"Warm water na lang, thanks." Tipid siyang ngumiti. Agad namang tumalima ang babae. Bumalik naman ito agad makalipas ang ilang sandali dala ang isang baso ng maligamgam na tubig.
Ilang minuto lang ang itinagal ni Cross sa loob at nakita niyang iniluwa na ito sa pinto ng opisina ni Kaden. Sandali lang siya nitong tinapunan ng tingin at nginitian niya ito. He did not smile back though.
Pero hindi nakaligtas sa mata niya ang matikas nitong tindig. Mula ulo hanggang paa, Cross looked perfect! Lalo na nang napako ang mata niya sa umbok sa pagitan ng mga hita nito. Darn him! Mukhang may maipagmamalaki talaga ito.
Uminom ng tubig si Nikole. Parang biglang nanuyo ang lalamunan niya dahil kay Cross. Even his round buttocks were damn hot!
"Niki, you're still here—" Biglang iniluwa sa pinto si Kaden at nahuli siya nitong habol ng tingin si Cross.
"Yes?" Pilya ang ngiting gumuhit sa labi niya. Biglang may pumasok na ideya sa isip niya. The goal was something new and challenging. Lalo na nang maisip niya ang pesteng si Alex. Talagang lintik lang ang walang ganti!
"Come back inside." Halos magsalubong ang kilay ni Kaden nang makita siya. Taas-noo namang bumalik siya sa loob ng opisina nito.
"What is your problem?" takang tanong niya sa ikinikilos ng kaibigan. Iritado kasi ito na hindi niya maintindihan.
"Kung ano man ang pinaplano mo sa consultant ng daddy mo, leave it." Napapailing na wika ni Kaden.
Namilog ang mata ni Nikole. "Kilalang-kilala mo talaga ako, don't worry. Hindi ako gagawa ng anumang ikakapahamak ko. I've decided on something just earlier." Isang makahulugang ngiti ang gumuhit sa labi ng dalaga.
"Decided what?" nagdududang tanong ni Kaden.
"That Cross is going to pop my cherry," siguradong wika ng dalaga.
"What the heck?" nanlalaki ang matang bulalas ng binata.
Her lips curled into her most wicked smile.
FAMILY REUNIONNAGTIPON ang lahat sa pahabang mesa sa loob ng mini library sa bahay. Kaden was explaining the situation and Nikole would support him with information. Ipinaliwanag nila kung ano ang hindi inaasahan na pangyayari noong debut ni Tehani. “In short, Lucas’ father is… Uncle Julian?” hindi makapaniwala si Kane. Although he couldn’t remember the man, puno ng pictures sa bahay na magkasama sila habang karga siya nito noong bata pa. “Now I know why Teha is not here. She’d surely freak out.”Hindi mapakali si Juli sa kinauupuan. Parang hindi agad natanggap ng kanyang sistema ang mga sinabi ng magulang. Buhay ang ama niya. Pero ang masaklap ay hindi sila nito makikilala. Pero kahit isang yakap lang sana, okay na siya roon. Matagal nang nag-iipon si Juli ng impormasyon tungkol sa pagkawala ng ama. Suportado naman siya ng magulang kahit sa napakaliit na tyansa na maaaring nakaligtas ito. Because everyone knew, Julian Arevalo died a hero. Kaya isang napakalaking surpresa sa kanila
THE PRESENT“BAKIT pakiramdam ko kilala ko sila. It’s weird, they felt familiar.” Lumalim ang gatla sa noo ni Luke habang pabalik na sila sa kanilang Mesa. Hindi naman kasi talaga sila dapat pupunta sa party na ito kung hindi sa pangungulit ni Lucas. Apparently, he liked this girl. Kaya kinilala na rin nila ang magulang nito. Biglang tinambol ang dibdib ni Hera sa sinabi ng asawa. May koneksyon kaya ang mag-asawang iyon sa nakaraan ng ni Luke? Alanganin na ngumiti si Hera. “Love, kalma lang. We’ve been together for twenty years. Even our son is having a girlfriend. You’d still want to know your past?”“I want to be whole again, Love. Para bago man lang ako mamatay masagot ang napakaraming katanungan sa isip ko.”Tumango si Hera. “I will help you…”Bumalik na sila sa mesa pero nagpaiwan si Lucas na kausap pa ang magulang ni Tehani. Luke couldn’t get his eyes off Tehani’s mother. She was surely pretty, but there was something about her that he could not explain. Bakit malakas ang kab
NAPASIGAW si Julian nang tumama sa kanyang ulo ang matigas bagay. It was a ship debris. Naroon na siya sa speedboat at papaalis na siya. Kailangan niyang makabalik sa pampang. Pero dahil sa malakas na hagupit ng hangin at sa kanyang tama sa ulo ay nahihirapan siyang makagalaw. “Hirsch! Do you copy?” There was a faint static sound. Mas tinatalo ng lakas ng hagupit ng hangin ang tunog mula sa kanyang earpiece. Pinanatili niya ang natitirang katinuan bago pa siya maianod ng nangangalit na mga alon kaya itinali niya ang sarili sa speedboat. “Hirsch! Hirsch!” Pero isa pang debris ang tumama sa ulo niya at tuluyan na siyang nawalan ng malay. Milagro na maituturing na sa isang pribadong isla napadpad ang naghihingalong katawan ni Julian na sa awa ng diyos ay nanatiling nakatali sa speedboat. Habang sa hindi kalayuan ay may isang babaeng panay ang hikbi at sa sobrang sakit na kanyang nararamdaman ay gusto niyang lamunin na lang siya ng karagatan. She just got married. But her husband die
20 YEARS LATERABALA si Nikole sa pagiging Chairman ng CREC at malalaki na ang mga anak nila. She had another two kids with Kaden, isang lalaki at babae ang bunso. Sina Nikolas at Tehani. Ang panganay nilang si Kane ay siya na ngayong namamahala ng law firm. And kambal nilang si Callie at Juliette ay siya namang namamahala ng negosyo ng naiwan ng mga ama niyo. Si Nikolas naman ay mukhang susunod sa yapak ng ama na mag-aabogasya rin. Pero ang bunso nilang si Tehani… ay mukhang hindi pa alam kung saan ang patutunguhan.Nasa loob si Nikole ng kanyang opisina nang biglang pumasok ang madilim na mukha ni Kaden. Halos dalawang dekada na ang dumaan mula nang ikasal sila pero makisig pa rin ito. Alaga nito ang katawan kaya parang hindi ito tumatanda. “What’s wrong sweetheart?” takang tanong ni Nikole sa asawa.“Ang magaling mong bunso may boyfriend na!” Nanggigigil itong naupo sa receiving chair. Masyado itong protective sa bunso na namana yata ang taglay na katigasan ni Nikole noong kabata
NIKOLE and Kaden celebrated a wedding of a century makalipas ang tatlong buwan. Napakabongga niyon na ginanap sa Manila Cathedral. Halos lahat ng kilalang tao sa mundo ng negosyo ay imbitado roon.Litaw na litaw ang ganda ni Nikole sa suot nitong traje de boda na idinisenyo pa ng pinakasikat na fashion designer sa Europe. She was like a princess. Even Kaden looked dashing in his wedding suit. Every guest was mesmerized by them.Puno ng galak ang bawat pamilya nina Kaden at Nikole. Lalo na si Vicente na hindi napigil ang maluha habang hinahatid si Nikole sa altar. Tuwang-tuwa rin si Kane na laging pinamamalita sa school nito na may bagong mommy na siya. Kane was their ring bearer. He even made Noah his best friend. Naroon rin ang bata bilang coin bearer. Callie and Juliette were the most adorable flower girls. Nagsasaboy ang dalawa ng petals ng pulang tulips sa red carpet nang ginanap ang wedding entourage. Kulay pula at ginto ang motif ng kasal at punong-puno ng mga fresh flowers a
“MAMA Niki and Daddy are sleeping together!” halos mabulabog ang buong kabahayan dahil pa ikot-ikot si Kane na nag-sisisisgaw habang hila-hila ang kanyang saranggola. “Yehey, they are making a baby!” Nagulantang ang mga nakarinig. Habang si Ken ay halos about tainga ang ngiti habang nagkakape nang umaga ng iyon. But the olds pretended they didn’t hear it. Bumalikwas ng bangon si Nikole. Kanina niya sapo ang noo dahil sa kahihiyan. Sa dinamirami ng makaka kita sa kanila ay ang batang makulit na iyon pa. Akmang tatayo na siya nang bigla siyang pigilan ni Kaden. “Stay…” “Kade, you have seen what happened? Ano na lang sasabihin ng pamilya mo?” parang biglang nawala ang antok niya sa katawan. “They won’t mind, believe me. Baka nga sila pa ang unang mag-celebrate.” Nikole’s face burned. “But—” “No more buts.” Hinila siya nito pabalik at bigla na lang itong pumaibabaw sa kanya. “You’re really something. After all our acrobatic show last night, you could still walk?” pinalihmgian si