“Di ba sinabi ko na sayo, Joaquin, h’wag mo na ako tatawagin sa pangalang ‘yan?” Mariing sambit ni Natalia habang nakangiti sa doktor na ngayo’y nasa harap na niya.
Kahit sino mang nakakakilala kay Natalia rito sa Pilipinas, siguradong lahat sila’y magtataka kung bakit bigla itong sumulpot pagkatapos ng pitong-taon na halos wala itong paramdam. Siguro ang mas tamang tanong ay… “Buhay pa pala ang isang Natalia Costaleon?”
Walang nakakaalam ng pinagdaanan nito noong nakaraang mga taon. Pa-sikreto itong umalis ng bansa sa tulong ni Joaquin, na siyang naging kaibigan niya simula noong insidente sa ospital sa probinsya pitong-taon ang nakalilipas. Ngayong nasa Maynila na sila, magkasama pa rin ito sa iisang ospital ngayong naging doktor na rin si Natalia Costaleon.
Ngunit kahit walang nagsasalita sa kanilang dalawa ngayon dahil busy magpalit ng damit si Natalia para mag-opera sa mga pasyente nito, bahagyang namamawis ang noo ni Joaquin dahil sa matagal na panahon ay muli silang nagkita ni Natalia.
Hindi pa nito nasasabi nang buo ang nangyari 7 years ago. Kahit alam nito na walang naaalala si Natalia sa trahedyang naganap noon, wala pa rin siyang lakas na sabihin ito nang harapan. Ni hindi nagawang magtanong ni Joaquin kung sino ang mga nag-alipusta kay Natalia noon.
Ang alam lang nito, kailangan niyang mapanatili ang kapayapaan sa isip ni Natalia.
Nang mapansin nito ang kaniyang sarili na nakatulala na sa babaeng nasa harap nito, mariin niyang inayos ang kaniyang tindig. “Sorry naman, Dra. Allyson Costaleon.” sambit nito gamit ang ipinalit na pangalan ni Natalia.
Sa ibang tao, Allyson ang pangalan nito. Costaleon pa rin naman ang kaniyang apelyido dahil hindi na niya ito nagawang papalitan sa ibang bansa.
“Anyway, nabanggit ko na sayo kung sino ang pasyente mo, tama? Pitong-taong gulang, nag-iisang anak ni Mr. Harrington. Kailangan mong maging maingat sa operasyon dahil malaking pera ang itinulong sa ospital na ito ng pamilya nila.” paalala ni Joaquin.
Nagsusuot na ng damit pang-opera si Natalia at pagkatapos ay itinali ang kaniyang buhok. “Pantay-pantay ang trato ko sa mga pasyente ko kaya walang dahilan para ipaalala mo sa akin ‘yan. Parang hindi mo naman ako kilala, Joaquin. Gagalingan ko rin sa operasyong ito… teka, sinong Harrington?”
“Mr. Maxwell Harrington? Yung kilalang negosyante.”
H-Harrington?
Napatigil si Natalia sa pag-aayos ng kaniyang buhok at bahagyang umupo sa lamesa ng opisina ni Joaquin. Kahit naka-face mask na siya ngayon ay kitang-kita pa rin sa kaniyang mga mata ang pagka-bagabag sa mga narinig.
Hindi nito akalain na pagkatapos ng mahabang panahon, magtatagpo pa rin ang kanilang mga landas. Tulad ng ginawa ni Joaquin para kay Natalia, maging si Natalia mismo ay hindi nagsalita patungkol sa dati nitong asawa para tuluyan na niya itong makalimutan.
Nanatili itong tahimik kaya’t nagtanong muli si Joaquin. Dahil nga hindi nagsabi si Natalia at hindi rin nagtanong si Joaquin tungkol sa nangyari noon, hindi nito alam ang ugnayan ni Natalia at Maxwell.
“May anak si Maxwell?” gulat na gulat na tanong ni Natalia.
“Oo, isang lalaki na pitong-taong gulang na. Nabanggit ko naman sayo kanina ‘di ba?”
Hindi makapag-isip nang matino si Natalia. Ang alam nito, may isang anak siya kay Maxwell na ngayon ay itinatago niya malayo sa ama. Kung magkakaroon naman ito ng anak sa ex-wife nito bago pa man ang relasyon nila, dapat 9 years old na ito.
Kung mayroong anak si Maxwell na pitong-taong gulang, kasabayan ito ng pagbubuntis ni Natalia sa anak nito. “S-Sinong ina? Kilala mo?”
“Si Olivia Harrington ang ina.”
Nagpantig ang tainga ni Olivia at saka pinigilan ang mga mata na maluha. So gano’n pala ang mga nangyari. Tama nga naman. Kahit noon ay alam naman ni Natalia kung sino ang kabit ng asawa niyang si Maxwell.
Si Olivia Costaleon, panganay nitong kapatid. Mukhang Olivia Harrington na ang pangalan nito pagkatapos mag-asawa muli ni Maxwell.
Matamlay na binitawan ni Natalia ang kaniyang buhok at saka nagsalita. “Joaquin, sorry, pero mukhang hindi ko kayang ituloy ang operasyon na ito.”
Napakunot ang noo ni Joaquin at saka umupo sa tabi ni Natalia. “Bakit? Hindi ba’t pumayag ka na rin naman noong i-send ko sayo ang impormasyon tungkol kay Tristan?”
“B-Basta… masama pa rin ang pakiramdam ko dahil sa jetlag. Kahapon mo lang ako pinauwi galing abroad, ‘di ba?”
“Pinauwi kita para gawin ang operasyong ito… tapos ngayon ay bigla kang tatanggi?”
Hindi na nagsalitang muli si Natalia at lumabas na lang ng opisina ni Joaquin. Agad din siyang hinabol ni Joaquin dahil walang ibang doktor ang makasisiguradong magiging successful ang operasyon kundi si Natalia lamang.
“Dra. Allyson, kailangan mong gawin ito!” tawag ni Joaquin habang hinahabol si Natalia. Sinigurado nitong ‘Allyson’ na ipinalit na pangalan ni Natalia ang itatawag nito kapag sila’y nasa labas at may ibang tao.
Sa ‘di kalayuang lugar, narinig ni Maxwell na gustong iwan ng doktor ang operasyon ng kaniyang anak kaya nag-init ang ulo nito. Nakahanda na ang operating room pero wala pa ring doktor hanggang ngayon? Tiningnan nito ang dalawang bodyguard niya at sa isang segundo, tila alam na ng mga ito ang gagawin.
Hinabol ng dalawang bodyguard si Joaquin at ang doktor na hinahabol nito. Sa isang iglap, hawak na nila ang isang babaeng naka-puting damit at tila ni isa sa kanila ang nagsalita.
Sa lugar kung nasaan sila ngayon, kaunti lang ang tao. Hindi pa man nakakalingon si Natalia ngunit alam na niya kung sino ang mga ito.
Maxwell Harrington.
Iniayos ni Natalia ang kaniyang tindig at kalmadong humarap sa dalawang maskuladong lalaki na pumigil sa kaniya. Sa likuran ng dalawang ito, papalakad ang dati niyang asawa na tila galit na galit sa kaniya.
Hindi napigilan ni Natalia na i-kuyom ang kaniyang kamao dahil sa galit kay Maxwell. Hindi maitatago ng face mask ang galit sa kaniyang mga nanlilisik na mata hanggang sa makalapit ang lalaking kinaiinisan niya.
“Mr. Harrington, biglang sumama ang aking pakiramdam kaya hindi ko magagawa ang operasyon ng inyong anak. H’wag kayong mag-alala dahil may iba pa namang magagaling na doktor sa ospital na ito. Pupuntahan ko na sila ngayon.” mariing sambit ni Natalia habang sinusubukang maging kalmado.
Ngunit walang pakialam si Maxwell sa kaniyang narinig. Kung para sa kaniyang anak, gagawin niya ang lahat. Kahit pa kaladkarin itong doktor na nasa kaniyang harap ngayon, gagawin niya pa rin para lang maisalba sa panganib si Tristan.
“Paano kung kaladkarin kita papunta sa operating room at gawin ang surgery, anong gagawin mo?”
Napangisi si Natalia ngunit hindi naman ito nakita ng iba dahil sa face mask niya. Sa isip-isip nito, hindi pa siya nakikilala ni Maxwell dahil na rin sa nakaharang sa kaniyang mukha. Kahit naiinis, sinubukan niyang kumalma at inisip na hindi na siya si ‘Natalia’ na tinapak-tapakan nila noong nakaraang pitong-pitong taon.
Sa harap ni Maxwell, Dra. Allyson Costaleon na ang pangalan nito. Inayos ni Natalia ang kaniyang tindig at saka nagsalitang muli.
“Kahit patayin mo pa ko ngayon, hindi ko gagawin ang operasyon na ito.”
Tahimik ang buong silid. Ang malamig na ihip ng aircon ang tanging naririnig sa pagitan nilang mag-ina. Si Liam, nakaupo sa gilid ng kama, nakatungo ang ulo at halatang hindi mapakali. Ang mga paa niya ay bahagyang nakalambitin sa sahig, na tila hindi alam kung saan dapat ilagay.Samantalang si Natalia, nakatayo pa rin malapit sa pintuan, nakasandal sa dingding na parang kailangan niyang suportahan ang sarili mula sa bigat ng emosyon na nararamdaman niya. Ang tingin ni Natalia ay nakatuon kay Liam, pero ang isip niya ay naglalakbay sa kung saan. Pilit niyang inuunawang mabuti ang sitwasyon habang pinipigilan ang nagbabadyang pagsabog ng kanyang galit at kaba. Ang lahat ng itinayo niyang pader para protektahan si Liam, ang mga sikreto at sakripisyong ginawa niya, parang nagkaroon ng malaking butas na hindi niya maayos sa isang iglap.Hindi siya makapaniwalang nandito ngayon ang kanyang anak sa ospital, ang lugar na pinilit niyang iwasan nito sa takot na matuklasan ng mga Harrington an
Hindi makapaniwala si Lucia sa kanyang naririnig at nakikita. Ang batang nasa harap niya—si "Tristan" na tahimik at masunurin sa lahat ng pagkakataon—ngayon ay sigaw nang sigaw, umiiyak, at gumagawa ng eksenang hindi niya kailanman naisip na mangyayari. Napatitig siya sa sahig kung saan humandusay ang bata, nakakunot ang noo habang sinusubukang intindihin kung ano ang nangyayari."Tristan, ano bang ginagawa mo? Tumigil ka nga diyan!" galit ngunit halatang nagtatakang tanong ni Lucia habang inilalapit ang sarili sa bata, pilit na iniintindi ang sitwasyon.Ngunit si Liam, na sa isip niya’y kailangang maituloy ang pagpapanggap upang tuluyang mapaniwala ang lahat, ay mas lalong nagpakababa ng boses, nanginginig at tila nawawala sa katinuan. "Tama na po! Tama na po! Ayoko na po! Maawa kayo!" "Tristan, anong sinasabi mo?! Hindi kita sinaktan! Tumigil ka nga sa kalokohan mo!" sigaw ni Lucia, tila naubusan na ng pasensya ngunit hindi pa rin makapaniwala na ang bata ay nagpapakita ng ganitong
Pagpasok ni Lucia sa kwarto, nakita niya ang inaakala niyang si Tristan na nakahiga sa kama, balot na balot ng kumot mula ulo hanggang paa. Mataas ang kanyang kilay, at bakas sa mukha niya ang iritasyon. Inilapag niya ang dalang bag sa maliit na mesa malapit sa kama at marahang lumapit. Tumigil siya sa gilid ng kama at tinitigan ang kumot na mahigpit na nakabalot sa bata."Tristan," tawag niya nang mababa ngunit matalim ang tono, "alam kong gising ka. Tumigil ka na sa drama mo."Walang reaksyon mula sa ilalim ng kumot. Tumikhim si Lucia, pilit pinipigil ang iritasyon, at lumapit pa nang bahagya. Tinapik niya ang bata sa balikat, maingat ngunit may bahid ng paninita."Hoy, Tristan. Huwag mo akong lokohin. Alam kong hindi ka tulog," dagdag niya habang pinipilit ang sarili na maging kalmado. Ngunit kahit ano pa ang sabihin niya, nanatili si Liam sa ilalim ng kumot, pilit pinapakalma ang sariling tumitibok nang mabilis ang puso.Napangiwi si Lucia, nawawalan na ng pasensya. "Talaga, ha? G
Lumabas na sina Natalia at Tristan mula sa VIP ward kung saan sila pansamantalang nananatili. Ang malamig na simoy ng hangin mula sa air-conditioning ay tila bumalot sa kanilang katawan habang naglalakad sa mahabang pasilyo ng ospital. Sa labas ng kwarto, may mga nars na abala sa pag-aasikaso ng kanilang mga pasyente. Ang ilan ay nagmamadaling may dala-dalang mga clipboard, habang ang iba naman ay marahang tinutulak ang mga wheelchair ng mga nakangiting pasyente. Ang tunog ng rubber shoes na dumudulas sa makintab na tiles ng ospital ay naging background noise sa tila tahimik na umaga.Kahit tila abala ang lahat sa ospital, nananatili pa ring kalmado ang kapaligiran. Ang bawat hakbang nila Natalia at Tristan ay tila sinasalubong ng malamlam na liwanag mula sa mga fluorescent lights sa kisame. Hinawakan ni Natalia ang kamay ni Tristan, bahagyang iniakay ang bata habang maingat silang naglalakad patungo sa psych department.“Okay ka lang ba, Tristan?” tanong ni Natalia, bahagyang tumigil
Mataas na ang araw nang magising si Maxwell. Ramdam niya ang init ng sinag ng araw na sumisilip sa manipis na puting kurtina, dahan-dahang pinupuno ang kwarto ng banayad na liwanag. Parang nagbibigay ito ng bagong simula, isang pagkakataon upang makapagpahinga mula sa mga problema ng kahapon. Ang malamig na hangin na nagmumula sa aircon ay bumabalot sa buong silid, nagbibigay ng komportableng temperatura na tila sumasalungat sa init ng araw. Malinis at tahimik ang paligid, tanging ang tunog ng banayad na hilik ni Tristan ang maririnig.Umupo si Maxwell sa gilid ng kama, hinihilot ang sariling batok at marahang umikot ang balikat upang alisin ang tensyon mula sa pagtulog sa hindi komportableng posisyon. Ang kanyang mga mata ay tumingin sa anak niyang mahimbing pang natutulog. Payapa ang mukha ni Tristan, tila wala itong anumang alalahanin. Ngunit para kay Maxwell, ang tahimik na sandaling ito ay puno ng pag-aalala. Hindi pa rin nawawala sa isipan niya ang mga nangyari sa bata nitong mg
Paglabas ni Natalia mula sa banyo, dama ang malamig na hangin na sumalubong sa kanyang balat. Nakadamit na siya, suot ang isang simpleng ngunit elegante na cotton dress na hanggang tuhod ang haba. Ang kulay nitong mapusyaw na peach ay bumagay sa kanyang makinis na kutis, habang ang bahagyang v-neckline nito ay nagpakita ng kanyang collarbone nang walang labis na pagpapakita.Ang damit ay niyakap ang balingkinitang hubog ng kanyang katawan nang perpekto, sapat upang ipakita ang kanyang natural na ganda ngunit nanatiling disente. Ang kanyang buhok ay basa pa mula sa paliligo, at ang mga hibla nito ay kumikinang habang tumutulo ang tubig sa dulo. Nakayapak siya habang marahang naglakad palabas.Pagtingin niya sa kama, nakita niya si Maxwell na nakahiga nang komportable, ang ulo’y nakasandal sa unan habang may bahagyang ngisi sa kanyang labi. Nakasuot ito ng itim na sando, ang malalapad nitong balikat at ang defined na muscles sa braso ay litaw na litaw. Nakatingin ito kay Natalia, tila s
Naririnig ang patak ng tubig mula sa shower habang nakapikit si Natalia, dinadama ang bawat agos ng maligamgam na tubig na dumadaloy sa makinis niyang balat. Kakaibang ginhawa ang hatid nito matapos ang mahabang araw.Sa loob ng banyo, ang marmol na dingding ay nagre-reflect ng ilaw mula sa soft-lit vanity lamp sa ibabaw ng salamin. Malinis ang paligid, tahimik maliban sa tunog ng tubig, na parang nag-iimbita ng pagkakataong magpahinga.Inabot ni Natalia ang bote ng lavender-scented shampoo at dahan-dahang nilagyan ang buhok. Habang hinahagod niya ito, napansin niya ang kanyang sariling repleksyon sa malapad na salamin sa harapan. Ang mahabang araw na pag-aalaga kay Tristan at ang dami ng emosyon na naramdaman niya ay tila nakaukit sa bawat linya ng kanyang mukha. Ngunit sa kabila nito, nandoon pa rin ang kakaibang tikas at alindog.Bilang isang doktor, alam niyang mahalaga ang pag-aalaga sa sarili, at makikita ito sa bawat aspeto ng kanyang anyo. Ang kanyang balat ay makinis at banay
Tahimik ang gabi sa VIP ward kung saan naka-check-in si Tristan. Ang iilang tunog ng aircon at ang mahina't marahang paghinga ng bata ang tanging naririnig. Kakapatulog lang ni Natalia kay Tristan matapos itong magreklamo ng kaunting pananakit sa tiyan. Maingat niyang inayos ang kumot nito, sinisiguradong hindi maipit ang galaw ng bata habang natutulog. Sinilip pa niya ang noo nito upang tiyaking hindi na ito nilalagnat. Nang masiguradong maayos na ang lagay ni Tristan, bahagya siyang napabuntong-hininga.Ngunit kahit tapos na ang mga gawaing kailangan niyang asikasuhin para kay Tristan, tila hindi siya makaramdam ng ginhawa. Kahit pa malamig ang silid at wala namang ibang ingay bukod sa mahinang tunog ng aircon, ramdam niya ang bigat sa kaniyang dibdib. Siguro’y dahil na rin sa presensya ni Maxwell, na abala sa lamesa malapit sa kama ng bata. Hindi niya maiwasang mapansin ang tahimik ngunit mabuway na tensyon sa pagitan nilang dalawa, kahit wala silang direktang pag-uusap. Nakaupo s
"Anong sinasabi ng iba tungkol sa atin?"IYAN ANG tanong ni Maxwell, nakakunot ang noo habang nakatitig kay Natalia. Kita sa kaniyang mukha ang seryosong pag-aalala at bahagyang pagkabigla.Tumingin si Natalia sa pinto, tila nag-aalangan kung dapat ba niyang sabihin ang totoo. Ngunit alam niyang hindi na niya maiiwasan ang tanong na iyon. Huminga siya nang malalim bago nagsalita. "Maxwell, palaging may mga mata at tainga dito sa ospital. May mga usap-usapan na... na baka may higit pa sa pagitan natin kaysa sa dapat. Alam mo naman kung gaano kabilis kumalat ang mga gano'ng bagay."Saglit na natahimik si Maxwell, ang tingin nito ay tila malayo. "Hindi ko inaasahan 'yan," aniya, halos pabulong. "Akala ko ayos lang ang lahat. Hindi ko alam na ganito na pala ang tingin nila sa'yo."Napabuntong-hininga si Natalia, pilit na pinipigilan ang sarili na maging emosyonal. "Hindi ko sinasabi 'to para sa'yo, Maxwell. Sinabi ko 'to dahil kailangan kong protektahan ang sarili ko... at si Tristan. Ayo