[WARNING: This story is a reverse harem and contains extremely explicit scenes. Read at your own risk.] Nikole Castellaneta is rich, stubborn, domineering, and a brat. Being an only daughter of a billionaire, she always gets what she wants. When her boyfriend cheated on her, she immediately got a new apple of the eye, Cross—her father's business consultant. She heard Cross doesn't have a penchant for virgins, and he never liked her. Little did he know, Nikole would do everything to bed him, by hook or crook. But her ultimate problem—she is inexperienced. Then she created a harem to enhance her sexuality. Nikole recruited Clive, a CEO of an architectural firm, and Julian, her bodyguard. She wants to learn the bedroom etiquette for Cross. Her best friend, Kaden, is totally against it. But she proceeds anyway. She hopes that her heart is ready, too. Because the consequences are unbearable to handle…
Lihat lebih banyak"THIS is it."
Huminga nang malalim si Nikole at nakagat niya ang pang-ibabang labi. Malakas ang kabog ng dibdib niya matapos iparada ang sasakyan sa garahe. Kinuha niya ang may katamtamang laki na kulay pulang maleta at hinila iyon papasok sa isang mataas na gusali.
Patungo siya sa condo unit ng kasintahang si Alex. May sarili siyang susi dahil binigyan siya ng spare key ng kasintahan. Bihira lang kasi itong umuwi roon at madalas siya ang gumagamit kapag may dinadaluhan siyang exhibit sa Manila.
Mahigit isang taon na rin silang magkasintahan ng lalaki at ito ang unang seryoso niyang naging nobyo. Ang iba ay flings lang at hindi naman seryoso. Masyado kasing strikto ang kanyang ama at ngayon lang ito lumuwag sa kanya dahil nasa legal age na raw siya. She just turned twenty-five last month at hindi na siya pinakikialaman ng ama sa usaping puso.
Hindi naman siya pumalag sa ginawang pagdidisiplina ng ama dahil nag-iisang anak siya at maagang kinuha sa kanila ang kanyang ina. Guilty din naman kasi siya dahil madalas niyang bigyan ng sakit ng ulo ang daddy niya dahil sa pagiging spoiled brat. Sanay siyang nakukuha ang gusto kaya laging lumilikha iyon ng gulo.
Napabuga ng hangin ang dalaga nang bumukas ang elevator sa ika-anim na palapag. Tahimik niyang hinila ang maleta. Laman kasi niyon ang ilang mahahalagang damit na gagamitin niya para sa kanyang binabalak.
Nito kasing nakaraang mga araw ay panay ang away nila ni Alex dahil ayaw niyang pumayag sa kagustuhan nitong may mangyari na sa kanila. He really wanted her to warm his bed. Seryoso naman daw ito sa kanilang relasyon at handa siyang pakasalan. Kaya bigla siyang nagdesisyon na pagbigyan na lang ito tutal naman ay nasa edad na naman siya at mukhang si Alex na ang lalaking nakatakda para sa kanya.
She wanted to surprise Alex as soon as he arrived from his business conference in Baguio. Tinawagan kasi niya ito kahapon bago siya nagdesisyon na pumunta rito sa unit kaya nakakasiguro siyang wala pa ito roon. Mamayang gabi pa ito makakabalik kaya siguradong magugulat ito sa mga gagawin niya.
I'm going to give you the night that you'll remember forever. She wickedly grinned. Pero halo-halo ang nararamdaman niya. Natatakot siya at na-eexcite sa mga maaaring mangyari. Marami siyang biniling sexy lingerie dahil gagamitin niya iyon sa kanyang surprise kay Alex. Kung alam lang nito kung anong klaseng paghahanda ang ginawa niya. She even watched tutorials on how to satisfy a man in bed.
Minsan tuloy gusto niyang pagsisihan kung bakit mas sinubsob niya ang sarili sa pag-aaral. Hindi naman siya inosente pagdating sa mga makamundong bagay pero hindi niya pa lang talaga nasusubukan. Panahon na siguro para matuto siyang suwayin ang mga values na nakasanayan niya. Hindi naman niya ipapahamak ang sarili.
Kinuha niya ang keycard sa kanyang purse. She swiped it into the keycard lock at mabilis naman iyong bumukas. Agad niyang binuksan ang ilaw at nagulat siya nang makitang magulo ang living room at nagkalat ang ilang bote ng alak. Awtomatikong napatingin siya sa nakasaradong pinto ng kuwarto at pinihit ang doorknob. Naka-lock.
Kinuha niya ang susi at binuksan ang pinto. Ibang klaseng kaba ang nararamdaman niya ngayon. At sana ay nagkakamali lang siya ng iniisip. But the unwanted thought in her mind and her instinct was never wrong.
Nanlaki ang mata ni Nikole at bahagya siyang napaatras nang tumambad sa kanya ang dalawang taong himbing na himbing na magkayakap sa kama at walang saplot.
Ang magaling niyang boyfriend may kasamang ibang babae! At mukhang masyadong nag-enjoy ang dalawa sa ginawa dahil hindi man lang natunugan ang kanyang presensya.
What the fuck? Naikuyom niya ang kamao. Ito pala ang business conference na sinasabi ni Alex—sleeping with this bitch! Mga manloloko!
Shit! Ilang sandaling hindi niya alam kung ano ang gagawin. Hindi siya eskandalosa kaya hangga't maaari ay ayaw niyang makaagaw ng atensyon ng ibang tao. Lalo pa at pangalan niya ang nakataya.
Napatingin siya sa water heater na nakapatong sa ibabaw ng dining table sa labas ng kuwarto. Ang sarap buhusan ng kumukulong tubig ang dalawa. But she held herself.
That's physical injury, Nikole. Mariing umiling ang dalaga. Muli ay napatingin siya sa dalawang baso sa tabi ng heater. Ano kaya kung itapon niya sa pader sa likod ng headboard ng kama ang mga babasaging baso? Tiyak na magugulat ang dalawang traydor na ito. Ang sarap pakainin ng bubog!
Muli niyang kinalma ang sarili.
Not a good idea either. Baka pagtulungan siya ng dalawa kapag nagising na ang mga ito.
She composed herself. She really felt numb. Halos namamanhid ang buong katawan niya sa sobrang galit na nararamdaman. Her boyfriend cheated on her! Iyon ang pinakahuling bagay na hindi niya inaasahang gagawin ng lalaki. Alex adored her so much.
She thought of the worst thing she could inflict on these two cheaters. Gusto niyang tadtadrin ng bala ang katawan ng dalawa. But doing that would make her a murderer. Hindi niya hahayaang sirain ni Alex ang buhay niya dahil sa panloloko nito sa kanya.
Nikole hardly shook her head. Alinman sa gagawin niya ay nagbabadya ng gulo at ayaw na niya ulit idawit ang pangalan ng ama sa isang iskandalo.
Kinuha na lang niya ang cellphone at tinawagan ang pinakamalapit niyang kaibigan—si Kaden. Isa itong abogado at puwede siya nitong bigyan ng magandang advise kung ano ang mabuting gawin. Kaden was her best friend at hinding-hindi siya nito ipapahamak.
"Yes, Niki?" kaswal na tanong ni Kaden mula sa kabilang linya.
"Alex cheated on me," kalmadong wika ng dalaga habang kuyom ang isang kamao. Sa malas ay talagang walang kamalay-malay ang dalawa na may ibang tao sa loob ng unit. Humihilik pa ang damuhong si Alex!
"What happened?" bakas ang pagtataka sa timbre ng boses ni Kaden.
"Nandito ako sa condo niya at naabutan kong may kayakap na babae sa kama—they were fucking naked. Sabihin mo at babarilin ko talaga ang mga 'to!" mahinang anas niya pero naroon ang diin.
"Relax. Lalaki lang 'yan, kapag ginawa mo 'yan iisipin ng mga tao na patay na patay ka sa Alex na 'yan. Gusto mo bang bigyan ng panibagong sakit ng ulo ang daddy mo?"
"Hindi ako papayag na basta na lang ganito." Nagtangis ang kanyang mga bagang. Muli niyang tiningan ang dalawang nahihimbing sa kama. Nakita pa niyang mas hinigpitan ni Alex ang pagkakayapos sa katawan ng babae.
Bigla niyang naramdaman ang pamamasa ng kanyang mata at paninikip ng dibdib. Kailangan niyang kontrolin ang sarili dahil tiyak na makakagawa na naman siya ng bagay na baka pagsisihan niya sa bandang huli.
"Take it easy, ganito ang gawin mo..." Inisa-isa ng binata ang gusto nitong ipagawa sa kanya at napaangat ang isa niyang kilay dahil sa mga sinabi nito.
"All right. Kaya ko 'yan, hindi ako sasabit at tingnan ko lang kung saan sila pulutin."
"Dumeretso ka dito sa opisina ko kapag nagawa mo na ang mga 'yan. Bye." She heard him giggled before the line went dead.
TAHIMIK na naglakad ang dalaga patungo sa closet ni Alex. Iilang piraso lang ng damit ang naroon at may nakasabit na dalawang towel. Kinuha niya ang lahat ng mga damit sa closet at isinilid sa kanyang maleta. Pinulot niya ang mga nagkalat na damit ng babae sa sahig habang suot ang kitchen gloves. Dinala niya ang underwear nito sa kusina at pinaggugupit niya sa maliliit na piraso gamit ang kitchen scissors. Maging ang bra nitong mamahalin ay hindi rin niya pinatawad.
Sunod niyang pinakialaman ang mga cellphone ng mga ito at binabad sa mainit na tubig. Maging ang linya ng internet connection sa unit ay sinira niya at ginupit niya ang mga cable wires. Kahit ang linya ng telepono na nakakabit sa gilid ng pinto at ginupit din niya. At lahat ng damit na puwedeng maisuot ng dalawa ay pinagkasya niya sa kanyang dalang maleta. Dadalhin niya ito sa labas para walang maisuot ang dalawa.
Tingnan ko lang kung saan kayo pulutin pagkagising n'yo. Gamitin n'yo ang kurtina para maging saplot! Fuck each other to hell!
Nangangalaiti talaga siya habang kinukunan ng picture ang pagkakahimbing ng dalawa. Gagawin niyang ibidensya iyon kung sakaling magkagipitan dahil sa mga ginawa niya ngayon.
Nang masiguro na niyang nagawa niya nang walang kahirap-hirap ang mga dapat gawin. Taas noo niyang isinuot ang dark sunglasses at lumabas ng condo unit habang dala-dala ang maleta.
Kahit masamang-masama ang loob niya ay nakuha niyang ngumiti. Kahit paano ay nakaganti siya sa panloloko ng lalaking iyon. She was the goddess, Nikole Castellaneta. Men craved for her attention. Maraming lalaki ang magpapakamatay para sa isang ngiti niya lang!
Die in hell cheaters! Isang sulyap ang iniwan niya sa mataas na gusali ng condo unit ni Alex. Simula sa araw na ito, wala nang lalaki ang maaaring manakit sa kanya. Sisiguruhin niyang siya naman ang maglalaro at magpapaikot sa kanila. Lintik lang ang walang ganti!
FAMILY REUNIONNAGTIPON ang lahat sa pahabang mesa sa loob ng mini library sa bahay. Kaden was explaining the situation and Nikole would support him with information. Ipinaliwanag nila kung ano ang hindi inaasahan na pangyayari noong debut ni Tehani. “In short, Lucas’ father is… Uncle Julian?” hindi makapaniwala si Kane. Although he couldn’t remember the man, puno ng pictures sa bahay na magkasama sila habang karga siya nito noong bata pa. “Now I know why Teha is not here. She’d surely freak out.”Hindi mapakali si Juli sa kinauupuan. Parang hindi agad natanggap ng kanyang sistema ang mga sinabi ng magulang. Buhay ang ama niya. Pero ang masaklap ay hindi sila nito makikilala. Pero kahit isang yakap lang sana, okay na siya roon. Matagal nang nag-iipon si Juli ng impormasyon tungkol sa pagkawala ng ama. Suportado naman siya ng magulang kahit sa napakaliit na tyansa na maaaring nakaligtas ito. Because everyone knew, Julian Arevalo died a hero. Kaya isang napakalaking surpresa sa kanila
THE PRESENT“BAKIT pakiramdam ko kilala ko sila. It’s weird, they felt familiar.” Lumalim ang gatla sa noo ni Luke habang pabalik na sila sa kanilang Mesa. Hindi naman kasi talaga sila dapat pupunta sa party na ito kung hindi sa pangungulit ni Lucas. Apparently, he liked this girl. Kaya kinilala na rin nila ang magulang nito. Biglang tinambol ang dibdib ni Hera sa sinabi ng asawa. May koneksyon kaya ang mag-asawang iyon sa nakaraan ng ni Luke? Alanganin na ngumiti si Hera. “Love, kalma lang. We’ve been together for twenty years. Even our son is having a girlfriend. You’d still want to know your past?”“I want to be whole again, Love. Para bago man lang ako mamatay masagot ang napakaraming katanungan sa isip ko.”Tumango si Hera. “I will help you…”Bumalik na sila sa mesa pero nagpaiwan si Lucas na kausap pa ang magulang ni Tehani. Luke couldn’t get his eyes off Tehani’s mother. She was surely pretty, but there was something about her that he could not explain. Bakit malakas ang kab
NAPASIGAW si Julian nang tumama sa kanyang ulo ang matigas bagay. It was a ship debris. Naroon na siya sa speedboat at papaalis na siya. Kailangan niyang makabalik sa pampang. Pero dahil sa malakas na hagupit ng hangin at sa kanyang tama sa ulo ay nahihirapan siyang makagalaw. “Hirsch! Do you copy?” There was a faint static sound. Mas tinatalo ng lakas ng hagupit ng hangin ang tunog mula sa kanyang earpiece. Pinanatili niya ang natitirang katinuan bago pa siya maianod ng nangangalit na mga alon kaya itinali niya ang sarili sa speedboat. “Hirsch! Hirsch!” Pero isa pang debris ang tumama sa ulo niya at tuluyan na siyang nawalan ng malay. Milagro na maituturing na sa isang pribadong isla napadpad ang naghihingalong katawan ni Julian na sa awa ng diyos ay nanatiling nakatali sa speedboat. Habang sa hindi kalayuan ay may isang babaeng panay ang hikbi at sa sobrang sakit na kanyang nararamdaman ay gusto niyang lamunin na lang siya ng karagatan. She just got married. But her husband die
20 YEARS LATERABALA si Nikole sa pagiging Chairman ng CREC at malalaki na ang mga anak nila. She had another two kids with Kaden, isang lalaki at babae ang bunso. Sina Nikolas at Tehani. Ang panganay nilang si Kane ay siya na ngayong namamahala ng law firm. And kambal nilang si Callie at Juliette ay siya namang namamahala ng negosyo ng naiwan ng mga ama niyo. Si Nikolas naman ay mukhang susunod sa yapak ng ama na mag-aabogasya rin. Pero ang bunso nilang si Tehani… ay mukhang hindi pa alam kung saan ang patutunguhan.Nasa loob si Nikole ng kanyang opisina nang biglang pumasok ang madilim na mukha ni Kaden. Halos dalawang dekada na ang dumaan mula nang ikasal sila pero makisig pa rin ito. Alaga nito ang katawan kaya parang hindi ito tumatanda. “What’s wrong sweetheart?” takang tanong ni Nikole sa asawa.“Ang magaling mong bunso may boyfriend na!” Nanggigigil itong naupo sa receiving chair. Masyado itong protective sa bunso na namana yata ang taglay na katigasan ni Nikole noong kabata
NIKOLE and Kaden celebrated a wedding of a century makalipas ang tatlong buwan. Napakabongga niyon na ginanap sa Manila Cathedral. Halos lahat ng kilalang tao sa mundo ng negosyo ay imbitado roon.Litaw na litaw ang ganda ni Nikole sa suot nitong traje de boda na idinisenyo pa ng pinakasikat na fashion designer sa Europe. She was like a princess. Even Kaden looked dashing in his wedding suit. Every guest was mesmerized by them.Puno ng galak ang bawat pamilya nina Kaden at Nikole. Lalo na si Vicente na hindi napigil ang maluha habang hinahatid si Nikole sa altar. Tuwang-tuwa rin si Kane na laging pinamamalita sa school nito na may bagong mommy na siya. Kane was their ring bearer. He even made Noah his best friend. Naroon rin ang bata bilang coin bearer. Callie and Juliette were the most adorable flower girls. Nagsasaboy ang dalawa ng petals ng pulang tulips sa red carpet nang ginanap ang wedding entourage. Kulay pula at ginto ang motif ng kasal at punong-puno ng mga fresh flowers a
“MAMA Niki and Daddy are sleeping together!” halos mabulabog ang buong kabahayan dahil pa ikot-ikot si Kane na nag-sisisisgaw habang hila-hila ang kanyang saranggola. “Yehey, they are making a baby!” Nagulantang ang mga nakarinig. Habang si Ken ay halos about tainga ang ngiti habang nagkakape nang umaga ng iyon. But the olds pretended they didn’t hear it. Bumalikwas ng bangon si Nikole. Kanina niya sapo ang noo dahil sa kahihiyan. Sa dinamirami ng makaka kita sa kanila ay ang batang makulit na iyon pa. Akmang tatayo na siya nang bigla siyang pigilan ni Kaden. “Stay…” “Kade, you have seen what happened? Ano na lang sasabihin ng pamilya mo?” parang biglang nawala ang antok niya sa katawan. “They won’t mind, believe me. Baka nga sila pa ang unang mag-celebrate.” Nikole’s face burned. “But—” “No more buts.” Hinila siya nito pabalik at bigla na lang itong pumaibabaw sa kanya. “You’re really something. After all our acrobatic show last night, you could still walk?” pinalihmgian si
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Komen